Archive for the ‘Uncategorized’ category

Photong Ina

April 5, 2011

After few months of hiatus, I’m back! Oh yes, nagbabalik ako mga tol!

Tapos na ang mga araw ng OT at OTTY (overtime thank you). Normal na empleyado na ulet ako ngayong March at sa mga susunod na buwan. Marami na sana akong oras magblog kung di lang ako nabubwisit sa WP lately. May posts akong nakatengga kasi di ko malagyan ng pics. Such a dilemma. Grr.

WTF is happening to WP uploader? Ok fine di ganun kabilis ang upload speed ng broadband ko pero OA naman na bigla na lang magfreeze at paulet-ulet kong gawin ang proseso ng paga-upload. Nakakaurat na! SOS! I need help! 

Minsan nga lang ako mag-attach ng pics sa posts ko laking pahirap pa. Di photo blog ang tambayannilex pero minsan gusto kong magpost ng pics. Di naman siguro masamang gamitin ang blog para madiscover at sumikat di ba? LOL

I’m so pissed off. I dunno if I’m the only “lucky” WP blogger who’s experiencing this. I’ve attempted to attach pics many times but I always end up unsuccessful. Asar lang kasi kung kelan ganado na ulet akong magblog saka naman nagkaron ng hassle. Ganun yata talaga yun pag naghiatus nagkakaproblema pagbalik. ampf. Buti nga di pa sumamagi sa isipan kong magdelete ng blog. Malapit-lapit na yata.

Sana lang maayos na to. This is my first blogging home. Ayoko sanang maglayas…

Advertisements

Busyness

January 24, 2011

One of my New Year’s resolutions is to blog more often. Yeah, that comes next after hitting back the gym to get rid of this beer belly and gain six-pack abs at the end of the year. But lemme make it clear that I won’t stop drinking, though. So having six-pack abs is more impossible than winning the lotto jackpot.

I thought I’d have more time to blog at the start of the year but obviously it’s not happening. It’s almost the end of the month but yet this is my first post. In fact, I can also surf the net only once a week. Yeah, I take my one-day off on Sunday. Don’t be surprised why I work on Saturdays. Since I started as a sales verifier, I work 10 hours a day and 6 days a week. Amazing! I never thought I could work that hard. My work is taking a toll on my blogging career. LOL. We have thousands of sales calls to verify and we only have until February 28 to verify the backlogs. How’s that for being busy? Listening to almost hundred calls a day is a pain in the ears (of course, not in the a**).

I didn’t even realize that this blog has turned three years this month. That was on the 1oth. Yehey, it’s my blog’s anniversary! It feels good to think that I’ve been in the blogosphere for three years. Not bad because in three years I still have three readers. Haha.

Well, I just wanna thank those who are still dropping by this site. I really appreciate it when you guys check on this blog though you can’t find a decent and interesting post here. I would like to thank those bloggers who’ve been with me through the years. Through all the good and bad. I knew how much we had. I’ve always been so glad to be with you. Through the year it’s better every day. You’ve kissed my tears away. As long as it’s okay, I’ll stay with you through the years. I’m quite sure you know the song. hehe

Seriously, blogging has been a wonderful experience for me. And with those three years, I could say that I have found friends. Thank you to those who wanted to see me in person and invited me to their EBs. You are the reason why I’m still here. There have been many times that I wanted to quit. But you keep me going! Despite of my hectic work schedule, I’d still find time to check your blogs. Just bear with me.

Happy New Year, nga ba?!

December 31, 2010

Goodbye 2010, Hello 2011! [insert sinturon ni Hudas at Super Lolo sound effects here]

Parang ang bilis lumipas ng taon ah. Parang kelan lang eh January pa lang. It feels like yesterday! Pero mas ok na din siguro na matapos ang taon na to. This year has not been so good for me. January pa lang kasi eh medyo may major major sablay na desisyon  na akong nagawa. Kung ano man yun, malalaman nyo rin sa takdang panahon. Element of suspense ika nga!

But this year also brought some good things to me. Syempre di naman lahat ng nangyari sa kin eh matuturing kong kamalasan. Kung nagkataon eh matagal ko nang kinitil ang sarili kong buhay! Ganun raw kasi talaga ang mga cute mataas ang suicidal tendency. Woot!

Anyways, there are some things that happened this year that I should be thankful for.

First, I celebrated my 25th year of existence this year. Hay, I’m not getting any younger. Pero alam ko na iniisip mo. Mukha lang akong 21 di ba? Para kasing bumabata ako every year eh. Parang si Benjamin Button lang. Hehe. Nagcelebrate lang ako kasama ang pamilya at mga kaibigan ko. Salamat sa mga nagbigay ng gift at dun sa mga di nagbigay di na kayo invited next year.

Of course, I should also be thankful kasi nandyan ang family ko. They’re all okay especially my ermat who was hospitalized last year. Wala akong ibang hiniling kay God bago ako matulog kundi panatilihing maayos ang pamilya ko. Good health and long life. Malaking blessing na sa kin yun.

Thankful din ako kasi nandyan ang mga kaibigan ko. Maraming salamat at mga single din kayo! Apir! Malaking tulong yun para di ako maging bitter. At least di ako napipressure magkagelpren. LOL.  But don’t worry guys, we’ll fall in love with the right person at the right time. Have faith! Hehe.

Syempre dapat ko din ipagpasamalat kasi hanggang ngayon may trabaho pa rin ako. One and a half years na ko sa company namin. So far so good naman. Nakakasawa minsan magtake ng calls pero I have to deal with it. Call center ang pinasukan ko kaya wala akong choice kundi tumanggap ng calls. Buti sana kung callboy at tatambay lang ako sa isang kanto at maghihintay ng pipick-up sa kin. Woot!  

Salamat na rin at medyo nag-iba ang job assignment ko bago matapos ang taon. Nung 22 lang eh nagsimula akong maging Sales Verifier sa account namin. Less pressure kasi di ko kelangang problemahin ang stats ko bilang agent. Kelangan ko lang magverify ng validity ng sales at imeet syempre ang number of calls na dapat naming imonitor araw-araw. Medyo ok naman for a change.

Olrayt din kasi nabili ko na rin finally si Mini. Di sya prosti ha. Yan ang name ng bago kong netbook, HP Mini. Naubos ang 13th month pay ko sa kanya pero no regrets naman kasi ang cute nya. I rewarded myself with a new gadget which I think would benefit me a lot. Mas convenient na sa kin ngayon ang pagbablog at pagbabrowse ng porn sites. Joke! Kaso may isa pang problema, di pa ko nakabili ng mobile broadband. Kung sino man ang may mabuting kalooban dyan, bigyan nyo ko please…haha!

Ayos na ayos din kasi sa pagpasok ng bagong taon, ako ay nakabakasyon. Kumusta naman ang rhyme? Oh yes, nakaleave ako from January 3-7. Nine days akong wala sa office kasama ang 4 days na off ko. Longest vacation I ever had! Uuwi ako sa hometown ng parents ko sa Leyte for a family reunion at dahil na rin sa death anniversary ng lola ko. Konting pasyal na rin at eyeball with old friends. Kelangan ko din kasing magunwind dahil sobrang dami naming workload sa January.

At syempre pa gusto din kitang pasalamatan. Oo, ikaw na nagbabasa ng post na to ngayon sa walang-sawa mong pagdalaw sa blog na to. Maraming salamat sayo kaibigang blogger at naging kasama kita buong taon! More blogging years to come! Happy New Year, bloggers! Cheers!

TT Club

October 18, 2010

Matagal na akong adik sa paglalaro ng TT. Healthy exercise kasi at sobrang nakakarelax. Sa paglalaro ng TT, dapat may diskarte at dapat marunong pumalo sa iba-t-ibang posisyon. Dapat mahigpit ang hawak. Dapat mabilis ang tira. Kung titingnan parang madali lang pero pag nilaro mo na, pagpapawisan ka.

Ikaw, naglalaro ka ba ng TT? Tama, table tennis.

High school ako nang aralin ko ang paglalaro ng TT. Nagsimula ako sa panuod-nuod ng mga players sa may canteen tuwing lunch break at pagkalabas ng klase. Mas mainam na yun kesa sumama ako sa mga kaklase ko sa pag-akyat ng puno ng bayabas at santol. Dahil likas akong magaling sa observational learner at gusto kong lalo pang magpacute sa school, natuto ako agad. Mula nun naadik na ko sa paglalaro ng TT. Dahil malakas ako sa Social Studies teacher namin  na coach ng team, naging mixed double player ako at nakapagcompete sa mas mataas na sports meet. Naging sobrang busy ako sa practice kaya nag-inarte ang GF ko nun dahil mas marami pa raw akong time sa paglalaro kesa sa kanya. Eh alangan namang laruin ko sya sa table eh ang halay tingnan nun di ba?

Pero nung mag-college ako, natigil na ako sa paglalaro. Maniwala man kayo o hindi, focused ako nun sa pag-aaral at walang gaanong oras sa ibang bagay. Katakot-takot kasi ang sermon at pang-aalipusta ang mararanasan ko pag sumablay ako sa pagpasa ng write-ups sa Journalism class namin. Salamat sa PE class kasi required kaming maglaro nun. Mas ayos na sa kin ang tumambling-tambling at maglaro kesa sumasayaw-sayaw ng God-knows-what na ballroom dance.

Pagkatapos nun, di na ko nakalaro ulet. Limang taon na yata. Kaya nga nung makakita ako ng table sa opis last year nung training naexcite agad ako. Pero wala ding kwenta kasi jackstones at patintero lang ang kayang laruin ng mga ka-wave ko.

Ngayon may mga newbie sa account namin na mga adik din sa table tennis. Habang nasa product training sila, nagtrain din sa paglalaro ng TT kaya ayun naadik din. One time nakalaro ko sila at ayun nagclick agad ang grupo dahil sa isang common denominator: mga gwapo kami. LOL. Dahil halos sabay-sabay ang shift namin, madalas kaming maglaro at nabuo na nga ang TT Club.

The TT Club (from far left: Chris, Reydel, Jon, KR, me, Kuya Arnel)

The TT Club is composed all-male members Chris, Jon, Arnel, TJ, bagong pasok na si Basti, at inyong lingkod na si beerO. Idagdag natin sa grupo ang aming soon-to-be coach na si Reydel at ang muse na si KR (na bebot ni Jon). hehe.

Nung nakaraang linggo lang, nagkaron ng bonding ang grupo. At dahil sa pangalan pa lang wholesome na ang TT club, di kami sa night club gumimik kundi sa “abandoned” house lang nila Chris somewhere Antipolo.  We had an enjoyable inuman session with our pulutans gargantuan grilled milkfish, liempo, roasted chicken, and roasted highland legumes (courtesy of Kuya Arnel). Parang mapapadalas yata ang bonding ng TT Club!

Rated R

September 24, 2010

Late na naman akong pumasok sa office kagabi. Hindi lang late. Sobrang late. Di lang kasi ilang minuto kundi isang oras. Bad trip lang kasi malaki ang epekto ng attendance at adherence sa score card ko. Pag bagsak ako sa score card, wala din akong incentive na matatanggap. Sayang lang ang sales conversion at QA score dahil hahatakin yun pababa ng kapalpakan ko sa attendance. How sad. Lintik yan. Nakakastress na. Nung bata ako akala ko sa school lang nagbibigay ng grade pati din pala sa trababo. Ampf. Ang mas malupet pa, late na din akong bumalik galing lunch nung Monday shift. Bangag kasi ako lagi pag Lunes kasi weekend ang off ko at syempre gala at inom ang inaatupag ko sa mga araw na yun.

Speaking of weekend, gumala ako sa MOA nung Sunday. Last day kasi ng 3-day sale at may plano akong bumili ng bagong brief. Oo, ganun ako kajologs brief lang bibilhin bibiyahe pa ko ng ganun  kalayo. Nagkataon naman na papunta pala si Anna kaya nagkaron ako ng isa pang dahilan. Idagdag na din si Jepoy na first time kong nameet nung gabing yun. Salamuch sa halo-halo dude. hehe. So ayun tatlong dahilan kung bat ako napasugod sa MOA. Hitting two stones with one bird. hehe. Who’s Anna? Ahm, wag kayong mag-isip ng masama dahil friend ko lang sya sa blogosperyo at pwedeng NFF na rin. New Found Friend. woot! Actually 4 times na kaming nag-eyeball. Twice sa Cavite at twice sa MOA. Una nung Valentine’s Day. Wag ulet mag-isip ng masama kasi hindi romantic date yun. Teka lang bat parang napadefensive ko? Mas mabuti na ang malinaw ok.Pero first time kaming magkita pagkatapos ng stint nya sa Europe kaya ayun namiss namin ang isa’t-isa. Ay mali ako lang pala nakamiss sa kanya. May disclaimer talaga eh.

Since nabanggit ko na lang din ang eyeball, sana mameet ko na din ang iba pang bloggers na matagal na akong ini-invite sa mga get-together nila. Pasensya na mga parekoy (lalo na kay FB) at alam nyo naman na medyo busy ako sa drinking career ko minsan. Sa mga kakulitan ko dati sa Greenpinoy forums di ko alam kung pano ako makakabawi sa inyo. Kaya nga siguro nahihiya na akong magpakita eh. Wala na akong mukhang ihaharap sa inyo. Yung hinaharap ko na lang pwede? I mean, future. Pwede ba magpainom na lang ako ng isang case ng beer? Sige na please. Isang taon na kasi mula nung una nyo akong ininvite sa EB kaya tatapatan ko yun isang case. hehe.

Speaking of inuman, isi-celebrate ko na ang anibersaryo ng aking pagiging Ondoy survivor. Cheers! I’m just delighted to think that I’m still alive and kickin’ after that tragic experience that threatened the life of one of the most influential bloggers ever existed. May ganun? haha. Masaya ako dahil di ako napagpiyestahan ng janitor fish sa ilog. Seriously, tuliro ako nun dahil nagising na lang ako na hanggang bayag na ang tubig baha. Akala ko nga naihi lang ako sa shorts ko o nagwet dreams lang. Di ko alam kung ano gagawin ko nun. Di ko alam kung sinong santo tatawagin para tulungan ako. Naisip ko ding tawagin si Superman para iligtas ako pero dahil di nakasave phone number nya sa cp ko di ko din sya nacontact. Sobrang clueless ako kung ano gagawin at wala akong naramdaman kahit konting adrenaline rush. Ganon pala pag bagong gising akala ko binabangungot lang ako. Pero totoo pala lahat ng yun at kinabukasan parang ghost town ang Marikina at lubog sa putik ang apartment. Pero sana pala inanod ako ng baha papunta sa rooftop ng bahay nila Christine Reyes. Yikee! Hay, hanggang ngayon di ko pa rin makalimutan ang experience ko nun. Pag nakakakita nga ako ng footages ng Ondoy victims sa TV kinikilabutan ako. Nagpaflashback sa kin lahat. Pero ayos lang kasi ang mahalaga buhay pa rin ako at mas lumakas pa sa mga pagsubok na napagdaanan ko.

Ayun napadaan lang ulet ako at naisipang magpost ng random topics. hehe.

OT

September 17, 2009

Buhay pa pala ang blog na to at buhay pa pala ang numero unong lasenggo na si Beero. Whoah! Kelan ba yung huling update ko? Nung isang taon pa siguro. Muntik ko na ngang makalimutan ang password ko sa WP at halos di ko na alam kung san hahanapin ang “Posts” dahil medyo marami na ring nagbago sa WP mula nung mawala ako. Buti nga may tinatawag na ressurection kaya eto ulet ako nagbabalik mula sa future. Oo parang si Henry de Tamble lang dun sa “Time Traveler’s Wife”. Napanood nyo ba? Di ko napanood eh. lols.

Anyways to cut the long intro short, minsan ko na lang madalaw ang blog na to dahil medyo busy ang online drinking buddy nyo ngaun. Oo B-U-SY. Akalain nyo yun. Career. Lovelife (make believe). Sexlife (make believe ulet). Pero pramis busy talaga ako sa work ngayon.

Sino ba naman ang di mabi-busy pag six days a week kang pumapasok sa opis. 2 weeks nang ganun ang sched ko. Wala naman akong magawa kundi sundin ang sched na ginagawa ng workforce. Nakakaasar lang kasi parang pingalalaruan nila ang sched ko. Minsan off ko Sat-Sun tapos magiging Fri-Sat. At mula nga last week naging isa na lang ang off ko. Kumusta naman yun? Kahit naman siguro sinong empleyado magrereklamo sa ganun unless mukhang pera at malupet ang pangangailangan. Tao lang ako napapagod din. Gusto ko lang namang magkaroon ng 2 days na off bawat linggo. Okay lang sana na gulpuhin nila ako sa pagtake ng calls basta sobrang taas ng sales conversion ko. Eh ngayon nga na isa lang ang naclose kong sale out of 45 calls eh. At least may benta naman kahit pano.hehe.

Nakakapagod magtawag minsan. Nakakabingi, nakakaasar, at nakaka-nosebleed. Mahirap makipag-usap sa mga Briton. Yun pa lang napakalaking challenge na. Kelangan magfake ng British accent. Minsan nga palagay ko tuloy pareho na kami ng accent ni kuya Manny. Ya know. lols. Madalas din akong makipag-away sa customers lalo pag mahirap paliwanagan at yung tipong nangungulet lang at wala naman talagang balak kumuha ng product. Yung pag sinabi mong 14 pounds yung broadband eh sasabihing mahal. Eh samantalang 14 pesos lang yun sa Pinas. lols.

Pero may good calls naman minsan. Okay yung feeling pag natutulungan mo yung customer na magkaroon ng service na gusto nila. Pero syempre bago yun kelangan mo munang makipagbolahan at mang-uto para makaclose ns sale. Kanya-kanyang diskarte kumbaga. Kahapon nga may customer akong matanda. Nagshare sa kin tungkol sa “Planet X” thingy. Nagtanong sa kin kung alam ko raw. Aba malay ko. Buti kung XXX yan at siguradong alam ko. lols. Yung 2012 prediction pala yun. Mas lalo akong nawindang nung tinanong ako kung ano ang contingency plan ng client namin sakaling magkatotoo yun.haha. Naman! Di tinuro sa min yun. Sinabi ko na lang sa kanya di ko alam at para may rapport naman sabi ko sa kanya manood na rin ng movie na “2012” na irerelease this November.lols. Normal na rin sa kanila ang magsabi ng “cheers” bago maghang up. Iniisip ko tuloy maraming Briton ang lasenggo at laging may hawak na beer. Kewl!

Kanina lang may nakausap akong Pinay na OFW sa UK. Nurse sya dun. Nakakatuwa lang kasi first Pinoy sya na nakausap ko sa work. Napakacasual ng usapan namin. Ganun pala talaga pag may kausap kang kababayan sa abroad. Nakaka-overwhelm at nakaka-excite. Gustong-gusto ko na nga sanang mag-tagalog kaso hindi pwede. Lagot ako sa QA. Natatawa na lang ako kasi nagta-tagalog sya. Kumuha sya ng broadband sa kin. Niloloko ko nga sabi ko add ko sya sa Friendster. hehe. Dahil na rin sa sobrang excitement nung naclose ko na yung sale, sabi nya “paalam” bigla ko tuloy nasabing “ingat”.tsk. Ayun lagot ako sa QA kasi vernacular pag naverify yung sale.tsk.  

Hay ganun talaga sa work may good times at bad times. Minsan may pahinga minsan wala. Pero ok lang basta may trabaho pa rin para may pambili ng beer every weekend. Oh sya tulog na ko. Pasok ulet ako mamaya eh.

Not-so-interesting story

June 14, 2009

I’m back once again. I haven’t had an update for donky’s years. Like what I’ve said in my previous entry, I would have to keep myself busy with many things especially career. Wow naman, talagang may ganun. Never mind the lovelife because I’m starting to enjoy being single. Okay, call me bitter.lols.

Maraming salamat sa naka-miss ng entries ko. Now I know may nagtatiyaga pa ring sumilip sa blog na to kahit walang updates. At dahil namiss nyo ako at namiss ko kayo, eto ang malupet na story-telling.lols.

Finally, natuloy din ang plano kong dito naman sa Manila magtrabaho. Dumating ako nung June 20 at nag-apply agad kinabukasan, maswerteng natanggap, pero nadelay ang contract signing dahil di agad nakapagrenew ng NBI clearance. Mukha pala talaga ako kriminal dahil di ako basta-basta pinapapirma ng kontrata. At ngayon nagtitrain ulet akong maging call boy. Nagkakapili-pilipit na ang dila ko at 101% effort na ang binigay ko pero di pa rin makuha kahit na katiting na British accent. How frustrating! Madalas
akong tumambay sa Marikina Riverbanks. Makikita nyo akong nagbibilang ng janitor fish sa may ilog. Kewl!

Isang malapit na blogger ang nameet ko bago sya umalis papuntang…San nga ba yun? Ah basta dun sa bansang maraming Arabo at camel. lols. Kapos man tayo sa oras nun, sobrang naenjoy ko pa rin EB natin. Ingat ka lagi dyan marekoy. Maraming salamat at nilibre mo ko. ahehe. Gudlak din sa pagsusuot ng abaya. Di ko maimagine kung gani ka demure ngayon. lols.

Sa mga bloggers na nag-imbita sa kin sa mga eyeball nila, pasensya na muna mga marekoy at parekoy. Greenies, babawi ako sa inyo next time. Nagkataon kasi na nasa Cavite ako nun at minsan eh busy-busyhan din. FB, may utang ka sa kin dahil sa pang–indyan mo. lols. Ang isang bote ng beer ngayon isang case na. bwahaha.

Maraming salamat sa inyo na laging tumatambay sa blog ko. Tatambay din ako sa blogs nyo pag di na ko gaanong busy. Hanggang dito na lang muna. Nagmamahal, Beero. lols.