BeD Weather

Posted August 4, 2010 by beero™
Categories: beero's intoxicated thoughts, beero's life

Tags: , ,

Napapadalas na ang pag-ulan ngayon. Halos araw-araw eh bumubuhos ang malakas na ulan. Sabi nga eh it’s raining elephants and dinosaurs. Este, cats and dogs lang pala.

Naalala ko nung summer eh sobrang inantay ko ang rainy season kasi di ko na matiis ang sobrang init. Dahil nga pogi lang ako at hindi ako mayaman, cannot afford akong palagyan ng aircon ang kwarto ko. Napakalaking GOODLUCK sa pagtulog nun kasi para akong nasa loob ng pugon dahil wa epek ang electric fan.  But I feel I’m freakin’ hot.  Minsan nga sa sleeping quarters na ng opisina ako natutulog para may libreng aircon. Akala tuloy ng officemates ko sa opisina na ko nakatira. Yun ang tinatawag na at home sa office.

And now here comes the rain. Eureka! Wala na akong gaanong problema sa init. Init na lang ng ulo at katawan. Noong isang araw nga lang eh umatake si Domeng at syempre todo-ulan kaya binaha ang daan papuntang office. Sobrang congested ng kalsada kaya bumper to bumper ang  traffic. Sinubukan kong pumasok pero di kinaya ng powers ng kili-kili ko kasi alam kong di magiging praktikal yun. Siguradong tatlo hanggang apat na oras ang biyahe na 15 minutes lang normally. Pag nagkataon para na akong lantang kabute pagdating sa office. Kaya ayun nangyayari ang pinaka-aasam kong pag-absent. Dahil nga nakakamiss matulog pag umuulan, hilata agad ako pag-uwi ng apartment. In no time, naghihilik na ko at super tulo na ang matamis kong laway. Takaw-tulog mode agad. Nakakatamad talagang pumasok pag umuulan eh. Pag umuulan gusto ko lang humilata at magpakasawa sa pagtulog. Sarap ng feeling na nakahiga ka lang sa malambot na kama at may katabing chicks na kamukha ni Christine Reyes at Angel Locsin at sinusubuan ka ng ubas. Hay, kung ganun eh gusto ko na maging bed-ridden. Lol. Eto po ay pawang imahinasyon lamang at malayong mangyari sa totoong buhay.

Alam ko marami din ang natutuwa sa madalas na pag-ulan ngayon. Yung mga taong kapos sa tubig at walang pambuhos ng toilet bowl. Yung mga taong naliligo lang pag umuulan. Yung mga batang trip magtampisaw at maligo sa tubig-baha. Yung mga emo na may ‘I love walking in the rain because nobody knows I’m crying’ na emote. Yung mga taong nakakarelate  sa ‘Basang-basa sa Ulan’ ng Aegis.  At higit sa lahat yung mga magsing-irog na trip maghabulan habang umuulan at may cheesy halikan at yakapan. Parang isang eksena lang sa pelikula ni Lloydie at Sarah G. Yun eh nung magkabalikan sila sa A Very Special Love. Kilig to the bones di ba? Ngayon, maniwala kang di ko napanood yun. Pfft!

Pero eto ang mas malupet. Pansin nyo ba na karamihan sa mga sex scenes sa pelikula eh ginagawa habang umuulan? Di ko nga magets kung bat ganun eh. Lemme guess. Siguro malamig lang kaya kelangan ng something hot. Something really hot. Tipong umuulan at may long shot ng lead characters na naghahabulan sa ulan. Tapos close up ng kissing scene at kakargahin ng leading man ang leading lady papasok ng kwarto. And to setup the mood, insert natin to,

Minsan pa ulan bumuhos ka’t h’wag nang tumigil pa
Hatid mo ma’y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko’y umaapaw,
Damdamin ko’y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka…

Pagkatapos fade in sa kamay na magkahawak sa ibabaw ng kama. Tapos na ang love scene. Nakakabitin di ba?

Pwede namang ikaw na ang magtuloy nun. It’s up to you how you would turn a bad weather to bed weather. And since maulan ngayon mga marekoy at parekoy, wag kalimutang magdala lagi ng payong o kapote para makaiwas sa sakit at unexpected pregnancy. Sabi nga ni pareng Binoy, ‘bago umaksyon magproteksyon!’

Nakaw Po!

Posted July 9, 2010 by beero™
Categories: beero's intoxicated thoughts, beero's life, beero's misadventures

Hindi ko alam pero madalas akong mabiktima ng magnanakaw. Minsan tuloy napapaisip ako, mukha ba akong mayaman o tanga lang talaga ako? Nagtanong lang ako. Okay, I know it boils down to my stupidity. Di mo naman kelangang sagutin lalo na kung di rin maganda isasagot mo kaya ako na rin ang sumagot sa sarili kong tanong.

Nakakabwisit lang kasi sa bait (ehem) at gwapo (ehem ulet) kong to, may mga taong gusto akong pagsamantalahan. Di naman ako madamot eh. Mapagbigay ako. Nadadaan naman ako sa maayos na usapan. Kung gusto mo ng pera, bibigyan kita. Kung gusto mo ng isang bagay, ibibili kita. Kung gusto mo ang katawan ko, tara na sa Sogo!

Seriously, di ako madamot pag may pera ako.  I share my blessings kahit gano kakonti. Pag may humaharang sa kin sa sidewalk at nanghihingi ng pamasahe pauwi binibigyan ko ng P7. Wag lang yung tipong pangbook ng flight pauwi ng probinsya at ibang usapan na yun. Pag may gustong mangutang, madali din akong kausap. Yung officemate ko umutang sa kin tatlong buwan bago ako binayaran. Kung di ko pinadalhan ng death threat wala pa yatang balak magbayad yun.

Pero kahit anong gawin kong kabutihan, I won’t be good enough. Mabibiktima din talaga ako ng mga salot na magnanakaw. Halos lahat naman tayo eh narasan ng manakawan; pera, bolpen, pagkain, ulam, brief, kotse. Mula siguro sa piso ang halaga hanggang sa milyon, depende sa pangangailangan ng letseng magnanakaw. Sa magkasunod na linggo eh naging biktima ako ng mga makakati ang kamay.

Sa office…
Ninakaw na naman ang headset ko. For the nth time, may adik na namang nagnakaw. Usong-uso talaga ang nakawan ng headset sa office. Kasing-uso ng pagriresign dahil sa pressure sa pagbibenta ng laman. Sana lang di na manakaw ang pangatlo kong headset dahil libu-libo din ang halaga nun. Kung magkataon bawas sa makukuha kong backpay yun pag magresign ako. Wala akong hinala kung sino pero wag ko lang sana mahuli sa akto ang salarin at siguradong di ako magdadalawang-isip itali sa leeg nya ang chord ng headset. Gusto ko na nga sanang paghinalaan yung mga chicks na bumebeso sa kin bago umalis ng office. Baka nagiguilty kaya may kiss ako bago umalis. Ehem.  Hindi sana ako mananakawan ng headset kung nagi-issue sa kin ng locker ang kumpanya. Lagpas isang taon na ko dito pero wala pa din akong headset. WTF! &*£$%=+^”! Minsan nga naiisip kong magresign na lang. Pero dahil kelangang maging praktikal, di baleng walang locker basta kumita lang. Saka may naisip na akong solusyon. Pwede ko namang itago sa back pocket ng bag ko at dalhin sa labas ang headset. Wag lang akong papahuli sa guard at siguradong ligwak ako.

Sa boarding house…

Nabibiwisit ako sa boarding house ngayon. May bagong boarders kasi sa kwartong katabi ng sa kin. Hindi lang isa, dalawa o tatlo. Apat silang lahat at may katulong pa na nandun maghapon. Kulang na lang ng ama at one BIG happy family na sila. Okay lang naman sa kin yun kahit pagkasyahin nila sarili nila sa room for one at magmukha silang sardinas sa loob basta wag lang sana silang mambulabog at umastang sila lang ang tao sa boarding house na yun dahil kung tutuusin eh di naman talaga sila mukhang tao [evil grin]. Hehe. Pero di lang yun ang sentiment ko. Hindi pa umabot ang isang linggo mula nang lumpat sila eh nawalan agad ako ng milyon mahigit isang libo. Nasanay kasi ako dati na hindi naglalockng pinto pag nalililigo sa baba. Di ko nga namalayang may pumasok sa kwarto at nakialam sa wallet ko. Saka ko lang nalaman na kulang na pera ko nung kelangan ko ng mag-abot ng pamasahe sa driver ng FX. Laking pasalamat ko na lang at di inubos ng nagnakaw yung laman ng wallet ko. May konting awa pa yung hinayupak. Ayokong magbintang pero yung katulong ang primary suspect ko. Malakas din kasi kutob ko na pati betlogs ko gusto nyang nakawin. Kaya ngayon eh maximum security na sa kwarto ko. Balak ko na nga ding palagyan ng hidden camera para ala-Hayden Kho ang dating. Kung sakaling ko mahuli ang mga magnanakaw na yun siguradong bugbog-sarado. Ngipin lang nila ang walang latay. I’ll give them a dose of their own medicine. Rawr. Kelangan nilang  pagbayaran ang ginawa nila. Guillotine ang aabutin nila sa akin. Uhm, teka napaka-gore naman yata nun. Eto na lang [Wapak! Blag! Plak! Bog! Kaboom!]

Kaya kayo konting ingat din sa mga magnanakaw. Mahirap na magtiwala ngayon. Alam nyo naman nagkalat sila sa lipunan, meron sa mga boarding house, office, at iba pang lugar. They’re everywhere. Parng langaw lang. Alam ko nanakawan na rin kayo. Kaibigan tara kwentuhan tayo!

WB to WP!

Posted June 26, 2010 by beero™
Categories: beero's intoxicated thoughts, buhay lasenggo

Surprise!

Sori naman. Wala akong ibang maisip na intro sa entry na to kaya pagpasensyahan nyo na ang pagiging creative ko.

Ang tanong eh, nasurprise naman ba kayo? Well, siguro nakakasurprise kasi ilang dekada akong nawala sa blogosphere. Sa tagal kong di nakapagpost eh muntik ko nang makalimutan ang password ko. Nakailang subok muna ko bago ko naalalang ang password ko sa WP eh pogiako123. [kaboom]

Sa katangahan ko nga eh, nadelete na tong blog ko kung di matino yung kasunod kong gumamit ng PC sa pantry namin nung last time na log in ako. Nag-iwan na nga ng message sa Drafts ko yung mokong. May friendly reminder pa. Arrgh!

Nakalimutan mong ilog out ito!
Sayang ito kapag may nang gago! Close mo next time ha!
Tsk tsk tsk! Bad boy! 🙂

Ewan ko kung ano nangyari sa kin. All of a sudden eh nawala ang drive ko sa pagsusulat. Oo, mawala na ang drive na yun wag lang ang sex drive. Ampf. Blame it all to my effin’ work. Since nagcall center ako ulet di na ko makakuha ng oras sa pagbablog. Kahit anong gawin ko eh kulang pa rin ang oras kong gawin ang mga gusto ko. Dahil nga call boy call center agent ako, walong oras akong babad sa telepono, bawi ng walo hanggang sampung oras na tulog sa umaga. Kain, 15 mins. Ligo, 20 mins. Toothbrush, 5 mins. Bihis, 10 mins. Biyahe, 15 mins. At yung ibang bagay na di ko pwedeng banggitin dito, wag nyo na alamin dahil pwedeng quickie yun. Pag weekend naman, inom at gala ang inaatupag ko. Gudtaym and all that.

Nawalan talaga ako ng oras para magblog. Masakit man sa kili-kili pero kinailangan kong mamahinga ng ilang buwan. I needed some space. I needed oMe ganun? But now I realized that I have to make a choice. Kelangan kong pumili. Would I spend my time being with my girlfriend or updating my blog? Disregard nyo lang yung question kasi walang konek yan sa susunod kong sasabihin. Ngayon kelangan kong gawin ang isang malaking announcement na bubulaga sa sambayanang Pilipino at gugulantang sa madlang pipol. Tutal matagal na ring inactive tong blog ko, nagdesisyon na akong…

BUMALIK!!!…

Oo, tama ang nabasa mo. Sa laki ng font na nasa taas ewan ko n a lang kung magkamali ka pang basahin yan. Matuwa ka man o hindi sa yong nabasa, wala na akong magagawa dun. Sabi nga eh, whether you like it or you like it more.

It feels good to be back. Well, di naman talaga ako nawala eh. Pasilip-silip lang ako sa mga blog nyo. Stalker lang ang dating. Namboboso sa blog. Ayoko din namang umabot ng one year ang hiatus ko. The last time I checked, September pa yung huling post ko, bago ako naging certified Ondoy Survivor.

Yun nga ang nangyari nung mawala ako. Nakaligtas sa killer flood. Eto dagdagan pa natin ha. Naregular sa trabaho kahit sobrang daming lates at abscences. Nakabili ng bagong laptop. Nadukutan ng wallet na may lamang 20k sa MRT. Nakabuntis pero walang asawa. Nanakawan ng nakasampay na brief. Nagkalagnat. Lalong gumwapo. Kayo na bahala magdecide kung alin sa mga yun ang totoo. At higit sa lahat lalo yatang lumaki ang beer belly ko. Kaya wag kang mangahas na makipagpalakihan ng tyan at tiyak talo ka.

Special mention kay FB na nagwall post sa FB ko at nangulet na bumalik na ko sa blogosphere. Parang may Oplan Anti-Hiatus yata sya. Request granted FB. Eto na ko at nagbabalik. Yehba! Reopening na to ng blog ko. Parang naluging beerhouse lang at nagbukas ulet. Kung may pera nga lang ako eh ililibre ko kayo ng tig-isang bote ng Red Horse (libreng plugging na to). Sa ngaun eh drawing muna yung beer. Cheers!

OT

Posted September 17, 2009 by beero™
Categories: Uncategorized

Buhay pa pala ang blog na to at buhay pa pala ang numero unong lasenggo na si Beero. Whoah! Kelan ba yung huling update ko? Nung isang taon pa siguro. Muntik ko na ngang makalimutan ang password ko sa WP at halos di ko na alam kung san hahanapin ang “Posts” dahil medyo marami na ring nagbago sa WP mula nung mawala ako. Buti nga may tinatawag na ressurection kaya eto ulet ako nagbabalik mula sa future. Oo parang si Henry de Tamble lang dun sa “Time Traveler’s Wife”. Napanood nyo ba? Di ko napanood eh. lols.

Anyways to cut the long intro short, minsan ko na lang madalaw ang blog na to dahil medyo busy ang online drinking buddy nyo ngaun. Oo B-U-SY. Akalain nyo yun. Career. Lovelife (make believe). Sexlife (make believe ulet). Pero pramis busy talaga ako sa work ngayon.

Sino ba naman ang di mabi-busy pag six days a week kang pumapasok sa opis. 2 weeks nang ganun ang sched ko. Wala naman akong magawa kundi sundin ang sched na ginagawa ng workforce. Nakakaasar lang kasi parang pingalalaruan nila ang sched ko. Minsan off ko Sat-Sun tapos magiging Fri-Sat. At mula nga last week naging isa na lang ang off ko. Kumusta naman yun? Kahit naman siguro sinong empleyado magrereklamo sa ganun unless mukhang pera at malupet ang pangangailangan. Tao lang ako napapagod din. Gusto ko lang namang magkaroon ng 2 days na off bawat linggo. Okay lang sana na gulpuhin nila ako sa pagtake ng calls basta sobrang taas ng sales conversion ko. Eh ngayon nga na isa lang ang naclose kong sale out of 45 calls eh. At least may benta naman kahit pano.hehe.

Nakakapagod magtawag minsan. Nakakabingi, nakakaasar, at nakaka-nosebleed. Mahirap makipag-usap sa mga Briton. Yun pa lang napakalaking challenge na. Kelangan magfake ng British accent. Minsan nga palagay ko tuloy pareho na kami ng accent ni kuya Manny. Ya know. lols. Madalas din akong makipag-away sa customers lalo pag mahirap paliwanagan at yung tipong nangungulet lang at wala naman talagang balak kumuha ng product. Yung pag sinabi mong 14 pounds yung broadband eh sasabihing mahal. Eh samantalang 14 pesos lang yun sa Pinas. lols.

Pero may good calls naman minsan. Okay yung feeling pag natutulungan mo yung customer na magkaroon ng service na gusto nila. Pero syempre bago yun kelangan mo munang makipagbolahan at mang-uto para makaclose ns sale. Kanya-kanyang diskarte kumbaga. Kahapon nga may customer akong matanda. Nagshare sa kin tungkol sa “Planet X” thingy. Nagtanong sa kin kung alam ko raw. Aba malay ko. Buti kung XXX yan at siguradong alam ko. lols. Yung 2012 prediction pala yun. Mas lalo akong nawindang nung tinanong ako kung ano ang contingency plan ng client namin sakaling magkatotoo yun.haha. Naman! Di tinuro sa min yun. Sinabi ko na lang sa kanya di ko alam at para may rapport naman sabi ko sa kanya manood na rin ng movie na “2012” na irerelease this November.lols. Normal na rin sa kanila ang magsabi ng “cheers” bago maghang up. Iniisip ko tuloy maraming Briton ang lasenggo at laging may hawak na beer. Kewl!

Kanina lang may nakausap akong Pinay na OFW sa UK. Nurse sya dun. Nakakatuwa lang kasi first Pinoy sya na nakausap ko sa work. Napakacasual ng usapan namin. Ganun pala talaga pag may kausap kang kababayan sa abroad. Nakaka-overwhelm at nakaka-excite. Gustong-gusto ko na nga sanang mag-tagalog kaso hindi pwede. Lagot ako sa QA. Natatawa na lang ako kasi nagta-tagalog sya. Kumuha sya ng broadband sa kin. Niloloko ko nga sabi ko add ko sya sa Friendster. hehe. Dahil na rin sa sobrang excitement nung naclose ko na yung sale, sabi nya “paalam” bigla ko tuloy nasabing “ingat”.tsk. Ayun lagot ako sa QA kasi vernacular pag naverify yung sale.tsk.  

Hay ganun talaga sa work may good times at bad times. Minsan may pahinga minsan wala. Pero ok lang basta may trabaho pa rin para may pambili ng beer every weekend. Oh sya tulog na ko. Pasok ulet ako mamaya eh.

Not-so-interesting story

Posted June 14, 2009 by beero™
Categories: Uncategorized

I’m back once again. I haven’t had an update for donky’s years. Like what I’ve said in my previous entry, I would have to keep myself busy with many things especially career. Wow naman, talagang may ganun. Never mind the lovelife because I’m starting to enjoy being single. Okay, call me bitter.lols.

Maraming salamat sa naka-miss ng entries ko. Now I know may nagtatiyaga pa ring sumilip sa blog na to kahit walang updates. At dahil namiss nyo ako at namiss ko kayo, eto ang malupet na story-telling.lols.

Finally, natuloy din ang plano kong dito naman sa Manila magtrabaho. Dumating ako nung June 20 at nag-apply agad kinabukasan, maswerteng natanggap, pero nadelay ang contract signing dahil di agad nakapagrenew ng NBI clearance. Mukha pala talaga ako kriminal dahil di ako basta-basta pinapapirma ng kontrata. At ngayon nagtitrain ulet akong maging call boy. Nagkakapili-pilipit na ang dila ko at 101% effort na ang binigay ko pero di pa rin makuha kahit na katiting na British accent. How frustrating! Madalas
akong tumambay sa Marikina Riverbanks. Makikita nyo akong nagbibilang ng janitor fish sa may ilog. Kewl!

Isang malapit na blogger ang nameet ko bago sya umalis papuntang…San nga ba yun? Ah basta dun sa bansang maraming Arabo at camel. lols. Kapos man tayo sa oras nun, sobrang naenjoy ko pa rin EB natin. Ingat ka lagi dyan marekoy. Maraming salamat at nilibre mo ko. ahehe. Gudlak din sa pagsusuot ng abaya. Di ko maimagine kung gani ka demure ngayon. lols.

Sa mga bloggers na nag-imbita sa kin sa mga eyeball nila, pasensya na muna mga marekoy at parekoy. Greenies, babawi ako sa inyo next time. Nagkataon kasi na nasa Cavite ako nun at minsan eh busy-busyhan din. FB, may utang ka sa kin dahil sa pang–indyan mo. lols. Ang isang bote ng beer ngayon isang case na. bwahaha.

Maraming salamat sa inyo na laging tumatambay sa blog ko. Tatambay din ako sa blogs nyo pag di na ko gaanong busy. Hanggang dito na lang muna. Nagmamahal, Beero. lols.

Just an update!

Posted May 1, 2009 by beero™
Categories: Uncategorized

Kumusta na kayo mga parekoy at marekoy? Namiss ko kayo at ang blogosphere  nang sobra. Halos di nga ako makatulog sa kakaisip kung may dumadalaw pa sa blog na to.lols. Lagpas isang buwan ko na rin kasing napabayaan eh. Napadaan nga lang ako ulet sa sarili kong blog para naman may update kahit pano. You all deserve to know the truth.haha. Yeah, beero is alive and kickin’! Wala lang talaga akong time para mag-update.

Di ko akalain na mas magiging busy pa ko dito sa probinsya dahil sa kaliwa’t kanang inuman. Pati nga pagpunta ko ng Manila napostpone din kasi aantayin ko pang matapos ang fiesta dito sa min. Di birong mag-antay ng isang buwan kasi medyo boring dito minsan. Di man lang makagimik kaya namiss ko nightlife ko (as if meron). Namiss ko bigla yung pakikipagharutan sa mga haliparot sa mga bar.haha.  Pero mas nakakamiss ang kumita ng pera. Medyo matagal-tagal pa kasi bago ako maghanap ng bagong raket. Laging nagi-init ang ulo ko pag walang laman ang wallet ko. Halos wala na ring laman ang savings ko. One month na lang at siguradong masasaid na ang konti kong naipon kaya kelngan kong humanap ng raket as soon as possible. May alam ba kayo? Kahit anong trabaho kaya kong pasukin. Ganun ako ka-desperado ngayon. Kung papasa nga lang akong macho dancer baka nag-apply na ko eh. Kapit sa patalim kumbaga. lols. Seriously, may mga inapplyan na ko pero di ko pa mga maasikaso ngayon. Kelangan ko pang magstay dito sa min nang mas matagal.

Oh sya, bago pa mapuno ng rants na to eh, magpapaalam na muna ko. Sabi nga ng kamukha kong si John Llloyd, Ingat!

How Can I Be So Jobless?

Posted March 13, 2009 by beero™
Categories: Uncategorized

Minsan kelangan nating bumitaw kung sa tingin natin eh yun ang mas makakabuti para sa sarili natin. Kelangan nating gumawa ng isang desisyon kahit gano kahirap.

Matagal rin akong nagcontemplate at nag-antay ng signs bago ako nag-decide na magresign sa opis. Plano ko na talagang magresign sa katapusan ng February pero napaaga lang ng konti ang resignation ko. Nag-antay lang ako ng timing.

Maraming nangyari sa opis nitong mga nakaraang araw. May mga nagresign. May mga sinabon. May productivity at burn out issues. Minabuti kong magresign na din hindi dahil blocked ang WP sa opis halos dalawang buwan na at dahil uso ang pagri-resign sa opis ngayon.lols. Nagresign ako dahil alam kong yun ang mas mabuti at kelangan ko na talagang hanapin ang sarili ko. Parang nawawala ako eh no? Nawawala sa sarili kong pagi-isip. lols.

I’m not a good writer. Di ko na kelangang sabihan yan dahil obvious na masyado eh. I’ve lost my focus lately. Di na ko makapagsulat nang maayos at di ko na gustong dayain ang sarili ko na magiging productive pa ko pag tinuloy ko pa ang trabahong to. Di lang naman ako ang nakaramdam ng burn out sa opis dahil marami nang naunang nagresign. Mas magagaling pa nga ang mga yun at mas malalaki ang sahod kesa sa kin. Pero isa lang ang nakapagpatumba sa kanila – burn out syndrome. lols.   

Tumagal din ako ng lagpas isang taon sa company namin. Mas nagtagal ako dito kesa sa dati kong trabaho bilang call center agent. Finally, narasan ko na ang magresign. lols. Nung una kasi nag-AWOL lang ako. haha. Kahit gano kasi ka-persuasive yung Ops Manager namin nun eh di nya ako nakumbinsi na magstay at magtake ng halos isandaang tawag gabi-gabi at pagmumurahin ng mga engot na callers. Humaba naman nang konti ang buhok ko sa kili-kili dahil kinausap talaga ako nun ng Ops Manager dahil nga raw malaki ang topak potential ko na maging magaling na call boy center center agent. But I gave up. Alam ko kung kelan ako bibitaw…gaya ngayon.        

Last day ko na sa office nung Lunes. Mula nung Martes rest day ko na naman araw-araw. Wala na naman akong ginagawa sa boarding house kundi tumunganga at humilata maghapon habang inaantay na marelease ang final paycheck ko sa March 25. Kung nakamamatay ang boredom matagal na akong natsugi. lols. Two weeks pa ang aantayin ko bago ako makauwi sa min at makapaghanap ng bagong trabaho. 

Mabigat ang desisyong ginawa ko dahil mahirap raw maghanap ng raket ngayon. Maraming employees ang na-lay off, maraming sweldo ang nabawasan, at maraming kompanya ang nag-shut down dahil sa bwisit na global crisis. Di ko alam kung san ako pupulutin nito. Wag naman sana sa kangkungan.

Wala pa akong definite plans. Hanggang ngayon hilo pa rin ako kung san ako pupunta. Basta alam ko aalis muna ako ng Cebu. Tama na muna siguro ang dalawang taong pamamalagi ko dito. Naramdaman ko na ang lungkot. Wala na nga akong makausap pagkalabas ko sa opis. Parang kulungan ko na rin ang boarding house. Di ko dapat ikulong ang sarili ko sa isang maliit na kwarto dahil napakalaki ng mundo sa labas. Maraming opportunidad ang naga-abang at sana makahanap agad ako ng bagong trabaho.

Sana di ako nagkamali sa mga desisyon na ginawa ko at gagawin ko pa lang. Panibagong mga hamon na naman ang haharapin ko at wala akong ideya kung ano ang naghihintay sa kin pagkatapos nito. Maraming mga bagay ang susubok sa katatagan at pang-unawa ko. Kung san man ako dalhin ng mga paa ko, sana makaya ko ang mga bagay na dapat kong harapin. Alam kong hindi magiging madali para sa kin yun pero nakahanda ako. Bring it on!