Archive for the ‘roadrunner’ category

Umbrella..ella..eh..eh

March 7, 2008

I hate the world today! I’ve been through hell dahil sa ulan! And it really sucks!

Di naging maganda simula ng araw ko dahil sa pesteng ulan na bumati sa kin pagkagising ko. I hate rainy days. Di baleng masunog ako sa sikat ng araw basta’t di lang ako malunod sa ulan. Nakakatamad talagang pumasok sa opis pag umuulan. Pero wala naman akong ibang choice. Sayang din ang datung kung di ako magtrabaho.

Di agad ako nakaalis sa boarding house dahil sa lintyak na pag-ulan ng pusa’t aso. Arrgh! Narealize ko tuloy ang kahalagahan ng payong. Rihanna pwede ka ng bumirit! Pasok…

[Rihanna enters] (Magmadali ka nga!)

When the sun shines
We’ll shine together
Told you I’ll be here forever
Said I’ll always be your friend
Took an oath
I’mma stick it out ’till the end
Now that it’s raining more than ever
Know that we still have each other
You can stand under my Umbrella
You can stand under my Umbrella
(Ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(ella ella eh eh eh eh eh eh)

[Rihanna exits] (Makakaalis ka na! Extra ka lang dito)

Di ko maisip kung pano ko susuungin ang tumatagaktak na ulan. Bwiset…set…set…set. May echo pa yan para may emphasis. Ilang beses na kong nagpabalik-balik sa bodega este kwarto pala para maghanap ng payong. Napagkamalan ko nang bodega ang kwarto namin dahil sa dami ng nakasampay na pantalon, t-shirt at brief. Pwede na nga kong mag ukay-ukay business. Sheeet! Naunahan pala ko ng pinsan ko sa payong.

Helpless na talaga ko kaya hinalukay ko ang cabinet namin at naghanap ng sombrero. Eureka! May nakita akong nabubulok na sombrero. Hang Ten naman ang tatak kaya sinuot ko na rin. Sinuot ko rin ang denim jacket kong dalawang linggo ko na sigurong di nilalabhan. Iniiwan ko kasi sa opis ang isa kong jacket. Japorms na ko sa suot kong shirt, shorts, tsinelas, sombrero, at jacket. Ganyan porma ko pag umuulan. hehe. Dahil ready na, sinalubong ko ang rumaragasang ulan at nagtatakbo sa kalsada na parang hinahabol ng kidnappers.

May naghihintay na traysikel pagdating ko sa kanto kaya sumakay agad ako. To my surprise, umuulan din  sa loob ng traysikel. What the fuck! Parang shower ang tulo. Kung alam ko lang na mababasa din ako, naglakad na lang sana ako. hehe.

Lalong tumindi ang kamalasan. Bumaha sa may babaan. Pwede na nga sigurong mag-jetski. Dapat nagdala na rin ako ng surfboard (as if meron). Lumusong ako kahit alam kong marumi ang tubig. Di ako likas na ma-arte pero narumihan talaga ako. Sa palagay ko kasi eh pinaghalong ihi ng tao at hayop ang baha.

Iba na talaga ngayon. Dati kasi gusto kong bumaha para walang pasok. Ang saya ding maligo sa ulan na hubo’t hubad. Pero ngayon, naiirita na ko sa tubig-ulan. Ginagawa ko na lang na pambuhos sa bowl. hehe.

Tiningnan ko ang relo ko. 8:45 AM na pala. I only have 15 minutes. Kahit im posible, umasa pa rin akong di ako mali-late. Sa pagmamadali nga eh, nag-splash yong naapakn kong tubig-baha at nabasa ang taong naghihintay ng dyip sa tabi. Kumaripas agad ako ng takbo at baka gumanti sya at paliguan ako. hehe.

May kamalasan na naman sa dyip. Di naman tumutulo yong bubong. Umuusok nga lang sa loob. Parang nasa loob ang tambutso. Pesteng buhay to oh! Gusto yata ng drayber na to na mamatay ang mga pasahero nya due to suffocation. Binuksan ko na lang ang walkman phone ko at nag-play ng kanta. The song was so timely. Guess what. Tama ka! “Umbrella” nga. Nang-aasar yata tong kanta tong eh. hehe

Mali-late pa rin ako kahit na mag-taxi kaya nag-dyip na lang ako.  Ayoko ko nang mag-pretend na nasa Amazing Race ako. Kahapon lang kasi eh kumaripas kami ng takbo ng opismeyt ko from ground to third floor. Sinwerte naman at 9:00 AM kami naka-swipe. Ngayon, 9:10 sa estimate ko.

May dalang payong ang nakatabi ko sa dyip. Parang constant reminder to ah! Pootah. Bat kasi ang tamad kong bumili ng payong.

Parang nag-shoot up ang blood pressure ko sa 200/150. Soaking wet na kasi ako pagdating sa opis. Para kong basang sisiw. Haayyy, kelangan ko na talagang bumili ng payong. Yong family size. hehe

Advertisements

Trip Ko: A Travelogue

February 28, 2008

trip-sched-jpeg.jpg

This was the schedule that changed my entire not-so-interesting and not-so-exciting (in other words “b-o-r-i-n-g”) weekend life…

My officemates and I had a road trip this weekend. Woohoo! I was free from my dull sleep all day and wash-my-clothes habits. It was really unexpected. I never planned to join the road trip since I’m running out of money and I’m close to being broke. It even took me days to decide. However, my love for travelling convinced me to give it a go. After all, it’s my anniversary here in Cebu and I want to explore more places and attractions here. My birthday is just around the corner as well. I want to give myself a break. You know, city life is fun but it gets boring in the long run. I need to breathe fresh air and enjoy tranquility sometimes. And now, here are the highlights of our two-day road trip down south…

DAY 1

We left for Barili, Cebu around 8 AM. We made a quick stopover in Carcar City to take some pictures.

carcar-church.jpg

GOING-AWAY PIC. Smile guys! We’re going to our destination!hehe

Finally, we reached Mantayupan Falls in Barili, Cebu around 11 AM. This place boasts a reputation for a magnificent waterfalls. The sound of the rushing waters was soothing. That was the best waterfalls I’ve seen so far. I would say that it’s close enough to Laguna’s Pagsanjan Falls. This is where we had our lunch. My only regret is that I wasn’t able to join Ivan and Sho with their balsa adventure because I left my bag in the van.

mantayupan.jpg

TOURISTS ON THE GO. Here are the tourists striking a pose with the falls on the background (CLOCKWISE: Leylan, Jen,  Erin, Cel, Line, Line’s Dad, Ivan, I, Sean, and Sho)

After spending few hours in Mantayupan Falls, we left for Moalboal, a town known for its white sand beaches and dive spots. Heck, that was my first time to walk on white sand. I didn’t miss the chance to get intimate with it.haha 😆 I rolled over the shore and dived into the water. I enjoyed the moment while the restless waves touch my bare skin.

moalboal.jpg

SOAKING UP. Woohoo! This time we’re soaking up the sun through beach bathing.

Sho (my officemate) and I went boating along the coast. Later, I sat on the shore to watch the beautiful sunset. The scene was perfect! The night in Moalboal was also peaceful. No jeepneys. No busy streets. No pollution. That was paradise! hehe. After setting up our tents, we gathered for a bonfire while drinking my favorite beer.hehe 😆

bonfire.jpg

FIRE UP. The gang gathered around the bonfire. Where was I? I washed my hands after lighting it up!

DAY 2

We had to leave Moalboal at 9 AM. Then, we made our way to Kawasan Falls in Badian, Cebu. We did a bit of trekking to get to Kawasan Falls. All of us had to make a number of steps and follow a narrow trail through the trees. I was barely breathing when we finally reached the waterfalls! 😆

dsc00111.jpg

FALL IN LOVE WITH THE FALLS. These people are obviously enjoying a great scenic view that this place offers.

The water was pretty cold but I managed to bathe for hours with Ivan, Leylan, Vet, and the two kids Sean and Erin. “Falls-hopping” is really fun!

After taking a dip in the waters of Kawasan Falls, we stopped in Oslob, Cebu. This is where we travelled back in time as we posed near the ruins of old buildings and landmarks. These were the places that I’ve only seen in history books before. Look, here we are striking a pose near the ruins of a watchtower.

oslob-ruins.jpg

SHARING THE LEGACY. This one is steeped in Cebu history. Why not pose for a picture and share the legacy?

oslob-church.jpg

The gang posed again! (FROM LEFT:) Sho, Lex (that’s me), Jen, Vet, Cel, Ivan, and two cute kids Sean and Erin at the back.

oslob-bay.jpg

Another picture at Oslob Bay. Here are the celebrity-wanna-be’s once again…

If I have to describe our road trip with just one word, it would be FUN. Really fun!

I don’t have something for my birthday now. But, it’s fine! The food and drinks would be gone in minutes but the fun I had during our road trip would remain for a lifetime…

Try the southern tip of Cebu now and you’ll enjoy everything!

Special thanks to:

Leylan and Yam for some of the pictures…

Drayber’s Rule No. 1

February 5, 2008

driver.jpg 

“BARYA LANG PO SA UMAGA”. Madalas makita ang karatulang to sa mga pampublikong sasakyan – sa dyip, traysikel, pedicab, bus, kalesa. Di na siguro ako maniniwala kung meron pa nyan sa eroplano. Para na nga tong rule na dapat sundin ng mga pasahero. Kulang na lang ipadikit to sa noo ng drayber para makita ng mga pasahero sa side mirror. Kung meron ngang Driver’s Code of Ethics, malamang yan ang una sa listahan: “Huwag tumanggap ng perang papel sa umaga.” Pero ano namang magagawa ng drayber kung wala ka talagang barya? Eh di suklian ka rin ng sangdamukal na barya. Parang gusto nyang sabihin: “Wala kang barya? Eto bibigyan kita ng marami!”

Yan lang naman ang naranasan ko kaninang umaga nang papasok ako sa trabaho. Wala akong barya kaya isang-daan ang inabot ko sa drayber. Sais lang naman ang pamasahe pero pasensya na, wala talaga akong barya. Two hundred na lang kasi ang natira sa wallet ko. Kasya pa naman siguro ang two hundred kong budget hanggang Biyernes, ang much-awaited pay day. Ewan ko ba kung nang-aasar lang ang drayber o talagang nambubwisit. Suklian ba naman ako ng P94 na puro kumakalansing na barya! Parang gusto kong magtanong kung wala siyang tig-25 o 10 sentimo. Gusto ko nang itodo ang pang-aasar nya sa kin. Dahil nga sa rule, di ko na nagawang magreklamo. Shet! Akala siguro ng damuhong to na pang-piggybank ang isusukli nya sa kin. Medyo mahaba naman ang pasensya ko kaya deadma na lang.

Naisip ko rin na baka sign na to para magtipid ako, na ipunin ko ang mga barya. Baka gusto ni Kumpareng God na mag-cost cutting ako. Di naman ako masyadong magastos dahil wala naman talaga akong pang-gastos. Pero panahon na rin siguro para mag-save ng konti kasi sa halos isang taon kong pagtatrabaho eh wala man lang akong naipon. Fify percent kasi ng konti kong kita eh napupunta sa pamilya ko.

Naalala ko rin yong alkansya ko nong uhugin pa ko at nanonood pa ko ng Ewoks at Mask Rider Black. Yon bang kawayan na binutasan at ginawang alkansya. Pag may natitira sa baon ko eh hinuhulugan ko ng piso araw-araw. Di rin naman napuno kasi pag wala akong pambili ng “teks” eh sinusungkit ko yong laman. Madalas akong matalo non, idagdag pa yong magagaling na boy scouts na akala mo kung sino at nagko-confiscate ng “teks”. Kaya yon, binalinag ko na lang yong alkansya at ipinambili ng “teks”. Pag recess naman eh diretso agad sa canteen sabay bili ng tira-tira. Buti na lang brick game pa lang ang uso non at di computer games. Baka na-adik din ako kung nagkataon.

Kitam! 😆 Kahit na nga noon eh di ako nag-succeed sa pagsi-save. Ngayon pa kaya na kahit cotton buds eh kelangang bilhin. Kelangan ko ring kumain kahit dalawang beses man lang sa isang araw. Sangkaterba pa ang dapat bayaran. Nandyan yong landlady namin na madaling-araw pa lang siguro kung maningil. Shet! Di ko pa nga natatanggal ang “morning glory” ko eh kumakatok na. Grrrr…Minsan nga bingi-bingihan effect lang ako. 👿

Wheew! Napakahabang flash back naman non. Kaya pala walang natitira sa sweldo ko. Minsan nga kapos pa budget ko. Di na nga aabot sa isangdaan ang pera ko sa ATM. Wala man lang akong ibabayad kung makaapak ako ng kamatis sa sidewalk.

I think it’s time to save! Na-realize ko na bawat sentimo sa bulsa natin eh mahalaga. Mag-iipon talaga ako ng 5 cents. Chinese New Year’s resolution ko na yan. Para sa susunod na pagsakay ko sa dyip ng drayber na yon, maduling sya sa kabibilang ng pamasahe ko! 😆 Baka sakaling tuklapin na nya ang “BARYA LANG PO SA UMAGA!” at baguhin ang sarili nyang patakaran.