Happy New Year, nga ba?!

Goodbye 2010, Hello 2011! [insert sinturon ni Hudas at Super Lolo sound effects here]

Parang ang bilis lumipas ng taon ah. Parang kelan lang eh January pa lang. It feels like yesterday! Pero mas ok na din siguro na matapos ang taon na to. This year has not been so good for me. January pa lang kasi eh medyo may major major sablay na desisyon  na akong nagawa. Kung ano man yun, malalaman nyo rin sa takdang panahon. Element of suspense ika nga!

But this year also brought some good things to me. Syempre di naman lahat ng nangyari sa kin eh matuturing kong kamalasan. Kung nagkataon eh matagal ko nang kinitil ang sarili kong buhay! Ganun raw kasi talaga ang mga cute mataas ang suicidal tendency. Woot!

Anyways, there are some things that happened this year that I should be thankful for.

First, I celebrated my 25th year of existence this year. Hay, I’m not getting any younger. Pero alam ko na iniisip mo. Mukha lang akong 21 di ba? Para kasing bumabata ako every year eh. Parang si Benjamin Button lang. Hehe. Nagcelebrate lang ako kasama ang pamilya at mga kaibigan ko. Salamat sa mga nagbigay ng gift at dun sa mga di nagbigay di na kayo invited next year.

Of course, I should also be thankful kasi nandyan ang family ko. They’re all okay especially my ermat who was hospitalized last year. Wala akong ibang hiniling kay God bago ako matulog kundi panatilihing maayos ang pamilya ko. Good health and long life. Malaking blessing na sa kin yun.

Thankful din ako kasi nandyan ang mga kaibigan ko. Maraming salamat at mga single din kayo! Apir! Malaking tulong yun para di ako maging bitter. At least di ako napipressure magkagelpren. LOL.  But don’t worry guys, we’ll fall in love with the right person at the right time. Have faith! Hehe.

Syempre dapat ko din ipagpasamalat kasi hanggang ngayon may trabaho pa rin ako. One and a half years na ko sa company namin. So far so good naman. Nakakasawa minsan magtake ng calls pero I have to deal with it. Call center ang pinasukan ko kaya wala akong choice kundi tumanggap ng calls. Buti sana kung callboy at tatambay lang ako sa isang kanto at maghihintay ng pipick-up sa kin. Woot!  

Salamat na rin at medyo nag-iba ang job assignment ko bago matapos ang taon. Nung 22 lang eh nagsimula akong maging Sales Verifier sa account namin. Less pressure kasi di ko kelangang problemahin ang stats ko bilang agent. Kelangan ko lang magverify ng validity ng sales at imeet syempre ang number of calls na dapat naming imonitor araw-araw. Medyo ok naman for a change.

Olrayt din kasi nabili ko na rin finally si Mini. Di sya prosti ha. Yan ang name ng bago kong netbook, HP Mini. Naubos ang 13th month pay ko sa kanya pero no regrets naman kasi ang cute nya. I rewarded myself with a new gadget which I think would benefit me a lot. Mas convenient na sa kin ngayon ang pagbablog at pagbabrowse ng porn sites. Joke! Kaso may isa pang problema, di pa ko nakabili ng mobile broadband. Kung sino man ang may mabuting kalooban dyan, bigyan nyo ko please…haha!

Ayos na ayos din kasi sa pagpasok ng bagong taon, ako ay nakabakasyon. Kumusta naman ang rhyme? Oh yes, nakaleave ako from January 3-7. Nine days akong wala sa office kasama ang 4 days na off ko. Longest vacation I ever had! Uuwi ako sa hometown ng parents ko sa Leyte for a family reunion at dahil na rin sa death anniversary ng lola ko. Konting pasyal na rin at eyeball with old friends. Kelangan ko din kasing magunwind dahil sobrang dami naming workload sa January.

At syempre pa gusto din kitang pasalamatan. Oo, ikaw na nagbabasa ng post na to ngayon sa walang-sawa mong pagdalaw sa blog na to. Maraming salamat sayo kaibigang blogger at naging kasama kita buong taon! More blogging years to come! Happy New Year, bloggers! Cheers!

Advertisements
Explore posts in the same categories: Uncategorized

4 Comments on “Happy New Year, nga ba?!”

  1. bino Says:

    happy new year sa yo at sa lahat ng bloggers sa buong mundo 🙂

  2. dong ho Says:

    buti naman at nalipat ka pala sa bagong dept at dami na ring kaibigan. cheers to a great year ahead!

    @kuya dong: thanks kuya dong!


  3. Teka, parang ako lang ang nagbasa or nakamoderate pa lahat? Anyways, happy new year Lex…

    Kung andito ka sa Cebu, bibigay ko sa yo globe tattoo ko… di ko kasi nagagamit… kaya lang andyan ka sa manila… ako na nga magbibigay, ako pa ang gagastos sa shipping… Ammmpf! Hehehehe….

    Congrats on acquiring Mini, at sa new job code mo… Parang mas less stress nga yan compared sa dating parang plain callboy… hehehehe…

    To more adventures and drinking sprees in 2011!

    @kuya mark: nakamoderate lahat ng comments. dami kasing spams eh. hehe. sayang naman may globe tattoo ka pala. oo nga naman nakakahiya kung ikaw pa magpadala. hehe. thanks, anyway. happy new year kuya mark!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: