Archive for the ‘work’ category

25 Minutes Too Late

November 11, 2008

I got late…

AGAIN!

late

Nalate na naman ako kanina. Eh ano ba bago dun? Pangalawang late ko na yun ngayong buwan at ang mas masama, late din ako kahapon. Hala! Parang nadadalas ang pagkalate ko. What on earth is happening to me? At talagang tinanong ko pa ang sarili ko the schizophrenic way.

As much as possible ayoko namang malate eh. Gusto ko namang magpaka-propesyonal kahit wala talaga sa itsura ko yun. ahehe. But I could’t help it. Minsan talaga late na ko nagigising. Anyways, dapat ko pa ngang ipagpasalamat yun kasi nagigising pa ko. Kaso di ko dapat ipagpasalamat ang P100 na kaltas sa sahod ko sa tuwing malilate ako ng pasok sa opis. 

Na-spank nga ako ng sup namin kaninang umaga dahil dun. May konting awarding ceremony na nangyari at malugod ko naman yung tinaggap sa aking acceptance speech. ahehe. Nagtataka kasi sya na kung kelan malapit na boarding house ko sa opis eh yun naman ang dalas kong ma-late. Tama naman sya eh. Dati kasi di pa bukas ang opis dumadating na ko.lols.    

Teka. Bakit nga ba ako na-late? Okay, eto ang maikling flashback.

6:20 PM
Dumating ako sa boarding house at nagbihis. Nag-internet para magblog hop at magreply sa comments dun sa last post ko at nagdownload ng music videos.   
 
7:45 PM
Nakipagkwentuhan sa boardmates. Kumain ng hapunan habang pinagtyagaang panoorin and Gagambino. Pinalipat ang TV sa channel 2 para panoorin ang pilot episode ng Pinoy Fear Factor. Nagloko ang TV kaya in-off na lang.

8:50 PM
Tumambay sa rooftop para magpahangin. Tumawag sa bahay para kumustahin ang mga kapamilya at kapuso ko. lols. Tumingala sa langit at naghanap ng shooting star. lols  

9:55 PM
Bumaba galing sa rooftop at nanood ng Survivor Philippines. Nabalitaang si Kiko ang na-vote out at wala akong pakialam dun. Pumasok sa kwarto pagkatapos at nagligpit ng mga gamit. 

10:25 PM
Humiga at nagbasa ng MYX Mag kung saan featured artist ang Eraserheads. Collector’s item yun kaya bumili ka na ng kopya kung tagahanga ka rin ng Eheads. Bili na, NOW na! (Pero mag-iwan ka muna ng comment kung gusto. Kung ayaw mo naman i-shut down mo na lang ang PC. lols)

11:00 PM
Nagset ng alarm sa cellphone para magising ng 7:45 AM at as usual Miss Independent by Neyo pa rin ang alarm tone. Pinatay ang ilaw at humiga ulit sa deck. Tumagilid, tumihaya, at dumapa pero di agad nakatulog. Epekto kaya yun ng pagiging adik ko sa kape at Coke? Sabihin mong “oo” at hindi na ko iinom ng mga yan. Jowk!       

I woke up at 7:15 AM this morning but I thought it was too early to get up. So I went back to sleep and waited for the alarm. Heck, I didn’t hear my cellphone ring. Perhaps, I was deeply asleep that I couldn’t hear and feel a thing. The next time I opened my eyes and grabbed my watch, it was already 8:48 AM. WTF! I just wanted to wash my face and rush to the office but then I realized that I still won’t make it on time with only 12 minutes left before my shift. It was already 9:25 AM when I arrived in the office. 25 minutes late. Wapak!

Petiks

April 14, 2008

I just got out from the office. I’m exhausted. My eyes are tired of staring at the computer screen whole day. And yet I feel like I did nothing. I was trying to be busy but I can’t.

Parang pumetiks lang ako maghapon. Di ko naman kasi kayang magbusy-busyhan. Pakshit! Ang OA sigurong magpakaseryoso sa trabaho. Kahit sino naman siguro eh pumepetiks. May oras na kelangan mong  mag-unwind at huminga nang malalim. haha.

Ano nga ba nagawa ko maghapon? Ahhhmmm…may nasulat naman akong items. Di ko naman pinapabayaan ang trabaho ko. Naks! Pero di nagtagal eh medyo natuyo na utak ko. Epekto na siguro to ng pagsinghot ko ng rugby kagabi. LOL. Wala nang pumasok sa utak ko. Kahit pinaka-simpleng ideya eh pinagkait sa kin ng natitira kong brain cells.

Para makapag-relaks, naki-jam lang muna ulit ako sa mga peyborit kong kanta. Maghapong nakasaksak ang headset sa mga tenga ko. Ilang beses ko ring na-play ang Sexy Love at Go On Girl ni Ne-Yo.haha. 

I checked my Yahoo WAP Messenger. May message sina Pareng Popoy at Pareng Jeckass. Ang dami naming pumetiks kanina. LOL.

Tenks sa compliment Pareng Jeckass. Nakakataba ng pusong makatanggap ng isang compliment mula sa isang magaling na blogger katulad mo. hehe. Sana rin eh nakatulong ang mga payo ko sayo. Basta tandaan mo ang sinabi ko kanina: “I understand, dude. She has no right to intrude! Kumusta naman ang rhyme? hahaha 😆

Fan din ng RnB ang mokong na si Popoy kaya madalas naming topic ang bagong RnB songs. Tinanong nya agad ako kung narinig ko na ang kantang “FORGET ABOUT ME” by Little Bit. Medyo OK naman ang mga paborito nya kaya sinearch ko agad ang kanta. Panay nga ang update kung napakinggan ko na ang kanta. Adik! Pero salamat na rin kasi dinamayan mo ko sa pagpetiks. lols! OK nga ang kanta. Pasalamat ka Popoy. Kung di ko nagustuhan, kelangan mong ipackage sa kin ang chiching na may STD at magpadala ng Generoso Brandy. Bagong sweldo ka pa naman. LOL.

At dahil nga tuyo utak ko ngayon, dito nagtatapos ang post na to…

 

 

 

 

 

Flashback

February 18, 2008

DEAR DIARY,  

One year na pala ako dito today. Ang dali talagang lumipas ng mga araw. Parang kelan lang eh pagala-gala lang ako sa mga kalye. Di naman bilang taong-grasa. Naghahanap ako nun ng kumpanyang tatanggap sa akin at sa aking kakayahang mai-angat ang estado nila. (kapal!)

Di rin naging madali ang mga pinagdaan ko. Nandon yong maubos ang pera ko sa kabibiyahe sa lahat ng sulok ng lugar na to. Minsan dumodoble pa kung minamalas at sa maling babaan ako napapadpad. Nagaalay-lakad na nga lang ako kung medyo malapit lang.

May natira pa namang konting swerte sa kin. May pinsan kasi ako na kumupkop sa kin habang wala pa akong trabaho. Sila ang nagpakain, nagpaligo, at nagbihis sa kin (ngeeh). Yon nga lang kinailangan kong tiisin ang mga anak nilang singkulit ng mga daga. May katulong naman silang na-recruit pero pati ako ay damay sa kamalasan. Napakabata pa kasi ng katulong. Nasa puberty stage pa lang. Yong tinutubuan pa lang ng balahibong-pusa at unti-unting tumutulis ang dibdib.

Kinakabahan ako kasi baka pag-uwi ng pinsan ko eh bali na ang isang kamay ng anak nya. Di naman kaya eh naumpog ang ulo sa pader. Nag-alala din ako sa panganay na parang streetchild sa katatambay sa kalsada. Baka di namin namalayan at na-kidnap na ng gangsters sa kanto. O di kaya eh nasagasaan ng truck. Shet! May pananagutan din ako pag nagkataon. Kaya minadali ko ang job-hunting.

Dahil nga maga-anibersari na ko dito, di ko maiwasang maalala yong mga nangyari last year kahit di naging puro sarap. Para bang sa pelikula, di kumpleto kung walang flashback. Haaayyy! It’s time for reminiscing…Gusto kong balikan ang mga araw na minarkahan ko ang kalendaryo naming may picture ng naka-bikini dahil sa historical events na nangyari sa kin.

MARCH 1. Birthday ko. Imbes na mag-celebrate eh nag-apply ako sa isang call center. Naipasa ko naman ang written exam. Naka 91 0ut of 100 items pa nga ako (naks!) Pero sa kasamaang-palad eh kelangan ko raw mag-take two sa kanilang voice test. Mahina raw kasi boses ko. Eh alangan namang magsisigaw ako nun eh ang dami naming nagtake. Binigyan nila ako ng second chance on March 16. ‘Langya! Mamumuti mga mata ko sa kahihintay nun.

MARCH 4. Sumabak ulit ako sa paghahanap ng trabaho. Call center na naman. Naipasa ko ulit ang exam at pinabalik kinabukasan para sa final interbyu. Yes! This is it!

MARCH 5. Final interbyu ko. Halos mahulog ang puso ko sa kaba. First time kong makipag-bolahan nun sa job interbyu. Shet! Ilang minuto din akong umupo sa hot seat. Ayon, naawa sa kin at pinabalik ako kinagabihan para sa job offer.  Sa gabi ring yon, tinawagan ako ng una kong in-applayan. They waived the result of my voice test. Bigla tuloy lumapad ang atay ko kasi may naghabol sa kin. But, it’s too late…

MARCH 12. Excited ako sa training namin. Masaya pa naman nun. Di nagtagal eh nawala ang excitement ko. I hated irate callers na laging nagpapagulo sa tahimik kong buhay. Halos mawalan pa ko ng dugo sa kai-Ingles gabi-gabi. Di na nga ako nagpapigil sa sweet words ng Ops Manager namin.

Kaya pagkatapos kong mag-AWOL eh balik-tambay ako sa min ng isang buwan. Dating gawi. Lasingan dito, lasingan don. Tambay maghapon at usapang walang kwenta. Pero bumalik din ako sa pagtatrabaho…

AUGUST 24.  Na-hire ako sa pangalawa kong trabaho. At nandito pa rin ako ngayon. So far, nagi-enjoy ako kahit pano at wala pa kong planong mag-AWOL. Di kalakihan ang sahod pero mapagtatiyagaan.

(End of pagbabalik-tanaw)

Marami rin palang nangyaring maganda sa kin. Di ko pala pasan ang mundo. Mas maswerte pa rin  ako sa ibang tao dyan kung tutuusin. Kaya gusto kong magpasalamat kay God for all the blessings.

Mahirap talagang makipagsapalaran. You don’t know what to expect. Minsan tambay ka, minsan naman seryoso sa trabaho. Ang flashback ay laging magri-remind sa tin kung san tayo galing…dahil kung anong meron tayo ngayon eh dahil sa ginawa natin noon….

                                                                                          – beer-O –

Have A “Break”. Have A Beer.

February 12, 2008

Everybody needs a “break”! Nakakabagot din kasing magtrabaho minsan. Nakakapagod nang makipagtitigan sa computer screen maghapon. Halos mamaga na rin ang mga daliri ko sa kapipindot sa keyboard. Or worse, mabaliw sa pag-iisip ng topic na isusulat. Kaya nitong weekend, nagkayayaan kaming gumimik. Nakawala ang mga dalubhasang manginginom. 😆

Pagkatapos ng shift eh diretso agad kami sa isang seafood restaurant. Malapit na kasi ang holy week kaya konting fasting at konting iwas sa karne. Mas okay pala kung sa labas kami kumakain. Sa company kitchen kasi paunahan kami. At least sa restaurant patagalan ang labanan. May time pang mag-bolahan, mag-gagohan, at magpayabangan.

Ang dami naming napagkwentuhan. Nandon yong pagkain ng palaka, kuliglig, kuhol, at iba pang exotic food. Parang kinulang pa kami at naghanap pa ng wala don sa resto. Pati yong maling naging topic din ng masaya naming kwentuhan.  Fetus raw kasi ang ginagawang maling. Yuck! Grabe naman yon. Pati yong fetus na pinagkaitan na ng pagkakataong mabuhay eh gagawin pang pulutan ng mga hayok na cannibal. Double dead ang tawag don. Kawawa naman ang mga fetus kung totoo man yan.

Mga 8:30 na napuno ang mga bituka namin. Mahirap nang magpakabusog masyado. Nasa plano din ang mag-videoke kaya dumiretso kami sa isang KTV bar. Pagkapasok pa lang, order agad ng Red Horse para pampatunaw sa kinain namin. 

Nagsimula na rin ang biritan. Kanya-kanyang trip at kanya-kanyang pili ng kakantahin. Umabot lang naman sa 50 plus ang kanta. Di nga maubos-ubos kaya panay extend at order ng beer. Sanay din sa tunggaan ang mga katrabraho ko. Yong tipong di nalalasing sa ilang sets lang ng Red Horse. Di ko nga alam kung ipagpapasalamat 😆 ko yon o ikalulungkot. 😦

Ala-una natapos ang napakahabang videoke showdown. Natapos din kasi minadali nila. Intro pa nga lang ang nakakanta eh may pipindot na sa stop. Pero di pa rin natapos ang good times. Medyo bitin pa raw kaya nag-change venue kami. Bar-hopping kumbaga. As usual, lasingan pa rin ang inatupag ng mga lasenggo’t lasengga. Nakuntento rin kami sa wakas at naghiwa-hiwalay na kami nang mag alas singko (Yes, inumaga kami). May mga amats na kaya pagewang-gewang na sa kalsada. Nakakagutom uminom kaya kahit na hilung-hilo na kami eh nagawa pa naming dumaan sa Jollibee. Don kami nagpalamig at nagpalipas ng kalasingan.

Tirik na ang araw nang makauwi ako sa boarding house. Shet! Nakatulog pa ko sa traysikel kaya minalas na mailampas. Halos magkandaduling na ako sa paglalakad. Pilit kong pinigilan na bumulwak ang kinain at ininom ko. Nakakahiyang sumuka sa kalsada. May konting hiya pa kong naramdaman kaya pinigilan ko na lang.

Antok na antok na ko nun. Kaya pagkabukas ko pa lang ng pinto eh hilata agad. Parang napakabigat ng ulo ko. Ganito ang gusto kong break. Have a break, have a beer! Yong halos ma-“break” ang ulo ko sa amats at sipa ng Red Horse. 😎

Nagtanong Ka Pa

January 15, 2008

Ewan ko ba kung ba’t may mga taong nagtatanong pa kahit obvious na masyado ang sagot. Sabi nga nila, isa ‘to sa mga natatanging katangian ng mga Noypi. Okay, sabihin na nating gan’on na nga ‘yon. In other words, ang iba sa atin ay engots o ‘di kaya ay tinatamad lang mag-isip bago magtanong. Baka kasi mapagod pa utak nila at mag-nervous breakdown.

Lately, naging biktima ako ng ganitong klaseng mga tao. ‘Di naman ako galit sa mga pipol na ‘to pero ‘do ko lang maiwasang mapikon. Kayo ba naman ang tanungin ng walang-kwentang katanungan kung ‘di kayo madismaya.
Chapter 1: CASHIER IN TROUBLE

Pumunta ako sa mall kagabi pagkalabas sa office. Tumungin-tingin ng mga sapatos na can afford kong bilhin. Medyo may kalumaan na kasi ang sapatos ng lolo n’yo. Baka ilang araw na lang itagal kaya kailangang bumili o ‘di kaya eh magnakaw para sa replacement. Baka kasi habang naglalakad ako eh matuklap ang swelas at pagtawanan pa ‘ko ng ‘sangkaterbang socialites-in-the-making.

Pagkatapos ng mahabang fit to foot, nakapili rin ako ng makakaya ng butas kong bulsa. Kaya ayon, pila agad ako sa counter. Nakaharap ko agad ang cashier na namumula ang mukha. Ewan ko ba kung nagba-blush lang ‘yon o nasobrahan sa make up. Dahil sa one thou plus ang presyo ng shoes, I gave her one five. Biglang umasim ang mukha ng cashier. Sabay tanong, “Sir, wala kang P100?” Parang nagpapatawa ‘to ah. Eh di P1,100 lang sana ang inabot ko sa kanya kung meron. Hindi ko naman ugaling magpasikat dahil hindi naman talaga ako much money. Minsan nga lang magkalaman ang wallet ko. Ano kaya problema no’n? Wala na silang panukli o ayaw n’ya lang magbilang?

Chapter 2: DRIVES ME CRAZY

Kanina lang eh sumakay ako ng jeep. ‘Di na nakakashock ‘yon kasi araw-araw naman talaga akong bumibiyahe. Nagmamadali ako kasi baka ma-late na naman. Bawas P100 na naman sa sweldo ‘pag nagkataon. Medyo puno na ang jeep at siksikan na ang mga pasahero. Afraid to get another late this month, sumakay na lang ako.

Malapit na ‘kong bumaba kaya kailangan ko ng sabihin ang “Palihug” at iabot ang ten-peso coin. Tinanggal ko muna ang earphone na nakasakak sa mga tenga ko kasi baka magtanong ang driver kung saan ako bababa. Pagkatapos kong sumagot, binalik ko na earphone. Dahil enjoy na enjoy sa sound trip ang lolo n’yo, ‘di ko namalayan na nagtanong pala ulit ang driver. Namalayan ko lang nang kalabitin ako ng katabi ko.

Sa expression ng mukha ni manong driver eh parang galit na hindi ko siya nasagot agad. Kasalanan ko ba? Eh ‘di naman n’ya inubos agad ang tanong n’ya. And I expect matatandaan n’ya kung saan sumakay ang mga valued passangers n’ya. Gano’n na ba karami ang sumakay sa karag-karag n’yang jeep kaya na-mental block s’ya? Oh baka naman nakalimutan n’ya kasi busy s’ya sa pakikipagchikahan sa kung sino man ang nasa front seat.