Archive for the ‘friendship’ category

Message to Friends

April 8, 2008

Have you ever thanked your friends for coming into your life?  Did you ever thank them for their comforting words whenever you have problems?

We seldom realize the importance of our friends. We don’t usually value their presence and we seldom express that we’re grateful for having them in our lives.

You would miss his/her tap at your back. You would miss his/her laugh and smile. And you would miss his/her company.  The sad thing is that you would realize all these when they’re gone and when they’re no longer at your side.

It would be better to send them some messages that would let them feel that you appreciate having them around. A simple message would make a lot of sense. Why not write your message now?

You may follow this sample. I found this picture on a site. This one is pretty serious…Prepare your hankies for a tear-jerking and heart-breaking message!

 

I’m sure you have an idea what your message would be. Grab that pen now and start writing!

Advertisements

Homecoming

March 26, 2008

Nag-enjoy ako nung Holy Week. Di dahil sa patay sa Papa Jesus. Yun eh dahil nakauwi ako sa min kahit ilang oras lang. More than two days naman kung talagang bibilangin ko. Bitin yon kung tutuusin kasi parang namasyal lang ako dun. Parang ginawa ko lang kusina na pagkatapos kong kumain eh bumalik agad sa sala at nanood ng TV.

Pero dahil na rin sa pamilya, mga kaibigan, at kamag-anak ko eh naging worthwhile naman ang bakasyon ko. Yes. Gusto ko lang linawin na ang “homecoming” ay tumutukoy sa bakasyon ko sa amin at di sa katagang malaswa. lolz!

Excited talaga ako pag umuuwi. Kahit medyo tahimik sa lugar namin eh nasasabik pa rin akong balik-balikan. There’s no place like home ika nga.

Biyernes Santo na ko dumating. Naging penitensya sa kin ang pagbiyahe at di maayos na tulog sa barko at van. May nadaanaan akong prusisyon sa kalsada. Yong nagdadasal habang naglalakad at may hinihintuang istasyon. Di istasyon ng pulis o bus. Yong stations of the cross na ginagawa tuwing holy week. Ni minsan eh di pa ko nakasama sa ganung prusisyon.

Sa kalsada pa lang eh ang dami ko nang nadaanang mga kaibigan. Ganun din ang buhay ko nung tambay pa ko. Lagi akong laman ng kalsada at umuuwi lang ako pag kainan na. Binati nila ako agad. Nakakataba talaga ng puso ang simpleng ngiti at pagwelkam ng mga tao sayo. Yong para bang masaya silang makita ako at bumalik sa lugar namin. Feeling ko tuloy eh isa akong artista at may red carpet sa unahan ng kalsada. Akala ko rin eh may courtesy ako kinabukasan sa munisipyo. lols.

Tumakbo agad ako papasok sa bahay pagkababa ko sa motorsiklo. Gusto ko ngang mag-slow mo nun para ma-emphasize ang emosyon. Pero sa tootong buhay to at di pelikula kaya ilang hakbang lang eh nasa loob ko ng bahay. Sobrang na-miss ko ang apat na sulok ng bahay namin. Nandun ang mga kuya ko at isa kong pamangkin. Kwentuhan agad at walang puknat na kulitan. Nasa bahay na ko pagdating ng erpat at ermat ko.

Kahit kulang pa ko sa tulog eh sinuyod ko agad ang buong barangay. Wala namang pagbabago sa amin. Same old people and same old faces. May napansin lang ako sa mga kabataan dun. Akala ko kasi may dumapong epidemya dun at nagkasakit ang mga binatilyo at dalagita. Malalim kasi ang mga mata na parang naratay sa ospital ng ilang buwan. Yon pala eh nagiemo-emohan ang mga kumag at naglalagay ng uling sa gilid ng mga mata. Pati ba naman mga kuko eh kinulayan na rin ng itim.

Paboritong laro sa min ang volleyball pag summer. Kaya pinuntahan ko din ang court sa min at nakipagpustahan agad. Kaya nga yong iba eh ginagawa ng hanap-buhay ang paglalaro ng volleyball. Na-shock nga lang ako kasi ang dating kino-coach ko lang dati eh parang kasing-galing ko na ngayon. hehe. Nakaka-disappoint din kasi 4 out of 10 na lang ang pumapasok sa spikes ko. Dati kasi magkasing-galing kami ni Edjet Mabbadayad, ang spiker ng FEU. hehe. Halos mabali din ang mga daliri pag nago-overhand set ako. Ang mas masaklap pa eh dalawang dangkal na lang siguro ang talon ko. Isang taon na rin akong di nakakapaglaro kaya kinabukasan eh parang galing pa lang ako sa hazing.

Di rin kumpleto ang bakasyon ko pag di ako maligo sa dagat. Naligo kami ng mga pinsan ko nung Black Saturday. Ilang oras din kaming nagbabad at nagbilad sa araw. Di ko naman gustong magmukha akong kapre kaya umahon kami nung mag alas-dos.

Time passed by so fast. Gusto ko mang mag-extend ng bakasyon eh di pwede. Kaya bumiyahe ako pabalik sa Cebu nung Easter Sunday. Bumalik ako sa Cebu na di man lang ako nalasing sa min. Ang dami pang nakikipag-inuman sa kin na di ko napagbigyan. Pero mabuti nga yon kasi baka wala nang natira sa pera ko. lolz!

Haayy, ewan ko ba pero sa tuwing umuuwi ako eh nawawalan ako ng ganang bumalik. Pero ganun talaga, kelangan kong masanay nang ganito. Homesick talaga ang pinakamatindi kong kalaban. Hanggang sa susunod kong pag-uwi… I just don’t know when!
 

Happy Beerday!

March 4, 2008

Lumipas din sa wakas ang bertdey ko! Di ko na talaga napigilan kaya 23 na talaga ako ngayon.

Growing old is inevitable kaya tinaggap ko na lang ang katotohanang  di na ko tinedyer. hehe. Ang di ko lang matanggap eh di man lang nadagadagan ng kahit isang pulgada ang… height ko. Nakaka-frustrate na talaga to! hehe.

Nag-enjoy ko naman ang bertdey ko kahit papano. Naging advance pa nga ang selebrasyon dahil nag-night out kami ng opismeyts ko nung Friday night. Sa Outpost kami naki-party kasi tutugtog dun ang banda ng opismeyt kong si Marche. Akala ko sa barangay outpost kami magi-inuman kaya lumampas ako sa venue. hehe. Naki-head bang kami sa mga banda hanggang madaling-araw. At syempre, di nawala sa selebrasyon ang peyborit kong beer. Colt 45 naman ang binanatan namin para maiba naman.

Ang saya talaga pag kasama mo ang mga kaibigan mo sa bertdey mo. May sumasabay sa mamais at makeso mong jokes. May nagpapatawa sayo na parang baliw. At may sasabay sayo pag may amats ka na.

Maraming salamat nga pala kina Lost, Yuie, Marche, Raf, at Biatch. Sila ang mga nakasama ko nung gabing yon. You made my birthday complete. hehe. Thanks for the fun on the eve of my 23rd birthday!

 dsc00125.jpg

Pagbangon ko nung Sabado ng hapon eh sinapian ako ng good spirit at naisipan kong pumunta sa simbahan. Nagtirik ako ng limang kandila sa Sto. Niño Church para tuparin ni God ang wishlist ko. Ngayon ko lang na-realize na dapat sampu ang tinirik ko dahil sampu rin ang nasa wishlist. Ibig sabihin lima lang ang matutupad. hehe.

Di na ko naghanda kasi tinamad ako. Gastos din yon kung tutuusin. hehe. Kaya pagkatapos kong magsimba eh dumiretso na lang ako sa SM para magpalamig at tsumibog.

Nilibre ko na lang ang sarili ko sa KFC. Parang bertdey ko na rin kasi ang daming tao at ang daming pagkain. Kulang na lang ng cake, balloons at party hats at bertdey party na talaga ang dating. hehe. Gusto ko sanang maglibot at lumapit sa bawat lamesa at sabihing “Thank you so much for coming. Just eat everything you want. Have fun!”

Bago pa ko mawala nang tuluyan sa sarili ko, inumpisahan ko nang lapain ang in-order kong one-piece chicken, mushroom soup, at fries.

dsc00132.jpg

Nabusog naman ako sa kinain ko. Halos sumabog nga bituka ko! hehe. Ang lungkot nga lang kasi wala man lang akong ka-kwentuhan habang kumakain. Pero ganun talaga, may mga gusto kang makasama pero di mo mailibre dahil kapos ka sa pera. hehe.

Ganunpaman, gusto kong pasalamatan ang mga kaibigan kong bumati sa kin kahit di ko nailibre…

Mga opismeyts ko: Lost, Nickname, Jorge, Yuie, Marche, Leylan, Nash, Yam, Zhyne, at Cel.

Mga friends ko sa WordPress: Random, Jeckass, Geisha, at Camilleeee

Mga friends ko sa Friendster: Ichieko at Peter na nagpost ng comment

Mga klasmeyts ko nun na may amnesia: Melanie at Sarena na ni-remind ko pa na bertdey ko

Mga kaibigan ko pag unli: Claricel at Don

Thanks din sa bespren kong si Harry na di ko nakita sa loob ng 10 years. hehe. Kahit pano eh humabol at binati ako through a phone call. Ano kaya ang nakain nun? hehe. Once in a blue moon lang kasi magtext kasi busy sa nursing school.

Mula sa kaibuturan ng aking puso, pinasasalamatan ko kayong lahat!… 😆

 

Away-Bati

February 16, 2008

Kung minsan eh may dumarating na mga pagsubok sa magkakaibigan.

May time na di mo maiiwasang magtampo at magalit sa kaibigan mo. Minsan nga kahit walang kwentang bagay eh pinag-aawayan nyo. Yong iba halos magsuntukan o magsabunutan. May iba namang halos mambugbog at magwala sa galit. At ang pinakamalupet ang ipakulam ang kaibigang nang-ahas sayo. Pero meron din namang kalmado lang at mahinahong hinaharap ang di  pagkakaunawaan.

Tulad na lang ng dalawang babaeng na-ispatan ko nang mapadaan ako sa Jollibee. Nakaupo sila sa table na malapit sa kin. Nagtaka ako kasi parang strangers sa isa’t-isa ang dalawa. Nakaupo sa isang table pero di nagkikibuan. Pareho silang walang imik at pang-Biyernes Santo ang mukha.

May pumasok na kalokohan sa isip ko. Ano kaya kung picturan ko ang dalawang to? Kaya nilabas ko ang phone ko at patagong kinunan sila ng picture. Para maniwala kayo sa sinasabi ko, ganito ang sitwasyon…

dsc00036.jpg

Oh di da? Para silang two different people from two different places. Parang napilitan lang silang kumain sa isang table. Ang space sa pagitan nila eh magsasabing wala sila sa mood mag-usap. Halatang-halata na may namumuong cold war sa pagitan nila. Parang ilang segundo lang eh mag-aahitan ng kilay at magbubunutan ng buhok sa ilong.

Nagtaka ako kung bat ganon na lang kasama ang loob ng mag-kaibigang yan. Sa tingin nyo, ano ang pinag-awayan nila? Is it…

A) Gusto pang kumain ni Girl A pero ayaw syang ilibre ni Girl B

B) Nagtakaw si Girl B at konti lang ang nakain ni Girl A

C) Nabili ni Girl B ng pagkain ang pamasahe nila pauwi

D) Gusto nang umuwi ni Girl B pero takam na takam pa sa pagkain si Girl A

Malapit ko nang maubos ang in-order kong spaghetti ng may mapansin ako sa dalawa. Biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Tingnan nyo na lang to…

dsc00037.jpg

Ang dating magka-away eh nagkabati na all of a sudden. Ibang klase din naman ang trip ng dalawang to. Kani-kanilang eh di maipinta ang mga mukha. Ngayon heto at abot-tenga ang ngiti.

Nawala na nga ang tantrums ng dalawa. Nakuha pa nga nilang magpa-picture sa katabi nila. Ayon, kinunan ko rin sila ulit ng picture para maipost ko naman dito.

Haayyy…Napaka-unpredictable talaga ng mga tao ngayon. Parang mga bata na away-bati. Pero ang importante, marunong tayong magpatawad. Sa huli ay peace pa rin ang mananaig. Love and peace always prevail. Spread love guys! Make love not war. 😆