Not-so-interesting story

I’m back once again. I haven’t had an update for donky’s years. Like what I’ve said in my previous entry, I would have to keep myself busy with many things especially career. Wow naman, talagang may ganun. Never mind the lovelife because I’m starting to enjoy being single. Okay, call me bitter.lols.

Maraming salamat sa naka-miss ng entries ko. Now I know may nagtatiyaga pa ring sumilip sa blog na to kahit walang updates. At dahil namiss nyo ako at namiss ko kayo, eto ang malupet na story-telling.lols.

Finally, natuloy din ang plano kong dito naman sa Manila magtrabaho. Dumating ako nung June 20 at nag-apply agad kinabukasan, maswerteng natanggap, pero nadelay ang contract signing dahil di agad nakapagrenew ng NBI clearance. Mukha pala talaga ako kriminal dahil di ako basta-basta pinapapirma ng kontrata. At ngayon nagtitrain ulet akong maging call boy. Nagkakapili-pilipit na ang dila ko at 101% effort na ang binigay ko pero di pa rin makuha kahit na katiting na British accent. How frustrating! Madalas
akong tumambay sa Marikina Riverbanks. Makikita nyo akong nagbibilang ng janitor fish sa may ilog. Kewl!

Isang malapit na blogger ang nameet ko bago sya umalis papuntang…San nga ba yun? Ah basta dun sa bansang maraming Arabo at camel. lols. Kapos man tayo sa oras nun, sobrang naenjoy ko pa rin EB natin. Ingat ka lagi dyan marekoy. Maraming salamat at nilibre mo ko. ahehe. Gudlak din sa pagsusuot ng abaya. Di ko maimagine kung gani ka demure ngayon. lols.

Sa mga bloggers na nag-imbita sa kin sa mga eyeball nila, pasensya na muna mga marekoy at parekoy. Greenies, babawi ako sa inyo next time. Nagkataon kasi na nasa Cavite ako nun at minsan eh busy-busyhan din. FB, may utang ka sa kin dahil sa pang–indyan mo. lols. Ang isang bote ng beer ngayon isang case na. bwahaha.

Maraming salamat sa inyo na laging tumatambay sa blog ko. Tatambay din ako sa blogs nyo pag di na ko gaanong busy. Hanggang dito na lang muna. Nagmamahal, Beero. lols.

Advertisements
Explore posts in the same categories: Uncategorized

16 Comments on “Not-so-interesting story”


  1. Welcome back kapatid… Good that you have finally stabilized your self there in Manila…

    Ako naman ang magpapalibre if ever I’ll stay there longer… The last time kasi naghintay lang ako ng connecting flight to Cebu… 😀

    God bless!

  2. lawstude Says:

    uy musta na? buti may update na hehe. basta relax lang ang do what u have to do first. ingats lagi.

  3. joycee Says:

    Welcome back po! Enjoy your new job! 🙂


  4. Singit lang Lex…

    Thank you for supporting Nooks and Crannies for the year that passed. In return, I have something for you. You might want to check this out.

  5. Basti Says:

    wow back to work AMParekoy ng bayan. kaya mo yan dude! ikaw pa!

  6. ader sayd Says:

    maligayang pagbabalik.
    ngayon lang ako nagparamdam pero dati pa ko sumisilip dito. gudlak.

  7. ader sayd Says:

    minsan ako naman ang bisitahin mo. amp.

  8. watusiboy Says:

    so nandito ka na pala sa manila. sige nga, maghahanap ako ng nagbibilang ng janito fish dyan sa may marikina. haha.

    @watusiboy: cge hanapin mo ko. lols. madali mo akong makikita. ahaha

  9. beero™ Says:

    @coolwaterworks: cge kuya mark! text ka lang pag pumunta ka dito. hehe.

    @joycee: thanks po!

    @lawstude: hehe. nakapag-update din ako kahit pano. pero baka minsan na rin lang kuya oman.

    @basti: thanks parekoy!

    @ader sayd: oh binisita na kita ah. hehe

  10. madbong Says:

    musta bagong work bro? nawa’y nage-enjoy ka sa bagong work surroundings mo

    @madbong: ok lang naman kuya. medyo nosebleed nga lang minsan sa accent ng mga briton. hehe


  11. astig naman site mo
    nakakarelate po ako
    makikitambay din po ha
    hehe

    @The Lady in Green Ruffles: thanks sa pakikitambay!

  12. bonistation Says:

    welcome back!! ayos ung trip na nagbibilang ng janitor fish sa river banks hehe!

    @bonistation: thanks parekoy! hehe. cute kasi ng mga janitor fish eh. lols

  13. dencios Says:

    beero tsong kamusta? nasa manila ka na pala. nice.. goodluck ha at sigurado mabilis ang adjustment mo dyan. ikaw pa madiskarte ka diba?

  14. rio Says:

    miss u parekoy..sulat ka na ulit..tagal na nitong post mo e..hehehe..ingat


    @rio: i miss u too marekoy! hay, medyo busy pa ko ngaun. my career is taking a toll on my blogging life. lols. ingat din!

  15. ailee920 Says:

    hello.. i love your blog…
    just blog hopping….
    keep safe and God bless!

    @ailee920: hi there! thanks. dahil love mo blog ko, love na rin kita. woot! cheers..

  16. Basti Says:

    kamusta na? mukhang wala pa din update… hope ok ka lang mang beero!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: