Posted tagged ‘school days’

Reunion: Part 2

December 4, 2008

Klasmeyts

Home is a place you grow up wanting to leave, and grow old wanting to get back to.  ~ John Ed Pearce

Still remember REUNION Part 1: 3-Way Journey? I guess you forgot what was that about. Anyways, you don’t need to remember it. I’m just asking. lols.

It has been ten years (if my memory is doing its job well) since we left Cavite, the place where I grew up and enjoyed my childhood days the most. And unfortunately, I wasn’t able to set foot again to the place that I consider my hometown. I’ve always been excited to go back and reminisce my childhood days, those that I’d never want to lose and the memories that I’ve been holding on to for the last few years. [Nuff said. Ingles-Inglesan ends here].

Habang tumatagal lalo akong nai-excite bumalik dun. Ewan ko ba. Malaki lang siguro ang naging impluwensya nung lugar sa childhood ko. Dun lang naman ako nagasgasan ng tuhod habang nag-aaral magbike. Dun ako muntik malunod habang nag-aaral lumangoy. Dun ako muntik mabungi dahil sa paglalaro sa may puno ng kawayan. Napaka-memorable talaga ng lugar, di ba?

Ang sarap balikan nung time na wala akong iniintindi kundi magpalipad ng saranggola, magtampisaw sa ilog, maghanap ng gagamba, umakyat ng puno ng mangga, santol, bayabas, duhat, sinegwelas, chico, papaya, sampalok. Ayun! Parang may fruit salad na. lols.

At dahil dun din ako unang nag-aral, dun nabuo yung tinatawag na educational foundation ko. lols. Masaya na ko nun pag bumibilli ng tira-tira sa canteen. Madalas din akong maglaro ng teks at pog at umabot pa sa isang karton ng gatas ang collection ko nun. lols. Naging masaya din ang school life ko kahit pano. Ang dami kong naging kaibigan na halos kasa-kasama ko araw-araw – sa laro, sa kainan, at sa marami pang trip.

Kaya ganun na lang ang lungkot ko nung umalis kami. Masyado na akong na-attach emotionally sa lugar (sigh). Di man lang ako nakapagpa-alam sa mga kaibigan ko nun. Para akong nawala nang parang bula. I vanished in thin air ika nga. lols. Wala man lang silang ideya kung buhay pa ko nun.

Konti na lang sa mga klasmeyts ko ang natatandaan ko. Blame it on my poor memory. Basta alam ko Harold at Mary Ann ang pangalan ng mga bespren ko nun. Di na nga ako umasang matatandaan pa nila ako. Last year, August 2007 siguro, nagbaka-sakali akong isearch sa Friendster ang profile ni Harold. Akalain mo’t sinwerte ako. May pakinabang din pala talaga ang Friendster. Dun kami nagkakumustahan at nagkapalitan ng number. At mula dun, nahanap ko rin ang iba kong long-lost klasmeyts. hehe         

LEX: oi, pare musta na? c lex 2.
MACOY: ok lang naman. kw ba?
LEX: ok lang din. and2 ko cebu ngaun.
MACOY: cnu2 p b naalala mo sa mga clsm8 natn?
LEX: konti na lang eh – sila harold, mean, kc (crush ko nun), margie, jerry, mary ann, at genevieve
MACOY: ah ok. may grand alumni kc d2 sa dec eh.
LEX: nasabi nga rin sa kin ni lovely eh (isa pang clasm8). ngkta-kta p b kau jan?
MACOY: d ko na nkkta iba nating clsm8 eh. di ko na kc maalala kung cnu2
LEX: eh si harold? (bespren ko nun)
MACOY: ninong ako ng anak nun. lage nga akng niyykg mg-inom eh. hehe
LEX: buti na lang naala2 mo pa ko.
MACOY: iniicp ko nga nun kung cno ka e.
LEX: ako yung payat at medyo singkit. hehe.
MACOY: oo biyak pa yung buhok mo nun. naala2 kta dhl sa class pic (*err, ang panget ng hairstyle ko nun*)
LEX: hehe. ako nga yun. hehe. pwdng humingi ng copy nung class pic?
MACOY: cge hanapin ko tas scan ko na lng
LEX: ok, thanx pare
MACOY: cla armando at lester tanda mo pa?
LEX: uhm, familiar c lester.
MACOY: cguro nman si matthew klala mo
LEX: oo nman. d ko mkklimutan kc may “trademark” yun eh. hehe (clue: *may luga si matthew nun*)
MACOY: sikat yun sa skul eh. hehe.
LEX: oo nga eh dhl dun sa “trademark” nya. pero mabait naman yun.
MACOY: mbait nga un. blita ko nsa ibang bnsa n un eh.
LEX: tlga? alam ko klala nya ngturo sa min ng sayaw nun.
MACOY: ah oo. mga katropa nya yun eh.
LEX: sabi ko na nga b eh. naka2-miz tlga skul natn.
MACOY: mdme na din ngbgo sa skul eh. ung ibang mga teachers wla na. ung ibng bldngs e bago n.
LEX: eh si ma’am ng22ro p b?
MACOY: retired na si ma’am pro nkkta ko pa xa. mnsn pmpnta sa bhay, bnebentahn ako ng chinelas! (*ayun may sideline pa si ma’am. hehe*)

HAROLD: hello? musta tol? inuman kami ngayon.
LEX: talaga? ayos ah! nktxt ko pa lng si macoy.
HAROLD: ganun ba. ninong ni Liam yun eh.
LEX: sbi nga nya. sayang di rin ako nakapag-ninong.
HAROLD: ok lang yun. next time na lang.
LEX: hehe. tagal mong di nagparamdam ah.
HAROLD: medyo busy eh. nanganak pa lng si misis eh.
LEX: kaya pala. musta baby nyo?
HAROLD: ok nman. pa2bnygan namin sa dec. ninong ka ha.
LEX: cge ba. kelan ba binyag?
HAROLD: sa dec (*nakalimutan ko ang date*)
LEX: naku, baka di ako umabot. sa reunion pa dating ko eh.
HAROLD: sayang. bsta pag pumunta ka d2 kht sa bahay ka tumuloy.
LEX: salamat pare. kita-kits na lang jan.

LEX: musta? naalala mo pa ba ko?
LOVELY: syempre naman. san ka nga pala ngaun?
LEX: sa cebu ko work. tgal kong di nakabalik jan
LOVELY: bkt namn? dec na lng pra reunion mak2ta mo pa ibng clsm8s natin. klala mo ba si roy [insert family name here]? sya kc naga-ackaso. sabi nya dec 24 dw.
LEX: di ko na sya matandaan eh. bsta confirm nyo na lng. si aileen ba a-attend?
LOVELY:  pag pinayagan ng asawa nya. cge upd8 na lng kta.
LEX: may asawa na pala c aileen? (*ouch!*)
LOVELY: yup, nung may lang.
LEX: may pic pa kya sya nung parade dati (*escort ako ni aileen nun*)
LOVELY: d ko alam kasi lumipat n cla ng haus. bka sembreak pa uwi ko dun. bgay ko na lng # nya sau. 0920*******
LEX: ok, thanx. txt ko sya l8r.

LEX: musta po? lex here. clsm8 mo nung elem.
AILEEN: oi, musta na? san ka ngaun?
LEX: ok lng nman. sa cebu ako ngaun. may copy k p ba ng pics natin nung parade? ang kyut ko pa dun no? (*wag sana akong tamaan ng kidlat*)
AILEEN: nsa kin pa din ung pix. bkt mlki na ba pngbago mo? bt ang layo mo? jan ka ba lumipt dati? (*dahan-dahan lang mahina ang kalaban*)
LEX: uhm, medyo panget na ko ngaun eh. hehe. work lang ako d2.
AILEEN: may ipa-panget ka pla (*sus naman, ang epal. hehe*). ang lau mo naman. ngkta ba kau ni lovely?
LEX: indi sa FS lang. nktxt ko knina tas binigay # mo.
AILEEN: ano bng email add mo? bgy mo sa kin mtingnan kung ano na itsura mo ngaun (*hmm, wag na lang kaya*).
LEX: [insert my emaill add here]. add mo na lang ako.
AILEEN: cge. naalala mo pa ko? tagal na nun eh.
LEX: syempre nman (*kaw pa, eh…eh…wag na nakakahiyang sabihin eh*)

Parang ang daming flashback na nabuo sa isip ko. Andun yung cute pa ko at naging escort ni Aileen nung United Nations’ Month parade. Yung nagsecond honor na lang ako dahil sa halos isang buwan kong absent nung umuwi kami sa probinsya nung mamatay ang lolo ko. Yung napunit ang salwal ko nung final rehearsal namin ng sayaw na “Tootsie Roll”. lols. Yung hiya ko nung pinasayaw kami ng folk dance na di ko na naalala kung ano (pero salamat kay Macoy na walang memory gap at naalalang “Cariñosa” yun). Yung nabasag nila Macoy yung salamin namin sa room nun. Yung argumento namin ni Harold kung pano ipo-pronounce and word na “accent”.lols.      

That was nostalgia at its finest. At the end of those conversations, I smiled knowing that their memories are as good as mine. And what made me smile more is the fact that I was never forgotten despite of my absence for almost a decade. lols. Yeah, some things have changed. Some of my classmates  have their own families, careers, and new set of friends now. But one thing remained intact – the friendship that we once had. And now that our school reunion is set, I won’t miss my chance to see them once again! Woot!

Every parting is a form of death, as every reunion is a type of heaven.  ~ Tryon Edwards

Advertisements

Reunion: Part 1

September 9, 2008

3-Way Journey

Only few of you, my blogger friends, know that I grew up in Cavite. Since some of you expressed interest in knowing my three-way (Leyte-Cavite-Cebu) journey, this would be the tell-all three-part story.haha. It’d be better to tell this here than to send hundreds of SMS whenever someone asks me. hehe.

We actually moved to Cavite in the late 80’s for reasons I can’t completely remember. I was just four years old then and I was just attending my day care classes when we left. 

I skipped nursery and kindergarten and attended Grade 1 three years after. Can I say I was accelerated? hehe. I didn’t like the first school (it’s actually called primary school) because we share the same room with the Grade 2 pupils. There was only one teacher and she was teaching all of us alternately. That was I think “multitasking”. I kept complaining that I won’t learn that way. 

After few days, my parents transfered me to a bigger (or normal) public shool. I liked it there, finally. I had my firsts, of course. My first 100 points in the exam which is usually a big deal for parents. And many other firsts. The school became a playground and a learning place for me at the same time. School days were fun because of my classmates. I actually had different set of classmates every school year. Heck, I can’t even remember all of them, especially the one who got me into a fight when I was in Grade 3 and the boy scouts who confiscated my “teks” . But I also ahd some good classmates who outnumbered the bullies, those who became my good friends.

Time passed by so quickly. We had to go back to Leyte, which I consider a strange place since I haven’t been there for so many years. I was totally brainwashed, thinking that I’m a pure-blooded Caviteno. All of my memories from Leyte were wiped out. I got upset when we went back because I already considered Cavite as my hometown.

One…two…three…four

I kept counting the years. But I really never had the chance to go back to Cavite. My parents did but I had a fat chance ’cause I was already attending high school. At first, I freaked out at school ’cause I only knew a little “Waray”.

Five…six…seven…eight

Four years have passed and I finished high school. I went to a university in Tacloban City. Met new classmates for the next 4 years. Studied this and that. Basicallly, I became busy with the absence of my friends, classmates, and relatives in Cavite. But there was never a day that Cavite didn’t cross my mind.

Nine…Ten…

At long last I earned a a bachelor’s degree after another 4 years. My initial plan is that I’ll work in Manila so I’ll be nearer to Cavite. But unfornately, my parents didn’t like the idea. Being the bunso in a brood of four, my parents want to see me every time they want to. hehe. As a masunurin son that I used to be, I did what they told me to do and decided to work in Cebu instead.

I’ve been here for more than a year. And as expected, I go home most of the times. But not to my “real”  home. Would I still be able to go back “home”? Would I still be able to meet old friends and relatives?

(to be continued…)

 

 

Achy Freaky Voice

July 2, 2008

“But don’t tell my heart,
my achy breaky heart,
I just don’t think he’ll understand.
But if you tell my heart,
my achy breaky heart,
he might blow up and kill this man”

Nagulat ako nang marinig ko ang mga linyang yan habang tahimik akong nakaupo sa loob ng isang mabaho, maingay, ay mala-impyernong internet cafe. Nagpanting ang mga tenga ko dahil sa nakakairitang boses na narinig ko. Ako nga na mala-Neyo ang boses di ganon kalakas ang loob kumanta in public sya pa kaya? hehe.

Nilingon ko kung san nanggaling ang alingasaw alingawngaw na muntik nang bumasag sa king eardrums at muntik nang umubos sa king mahabang pasensya. Buti na lang isa ako sa mga hangal na naniniwalang “Patience is a virtue” haha.

Isang binatilyo parang na-possess ang nakita kong kumakanta. May hawak syang papel na marahil ay print out ng lyrics ng kanta. May plano yatang sumali sa Singing Bee. Bagay nga sa kanya yun dahil “Di bale nang sintu-sinto sintunado basta tama lang ang lyrics mo”. Para din syang PDA scholar na inaaral ang kanta para sa susunod na Gala Performance Night. Gusto ko nga sana syang turuan ng proper breathing at diction at i-masahe na rin ang panga  gaya ng ginagawa ng voice mentor sa PDA. haha.

Pinagtinginan sya ng mga tao sa cafe pero dedma lang ang hinayupak. Ala syang paki sa ibang tao at parang sinasadya nyang bulabugin ako sa pagba-bloghop. hehe.

Dahil di mataas ang tolerance level ko sa noise pollution, pinakiusapan ko na lang ang assistant sa cafe na kabitan ng headset ang computer na ginagamit ko. Aktwali, di lang naman yun ang dahilan kung bat ako nagpakabit ng headset. Gusto ko din kasing pakinggan ang podcast ni Kuya Bosing. Bumaba naman blood pressure ko nang pakiggan ko wholesome jokes ni Manong Badudels. hehe. Di nya man mababasa to, igi-greet ko na din sya. Belated Happy Bertdey, Kuya Bosing!

Balik sa kanta. Parang pamilyar sa kin yon eh. I could never forget that song. Tama! Achy Breaky Heart by Billy Ray Cyrus. Yun ang pini-play na kanta pag nagi-exercise kami sa school pagkatapos ng flag ceremony. Elementary pa ko nun sa Cavite. Ang lupet ng square dance na tinuro sa min para sa exercise na yun. ahehe. Medyo masaya naman kasi sabay-sabay sumasayaw ang mga estudyante (excluding the latecomers). Pati nga din mga titser na gusto pang mag-burn ng makakapal na taba at frustrated sumeksi eh nakikisabay din. Kung may Youtube na nun malamang sumikat din school namin sa pinakamaraming estudyante na nagsayaw nang sabay-sabay. Pero mas marami pa rin ang inmates sa Cebu. Naisip ko tuloy, noon pa man mas marami nang gustong makulong kesa sa mag-aral. haha.

This song is quite sappy but it reminds me of my school days. Naasar ako dahil sa pagkakanta ng binatilyong yun, at di dahil ayokong marinig ang kanta. I just wanted him to give justice to the song.hehe. Napaka-unpredictable ko talaga. Haayyy…may mga kanta talagang nagbabalik ng mga memories pag naririnig mo – malungkot man o masaya, nakakatawa man o nakakaiyak.

Wala akong karapatang pigilan ang sinuman kung gusto nilang bumirit dahil karapatan nila yun. Ang sa kin lang, may tamang lugar para sa kantahan. Maging sensitibo naman sana sila sa mga taong nasa paligid nila. Matuto silang makiramdam kung ang ginagawa ba nila eh nakakatuwa o nakakabulahaw na. hehe.