Posted tagged ‘Achy Breaky Heart lyrics’

Achy Freaky Voice

July 2, 2008

“But don’t tell my heart,
my achy breaky heart,
I just don’t think he’ll understand.
But if you tell my heart,
my achy breaky heart,
he might blow up and kill this man”

Nagulat ako nang marinig ko ang mga linyang yan habang tahimik akong nakaupo sa loob ng isang mabaho, maingay, ay mala-impyernong internet cafe. Nagpanting ang mga tenga ko dahil sa nakakairitang boses na narinig ko. Ako nga na mala-Neyo ang boses di ganon kalakas ang loob kumanta in public sya pa kaya? hehe.

Nilingon ko kung san nanggaling ang alingasaw alingawngaw na muntik nang bumasag sa king eardrums at muntik nang umubos sa king mahabang pasensya. Buti na lang isa ako sa mga hangal na naniniwalang “Patience is a virtue” haha.

Isang binatilyo parang na-possess ang nakita kong kumakanta. May hawak syang papel na marahil ay print out ng lyrics ng kanta. May plano yatang sumali sa Singing Bee. Bagay nga sa kanya yun dahil “Di bale nang sintu-sinto sintunado basta tama lang ang lyrics mo”. Para din syang PDA scholar na inaaral ang kanta para sa susunod na Gala Performance Night. Gusto ko nga sana syang turuan ng proper breathing at diction at i-masahe na rin ang panga  gaya ng ginagawa ng voice mentor sa PDA. haha.

Pinagtinginan sya ng mga tao sa cafe pero dedma lang ang hinayupak. Ala syang paki sa ibang tao at parang sinasadya nyang bulabugin ako sa pagba-bloghop. hehe.

Dahil di mataas ang tolerance level ko sa noise pollution, pinakiusapan ko na lang ang assistant sa cafe na kabitan ng headset ang computer na ginagamit ko. Aktwali, di lang naman yun ang dahilan kung bat ako nagpakabit ng headset. Gusto ko din kasing pakinggan ang podcast ni Kuya Bosing. Bumaba naman blood pressure ko nang pakiggan ko wholesome jokes ni Manong Badudels. hehe. Di nya man mababasa to, igi-greet ko na din sya. Belated Happy Bertdey, Kuya Bosing!

Balik sa kanta. Parang pamilyar sa kin yon eh. I could never forget that song. Tama! Achy Breaky Heart by Billy Ray Cyrus. Yun ang pini-play na kanta pag nagi-exercise kami sa school pagkatapos ng flag ceremony. Elementary pa ko nun sa Cavite. Ang lupet ng square dance na tinuro sa min para sa exercise na yun. ahehe. Medyo masaya naman kasi sabay-sabay sumasayaw ang mga estudyante (excluding the latecomers). Pati nga din mga titser na gusto pang mag-burn ng makakapal na taba at frustrated sumeksi eh nakikisabay din. Kung may Youtube na nun malamang sumikat din school namin sa pinakamaraming estudyante na nagsayaw nang sabay-sabay. Pero mas marami pa rin ang inmates sa Cebu. Naisip ko tuloy, noon pa man mas marami nang gustong makulong kesa sa mag-aral. haha.

This song is quite sappy but it reminds me of my school days. Naasar ako dahil sa pagkakanta ng binatilyong yun, at di dahil ayokong marinig ang kanta. I just wanted him to give justice to the song.hehe. Napaka-unpredictable ko talaga. Haayyy…may mga kanta talagang nagbabalik ng mga memories pag naririnig mo – malungkot man o masaya, nakakatawa man o nakakaiyak.

Wala akong karapatang pigilan ang sinuman kung gusto nilang bumirit dahil karapatan nila yun. Ang sa kin lang, may tamang lugar para sa kantahan. Maging sensitibo naman sana sila sa mga taong nasa paligid nila. Matuto silang makiramdam kung ang ginagawa ba nila eh nakakatuwa o nakakabulahaw na. hehe.