Archive for the ‘pagod syndrome’ category

25 Minutes Too Late

November 11, 2008

I got late…

AGAIN!

late

Nalate na naman ako kanina. Eh ano ba bago dun? Pangalawang late ko na yun ngayong buwan at ang mas masama, late din ako kahapon. Hala! Parang nadadalas ang pagkalate ko. What on earth is happening to me? At talagang tinanong ko pa ang sarili ko the schizophrenic way.

As much as possible ayoko namang malate eh. Gusto ko namang magpaka-propesyonal kahit wala talaga sa itsura ko yun. ahehe. But I could’t help it. Minsan talaga late na ko nagigising. Anyways, dapat ko pa ngang ipagpasalamat yun kasi nagigising pa ko. Kaso di ko dapat ipagpasalamat ang P100 na kaltas sa sahod ko sa tuwing malilate ako ng pasok sa opis. 

Na-spank nga ako ng sup namin kaninang umaga dahil dun. May konting awarding ceremony na nangyari at malugod ko naman yung tinaggap sa aking acceptance speech. ahehe. Nagtataka kasi sya na kung kelan malapit na boarding house ko sa opis eh yun naman ang dalas kong ma-late. Tama naman sya eh. Dati kasi di pa bukas ang opis dumadating na ko.lols.    

Teka. Bakit nga ba ako na-late? Okay, eto ang maikling flashback.

6:20 PM
Dumating ako sa boarding house at nagbihis. Nag-internet para magblog hop at magreply sa comments dun sa last post ko at nagdownload ng music videos.   
 
7:45 PM
Nakipagkwentuhan sa boardmates. Kumain ng hapunan habang pinagtyagaang panoorin and Gagambino. Pinalipat ang TV sa channel 2 para panoorin ang pilot episode ng Pinoy Fear Factor. Nagloko ang TV kaya in-off na lang.

8:50 PM
Tumambay sa rooftop para magpahangin. Tumawag sa bahay para kumustahin ang mga kapamilya at kapuso ko. lols. Tumingala sa langit at naghanap ng shooting star. lols  

9:55 PM
Bumaba galing sa rooftop at nanood ng Survivor Philippines. Nabalitaang si Kiko ang na-vote out at wala akong pakialam dun. Pumasok sa kwarto pagkatapos at nagligpit ng mga gamit. 

10:25 PM
Humiga at nagbasa ng MYX Mag kung saan featured artist ang Eraserheads. Collector’s item yun kaya bumili ka na ng kopya kung tagahanga ka rin ng Eheads. Bili na, NOW na! (Pero mag-iwan ka muna ng comment kung gusto. Kung ayaw mo naman i-shut down mo na lang ang PC. lols)

11:00 PM
Nagset ng alarm sa cellphone para magising ng 7:45 AM at as usual Miss Independent by Neyo pa rin ang alarm tone. Pinatay ang ilaw at humiga ulit sa deck. Tumagilid, tumihaya, at dumapa pero di agad nakatulog. Epekto kaya yun ng pagiging adik ko sa kape at Coke? Sabihin mong “oo” at hindi na ko iinom ng mga yan. Jowk!       

I woke up at 7:15 AM this morning but I thought it was too early to get up. So I went back to sleep and waited for the alarm. Heck, I didn’t hear my cellphone ring. Perhaps, I was deeply asleep that I couldn’t hear and feel a thing. The next time I opened my eyes and grabbed my watch, it was already 8:48 AM. WTF! I just wanted to wash my face and rush to the office but then I realized that I still won’t make it on time with only 12 minutes left before my shift. It was already 9:25 AM when I arrived in the office. 25 minutes late. Wapak!

Insomniac

April 23, 2008

Darkness covered the four corners of my room. There was silence all over it. And there were no people outside. No uninteresting “talks”. No unwanted noise. The narrow patio outside was totally deserted. Everyone was asleep…except me.

Lying on my bed, I opened my heavy eyes. These eyes have been wanting to close but my mind seemed so restless. I felt like I was preoccupied with many things but I wasn’t thinking of anything at all.

I let my eyes behold the emptiness of my room. My eyes caught something bright, a green bulb that I use as the source of light when I sleep. But now, it’s no use. I felt like I would be awake whole night.

The squeaking sound of lizards was the only thing that breaks the silence. I was gazing at them as they play freely on the ceiling.

This small green bulb lightens up the room. I can see things clearer now. But all of them are lifeless. Not even the air that the electric fan blows can bring them to life. I’m alone. But I’m used to it.

I’ve been tossing and turning on my bed for quite some time. I spent so much time in embracing my pillow and wishing that I would finally snore after few minutes. I wanted to close my eyes and fall asleep. But the problem is that I can’t. I really can’t. It seems that my call center days are all coming back. I thought that the polyphasic “sleeps” that I had before would come once again.

Then, I felt that something was crawling on my skin. Damn! It was one filthy cockroach. WTF!  I hate it. I hate to see cockroaches fly everywhere and sleep beside me. I hate it even more to see rats eat the little food that I have. I would get rid of these pests soon!  

I got up from the bed and sat on a wooden chair. It felt good to cover my face with the palms of my hands. However, my eyes hurt every time my eyelids touch them. It felt like the smallest grains of sand were scattered in my eyes. If only I could ask my eyes and mind to cooperate, I would have done it earlier.

I grabbed my cellphone roughly to check the time. I was a bit horrified to see that it was already past twelve.

I lied down once again and finally lapsed into unconsciousness…

 

 

Castaway

April 17, 2008

Medyo inaantok na ako ngayon kasi di ako nakatulog ng maayos last night. Sa pagkakatanda ko eh, alas dose na ko tuluyang nakatulog. Kahit na inaantok na ko pagkalabas sa opis, naisipan kong dumaan muna sa internet cafe para i-check ang Friendster, WP, at imeem accounts ko.Nakagawian ko na tong pampalipas-oras. 

Mas OK na siguro to kesa dumiretso ako sa boarding house. Wala din naman akong dadatnan dun kundi ang mga ipis at dagang nakikitira sa kin. Ayoko na ring maabutan pa ang news programs dahil nagsasawa na ko sa mga balita ngayon. Alam kong pati kayo eh nagsasawa na rin sa sensationalisized news sa TV – panic buying dahil sa rice shortage (daw), pagtaas ng mga bilihin, mga rally sa Maynila, at kung anek-anek pa. 

Inisip ko, ano kaya magandang panoorin sa Youtube? Di na ko nag-isip nang matagal. SURVIVOR: Cook Islands aga ang pumasok sa isip ko. Adik na adik ako show na to. Para sa kin, ito ang pinaka-astig na season ng Survivor. Kasi ito lang din ang season na napanood at sinubaybayan ko hanggang ngayon. haha.

Dalawang oras akong nakaupo sa harap ng TV pag Sabado para lang mapanood ang encore run sa Studio 23. Sa lahat ng reality shows eh ito ang pinakagusto ko. Ang sayang panoorin ng mga contestants na halos magbugbugan para manalo sa challenges. hehe.

Pero higit pa dyan, gusto ko ang Survivor kasi dito nasusubok ang katatagan at kakayahan ng isang taong harapin ang malulupit na hamon ng buhay. ahehe. Dito mo rin mararanasan ang mabuhay ng simple at ipakita ang yong totoong karakter.

Episode 9 na ang pinalabas nung Sabado. Limang episodes na lang eh may Sole Survivor na. Sa dalawang natitirang tribes, Aitu at Raro, gusto ko ang Aitu. Sila Ozzy, Yul, Sundra, at Becky kasi ang underdogs. Nakaka-relate ako sa kanila kasi underdog din ako. hehe. Kahit na iniwan sila ng dalawa nilang ka-tribe, pinatunayan nila na kaya pa rin nilang manalo. Kahit outnumbered sila, nanalo sila sa apat na sunod-sunod na challenges. Kaya di na ko nagtaka nang mabasa ko ngayon na sila ang naging Final 4 at si Yul ang naging Sole Survivor.

Adik nga siguro ako sa show na to kasi gusto ko na ring  maging castaway. Gusto kong maranasang makapaglaro para sa immunity at reward challenge. LOL. At mas gusto kong subukan kung hanggang san ang itatagal ko. Dahil na rin siguro to sa pinagdadaanan ko ngayon. Para na rin akong castaway dahil malayo ako sa pamilya ko at pinipilit kong mamuhay na malayo sa kanila. (Tama na ang drama Beero! Inom ka na lang ng beer para di ka na malungkot)hehe.

8:40 PM na pero di pa ko nakakain at P30 na kelangan kong bayaran dito. Pano ba yan? The tribe has spoken. I have to go! LOL.

 

 

Umbrella..ella..eh..eh

March 7, 2008

I hate the world today! I’ve been through hell dahil sa ulan! And it really sucks!

Di naging maganda simula ng araw ko dahil sa pesteng ulan na bumati sa kin pagkagising ko. I hate rainy days. Di baleng masunog ako sa sikat ng araw basta’t di lang ako malunod sa ulan. Nakakatamad talagang pumasok sa opis pag umuulan. Pero wala naman akong ibang choice. Sayang din ang datung kung di ako magtrabaho.

Di agad ako nakaalis sa boarding house dahil sa lintyak na pag-ulan ng pusa’t aso. Arrgh! Narealize ko tuloy ang kahalagahan ng payong. Rihanna pwede ka ng bumirit! Pasok…

[Rihanna enters] (Magmadali ka nga!)

When the sun shines
We’ll shine together
Told you I’ll be here forever
Said I’ll always be your friend
Took an oath
I’mma stick it out ’till the end
Now that it’s raining more than ever
Know that we still have each other
You can stand under my Umbrella
You can stand under my Umbrella
(Ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(ella ella eh eh eh eh eh eh)

[Rihanna exits] (Makakaalis ka na! Extra ka lang dito)

Di ko maisip kung pano ko susuungin ang tumatagaktak na ulan. Bwiset…set…set…set. May echo pa yan para may emphasis. Ilang beses na kong nagpabalik-balik sa bodega este kwarto pala para maghanap ng payong. Napagkamalan ko nang bodega ang kwarto namin dahil sa dami ng nakasampay na pantalon, t-shirt at brief. Pwede na nga kong mag ukay-ukay business. Sheeet! Naunahan pala ko ng pinsan ko sa payong.

Helpless na talaga ko kaya hinalukay ko ang cabinet namin at naghanap ng sombrero. Eureka! May nakita akong nabubulok na sombrero. Hang Ten naman ang tatak kaya sinuot ko na rin. Sinuot ko rin ang denim jacket kong dalawang linggo ko na sigurong di nilalabhan. Iniiwan ko kasi sa opis ang isa kong jacket. Japorms na ko sa suot kong shirt, shorts, tsinelas, sombrero, at jacket. Ganyan porma ko pag umuulan. hehe. Dahil ready na, sinalubong ko ang rumaragasang ulan at nagtatakbo sa kalsada na parang hinahabol ng kidnappers.

May naghihintay na traysikel pagdating ko sa kanto kaya sumakay agad ako. To my surprise, umuulan din  sa loob ng traysikel. What the fuck! Parang shower ang tulo. Kung alam ko lang na mababasa din ako, naglakad na lang sana ako. hehe.

Lalong tumindi ang kamalasan. Bumaha sa may babaan. Pwede na nga sigurong mag-jetski. Dapat nagdala na rin ako ng surfboard (as if meron). Lumusong ako kahit alam kong marumi ang tubig. Di ako likas na ma-arte pero narumihan talaga ako. Sa palagay ko kasi eh pinaghalong ihi ng tao at hayop ang baha.

Iba na talaga ngayon. Dati kasi gusto kong bumaha para walang pasok. Ang saya ding maligo sa ulan na hubo’t hubad. Pero ngayon, naiirita na ko sa tubig-ulan. Ginagawa ko na lang na pambuhos sa bowl. hehe.

Tiningnan ko ang relo ko. 8:45 AM na pala. I only have 15 minutes. Kahit im posible, umasa pa rin akong di ako mali-late. Sa pagmamadali nga eh, nag-splash yong naapakn kong tubig-baha at nabasa ang taong naghihintay ng dyip sa tabi. Kumaripas agad ako ng takbo at baka gumanti sya at paliguan ako. hehe.

May kamalasan na naman sa dyip. Di naman tumutulo yong bubong. Umuusok nga lang sa loob. Parang nasa loob ang tambutso. Pesteng buhay to oh! Gusto yata ng drayber na to na mamatay ang mga pasahero nya due to suffocation. Binuksan ko na lang ang walkman phone ko at nag-play ng kanta. The song was so timely. Guess what. Tama ka! “Umbrella” nga. Nang-aasar yata tong kanta tong eh. hehe

Mali-late pa rin ako kahit na mag-taxi kaya nag-dyip na lang ako.  Ayoko ko nang mag-pretend na nasa Amazing Race ako. Kahapon lang kasi eh kumaripas kami ng takbo ng opismeyt ko from ground to third floor. Sinwerte naman at 9:00 AM kami naka-swipe. Ngayon, 9:10 sa estimate ko.

May dalang payong ang nakatabi ko sa dyip. Parang constant reminder to ah! Pootah. Bat kasi ang tamad kong bumili ng payong.

Parang nag-shoot up ang blood pressure ko sa 200/150. Soaking wet na kasi ako pagdating sa opis. Para kong basang sisiw. Haayyy, kelangan ko na talagang bumili ng payong. Yong family size. hehe

Sick and Tired of Sickness

January 29, 2008

Medyo mahina na rin pala immune system ko. Madalas na kasi akong magkasakit ngayon. Apektado rin ako ng pabago-bagong klima na dulot ng global warming.ahehe 😆 Inatake pa lang ako ng trangkaso no’ng December pero heto at humirit na naman ang sipon at OA na ubo. Sumusobra na ang mga sakit na to ah! Pinagbigyan ko na nga minsan eh namihasa naman. Di na tama to! I’m sick and tired of being sick! Pootcha! Makainom na nga ng lason at nang matepok na ang mga pahirap na virus na to. Watch out mga kadiring viruses, matitikman nyo na ang aking paghihiganti. 😎 Ewan ko lang kung di nyo pagsisihan ang pagdapo nyo sa kin! Makainom na nga ng Vitamin Beer. 😆

Alam kong di ko naman ikaka-dedo to pero nakakainis din minsan. Ayoko kasing panay ang punas ko sa tumutulong sipon. Halos ako na nga siguro ang nakakaubos ng tissue sa office. Napadalas na rin ang hingi ko ng Neozep sa admin. sheet! Pati ba naman sa pagtulog eh di pa rin ako tinatantanan ng sipon. Dahil nga barado sinuses ko, nandon yong mapaluha ako habang nakahiga. Yong tipong sa mga teleserye at drama anthology lang napapanood. Kaya ko rin palang gawin yon pag may sipon. 😎 Nakakapagod ding matulog nang nakanganga na para bang si Pedro Penduko na naghihintay na mahulog ang mutya sa bunganga nya. Ayan, from drama to adbentyur na to! Nakakatakot din kasi baka matakpan ng unan ang bunganga ko habang tulog ako. Baka matapos agad ang career ko non. Naks, parang si Heath Ledger. 😆 From local showbiz to Hollywood kaek-ekan na rin siguro.

Pahirapan na rin ngayong bumili ng Neozep. Nong Sabado, tatlong tindahan napagtanungan ko. Wala na daw silang Neozep. Tumaas na rin pala ang demand kaya kinapos ang supply. O, pati pala Economics. Nakailang gamot na rin ako kaya medyo nakaka-inhale at exhale na ang malalaking butas ng ilong ko.  

Napansin raw ng officemates ko na naging tahimik ako this week. Naninibago raw sila sa kin. Para kasi akong pipi na di nagsasalita. Di naman ako madaldal pero madalas akong makipagkulitan sa kanila. Sumasama naman ako sa kanila pag break pero nakikinig lang ako sa kulitan nila. Parang ang lalim ng iniisip ko pero ang totoo eh wala naman. Tamang senti lang naman ng taong walang pera.

Pasensya na kayo mga giliw kong kaibigan at kaharutan. Ganito lang talaga ako pag may sipon. Nagko-concentrate akong huminga. Ayoko ring mahawaan ang isa man sa inyo. Ganon ko kayo kamahal. charotz! 😆 Mas nanaisin ko pang solohin ang sakit kesa sa makita kayong naghihirap. Baka sabihin nyo na naman na ako ay isang “incubus of viral plague”.