Archive for the ‘selling the drama’ category

My Father Is…

June 16, 2008

A CHAIN SMOKER. He started smoking at a very young age. He can consume two packs of cigarettes a day. Minsan ko na syang kinainisan dahil sa bisyong to. But eventually I learned to understand him. Nasanay na kong langhapin ang nakakasulasok na usok na binubuga nya. Muntik na nga rin akong mahawa nun. Buti na lang nakontrol ko pa. Isang taon na kong di nagyo-yosi.  hehe. Sa kanya din nagmana dalawa kong kuya. Kung sabay-sabay silang manigarilyo baka maisip ng mga neybors ko na nasusunog na bahay namin.

A COFFEE ADDICT. He drinks a lot of coffee. Pero wag ka, lagi pa syang tinitimpalahan ni ermat. Lumalagok sya ng kape habang naninigarilyo. Adik erpat ko di ba? Gawin bang alak ang kape at pulutan ang sigarilyo. But he’s not a drunkard like me. Dalawang tagay pa lang ng beer eh namumula at nalalasing na yon. Ewan ko ba kung kanino ko namana ang pagiging lasenggo. 

A WOMANIZER. He had some illicit affairs when I was young. Medyo papalicious pa daw kasi sya nun kaya lapitin ng mga chicks. Thanks to my martyr understanding mother at di pa rin ako lumaki sa isang broken family. Pero minsan silang nag-away at binato ng baso ermat ko. Sapul sa ulo si ermat at may naiwan pang peklat. 

A FRUSTRATED SINGER. I’ve said this on my last post. Mahilig syang kumanta at classic ang paborito nya. haha. Minsan boses nya ang gumigising sa kin sa umaga. Ang aga-aga bumibirit na ala-Tom Jones. Minsan nagkakaproblema sya sa diction pero pasado naman siguro. I would never forget the time when we sang Always by Bon Jovi together. hehe.

A GOOD PROVIDER. He works hard to earn a living for our pamily. Ayan, nahawa na ko kay Janina. I mean, family. haha. Iginapang (di ba pwedeng nilakad na lang?) nya pag-aaral ko. Dumaan kami sa butas ng karayom nun. Nag-transform muna kami into thread para makapasok sa butas. Haayyy…corny! Seriously, kahit isangla  nya konti naming lupain namin gagawin nya may ipang-tustos lang sa pag-aaral ko. May sarili na kong trabaho ngayon pero di nila inaasa lahat sa kin. Sya nagpapatakbo ng palaisdaan namin. Di nya iniinda ang mabibigat na trabaho sa fishpond kahit lagi syang bilad sa araw. Kaya yun, para kaming mocha at tsokolate pag magkatabi. LOL.   

Tay, I apologize for the things that I’ve said and done before. Sorry kung nasagot kita ng pabalang nun. Sorry kung minsan di ako umuutang ng sigarilyo mo sa tindahan ng kapitbahay natin. Sorry kung di kita pinagtitimpla ng kape. At sorry kung minsan kitang napaiyak dahil sa katigasan ng ulo ko.

I just hope that God would give us more years to spend together! Happy Father’s Day, Daddudes!

 
 

sCAREGIVER

June 7, 2008

P(re).S.

Gusto ko lang linawin na di ako binayaran ng Star Cinema para sa post na to. Kusa kong ginawa ang post na to upang ipahayag ang sarili kong opinyon. hehe.

There are a lot of movies to choose from. There’s Sex and the City. There’s Kung Fu Panda. There’s The Chronicles of Narnia: Prince Caspian. And there are some other movies that you can watch in theaters right now. There are a lot of options for us moviegoers (am I, anyway).

But Pinoy movies won’t lag behind the must-see list. There’s Cagegiver of Sharon Cuneta. hehe. Don’t get me wrong. I’m not a Sharonian but I think this movie is something that I should watch.

Napanood ko yung full trailer a week ago. That was not the first time I saw it. Ewan ko pero parang maraming versions ang trailer eh. Nagustuhan ko yung version na napanood ko that time. In that scene, may sinabi yong pasyente. Di ko lang masyadong kabisado yong linya kasi di ko pa naman talaga napanood yong pelikula.

Makabagbag-damdamin at makapanindig-balahibo yung binitawang salita nung pasyente. Bato ang puso nyo kung di kayo na-touch dun. hehe. Di ako mahilig sa drama pero naa-appreciate ko naman ang ganitong mga pelikula. I had goosebumps when I saw that scene. That very scene gave me chills, something that I can only experience when I watch creepy movies and when I listen to my fave songs. 

Sa trailer pa lang eh magkakaroon ka na ng insight kung ano ang gustong iparating ng pelikula – na di madali ang maging isang caregiver.

Naisip ko tuloy, ano kaya kung Nursing kinuha kong course nun? Siguro caregiver na rin ako ngayon. Marahil nagpapainom na rin ako ng lason gamot ngayon sa matatanda at ulyaning mga pasyente. Siguro taga-tanggal na rin ako ng adult diaper at taga-pahid ng puwet ng mga dumudumi.

Ganyan pala ka-challenging ang trabaho ng isang caregiver. Susmaryosep! Kayanin kaya ng sikmura ko yun? Siguro kayanin ko na lang pag bawat punas naman eh dolyar ang katapat. Seriously, I would have took BS Nursing if my parents could finance my studies. Kaso kapos kami sa budget eh. My allowance as a municipal scholar was not enough for me to study in a med school. Yung allowance ko per sem eh kasya lang siguro sa araw-araw kong allowance. hehe. Kaya yun, AB Communication na lang ang kinuha kong kurso. Kinuha ko yun sa napakababaw na rason – gusto kong maging DJ. Walang f*u*ialaman! hehe.

My dream to work as a caregiver abroad was shattered. Yun lang talaga ang naisip kong paraan para makalabas ng Pinas. Ayoko namang bigla na lang sumugod kung saan dahil baka sa bangketa ako humantong. Pero di man ako naging caregiver, ayos lang. Alam kong may ibang trabaho pa kong mapapasukan. Sa mga caregiver, saludo po ako sa inyo!

If you’re planning to watch a movie, go and watch Caregiver. Nagsa-suggest na ko kahit di ko napanood. hehe. Wag makayong mahiya! Tangkilikin natin ang pelikulang Pilipino.

A film can be a powerful medium of communication. A film can entertain and convey a message at the same time. Having said that, Caregiver has it all! Don’t dare miss it! haha.

 

 

 

A Song for My Ermat

May 16, 2008

Nasan nga ba kaluluwa ko nung Mother’s Day? Ahhmm…nakihiga ako sa apartment ng opismeyt ko dahil sa sobrang kalasingan the night before. Di ko alam na Mother’s Day na pala.LOL.

Kaya pala di man lang ako nakapagpost ng tribute para sa mahal kong ermat. This may be a little late but it’s the thought that counts naman daw. hehe.

Hapon na ng makauwi ako sa boarding house ko. Mahimbing kasi masyado tulog ko dahil sa vodka+gin+beer na ininom namin ng mga opismeyt ko nung Sabado. Pagdating ko naman sa boarding haouse eh humilata ako agad dahil di pa rin nawala ang hang over sa pag-inom ko ng isang pitsel na iced tea. LOL.

Pero di ko pinalampas ang Mother’s Day na di ko man binati ang ermat ko. Pagkabangon ko nung gabi eh tinawagan ko sya. Kahit di ko sya kasama eh pinaramdam ko sa kanya na masaya ko na sya ang naging ermat ko. (mag-drama ba)

Seriously, I’m really grateful that she’s my mom. Kahit na tinangka nyang ilaglag ako nun sa sinapupunan nya, di ko na inisip yun. Ilang gamot lang naman ang ininom nya para ilaglag ako. Yun nga siguro ang dahilan kung bat ako naging hikain paglaki ko. Kaya yon, two months old pa lang siguro ako eh, bedridden na ko. Ilang beses din silang nagpabalik-balik sa ospital para ipagamot ako. Bumawi naman si ermat. Di nya ko pinabayaan. Di nya man naibigay ang mga luho ko, naiparamdam naman nya sa kin ang pagmamahal ng isang ina.

Di ko alam kung pano mabuhay nang wala sya. Lahat kasi sya ang gumagawa para sa kin nun – paghahanda ng baon, pagpaplantsa ng uniform, at paghahanda ng mainit na tubig na ihahalo ko sa pamapaligo ko. ahehe. At sya din ang “alarm” ko tuwing umaga hanggang makatapos ako ng college.

And this would be the first time that I’m gonna say this, “I lab yu, nay”. Di ko pa kasi nasabi sa kanya yan ng harapan. Dyahe kasi eh. Nasabi ko lang yan dito kasi di naman nya mababasa. ahehe.

This song is for you…

SONG FOR MAMA – Boyz2Men

You taught me everything
And everything you’ve given me
I always keep it inside
You’re the driving force in my life, yeah
There isn’t anything
Or anyone that I can be
And it just wouldn’t feel right
If I didn’t have you by my side
You were there for me to love and care for me
When skies were grey
Whenever I was down
You were always there to comfort me
And no one else can be what you have been to me
You will always be you always will be the girl
In my life for all times

Chorus:
Mama, mama you know I love you
Oh you know I love you
Mama, mama you’re the queen of my heart
Your love is like
Tears from the stars
Mama, I just want you to know
Lovin’ you is like food to my soul
Yes it is (5x)

You’re always down for me
Have always been around for me even when I was bad
You showed me right from my wrong
Yes you did
And you took up for me
When everyone was downin’ me
You always did understand
You gave me strength to go on
There was so many times
Looking back when I was so afraid
And then you come to me
And say to me I can face anything
And no one else can do
What you have done for me
You’ll always be
You will always be the girl in my life

Chorus

Never gonna go a day without you
Fills me up just thinking of you
I’ll never go a day without my mama

Chorus

Yes you are

 

 

 

 

Insomniac

April 23, 2008

Darkness covered the four corners of my room. There was silence all over it. And there were no people outside. No uninteresting “talks”. No unwanted noise. The narrow patio outside was totally deserted. Everyone was asleep…except me.

Lying on my bed, I opened my heavy eyes. These eyes have been wanting to close but my mind seemed so restless. I felt like I was preoccupied with many things but I wasn’t thinking of anything at all.

I let my eyes behold the emptiness of my room. My eyes caught something bright, a green bulb that I use as the source of light when I sleep. But now, it’s no use. I felt like I would be awake whole night.

The squeaking sound of lizards was the only thing that breaks the silence. I was gazing at them as they play freely on the ceiling.

This small green bulb lightens up the room. I can see things clearer now. But all of them are lifeless. Not even the air that the electric fan blows can bring them to life. I’m alone. But I’m used to it.

I’ve been tossing and turning on my bed for quite some time. I spent so much time in embracing my pillow and wishing that I would finally snore after few minutes. I wanted to close my eyes and fall asleep. But the problem is that I can’t. I really can’t. It seems that my call center days are all coming back. I thought that the polyphasic “sleeps” that I had before would come once again.

Then, I felt that something was crawling on my skin. Damn! It was one filthy cockroach. WTF!  I hate it. I hate to see cockroaches fly everywhere and sleep beside me. I hate it even more to see rats eat the little food that I have. I would get rid of these pests soon!  

I got up from the bed and sat on a wooden chair. It felt good to cover my face with the palms of my hands. However, my eyes hurt every time my eyelids touch them. It felt like the smallest grains of sand were scattered in my eyes. If only I could ask my eyes and mind to cooperate, I would have done it earlier.

I grabbed my cellphone roughly to check the time. I was a bit horrified to see that it was already past twelve.

I lied down once again and finally lapsed into unconsciousness…

 

 

Castaway

April 17, 2008

Medyo inaantok na ako ngayon kasi di ako nakatulog ng maayos last night. Sa pagkakatanda ko eh, alas dose na ko tuluyang nakatulog. Kahit na inaantok na ko pagkalabas sa opis, naisipan kong dumaan muna sa internet cafe para i-check ang Friendster, WP, at imeem accounts ko.Nakagawian ko na tong pampalipas-oras. 

Mas OK na siguro to kesa dumiretso ako sa boarding house. Wala din naman akong dadatnan dun kundi ang mga ipis at dagang nakikitira sa kin. Ayoko na ring maabutan pa ang news programs dahil nagsasawa na ko sa mga balita ngayon. Alam kong pati kayo eh nagsasawa na rin sa sensationalisized news sa TV – panic buying dahil sa rice shortage (daw), pagtaas ng mga bilihin, mga rally sa Maynila, at kung anek-anek pa. 

Inisip ko, ano kaya magandang panoorin sa Youtube? Di na ko nag-isip nang matagal. SURVIVOR: Cook Islands aga ang pumasok sa isip ko. Adik na adik ako show na to. Para sa kin, ito ang pinaka-astig na season ng Survivor. Kasi ito lang din ang season na napanood at sinubaybayan ko hanggang ngayon. haha.

Dalawang oras akong nakaupo sa harap ng TV pag Sabado para lang mapanood ang encore run sa Studio 23. Sa lahat ng reality shows eh ito ang pinakagusto ko. Ang sayang panoorin ng mga contestants na halos magbugbugan para manalo sa challenges. hehe.

Pero higit pa dyan, gusto ko ang Survivor kasi dito nasusubok ang katatagan at kakayahan ng isang taong harapin ang malulupit na hamon ng buhay. ahehe. Dito mo rin mararanasan ang mabuhay ng simple at ipakita ang yong totoong karakter.

Episode 9 na ang pinalabas nung Sabado. Limang episodes na lang eh may Sole Survivor na. Sa dalawang natitirang tribes, Aitu at Raro, gusto ko ang Aitu. Sila Ozzy, Yul, Sundra, at Becky kasi ang underdogs. Nakaka-relate ako sa kanila kasi underdog din ako. hehe. Kahit na iniwan sila ng dalawa nilang ka-tribe, pinatunayan nila na kaya pa rin nilang manalo. Kahit outnumbered sila, nanalo sila sa apat na sunod-sunod na challenges. Kaya di na ko nagtaka nang mabasa ko ngayon na sila ang naging Final 4 at si Yul ang naging Sole Survivor.

Adik nga siguro ako sa show na to kasi gusto ko na ring  maging castaway. Gusto kong maranasang makapaglaro para sa immunity at reward challenge. LOL. At mas gusto kong subukan kung hanggang san ang itatagal ko. Dahil na rin siguro to sa pinagdadaanan ko ngayon. Para na rin akong castaway dahil malayo ako sa pamilya ko at pinipilit kong mamuhay na malayo sa kanila. (Tama na ang drama Beero! Inom ka na lang ng beer para di ka na malungkot)hehe.

8:40 PM na pero di pa ko nakakain at P30 na kelangan kong bayaran dito. Pano ba yan? The tribe has spoken. I have to go! LOL.

 

 

Message to Friends

April 8, 2008

Have you ever thanked your friends for coming into your life?  Did you ever thank them for their comforting words whenever you have problems?

We seldom realize the importance of our friends. We don’t usually value their presence and we seldom express that we’re grateful for having them in our lives.

You would miss his/her tap at your back. You would miss his/her laugh and smile. And you would miss his/her company.  The sad thing is that you would realize all these when they’re gone and when they’re no longer at your side.

It would be better to send them some messages that would let them feel that you appreciate having them around. A simple message would make a lot of sense. Why not write your message now?

You may follow this sample. I found this picture on a site. This one is pretty serious…Prepare your hankies for a tear-jerking and heart-breaking message!

 

I’m sure you have an idea what your message would be. Grab that pen now and start writing!

Umbrella..ella..eh..eh

March 7, 2008

I hate the world today! I’ve been through hell dahil sa ulan! And it really sucks!

Di naging maganda simula ng araw ko dahil sa pesteng ulan na bumati sa kin pagkagising ko. I hate rainy days. Di baleng masunog ako sa sikat ng araw basta’t di lang ako malunod sa ulan. Nakakatamad talagang pumasok sa opis pag umuulan. Pero wala naman akong ibang choice. Sayang din ang datung kung di ako magtrabaho.

Di agad ako nakaalis sa boarding house dahil sa lintyak na pag-ulan ng pusa’t aso. Arrgh! Narealize ko tuloy ang kahalagahan ng payong. Rihanna pwede ka ng bumirit! Pasok…

[Rihanna enters] (Magmadali ka nga!)

When the sun shines
We’ll shine together
Told you I’ll be here forever
Said I’ll always be your friend
Took an oath
I’mma stick it out ’till the end
Now that it’s raining more than ever
Know that we still have each other
You can stand under my Umbrella
You can stand under my Umbrella
(Ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(ella ella eh eh eh eh eh eh)

[Rihanna exits] (Makakaalis ka na! Extra ka lang dito)

Di ko maisip kung pano ko susuungin ang tumatagaktak na ulan. Bwiset…set…set…set. May echo pa yan para may emphasis. Ilang beses na kong nagpabalik-balik sa bodega este kwarto pala para maghanap ng payong. Napagkamalan ko nang bodega ang kwarto namin dahil sa dami ng nakasampay na pantalon, t-shirt at brief. Pwede na nga kong mag ukay-ukay business. Sheeet! Naunahan pala ko ng pinsan ko sa payong.

Helpless na talaga ko kaya hinalukay ko ang cabinet namin at naghanap ng sombrero. Eureka! May nakita akong nabubulok na sombrero. Hang Ten naman ang tatak kaya sinuot ko na rin. Sinuot ko rin ang denim jacket kong dalawang linggo ko na sigurong di nilalabhan. Iniiwan ko kasi sa opis ang isa kong jacket. Japorms na ko sa suot kong shirt, shorts, tsinelas, sombrero, at jacket. Ganyan porma ko pag umuulan. hehe. Dahil ready na, sinalubong ko ang rumaragasang ulan at nagtatakbo sa kalsada na parang hinahabol ng kidnappers.

May naghihintay na traysikel pagdating ko sa kanto kaya sumakay agad ako. To my surprise, umuulan din  sa loob ng traysikel. What the fuck! Parang shower ang tulo. Kung alam ko lang na mababasa din ako, naglakad na lang sana ako. hehe.

Lalong tumindi ang kamalasan. Bumaha sa may babaan. Pwede na nga sigurong mag-jetski. Dapat nagdala na rin ako ng surfboard (as if meron). Lumusong ako kahit alam kong marumi ang tubig. Di ako likas na ma-arte pero narumihan talaga ako. Sa palagay ko kasi eh pinaghalong ihi ng tao at hayop ang baha.

Iba na talaga ngayon. Dati kasi gusto kong bumaha para walang pasok. Ang saya ding maligo sa ulan na hubo’t hubad. Pero ngayon, naiirita na ko sa tubig-ulan. Ginagawa ko na lang na pambuhos sa bowl. hehe.

Tiningnan ko ang relo ko. 8:45 AM na pala. I only have 15 minutes. Kahit im posible, umasa pa rin akong di ako mali-late. Sa pagmamadali nga eh, nag-splash yong naapakn kong tubig-baha at nabasa ang taong naghihintay ng dyip sa tabi. Kumaripas agad ako ng takbo at baka gumanti sya at paliguan ako. hehe.

May kamalasan na naman sa dyip. Di naman tumutulo yong bubong. Umuusok nga lang sa loob. Parang nasa loob ang tambutso. Pesteng buhay to oh! Gusto yata ng drayber na to na mamatay ang mga pasahero nya due to suffocation. Binuksan ko na lang ang walkman phone ko at nag-play ng kanta. The song was so timely. Guess what. Tama ka! “Umbrella” nga. Nang-aasar yata tong kanta tong eh. hehe

Mali-late pa rin ako kahit na mag-taxi kaya nag-dyip na lang ako.  Ayoko ko nang mag-pretend na nasa Amazing Race ako. Kahapon lang kasi eh kumaripas kami ng takbo ng opismeyt ko from ground to third floor. Sinwerte naman at 9:00 AM kami naka-swipe. Ngayon, 9:10 sa estimate ko.

May dalang payong ang nakatabi ko sa dyip. Parang constant reminder to ah! Pootah. Bat kasi ang tamad kong bumili ng payong.

Parang nag-shoot up ang blood pressure ko sa 200/150. Soaking wet na kasi ako pagdating sa opis. Para kong basang sisiw. Haayyy, kelangan ko na talagang bumili ng payong. Yong family size. hehe