Archive for the ‘lab layf’ category

Black Balentayns

February 14, 2008

Balentayns na pala ngayon. Parang di ko man lang namalayan. Di na kasi big deal sa kin ang balentayns. Para sa kin, ordinaryong araw lang to na dapat salubungin sa ordinaryong paraan.

Tulad ng nakagawian, shirt at pants lang ang suot ko ngayon. Polo? No way. Wala naman akong kadate para magpaka-pormal. Lumaki rin ako sa paniniwalang pula ang sumisimbolo sa balentayns. Pero ano namang pakialam ko don. Napaka-conventional na nyan para sa kin.

Kaya ngayon eh itim na shirt ang sinuot ko. Di naman sa pinagluluksa ko ang pagpanaw ng aking mga ex. Gusto ko lang maiba. Parang sumunod tuloy ako sa isang patalastas sa TV na may temang Black Valentines. Pero okay lang. Yon din naman ang gamit kong shampoo. Kaya din siguro confident akong magblack ngayon dahil alam akong di magkakalat ang balakubak ko. 😆 Parang sinasadya nga’t di rin ako nakapag-gel.

Pagdating ko sa opis, marami rin ang nakaitim. Di pala ako nag-iisa. Marami ring di naniniwala na pula ang kulay ng pag-ibig. Sa katunayan, maraming nagsasabi na “Love is blind”. Meaning, lahat tayo’y nabubulag sa pag-ibig kaya di natin makikita ang kulay nito. 😆

Para naman sa mga hopeless romantic dyan, just go on with your lives! Mag-celebrate kayo hangga’t gusto nyo. Manood kayo ng sine, kumain sa mamahaling resto, mamasyal sa Luneta, at magcheck in sa motel. The night is all yours! 😆

Pero isa lang ang mensahe ko ngayong Balentayns…

Valentines is not only for lovers. It should also be the time to reflect on our past lovers and hope that they are still alive…alone…and miserable! 😆

Advertisements

Malena (Totoy’s Confession)

February 13, 2008

Lagi kang laman ng isip ko. Ang yong magandang mukha. Ang seksi mong katawan. Ang mata mong nang-aakit…

Sa mura kong edad ay natutunan kitang mahalin. Posible palang umibig ang isang binatilyong katulad ko. Di ko makalimutan ang una nating pagkikita. Parang ayokong ikurap ang mga mata ko nun. Napa-wow ako sa yong lakad, indayog ng yong mga hita, at kembot ng yong puwet. 😆

Di nagtagal ay nahumaling ako sayo. Sa tulong ng bike ko eh lagi kitang sinusundan hanggang sa pag-uwi mo. Madalas akong di pumasok para lang masundan ka. Tumatambay ako sa harap ng bahay nyo at nagbabaka-sakaling utusan mo kong bumili ng yosi. Minsan nga eh sinilip kita sa butas ng yong dingding. Minasdan kita habang mag-isa kang nagsasayaw. Nakita ko  ang hubog ng yong katawan at tindig ng yong dibdib. May naramdaman akong kakatwa nun. Parang nakaramdam ako ng kiliti sa buong katawan.

Kinabukasan ay bumili ako ng plakang pinatugtog mo nang gabing yon. Tiningnan ko ang mga larawan mo at sa aking imahinasyon ay nakasama kita. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nagpumiglas agad ang pototoy ko sa sandaling yon. Parang sa edad kong to eh gusto kitang maangkin. 😆

Naging laman ka ng masasamang balita sa bayan. Malayo ang asawa mo at di sila makapaniwalang natitiis mo ang pangungulila. Inisip nilang meron kang kabit. Napadalas ang minsang pamboboso ko sayo. Sa pagkakataong to ay may kasama ka. Nasaktan ako sa nakita ko. Tama nga ang hinala nila! Gusto kong gulpihin ang lalakeng humalik sayo. Para sa kin ay ako lang ang may karapatang gawin yon.

Sa kabila ng nakita ko, di pa rin nawala ang paghanga ko sayo. Sa halip ay ipinagdasal ko na malayo ka sa pangungutya ng mga babae at pagnanasa ng mga lalake. Gusto kong sa paglaki ko ay maging tayo pa rin. Minsan eh nagsukatan kami ng etits.  Napa-away ako nang sabihin ng mga kabarkada kong di kita mapapaligaya sa liit ng etits ko. Ang shorts din raw eh para lang sa maliliit ang etits.

Bago ako matulog ay ikaw lagi ang naiisip ko. Di ko na matiis ang sensasyong bumabalot sa katawan ko. Kaya sa pagkakataong to ay nagsariling-sikap na ko. Masyadong maingay ang kama kaya napansin agad ng erpat ko.

Di nagtagal ay pumutok ang balitang patay na ang asawa mo. Pumunta agad sa inyo at nakiramay sa yong pagluluksa. Inisip kong pumasok ako sa kwarto mo, hinalikan ka, at nangakong poprotektahan ka.

Nakahiligan ko nang umakyat sa puno para masilip ka. Kasama mo na naman ang lalaking yon. Pinikit ko na lang ang aking mga mata para di ko kayo makita. Di mo lang alam kung gaano kasakit sa kin yon. Nagpang-abot sila ng isa pang lalake na fiance mo raw. Nahulog tuloy ako nun. Nagsuntukan ang mga malilibog at kumalat agad ang balita sa bayan.

Lalong umugong ang tsismis at mas dumami ang may matatalas na dila. Dumami rin ang nagnais na maisiping ka kahit man lang sa isang gabi. Dahil sa nangyari ay kinailangan mong humarap sa korte. Nandon din ako nun. Ayoko kasing husgahan ka ng mga tao. Sa tulong ng abogado, ay na-abswelto ka. Wala kang pambayad nun. Kaya kahit di mo gusto ay napilitan kang makipagtalik sa matandang yon. Naiyak ako sa nangyari. Ako lang ang tanging nakakaintindi sa yo.

Habang tumatagal ay lalong tumindi ang pagnanais kong mahawakan ka. Gusto kong yakapin ka nang mahigpit at maidampi ang aking mga palad sa makinis mong katawan. Hindi ko natiis yon at ninakaw ko ang panty mong nakasampay. Kinagabihan ay inamoy-amoy ko yon. 👿 Nakatulugan kong nakatapal sa mukha ko ang itim mong panty. Nakita ng erpat ko yon kinaumagahan at di nya matanggap na ginagawa ko na yon. Kinulong nila ko sa kwarto ng ilang tatlong araw. Halos mabaliw ako sa nun dahil di kita nakita. 😆

Dahil sa kaharipan eh tinuloy mo na ang pagiging prosti. Pinakulayan mo na rin ang buhok mo. Binigay mo ang yong katawan kapalit ang kakarampot na pagkain. Imbes na magalit, naawa pa ko sayo. Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil di kita kayang itaguyod sa ngayon.

Nahimatay ako nang minsang makita kita sa labas. Ibang klaseng init kasi ang nararamdaman ko pag minamasdan ka. Nalaman siguro ni erpat kung ano ang hinahanap ng katawan ko. Dinala nya ko sa isang kasa. Pinili ko ang kamukha mo para ikaw ang maisip ko habang kasama ko sya. Tinanong nya ko kung first time ko yon. Sabi ko naman eh hindi. Dahil maraming beses na nating nagawa yon sa imahinasyon ko.

Tuluyan nang nawala ang respeto ng mga tao sayo. Sariwa pa sa alaala ko nang kaladkarin ka ng mga insecure na babae at kalbuhin sa kalsada. Binugbog ka nila hanggang sa lumabas ang laman ng bra mo. Pero di ko pinansin yon. Awang-awa ako sayo nun. Di ko kayang tingnan ka habang sinisigawan ng mga taong walang ginawa kundi siraan ka. Napilitan kang lumayo. Sinundan pa kita hanggang sa train station.

Buhay pa pala ang asawa mo. Bumalik sya sa tin at hinanap ka. Sinabi ko sa kanya kung nasan ka. Naging mabilis ang paglipas ng mga araw. Pagkatapos ng isang taon eh bumalik kayo na parang walang nanagyari. May syota na ko nun. Pero di ko mapigilang tingnan ka. Wala ka pa ring pinagbago. Maganda at seksi ka pa rin. Gaya nang dati, sinundan kita sa palengke. Tinulungan kita nang mahulog ang pinamili mo. Di pa rin nawawala ang nararamdaman ko sayo hanggang ngayon. Siguro nga di na mawawala yon.

Pero yan lang ang kaya kong gawin…ang pagpantasyahan ka! 😆 Ni hindi mo nga ako kilala. At di mo rin alam ang nararamdaman ko para sayo. Alam kong totoy pa ang tingin mo sa kin at imposibleng maging tayo. 😆 Napakahirap magmahal nang ganito. Pipilitin kong kalimutan ka dahil kahit kelan ay di ka magiging akin…MALENA 😥 

Beautiful. Seductive. Alluring. That’s Malena, the love of Renato’s teen life!

MALENA is now available on pirated DVDs! Grab a copy now for only P75! The price is still negotiable…

malena.jpg