TT Club

Matagal na akong adik sa paglalaro ng TT. Healthy exercise kasi at sobrang nakakarelax. Sa paglalaro ng TT, dapat may diskarte at dapat marunong pumalo sa iba-t-ibang posisyon. Dapat mahigpit ang hawak. Dapat mabilis ang tira. Kung titingnan parang madali lang pero pag nilaro mo na, pagpapawisan ka.

Ikaw, naglalaro ka ba ng TT? Tama, table tennis.

High school ako nang aralin ko ang paglalaro ng TT. Nagsimula ako sa panuod-nuod ng mga players sa may canteen tuwing lunch break at pagkalabas ng klase. Mas mainam na yun kesa sumama ako sa mga kaklase ko sa pag-akyat ng puno ng bayabas at santol. Dahil likas akong magaling sa observational learner at gusto kong lalo pang magpacute sa school, natuto ako agad. Mula nun naadik na ko sa paglalaro ng TT. Dahil malakas ako sa Social Studies teacher namin  na coach ng team, naging mixed double player ako at nakapagcompete sa mas mataas na sports meet. Naging sobrang busy ako sa practice kaya nag-inarte ang GF ko nun dahil mas marami pa raw akong time sa paglalaro kesa sa kanya. Eh alangan namang laruin ko sya sa table eh ang halay tingnan nun di ba?

Pero nung mag-college ako, natigil na ako sa paglalaro. Maniwala man kayo o hindi, focused ako nun sa pag-aaral at walang gaanong oras sa ibang bagay. Katakot-takot kasi ang sermon at pang-aalipusta ang mararanasan ko pag sumablay ako sa pagpasa ng write-ups sa Journalism class namin. Salamat sa PE class kasi required kaming maglaro nun. Mas ayos na sa kin ang tumambling-tambling at maglaro kesa sumasayaw-sayaw ng God-knows-what na ballroom dance.

Pagkatapos nun, di na ko nakalaro ulet. Limang taon na yata. Kaya nga nung makakita ako ng table sa opis last year nung training naexcite agad ako. Pero wala ding kwenta kasi jackstones at patintero lang ang kayang laruin ng mga ka-wave ko.

Ngayon may mga newbie sa account namin na mga adik din sa table tennis. Habang nasa product training sila, nagtrain din sa paglalaro ng TT kaya ayun naadik din. One time nakalaro ko sila at ayun nagclick agad ang grupo dahil sa isang common denominator: mga gwapo kami. LOL. Dahil halos sabay-sabay ang shift namin, madalas kaming maglaro at nabuo na nga ang TT Club.

The TT Club (from far left: Chris, Reydel, Jon, KR, me, Kuya Arnel)

The TT Club is composed all-male members Chris, Jon, Arnel, TJ, bagong pasok na si Basti, at inyong lingkod na si beerO. Idagdag natin sa grupo ang aming soon-to-be coach na si Reydel at ang muse na si KR (na bebot ni Jon). hehe.

Nung nakaraang linggo lang, nagkaron ng bonding ang grupo. At dahil sa pangalan pa lang wholesome na ang TT club, di kami sa night club gumimik kundi sa “abandoned” house lang nila Chris somewhere Antipolo.  We had an enjoyable inuman session with our pulutans gargantuan grilled milkfish, liempo, roasted chicken, and roasted highland legumes (courtesy of Kuya Arnel). Parang mapapadalas yata ang bonding ng TT Club!

Advertisements
Explore posts in the same categories: Uncategorized

13 Comments on “TT Club”

  1. gillboard Says:

    kilala ko si kuya arnel mo. katrabaho ko yan dati. hehehe. mata last name niya, tama ba?

    small world.

  2. dong ho Says:

    naging adik din kami niyan nung high school. we even had tournaments pero tagal ko na di nakalaro niyan. kakatuwang bonding ang paglaro ng table tennis.

    • beero™ Says:

      haha. naglalaro ka rin pala ng TT kuya dong. try mo maglaro ulet. maganda din kasing pampapawis. enjoy nga pala kayo sa trip nyo sa batad this weekend. sayang di ako makakasama.

  3. Nortehanon Says:

    Tatlong sports lang ang natutuhan ko sa buhay: badminton, volleyball, at table tennis. At hindi ako naging magaling sa kahit isa sa kanila hahaha!

    New theme ka ba? Ang neat ng look 🙂

    • beero™ Says:

      hahaha. marunong din ako ng mga yun. player din ako ng badminton at volleyball nung high school. papansin kasi ako nun. hehe.

      actually luma na to. binalik ko lang kasi bigla kong namiss ang theme na to. hehe


  4. At talaga namang pina-aralang mabuti ang pangalan ng club nyo… hehehehe… Mga lalaking mahilig sa TT? Hahahaha!

    Aside from bowling, badminton, volleyball and swimming, isa ito sa mga larong ipinagpilitang pag-aralan ko… I haven’t played this game since 3rd year college! Tagal na pala… 🙂

  5. Nortehanon Says:

    Hi Lex! Napadaan lang, nag-aabang ng update hahaha!

    Maupay nga adlaw, igkasi-Waray hehehe


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: