Posted tagged ‘Pinoy Idol’

Couch Potato

May 26, 2008

TV ang madalas kong kaharap pag weekend. Wala kasi akong ibang magawa sa boarding house. Kasama ko naman ang pinsan ko pero di ko sya maramdaman. We live in the same house but we seldom talk. I dunno what’s wrong. Di ko alam kung di nya ako gusto o ayaw nya lang talagang pag-aksayahan ako ng laway.hehe.

Wala syang ginawa kundi matulog maghapon. Ano kaya problema nun? Di naman ganun yun dati. Pero ngayon kahit halos impyerno sa init ang kwarto eh nakukuha pa ring matulog. Hmmm…May nabuo tuloy akong agam-agam. Di kaya preggy ang pinsan ko?  Hayaan na lang natin sya. Malalaman ko din yun sa takdang panahon. Sa ngayon, itutuloy ko na gusto kong isulat.

Home buddy ako pag andito ako sa Cebu. Kaya nakagawian ko na ang pagbababad sa harap ng TV. Telebabad ika nga nila. TV lagi ang pampalipas-oras ko. At least, nakaka-entertain, educate, at inpsire pa. LOL. Ayan inubos ko na yata ang functions ng TV.

Naikwento ko na sa dati kong posts ang pagiging adik ko sa SURVIVOR. Eto yung dati kong kinahuhumalingan sa Studio 23. Pero natapos na din ang rerun ng Survivor: Cook Islands three weeks ago. Halos maiyak pa nga ako nun eh. hehe.  Nang matapos yun, naghanap-hanap na rin ako ng ibang shows na pagaaksayahan ko ng oras.

Napakadaming shows na pagpipilian. Pero may mga palabas talaga na makakuha ng atensyon mo. Kanya-kanyang trip lang yan. At eto ang mga shows na pinanood kolast weekend.

SIGNOS

I watched this documentary feature on Q TV. This was actually a replay because this was previously aired on GMA. I don’t prefer the news programs and documentaries on GMA but this one caught my attention. Inabangan ko talaga to since makita ko yung teaser. Sana ganito na lang ang gin awa naming dokyu sa TV and Radio Production class namin nun at hindi yung tungkol sa misyonaryo ng Mormons na tinawag naming “Misyon”. hehe.

Napaka-timely kasi at napakahalga ng topic. Two thumbs ako sa dokyu na to kasi it’s well-researched at well-done. Everything was based on facts. Eye opener to para sa lahat ng indibidwal sa mundong to.  They presented facts that I never thought were associated with global warming. Nakakapangilabot malaman na ganun na kalala ang epekto ng global warming. Sana naman eh maagapan pa natin ang lumalalang environmental problems gaya nito. I hope that some people spent an hour watching this documentary.

PINOY IDOL

Tumawa kayo kung gusto nyo akong pagtawanan pero pinanood ko talaga to. I used to watch reality-based talent searches. Gusto ko kasing makakita ng mga contestants na halos tumalsik ang epiglottis at malunok ang microphone sa pagbirit. LOL. Sa halos isang oras na pag-ere ng show, di ko man lang namalayan na tapos na pala. Para lang akong dumaan sa videokehan at nakinig sa mg tambay na kumakanta. Ewan ko pero di ako na-amaze sa performances ng contestants.  Opinyon ko lang naman to. You’re welcome to express your own thoughts. The show itself was not impressive. Try to watch it and observe what the show is like.

HIGH SCHOOL MUSICAL

Kahit High School Musical 1 & 2 eh pinatulan ko rin. Feeling ko tuloy eh bumalik ako sa pagiging tinedyer. LOL. Well, that was 5 years ago. I was young ONCE. So far I enjoyed the High School Musical week on Studio 23. I didn’t expect that I would be entertained by these movies. I had a great time watching kahit panay ang channel-hopping ko.

Ang saya talagang manood ng TV. Minsan hahagalpak ka sa kakatawa at minsan naman eh maiiyak ka sa drama. Meron ding shows na nakaka-asar at nakaka-irita. But above all, there are programs that can widen our horizons. Kaya kaibigan, tara telebabad tayo!

 

 

 

Advertisements