Archive for the ‘beero’s life’ category

Photong Ina

April 5, 2011

After few months of hiatus, I’m back! Oh yes, nagbabalik ako mga tol!

Tapos na ang mga araw ng OT at OTTY (overtime thank you). Normal na empleyado na ulet ako ngayong March at sa mga susunod na buwan. Marami na sana akong oras magblog kung di lang ako nabubwisit sa WP lately. May posts akong nakatengga kasi di ko malagyan ng pics. Such a dilemma. Grr.

WTF is happening to WP uploader? Ok fine di ganun kabilis ang upload speed ng broadband ko pero OA naman na bigla na lang magfreeze at paulet-ulet kong gawin ang proseso ng paga-upload. Nakakaurat na! SOS! I need help! 

Minsan nga lang ako mag-attach ng pics sa posts ko laking pahirap pa. Di photo blog ang tambayannilex pero minsan gusto kong magpost ng pics. Di naman siguro masamang gamitin ang blog para madiscover at sumikat di ba? LOL

I’m so pissed off. I dunno if I’m the only “lucky” WP blogger who’s experiencing this. I’ve attempted to attach pics many times but I always end up unsuccessful. Asar lang kasi kung kelan ganado na ulet akong magblog saka naman nagkaron ng hassle. Ganun yata talaga yun pag naghiatus nagkakaproblema pagbalik. ampf. Buti nga di pa sumamagi sa isipan kong magdelete ng blog. Malapit-lapit na yata.

Sana lang maayos na to. This is my first blogging home. Ayoko sanang maglayas…

Advertisements

Survivor Zambales: Pa-Celebrity Showdown Day 2 & 3

December 6, 2010

We enjoyed our first day in Nagsasa Cove in Zambales. I could say it’s one of the best islands I’ve been to so far. We initially planned to stay in Anawangin but it wasn’t a bad idea that we stayed in Nagsasa Cove instead.

Our second day in Nagsasa Cove started just fine. I woke up as early as 4PM. I suddenly realized I slept on the table under the pine trees but I could barely remember what happened the other night. I was glad though because I had no hangover. Others were still asleep so I just decided to hangout in the cottage and walk though the shore. It has always been a nice feeling to walk by the shore as waves rush through it. It’s like I’m shooting a music video. woot!

After few minutes the group came out of their tents and we  then prepared for breakfast. We only had coffee, cup noodles,and bread. After taking breakfast, we then roamed around the place to have a view of the sunrise. We had our pic taken everywhere! Yeah, camwhores! The sun was burning us to a crisp but that didn’t stop from enjoying it was already early noon when we got tired of striking poses.

After lunch, we started my favorite part: the inuman session. We brought bottles of Tequila all the way from Manila. (kelangan may rhyme?) Two bottles of tequila didn’t suffice so we added GSM Blue which costs P100 each in the island. No choice because there’s no effin way we can buy tequila there.

We decided to go skinny-dipping swimming before sunset so we just brought the drinks to the shore and continued our drinking stints there. Inuman on the beach while watching the sun set was classic. But one thing I didn’t like was that the water was too shallow for me. I had to go farther to get a good swim.

It was already dark when we left the shore. We just had dinner and continued the drinking session afterwards. We gathered around the bonfire that we made out of the dried twigs and leaves of pines. I also got to try to smoke shisha that Buck brought. We had a good time talking about everything under the moon and answering JP’s survey questions.  LOL. I lied down on the sand while waiting for my shot but I dozed off in no time. I was in deep sleep that they can’t wake me up to they decided JP to lift me to the tent. Errr…

The boatmen are scheduled to pick us up at 7AM so we left Nagsasa Cove as early as 9PM. Yeah, we let them wait. Lol. We headed for our next destination: Anawangin Island. We missed to check the place on our first day in Zambales so we asked the boatmen to make a quick stopover. We only stayed there for 30 minutes so we had a quick photo op and sight-seeing. I was just saddened because I never got to try trekking in the hill near the area.

We also initially planned to drop by Capones Island but we ran out of time because it was already noon and we have to be back in Manila before night. It saddened me because I heard many good things about Capones and I think it would have been a great experience if we were able to drop by.

Anyways, there has been safety precautions as well because we heard a group of travelers failed to check the island because of rough waters along the  way. Proceeding with the plan would mean buwis-buhay! Woot! Perhaps we’ll just spend more days and check Capones next time. Besides, our first time in Zambales won’t definitely be the last. I can’t wait to revisit the place where the sun meets the sky (as the sign somewhere in Zambales says).








BeD Weather

August 4, 2010

Napapadalas na ang pag-ulan ngayon. Halos araw-araw eh bumubuhos ang malakas na ulan. Sabi nga eh it’s raining elephants and dinosaurs. Este, cats and dogs lang pala.

Naalala ko nung summer eh sobrang inantay ko ang rainy season kasi di ko na matiis ang sobrang init. Dahil nga pogi lang ako at hindi ako mayaman, cannot afford akong palagyan ng aircon ang kwarto ko. Napakalaking GOODLUCK sa pagtulog nun kasi para akong nasa loob ng pugon dahil wa epek ang electric fan.  But I feel I’m freakin’ hot.  Minsan nga sa sleeping quarters na ng opisina ako natutulog para may libreng aircon. Akala tuloy ng officemates ko sa opisina na ko nakatira. Yun ang tinatawag na at home sa office.

And now here comes the rain. Eureka! Wala na akong gaanong problema sa init. Init na lang ng ulo at katawan. Noong isang araw nga lang eh umatake si Domeng at syempre todo-ulan kaya binaha ang daan papuntang office. Sobrang congested ng kalsada kaya bumper to bumper ang  traffic. Sinubukan kong pumasok pero di kinaya ng powers ng kili-kili ko kasi alam kong di magiging praktikal yun. Siguradong tatlo hanggang apat na oras ang biyahe na 15 minutes lang normally. Pag nagkataon para na akong lantang kabute pagdating sa office. Kaya ayun nangyayari ang pinaka-aasam kong pag-absent. Dahil nga nakakamiss matulog pag umuulan, hilata agad ako pag-uwi ng apartment. In no time, naghihilik na ko at super tulo na ang matamis kong laway. Takaw-tulog mode agad. Nakakatamad talagang pumasok pag umuulan eh. Pag umuulan gusto ko lang humilata at magpakasawa sa pagtulog. Sarap ng feeling na nakahiga ka lang sa malambot na kama at may katabing chicks na kamukha ni Christine Reyes at Angel Locsin at sinusubuan ka ng ubas. Hay, kung ganun eh gusto ko na maging bed-ridden. Lol. Eto po ay pawang imahinasyon lamang at malayong mangyari sa totoong buhay.

Alam ko marami din ang natutuwa sa madalas na pag-ulan ngayon. Yung mga taong kapos sa tubig at walang pambuhos ng toilet bowl. Yung mga taong naliligo lang pag umuulan. Yung mga batang trip magtampisaw at maligo sa tubig-baha. Yung mga emo na may ‘I love walking in the rain because nobody knows I’m crying’ na emote. Yung mga taong nakakarelate  sa ‘Basang-basa sa Ulan’ ng Aegis.  At higit sa lahat yung mga magsing-irog na trip maghabulan habang umuulan at may cheesy halikan at yakapan. Parang isang eksena lang sa pelikula ni Lloydie at Sarah G. Yun eh nung magkabalikan sila sa A Very Special Love. Kilig to the bones di ba? Ngayon, maniwala kang di ko napanood yun. Pfft!

Pero eto ang mas malupet. Pansin nyo ba na karamihan sa mga sex scenes sa pelikula eh ginagawa habang umuulan? Di ko nga magets kung bat ganun eh. Lemme guess. Siguro malamig lang kaya kelangan ng something hot. Something really hot. Tipong umuulan at may long shot ng lead characters na naghahabulan sa ulan. Tapos close up ng kissing scene at kakargahin ng leading man ang leading lady papasok ng kwarto. And to setup the mood, insert natin to,

Minsan pa ulan bumuhos ka’t h’wag nang tumigil pa
Hatid mo ma’y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko’y umaapaw,
Damdamin ko’y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka…

Pagkatapos fade in sa kamay na magkahawak sa ibabaw ng kama. Tapos na ang love scene. Nakakabitin di ba?

Pwede namang ikaw na ang magtuloy nun. It’s up to you how you would turn a bad weather to bed weather. And since maulan ngayon mga marekoy at parekoy, wag kalimutang magdala lagi ng payong o kapote para makaiwas sa sakit at unexpected pregnancy. Sabi nga ni pareng Binoy, ‘bago umaksyon magproteksyon!’

Nakaw Po!

July 9, 2010

Hindi ko alam pero madalas akong mabiktima ng magnanakaw. Minsan tuloy napapaisip ako, mukha ba akong mayaman o tanga lang talaga ako? Nagtanong lang ako. Okay, I know it boils down to my stupidity. Di mo naman kelangang sagutin lalo na kung di rin maganda isasagot mo kaya ako na rin ang sumagot sa sarili kong tanong.

Nakakabwisit lang kasi sa bait (ehem) at gwapo (ehem ulet) kong to, may mga taong gusto akong pagsamantalahan. Di naman ako madamot eh. Mapagbigay ako. Nadadaan naman ako sa maayos na usapan. Kung gusto mo ng pera, bibigyan kita. Kung gusto mo ng isang bagay, ibibili kita. Kung gusto mo ang katawan ko, tara na sa Sogo!

Seriously, di ako madamot pag may pera ako.  I share my blessings kahit gano kakonti. Pag may humaharang sa kin sa sidewalk at nanghihingi ng pamasahe pauwi binibigyan ko ng P7. Wag lang yung tipong pangbook ng flight pauwi ng probinsya at ibang usapan na yun. Pag may gustong mangutang, madali din akong kausap. Yung officemate ko umutang sa kin tatlong buwan bago ako binayaran. Kung di ko pinadalhan ng death threat wala pa yatang balak magbayad yun.

Pero kahit anong gawin kong kabutihan, I won’t be good enough. Mabibiktima din talaga ako ng mga salot na magnanakaw. Halos lahat naman tayo eh narasan ng manakawan; pera, bolpen, pagkain, ulam, brief, kotse. Mula siguro sa piso ang halaga hanggang sa milyon, depende sa pangangailangan ng letseng magnanakaw. Sa magkasunod na linggo eh naging biktima ako ng mga makakati ang kamay.

Sa office…
Ninakaw na naman ang headset ko. For the nth time, may adik na namang nagnakaw. Usong-uso talaga ang nakawan ng headset sa office. Kasing-uso ng pagriresign dahil sa pressure sa pagbibenta ng laman. Sana lang di na manakaw ang pangatlo kong headset dahil libu-libo din ang halaga nun. Kung magkataon bawas sa makukuha kong backpay yun pag magresign ako. Wala akong hinala kung sino pero wag ko lang sana mahuli sa akto ang salarin at siguradong di ako magdadalawang-isip itali sa leeg nya ang chord ng headset. Gusto ko na nga sanang paghinalaan yung mga chicks na bumebeso sa kin bago umalis ng office. Baka nagiguilty kaya may kiss ako bago umalis. Ehem.  Hindi sana ako mananakawan ng headset kung nagi-issue sa kin ng locker ang kumpanya. Lagpas isang taon na ko dito pero wala pa din akong headset. WTF! &*£$%=+^”! Minsan nga naiisip kong magresign na lang. Pero dahil kelangang maging praktikal, di baleng walang locker basta kumita lang. Saka may naisip na akong solusyon. Pwede ko namang itago sa back pocket ng bag ko at dalhin sa labas ang headset. Wag lang akong papahuli sa guard at siguradong ligwak ako.

Sa boarding house…

Nabibiwisit ako sa boarding house ngayon. May bagong boarders kasi sa kwartong katabi ng sa kin. Hindi lang isa, dalawa o tatlo. Apat silang lahat at may katulong pa na nandun maghapon. Kulang na lang ng ama at one BIG happy family na sila. Okay lang naman sa kin yun kahit pagkasyahin nila sarili nila sa room for one at magmukha silang sardinas sa loob basta wag lang sana silang mambulabog at umastang sila lang ang tao sa boarding house na yun dahil kung tutuusin eh di naman talaga sila mukhang tao [evil grin]. Hehe. Pero di lang yun ang sentiment ko. Hindi pa umabot ang isang linggo mula nang lumpat sila eh nawalan agad ako ng milyon mahigit isang libo. Nasanay kasi ako dati na hindi naglalockng pinto pag nalililigo sa baba. Di ko nga namalayang may pumasok sa kwarto at nakialam sa wallet ko. Saka ko lang nalaman na kulang na pera ko nung kelangan ko ng mag-abot ng pamasahe sa driver ng FX. Laking pasalamat ko na lang at di inubos ng nagnakaw yung laman ng wallet ko. May konting awa pa yung hinayupak. Ayokong magbintang pero yung katulong ang primary suspect ko. Malakas din kasi kutob ko na pati betlogs ko gusto nyang nakawin. Kaya ngayon eh maximum security na sa kwarto ko. Balak ko na nga ding palagyan ng hidden camera para ala-Hayden Kho ang dating. Kung sakaling ko mahuli ang mga magnanakaw na yun siguradong bugbog-sarado. Ngipin lang nila ang walang latay. I’ll give them a dose of their own medicine. Rawr. Kelangan nilang  pagbayaran ang ginawa nila. Guillotine ang aabutin nila sa akin. Uhm, teka napaka-gore naman yata nun. Eto na lang [Wapak! Blag! Plak! Bog! Kaboom!]

Kaya kayo konting ingat din sa mga magnanakaw. Mahirap na magtiwala ngayon. Alam nyo naman nagkalat sila sa lipunan, meron sa mga boarding house, office, at iba pang lugar. They’re everywhere. Parng langaw lang. Alam ko nanakawan na rin kayo. Kaibigan tara kwentuhan tayo!

Prinsipe Ng Banyera at Videoke King

October 3, 2008

 

maliit naming pond

maliit naming pond

Nag-leave ako last last week (delayed post to kaya 2 weeks siguro) para sorpresahin si erpat sa bertdey nya nung Sept. 18. Actually, di naman sya nasurprise dahil alam nyang uuwi ang pinaka-gwapo nyang anak. haha. Isa pang dahilan ng pag-uwi ko yung pagharvest sa kung anumang laman ng palaisdaan namin. Alam ko kasi bangus lang at alimango laman nun. Pero mas okay kung meron na ring butanding para mas malaki kitain ni erpat. LOLS. Medyo matagal ding nilumot yung palaisdaan namin nung tumira kami sa Cavite. Halos kasing-edad ko lang din yung palaisdaan kaya sabihin na nating may sentimental value na rin kahit pano. Buti nga napapakinabangan ulit ngayon ni erpat kesa naman tubuan lang ng mangroves.

Alas otso na siguro nung dumating ako sa min. Medyo mababaw na yung tubig kasi sinasabay talagasa low tide yung pagharvest. Nagtatalunan na yung mga bangus na para bang nasi-sense nila na sa banyera na tuloy nila pagkatapos. Dati pa man gusto ko na talagang makipaghabulan sa mga isda tuwing nagha-harvest sa palaisdaan. Wag lang nyo kong asahang humuli ng alimango dahil di pa kaya ng powers ko yun. Pinauubaya ko na lang yun kay erpat. Ayoko pa namang maputulan ng daliri no. haha.

Puyat pa ko galing sa biyahe kaya di na ko lumusong. Gusto ko pa naman sanang magtampisaw sa

eto naman ang bangus.hehe

eto naman ang bangus.hehe

putik. Pero kulang ako sa energy kaya nakuntento na lang ako sa panonood. Masarap isipin na lumaki na rin sa wakas ang mga inalagan ni erpat. Mas madalas nya pa ngang makasama mga bangus na yun kesa sa kin. Siguro kung pagpipilian sya kung sino gusto nyang ibenta, ako siguro pipiliin nya. haha. Masaya rin ako kasi nakita ko yung produkto ng ipinadala ko, mula sa pambili ng fingerlings pati na sa supply ng pakain.

tara manghuli tayo ng bangus.lols

tara manghuli tayo ng bangus.lols

Di sinabay yung pagharvest nung alimango kasi mura bentahan ngayon sa min. Ayoko namang malugi dahil si erpat dahil di ganun kadali mag-alaga ng alimango ngayon. Pero dahil nga bertdey ni erpat, humuli pa rin sya ng ilang piraso para pulutanin ng mga bisita nya (at bisita ko na rin). Marami-raming banyera din ang napuno. Di nagtagal eh naubos agad. Halos wala na ngang natira sa min kasi konti lang naitabi ni ermat. May plano pa naman sana akong magpaluto ng all-bangus dish – yung may inihaw, prito, paksiw, escabeche, at kung anek-anek pa.

Hapon na ng makauwi kami galing sa palaisdaan. Naging busy agad sa bahay dahil nga may mga niluto sila para sa bertdey ni erpat. Halos tunaw na nga yung ice cream na dala ko pag-uwi. Hapon pa lang may mga bisita na pero nagkulong lang ako sa kwarto at pinilit ang sarili kong makatulog na dilat ang mga mata. LOLS. Di nagtagal hinatid na yung videoke machine na inarkila namin. Kantatero din kasi si erpat kaya pinagbigyan na lang namin ang hilig.

Kahit ala pa ko sa mood bumangon, nag-gayak na din ako. Gusto ko talagang i-celebrate ang bertdey ni erpat kasi minsan lang sya magcelebrate ng bertdey nya. Nalaman ko nga lang na 58 na sya dahil sa bertdey greetings na ginawa ng kuya ko. Dahil si erpat yung celebrant, sa kanya yung unsang kanta sa videoke. Maraming sunod na kumanta pero yung kanta ko yung highlights. haha. Dedicated kasi kay erpat yung mga kinanta ko – Hanggang (Wency Cornejo) at You Raise Me Up (Josh Groban). Naglakas-loob akong kantahin ang mga yun. Mukhang naawa naman sa kin yun videoke machine at binigyan ako ng perpek iskor sa parehong kanta. haha. Nagpauto namanako kaya hanggang ngayon nanniwala akong maganda boses ko.lols

Madaling-araw na nang matapos ang kantahan. Pero kinabukasan tuloy pa rin ang videoke showdown kasi 2 days naming nirentahan yung videoke. Dalawang araw di naming binulabog ang buong barangay. Buti na lang walang nagsiga-sigaan at bumato sa bubungan namin. Buti naman at marunong silang pumili ng makakalaban. LOLS.

It was fun! We never spent erpat’s birthday that way before. And I wish that his next bithdays will be happier! More birthdays to come, tay! And bountiful harverst, too.

P.S.

To those who have been waiting for the Part 2 of Reunion, please bear with me. It’d be my next post, I guess. hehe.

2-Day Weekend Escapade

June 20, 2008

A week has passed and I can’t help but recall what happened last weekend…

BAD TRIP
I had the chance to go home last weekend. I dunno if could really call that a chance since that was just an ordinary two-day weekend for me. But then again, I decided to visit my hometown once again.

Actually, it was the fiesta in my grandma’s place. We also have a hut in that place where my dad stays whenever he’s watching over our fishpond.

Since my time was limited, I decided to ride Supercat eventhough it would cost me much higher than the usual fare. I left the office at 4 PM and rushed to my boarding house to get the bags that I packed the night before. Unfortunately, I missed the trip. WTF! What’s worse is that I had to pay P275. Geez, I just missed the trip. Cool! Now I know how Supercat value the time and convenience of their passengers.

I had no choice ’cause Supercat doesn’t have trips anymore. BUt there’s no turning back. I was holding a bag of school supplies for my nieces. I wanted to hand them personally so I had to choose Plan B – catch a trip at 10 PM and arrive in Tacloban the next morning. Grrr…You don’t have an idea how exhausting that is! Thanks to my blogger friends who texted while I’m on my way. That eased my boredom, somehow.

[FAST FORWARD]

THE REUNION
After 8 long hours of travel, I finally got home! I didn’t mind the chilly ocean breeze which made me awake all night. They were all waiting for me, with warm smiles and excitement. I handed some pasalubongs. It was so pleasing to see the smiles on my pamangkins’  faces . I felt glad to see my family.

FIESTA! FIESTA!
Fiesta means yummy food and overflowing drinks! After a quick bath, I gobbled some food at home. The buko salad that my mom prepared was a big plus!

I have many relatives in that place so invitations kept on coming! Woohoo! It was fun hopping through houses where food were served for nothing. And drinks, too! hehe.

BARKADA’S NIGHT OUT
I was just a bit tipsy at the end of the day so I still managed to go home (to our second house) hehe. My friends, as usual, knew what we would do when I arrive – drink! hehe.

But before that, we watched a graduation of something. I dunno how to describe that exactly. All I know is that the “tanods” and others who enrolled attended sessions of martial arts training. There I saw the trainer hacked the coconut with his hand. Waahhh…Pretty exciting, huh! 

BIRIT TO THE MAX!
Drinking session won’t be complete without “lousy” singing. hehe. The only videoke machine was rented for the graduation or something. So, we had no choice than to set up our own table. Of course, we had (I mean, I had) to buy our drinks. Shortly, the singing turned into dancing! Waahhh…

Time really flies when you’re having fun! It was 3:30 AM when we all went home. 

PARTY, AGAIN?
The next day, my cousin invited me to his daughter’s party – kiddie party! haha. The party was fun! But only spent 2 hours there ’cause I had to go back to Cebu…

DEPARTURE

I left our place at 5:15 PM. I also left conversations with my family and bonding moments with my friends.

Here I am again, too distant and solitary…       

 
 

 

 

    

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

My Father Is…

June 16, 2008

A CHAIN SMOKER. He started smoking at a very young age. He can consume two packs of cigarettes a day. Minsan ko na syang kinainisan dahil sa bisyong to. But eventually I learned to understand him. Nasanay na kong langhapin ang nakakasulasok na usok na binubuga nya. Muntik na nga rin akong mahawa nun. Buti na lang nakontrol ko pa. Isang taon na kong di nagyo-yosi.  hehe. Sa kanya din nagmana dalawa kong kuya. Kung sabay-sabay silang manigarilyo baka maisip ng mga neybors ko na nasusunog na bahay namin.

A COFFEE ADDICT. He drinks a lot of coffee. Pero wag ka, lagi pa syang tinitimpalahan ni ermat. Lumalagok sya ng kape habang naninigarilyo. Adik erpat ko di ba? Gawin bang alak ang kape at pulutan ang sigarilyo. But he’s not a drunkard like me. Dalawang tagay pa lang ng beer eh namumula at nalalasing na yon. Ewan ko ba kung kanino ko namana ang pagiging lasenggo. 

A WOMANIZER. He had some illicit affairs when I was young. Medyo papalicious pa daw kasi sya nun kaya lapitin ng mga chicks. Thanks to my martyr understanding mother at di pa rin ako lumaki sa isang broken family. Pero minsan silang nag-away at binato ng baso ermat ko. Sapul sa ulo si ermat at may naiwan pang peklat. 

A FRUSTRATED SINGER. I’ve said this on my last post. Mahilig syang kumanta at classic ang paborito nya. haha. Minsan boses nya ang gumigising sa kin sa umaga. Ang aga-aga bumibirit na ala-Tom Jones. Minsan nagkakaproblema sya sa diction pero pasado naman siguro. I would never forget the time when we sang Always by Bon Jovi together. hehe.

A GOOD PROVIDER. He works hard to earn a living for our pamily. Ayan, nahawa na ko kay Janina. I mean, family. haha. Iginapang (di ba pwedeng nilakad na lang?) nya pag-aaral ko. Dumaan kami sa butas ng karayom nun. Nag-transform muna kami into thread para makapasok sa butas. Haayyy…corny! Seriously, kahit isangla  nya konti naming lupain namin gagawin nya may ipang-tustos lang sa pag-aaral ko. May sarili na kong trabaho ngayon pero di nila inaasa lahat sa kin. Sya nagpapatakbo ng palaisdaan namin. Di nya iniinda ang mabibigat na trabaho sa fishpond kahit lagi syang bilad sa araw. Kaya yun, para kaming mocha at tsokolate pag magkatabi. LOL.   

Tay, I apologize for the things that I’ve said and done before. Sorry kung nasagot kita ng pabalang nun. Sorry kung minsan di ako umuutang ng sigarilyo mo sa tindahan ng kapitbahay natin. Sorry kung di kita pinagtitimpla ng kape. At sorry kung minsan kitang napaiyak dahil sa katigasan ng ulo ko.

I just hope that God would give us more years to spend together! Happy Father’s Day, Daddudes!