Posted tagged ‘musika’

Kailan

September 1, 2008

The title is one of Ereaserheads’ hits in the 90’s. I’m actually listening to it right now. And I think I don’t really need to say why I’m writing this post. Yeah, yeah, yeah. I’m a proud fan of Eheads.

Maraming beses ko na ring pinangalandakan sa blogosperyo yan. Bata pa lang ako eh sinasabayan ko na mga kanta nila. Hanggang ngayon laman pa rin sila ng playlist ko. Kung may mga kanta siguro na di ko pagsasawaan, sa kanila yun.

Masaya ako nung mabalitaan ko na may reunion concert sila. Pero alam ko na nun na di ako makakapunta. Walking distance lang kasi ang Manila at Cebu. Nevertheless, naging masaya na rin ako para sa ibang fans ng Eheads. Gaya ko, alam kong sabik na rin silang makitang tumugtog ulit nang kumpleto ang pinakasikat na banda nun.

Nangyari nga ang reunion concert nung Sabado. Frustrated mode ako nun kaya gumala na lang ako. Hindi ko na inisip yung concert kasi mai-inggit lang ako kina Chie at Ate Lenggai na alam kong di magpapahuli sa concert. Matagal ko na ngang sinabi kay Chie na i-share sa kin pics nya sa concert. Para sa pictyur man lang eh, maranasan ko yung certain “high”, yung feeling na nasa “Alapaap” ka habang pinapanood mo mga idol mo sa bihirang pagkakataon.

Once in a lifetime lang mangyayari ang reunion concert ng Eheads kaya nakakalungkot isipin na yun pa ang nangyari sa concert. I mean, di natapos dahil sa naging kondisyon ng bokalistang si Ely. “Hypokalemia” daw yun, medical condition kung saan mababa yung concetration ng potassium sa dugo. Kung matatandaan nyo may heart problem din sya dati. In fact, he underwent angioplasty procedure last year.

Alam ko nabitin yung libu-libong fans (at di masyadong fans). Ganun talaga eh, may mga pangyayaring di maiiwasan. Nakakapang-hinayang nga lang kasi kinailangang itigil yung concert. Pero maging masaya na lang tayo na kahit sa maikling panahon eh nakita ulit natin sila sa concert. Kahit ilang minuto lang itinagal ng concert, naging masaya naman tayo. Ipagdasal na lang natin ang paggaling ni Ely. Sana magkaroon ulit ng reunion concert kasi techinally di naman natapos. Itutuloy pa ba nila yung concert? Kailan?

Napakabata ko pa nang makilala ang Eheads. Di ko pa nga kayang bumili ng tapes nun. Di pa rin ako nakapanood ng concert nila hanggang ma-disband na nga sila. Di ko nga alam kung mararanasan ko pa yun. Makakapanood pa ba ko? Kailan?