Archive for the ‘personal’ category

My Father Is…

June 16, 2008

A CHAIN SMOKER. He started smoking at a very young age. He can consume two packs of cigarettes a day. Minsan ko na syang kinainisan dahil sa bisyong to. But eventually I learned to understand him. Nasanay na kong langhapin ang nakakasulasok na usok na binubuga nya. Muntik na nga rin akong mahawa nun. Buti na lang nakontrol ko pa. Isang taon na kong di nagyo-yosi.  hehe. Sa kanya din nagmana dalawa kong kuya. Kung sabay-sabay silang manigarilyo baka maisip ng mga neybors ko na nasusunog na bahay namin.

A COFFEE ADDICT. He drinks a lot of coffee. Pero wag ka, lagi pa syang tinitimpalahan ni ermat. Lumalagok sya ng kape habang naninigarilyo. Adik erpat ko di ba? Gawin bang alak ang kape at pulutan ang sigarilyo. But he’s not a drunkard like me. Dalawang tagay pa lang ng beer eh namumula at nalalasing na yon. Ewan ko ba kung kanino ko namana ang pagiging lasenggo. 

A WOMANIZER. He had some illicit affairs when I was young. Medyo papalicious pa daw kasi sya nun kaya lapitin ng mga chicks. Thanks to my martyr understanding mother at di pa rin ako lumaki sa isang broken family. Pero minsan silang nag-away at binato ng baso ermat ko. Sapul sa ulo si ermat at may naiwan pang peklat. 

A FRUSTRATED SINGER. I’ve said this on my last post. Mahilig syang kumanta at classic ang paborito nya. haha. Minsan boses nya ang gumigising sa kin sa umaga. Ang aga-aga bumibirit na ala-Tom Jones. Minsan nagkakaproblema sya sa diction pero pasado naman siguro. I would never forget the time when we sang Always by Bon Jovi together. hehe.

A GOOD PROVIDER. He works hard to earn a living for our pamily. Ayan, nahawa na ko kay Janina. I mean, family. haha. Iginapang (di ba pwedeng nilakad na lang?) nya pag-aaral ko. Dumaan kami sa butas ng karayom nun. Nag-transform muna kami into thread para makapasok sa butas. Haayyy…corny! Seriously, kahit isangla  nya konti naming lupain namin gagawin nya may ipang-tustos lang sa pag-aaral ko. May sarili na kong trabaho ngayon pero di nila inaasa lahat sa kin. Sya nagpapatakbo ng palaisdaan namin. Di nya iniinda ang mabibigat na trabaho sa fishpond kahit lagi syang bilad sa araw. Kaya yun, para kaming mocha at tsokolate pag magkatabi. LOL.   

Tay, I apologize for the things that I’ve said and done before. Sorry kung nasagot kita ng pabalang nun. Sorry kung minsan di ako umuutang ng sigarilyo mo sa tindahan ng kapitbahay natin. Sorry kung di kita pinagtitimpla ng kape. At sorry kung minsan kitang napaiyak dahil sa katigasan ng ulo ko.

I just hope that God would give us more years to spend together! Happy Father’s Day, Daddudes!

 
 

Plagiarist Stikes Out!

April 17, 2008

“You’re nothing but a second rate trying hard copycat.”

Check this link Plagiarist to find out what I’m talking about.

I checked my Yahoo WAP Messenger first thing in the morning. There were offline messages from my friend Jeckass. He asked me if this URL http://paust.blogspot.com belongs to me. Damn! I don’t have a Blogspot account. How could that happen? He told me that someone has been copying some of my posts. I was a bit shocked with this revelation . I didn’t know that a plagiarist exists even in the blogospehere.

Out of curiosity, I checked his blog. Jeck was right. I was surprised to see two of my previous posts broadly published on his site. What the hell do you think you’re doing? My previous entries “Boredom+Antok=Senti” and “Petiks” have been copied by this “unfamiliar” plagiarist.  But I learned that he is “famous” in the blogosphere because he was nominated for Candy Mag’s Teen Blog Awards whatsoever. Wow! A plagiarist gets nominated, huh!

He was like an intruder who entered my house, grabbed something that I own, and used it for his own damn sake. I really could not fathom why you did this. Do you idolize me or something? I’m not flattered, though. Or you just don’t have something to write. If that’s the case, you should have opted to catch some Zs and killed yourself of boredom.

This fuckin’ creature copy-pasted those posts, changed some details, and made them his own. I’m not a good writer. I don’t need to say that because my posts are idiotic. It’s good to know that some people read my posts and leave comments. But seeing a blogger copy what I wrote is totally ridiculous.

I don’t know how to react to it. My officemates tell me that “imitation is the best form of flattery”. Should I be happy to hear it from them? No. For me, what happened is a complete and obvious plagiarism.

This is gonna be my message: If you (http://paust.blogspot.com) don’t know what plagiarism is, I’ll be gald to define it for you. You may also check a dictionary if you have one. My Journalism professor said that plagiarism is the paractice of copying someone’s work and idea and assuming that you wrote it. Makes sense?

Now, I’m challenging you to copy and publish this on your site. That way, your friends and readers would know who your source is. Shame on you!

I demand you to delete those copied posts. Or better yet, you can delete your Blogspot account and get yourself out of the blogging community. I wonder where you got your other posts. Expess your own thoughts you moron! Don’t depend on other bloggers’ posts and stand in your own ass!I’m pretty sure that there are other unaware “victims” of your act. There is no room for plagiarists here. You’re pathetic.

This should not happen again. Above all, this should not happen to us “original” bloggers.

 

 

 

Umbrella..ella..eh..eh

March 7, 2008

I hate the world today! I’ve been through hell dahil sa ulan! And it really sucks!

Di naging maganda simula ng araw ko dahil sa pesteng ulan na bumati sa kin pagkagising ko. I hate rainy days. Di baleng masunog ako sa sikat ng araw basta’t di lang ako malunod sa ulan. Nakakatamad talagang pumasok sa opis pag umuulan. Pero wala naman akong ibang choice. Sayang din ang datung kung di ako magtrabaho.

Di agad ako nakaalis sa boarding house dahil sa lintyak na pag-ulan ng pusa’t aso. Arrgh! Narealize ko tuloy ang kahalagahan ng payong. Rihanna pwede ka ng bumirit! Pasok…

[Rihanna enters] (Magmadali ka nga!)

When the sun shines
We’ll shine together
Told you I’ll be here forever
Said I’ll always be your friend
Took an oath
I’mma stick it out ’till the end
Now that it’s raining more than ever
Know that we still have each other
You can stand under my Umbrella
You can stand under my Umbrella
(Ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(ella ella eh eh eh eh eh eh)

[Rihanna exits] (Makakaalis ka na! Extra ka lang dito)

Di ko maisip kung pano ko susuungin ang tumatagaktak na ulan. Bwiset…set…set…set. May echo pa yan para may emphasis. Ilang beses na kong nagpabalik-balik sa bodega este kwarto pala para maghanap ng payong. Napagkamalan ko nang bodega ang kwarto namin dahil sa dami ng nakasampay na pantalon, t-shirt at brief. Pwede na nga kong mag ukay-ukay business. Sheeet! Naunahan pala ko ng pinsan ko sa payong.

Helpless na talaga ko kaya hinalukay ko ang cabinet namin at naghanap ng sombrero. Eureka! May nakita akong nabubulok na sombrero. Hang Ten naman ang tatak kaya sinuot ko na rin. Sinuot ko rin ang denim jacket kong dalawang linggo ko na sigurong di nilalabhan. Iniiwan ko kasi sa opis ang isa kong jacket. Japorms na ko sa suot kong shirt, shorts, tsinelas, sombrero, at jacket. Ganyan porma ko pag umuulan. hehe. Dahil ready na, sinalubong ko ang rumaragasang ulan at nagtatakbo sa kalsada na parang hinahabol ng kidnappers.

May naghihintay na traysikel pagdating ko sa kanto kaya sumakay agad ako. To my surprise, umuulan din  sa loob ng traysikel. What the fuck! Parang shower ang tulo. Kung alam ko lang na mababasa din ako, naglakad na lang sana ako. hehe.

Lalong tumindi ang kamalasan. Bumaha sa may babaan. Pwede na nga sigurong mag-jetski. Dapat nagdala na rin ako ng surfboard (as if meron). Lumusong ako kahit alam kong marumi ang tubig. Di ako likas na ma-arte pero narumihan talaga ako. Sa palagay ko kasi eh pinaghalong ihi ng tao at hayop ang baha.

Iba na talaga ngayon. Dati kasi gusto kong bumaha para walang pasok. Ang saya ding maligo sa ulan na hubo’t hubad. Pero ngayon, naiirita na ko sa tubig-ulan. Ginagawa ko na lang na pambuhos sa bowl. hehe.

Tiningnan ko ang relo ko. 8:45 AM na pala. I only have 15 minutes. Kahit im posible, umasa pa rin akong di ako mali-late. Sa pagmamadali nga eh, nag-splash yong naapakn kong tubig-baha at nabasa ang taong naghihintay ng dyip sa tabi. Kumaripas agad ako ng takbo at baka gumanti sya at paliguan ako. hehe.

May kamalasan na naman sa dyip. Di naman tumutulo yong bubong. Umuusok nga lang sa loob. Parang nasa loob ang tambutso. Pesteng buhay to oh! Gusto yata ng drayber na to na mamatay ang mga pasahero nya due to suffocation. Binuksan ko na lang ang walkman phone ko at nag-play ng kanta. The song was so timely. Guess what. Tama ka! “Umbrella” nga. Nang-aasar yata tong kanta tong eh. hehe

Mali-late pa rin ako kahit na mag-taxi kaya nag-dyip na lang ako.  Ayoko ko nang mag-pretend na nasa Amazing Race ako. Kahapon lang kasi eh kumaripas kami ng takbo ng opismeyt ko from ground to third floor. Sinwerte naman at 9:00 AM kami naka-swipe. Ngayon, 9:10 sa estimate ko.

May dalang payong ang nakatabi ko sa dyip. Parang constant reminder to ah! Pootah. Bat kasi ang tamad kong bumili ng payong.

Parang nag-shoot up ang blood pressure ko sa 200/150. Soaking wet na kasi ako pagdating sa opis. Para kong basang sisiw. Haayyy, kelangan ko na talagang bumili ng payong. Yong family size. hehe

Nagtanong Ka Pa

January 15, 2008

Ewan ko ba kung ba’t may mga taong nagtatanong pa kahit obvious na masyado ang sagot. Sabi nga nila, isa ‘to sa mga natatanging katangian ng mga Noypi. Okay, sabihin na nating gan’on na nga ‘yon. In other words, ang iba sa atin ay engots o ‘di kaya ay tinatamad lang mag-isip bago magtanong. Baka kasi mapagod pa utak nila at mag-nervous breakdown.

Lately, naging biktima ako ng ganitong klaseng mga tao. ‘Di naman ako galit sa mga pipol na ‘to pero ‘do ko lang maiwasang mapikon. Kayo ba naman ang tanungin ng walang-kwentang katanungan kung ‘di kayo madismaya.
Chapter 1: CASHIER IN TROUBLE

Pumunta ako sa mall kagabi pagkalabas sa office. Tumungin-tingin ng mga sapatos na can afford kong bilhin. Medyo may kalumaan na kasi ang sapatos ng lolo n’yo. Baka ilang araw na lang itagal kaya kailangang bumili o ‘di kaya eh magnakaw para sa replacement. Baka kasi habang naglalakad ako eh matuklap ang swelas at pagtawanan pa ‘ko ng ‘sangkaterbang socialites-in-the-making.

Pagkatapos ng mahabang fit to foot, nakapili rin ako ng makakaya ng butas kong bulsa. Kaya ayon, pila agad ako sa counter. Nakaharap ko agad ang cashier na namumula ang mukha. Ewan ko ba kung nagba-blush lang ‘yon o nasobrahan sa make up. Dahil sa one thou plus ang presyo ng shoes, I gave her one five. Biglang umasim ang mukha ng cashier. Sabay tanong, “Sir, wala kang P100?” Parang nagpapatawa ‘to ah. Eh di P1,100 lang sana ang inabot ko sa kanya kung meron. Hindi ko naman ugaling magpasikat dahil hindi naman talaga ako much money. Minsan nga lang magkalaman ang wallet ko. Ano kaya problema no’n? Wala na silang panukli o ayaw n’ya lang magbilang?

Chapter 2: DRIVES ME CRAZY

Kanina lang eh sumakay ako ng jeep. ‘Di na nakakashock ‘yon kasi araw-araw naman talaga akong bumibiyahe. Nagmamadali ako kasi baka ma-late na naman. Bawas P100 na naman sa sweldo ‘pag nagkataon. Medyo puno na ang jeep at siksikan na ang mga pasahero. Afraid to get another late this month, sumakay na lang ako.

Malapit na ‘kong bumaba kaya kailangan ko ng sabihin ang “Palihug” at iabot ang ten-peso coin. Tinanggal ko muna ang earphone na nakasakak sa mga tenga ko kasi baka magtanong ang driver kung saan ako bababa. Pagkatapos kong sumagot, binalik ko na earphone. Dahil enjoy na enjoy sa sound trip ang lolo n’yo, ‘di ko namalayan na nagtanong pala ulit ang driver. Namalayan ko lang nang kalabitin ako ng katabi ko.

Sa expression ng mukha ni manong driver eh parang galit na hindi ko siya nasagot agad. Kasalanan ko ba? Eh ‘di naman n’ya inubos agad ang tanong n’ya. And I expect matatandaan n’ya kung saan sumakay ang mga valued passangers n’ya. Gano’n na ba karami ang sumakay sa karag-karag n’yang jeep kaya na-mental block s’ya? Oh baka naman nakalimutan n’ya kasi busy s’ya sa pakikipagchikahan sa kung sino man ang nasa front seat.

  
 

Independence Day

January 14, 2008

Mahirap mabuhay nang malayo sa pamilya. Believe me. Nakaka-burn out talaga. Sunday ngayon kaya “independence day” ko na naman. Ang hirap pala talagang maging independent. Lahat kailangan kong gawin mag-isa. I have no choice. Or else I’m gonna die. 

Pagkabangon ko eh nagpakulo agad ako ng tubig. Madalas isang tasang MILO at sampung pandesal lang ang breakfast ko. Kahit man lang pa’no eh may laman ang sikmura ko. Pagkatapos, nag-igib ngtubig sa may likuran ng boarding house ko. Yes. Wala akong gripo sa loob. Kailangan ko pang mag-igib. Take note, nagbabayad pa ‘ko ng P1.75 sa bawat baldeng isasahod ko. Wheew. Nakakahingal mag-igib pero okay lang kasi parang exercise ko na rin.  

Tambak na pala ang mga hugasan sa lababo. Kahapon pa pala nakatambak ang mga ‘yon. Nakakatamad rin kasi minsang manghugas ng pinggan. Minsan nga naiisip ko na bumili na lang paper plates. At least itatapon na lang pagkatapos gamitin.  Kaya lang dagdag gastos na naman ‘yon.  

Kailangan ko na palang magsaing kasi tanghali na. Sheet! Wala nang laman ang rice dispenser kong lalagyan ng biskwit. Pag minamalas ka nga naman. Kailangan ko pang tumakbo sa palengke at bumili ng bigas. Naalala ko, wala na rin pala akong mauulam. Bumili na rin ako ng isda. Napakamahal na ng isda ngayon. Biruin mo, P100 ang kilo pero ilang piraso lang. Sa amin mangawil lang ako sa fishpond namin at makisama ang mga isda eh may ulam na. Wala akong magagawa kasi iba ‘don at iba dito.

Dahil ako lang mag-isa sa eksena, ako na rin ang naglilinis at nagluto ng isda. Medyo matagal na  rin pala akong hindi nakakapagluto. Madalas kasing sa labas na lang ako kumakain. Paminsan-minsan sa Jollibee o KFC pero dahil mahal ang pagkain sa fastfood, mas madalas sa carinderia ni Aleng… Ah, hindi ko nga pala kilala. Hanep, kahit saan na lang talaga ako kumakain. Kaya pala hindi maubos-ubos ang laman ng LPG namin. Buti na nga lang ‘yon kasi mahal na rin naman LPG ngayon. Mababa raw ngayon pero tataas na naman ‘yan next month.

Ala-una na siguro nang makakain ako. Medyo okay naman ang lasa ng niluto kong tinolang isda. Napilitan talaga akong matutong magluto nang pumunta ako dito sa Cebu. Dito ko na rin natutunang lutuin ang aking specialty- pork sinigang. Sa lahat ng natutunan ko, ang magbukas ng lata ng Blue Bay ang pinakamadali. Nabusog din naman ako sa tanghalian ko. Medyo naka-dighay naman kahit pa’no.  Habang nagpapatunaw eh nanood lang muna ako ng ASAP ’08.

Thirty minutes lang akong nagrelax. Kailangan ko na kasing simulan ang labada. Nakatambak na rin pala labahan ko. Once a week lang kasi akong naglalaba. Wala kaming washing machine kaya I have to  do the traditional method of washing – kusot and brush.  Good luck na lang sa mga kamay ko. Napalaban talaga ako nang todo sa kusutan. Binibiro nga ako ng mga kapit-bahay ko. Palabhan ko na lang  daw sa kanila. Sabi ko naman, “Okay lang. Kaya ko pa naman.”  Sa hirap ng buhay ngayon, malaking halaga na rin ang isang daan. Kaya ako na lang ang magtitiyagang maglaba sa mga damit ko. Sabi kasi ni Manny Villar, aasenso ka sa sipag at tiyaga.Hehe.

Gabi na ko natapos sa paglalaba. Haaayyy…Nakakapagod talaga ang mabuhay mag-isa. Naisip ko tuloy habang nakahilata, ganito pala ang maging independent. Medyo mahirap pero matututo kang mabuhay. Okay na ring isipin na nakakaya kong mag-survive na malayo sa pamilya ko. Ito na siguro ang sinasabing prize of being independent.

Bad Trip

January 10, 2008

Ang daming kamalasang dumating sa kin last December. Hindi naging madali ‘yong homecoming ko from Cebu to Tacloban. Sabihin na nating isa ‘yon sa mga pinaka-nakakainis na experience sa 22 taon ko sa mundo.
Wala na kaming trabaho no’ng 21 kaya 22 pa lang eh pwede na sana akong umuwi. Sa kasamaang-palad ng kumpare n’yo, ayon, dehins lang naman nakapag-book ng ticket. Alam n’yo naman, napakaraming gustong umuwi sa mga lab wans nila. December 20 pa nga lang eh wala na akong naabutang ticket sa Supercat. Full na daw booking nila until December 24. Whaaaattt? Hindi na lang ako bumili ng ticket. Ayoko ko kasing ma-delay for two days.
Nangyari pa rin ang ‘di inaasahan. Na-groggy ako sa Christmas Party namin no’ng December 21 kaya para akong nasa ospital kinabukasan. Hapon na ako nagising. Para ngang ayokong bumangon kasi nanginginig tuhod ko. Kayo ba naman hindi makakain maghapon. With matching ubo pa ‘yon ha!
Kaya ‘yon, 23 na ko nakakuha ng ticket. Pahirapan pa nga eh. You have to make pila and be bilad under the sun. Tenth customer na siguro ako from the counter nang i-announce ng hinayupak na unknown ticket guy na wala na raw ticket for that night. Oh, my gulay! Parang gusto kong pumulot ng bato at targetin ang ulo no’n. Buti na lang kinaya pa ng powers kong mag-calm down. They can’t blame me. Two hours na akong pumila tapos parang ang dali nilang sabihin na “Wala na’y ticket”. Bullfight! Wala naman akong nagawa. Tinamad na akong lumipat sa ibang ticketing outlets at makipag-unahang kumuha ng ticket. Whether I like it or not, para sa 24 na nakuha kong ticket.
Time really flies! Alas-sais pa lang eh ready na ‘kong pumunta sa pier pero 7:00 PM na ‘ko umalis sa maliit kong boarding house. Buti na lang parang disyerto terminal sa pier. Konti lang ‘yong mga tao. Isa na ta talaga ako sa late Cristmas travellers. Nakakuha agad ako ng terminal pass at pumila para makasakay sa bus. Ewan ko nga eh. Ba’t ganito na sistema ngayon? Dati di naman kailangang dumaan pa terminal. Ngayon kahit ilang dangkal ang layo ng naka-dock na barko eh magbabayad ka pa ng P10 para makasakay sa bus.
Siguro alas-otso pa lang eh nasa barko na ko. Alas-diyes raw kasi biyahe, mahirap nang ma-late. Baka ano pang maisip ko at maglangoy na lang papuntang Ormoc. Napaka-boring sa barko. Wala ka man lang maka-usap. Halos matuyo laway ko. Buti na lang may dala akong candy. Sumubo ako ng isa at humiga sa deck. A minute later, kumati lalamunan ko. Umatake na naman ubo ko. Muntik ko na tuloy malunok ‘yong candy eh. Actually, malapit na sa sikmura ko ‘yon. Ang weird nga kasi nailuwa ko pa!Haha!
Parang pinagmalupitan talaga ako ng tadhana no’n. Hindi umalis ‘yong barko on time. Ewan ko nga kung bakit. Wala man lang kasing nagsabi sa ‘min. Akala ko mga 30 minutes lang ‘yong delay, 11:00 PM na eh nakalutang pa rin ang barko malapit sa pier. ‘Di nagtagal eh may mga nagpaputok na. Shet! Pasko na pala! First time ko ‘yong mag-noche buena sa barko. Tinawagan ko na lang family ko to say “Merry Chistmas” kahit ‘di naman talaga ako masaya. Pagkatapos, dinaan ko na lang sa higa. ‘Di rin naman ako makakatulog dahil sa ubo. Maya’t-maya eh kakahol ako na parang aso. 12:30 AM na umalis ang barko. Buti nga naisipan pa nilang umalis.
Madaling-araw na nang makarating ako sa Ormoc. Nakipagsiksikan agad ako sa V-hire papuntang Tacloban. Matagal-tagal pa biyahe kaya nangawit pa puwet ko. 

After the long and bad trip, nakarating din ako sa ‘min. Halos nakapikit na mata ko sa antok. Dyahe nga kasi pinahirapan ako ng putchang ubo. I stayed awake all day. Nakipagkulitan na lang ako sa mga pamangkin ko at nakipag-story telling sa mga friendship. Hindi ko na nga ako nakaramdam ng pagod. It’s worth all the shit! Ayokong i-recall pa ‘yong kamalasang nangyari sa ‘kin. Mas okay isipin na I’m home sweet home…