Archive for July 2010

Nakaw Po!

July 9, 2010

Hindi ko alam pero madalas akong mabiktima ng magnanakaw. Minsan tuloy napapaisip ako, mukha ba akong mayaman o tanga lang talaga ako? Nagtanong lang ako. Okay, I know it boils down to my stupidity. Di mo naman kelangang sagutin lalo na kung di rin maganda isasagot mo kaya ako na rin ang sumagot sa sarili kong tanong.

Nakakabwisit lang kasi sa bait (ehem) at gwapo (ehem ulet) kong to, may mga taong gusto akong pagsamantalahan. Di naman ako madamot eh. Mapagbigay ako. Nadadaan naman ako sa maayos na usapan. Kung gusto mo ng pera, bibigyan kita. Kung gusto mo ng isang bagay, ibibili kita. Kung gusto mo ang katawan ko, tara na sa Sogo!

Seriously, di ako madamot pag may pera ako.  I share my blessings kahit gano kakonti. Pag may humaharang sa kin sa sidewalk at nanghihingi ng pamasahe pauwi binibigyan ko ng P7. Wag lang yung tipong pangbook ng flight pauwi ng probinsya at ibang usapan na yun. Pag may gustong mangutang, madali din akong kausap. Yung officemate ko umutang sa kin tatlong buwan bago ako binayaran. Kung di ko pinadalhan ng death threat wala pa yatang balak magbayad yun.

Pero kahit anong gawin kong kabutihan, I won’t be good enough. Mabibiktima din talaga ako ng mga salot na magnanakaw. Halos lahat naman tayo eh narasan ng manakawan; pera, bolpen, pagkain, ulam, brief, kotse. Mula siguro sa piso ang halaga hanggang sa milyon, depende sa pangangailangan ng letseng magnanakaw. Sa magkasunod na linggo eh naging biktima ako ng mga makakati ang kamay.

Sa office…
Ninakaw na naman ang headset ko. For the nth time, may adik na namang nagnakaw. Usong-uso talaga ang nakawan ng headset sa office. Kasing-uso ng pagriresign dahil sa pressure sa pagbibenta ng laman. Sana lang di na manakaw ang pangatlo kong headset dahil libu-libo din ang halaga nun. Kung magkataon bawas sa makukuha kong backpay yun pag magresign ako. Wala akong hinala kung sino pero wag ko lang sana mahuli sa akto ang salarin at siguradong di ako magdadalawang-isip itali sa leeg nya ang chord ng headset. Gusto ko na nga sanang paghinalaan yung mga chicks na bumebeso sa kin bago umalis ng office. Baka nagiguilty kaya may kiss ako bago umalis. Ehem.  Hindi sana ako mananakawan ng headset kung nagi-issue sa kin ng locker ang kumpanya. Lagpas isang taon na ko dito pero wala pa din akong headset. WTF! &*£$%=+^”! Minsan nga naiisip kong magresign na lang. Pero dahil kelangang maging praktikal, di baleng walang locker basta kumita lang. Saka may naisip na akong solusyon. Pwede ko namang itago sa back pocket ng bag ko at dalhin sa labas ang headset. Wag lang akong papahuli sa guard at siguradong ligwak ako.

Sa boarding house…

Nabibiwisit ako sa boarding house ngayon. May bagong boarders kasi sa kwartong katabi ng sa kin. Hindi lang isa, dalawa o tatlo. Apat silang lahat at may katulong pa na nandun maghapon. Kulang na lang ng ama at one BIG happy family na sila. Okay lang naman sa kin yun kahit pagkasyahin nila sarili nila sa room for one at magmukha silang sardinas sa loob basta wag lang sana silang mambulabog at umastang sila lang ang tao sa boarding house na yun dahil kung tutuusin eh di naman talaga sila mukhang tao [evil grin]. Hehe. Pero di lang yun ang sentiment ko. Hindi pa umabot ang isang linggo mula nang lumpat sila eh nawalan agad ako ng milyon mahigit isang libo. Nasanay kasi ako dati na hindi naglalockng pinto pag nalililigo sa baba. Di ko nga namalayang may pumasok sa kwarto at nakialam sa wallet ko. Saka ko lang nalaman na kulang na pera ko nung kelangan ko ng mag-abot ng pamasahe sa driver ng FX. Laking pasalamat ko na lang at di inubos ng nagnakaw yung laman ng wallet ko. May konting awa pa yung hinayupak. Ayokong magbintang pero yung katulong ang primary suspect ko. Malakas din kasi kutob ko na pati betlogs ko gusto nyang nakawin. Kaya ngayon eh maximum security na sa kwarto ko. Balak ko na nga ding palagyan ng hidden camera para ala-Hayden Kho ang dating. Kung sakaling ko mahuli ang mga magnanakaw na yun siguradong bugbog-sarado. Ngipin lang nila ang walang latay. I’ll give them a dose of their own medicine. Rawr. Kelangan nilang  pagbayaran ang ginawa nila. Guillotine ang aabutin nila sa akin. Uhm, teka napaka-gore naman yata nun. Eto na lang [Wapak! Blag! Plak! Bog! Kaboom!]

Kaya kayo konting ingat din sa mga magnanakaw. Mahirap na magtiwala ngayon. Alam nyo naman nagkalat sila sa lipunan, meron sa mga boarding house, office, at iba pang lugar. They’re everywhere. Parng langaw lang. Alam ko nanakawan na rin kayo. Kaibigan tara kwentuhan tayo!