How Can I Be So Jobless?

Minsan kelangan nating bumitaw kung sa tingin natin eh yun ang mas makakabuti para sa sarili natin. Kelangan nating gumawa ng isang desisyon kahit gano kahirap.

Matagal rin akong nagcontemplate at nag-antay ng signs bago ako nag-decide na magresign sa opis. Plano ko na talagang magresign sa katapusan ng February pero napaaga lang ng konti ang resignation ko. Nag-antay lang ako ng timing.

Maraming nangyari sa opis nitong mga nakaraang araw. May mga nagresign. May mga sinabon. May productivity at burn out issues. Minabuti kong magresign na din hindi dahil blocked ang WP sa opis halos dalawang buwan na at dahil uso ang pagri-resign sa opis ngayon.lols. Nagresign ako dahil alam kong yun ang mas mabuti at kelangan ko na talagang hanapin ang sarili ko. Parang nawawala ako eh no? Nawawala sa sarili kong pagi-isip. lols.

I’m not a good writer. Di ko na kelangang sabihan yan dahil obvious na masyado eh. I’ve lost my focus lately. Di na ko makapagsulat nang maayos at di ko na gustong dayain ang sarili ko na magiging productive pa ko pag tinuloy ko pa ang trabahong to. Di lang naman ako ang nakaramdam ng burn out sa opis dahil marami nang naunang nagresign. Mas magagaling pa nga ang mga yun at mas malalaki ang sahod kesa sa kin. Pero isa lang ang nakapagpatumba sa kanila – burn out syndrome. lols.   

Tumagal din ako ng lagpas isang taon sa company namin. Mas nagtagal ako dito kesa sa dati kong trabaho bilang call center agent. Finally, narasan ko na ang magresign. lols. Nung una kasi nag-AWOL lang ako. haha. Kahit gano kasi ka-persuasive yung Ops Manager namin nun eh di nya ako nakumbinsi na magstay at magtake ng halos isandaang tawag gabi-gabi at pagmumurahin ng mga engot na callers. Humaba naman nang konti ang buhok ko sa kili-kili dahil kinausap talaga ako nun ng Ops Manager dahil nga raw malaki ang topak potential ko na maging magaling na call boy center center agent. But I gave up. Alam ko kung kelan ako bibitaw…gaya ngayon.        

Last day ko na sa office nung Lunes. Mula nung Martes rest day ko na naman araw-araw. Wala na naman akong ginagawa sa boarding house kundi tumunganga at humilata maghapon habang inaantay na marelease ang final paycheck ko sa March 25. Kung nakamamatay ang boredom matagal na akong natsugi. lols. Two weeks pa ang aantayin ko bago ako makauwi sa min at makapaghanap ng bagong trabaho. 

Mabigat ang desisyong ginawa ko dahil mahirap raw maghanap ng raket ngayon. Maraming employees ang na-lay off, maraming sweldo ang nabawasan, at maraming kompanya ang nag-shut down dahil sa bwisit na global crisis. Di ko alam kung san ako pupulutin nito. Wag naman sana sa kangkungan.

Wala pa akong definite plans. Hanggang ngayon hilo pa rin ako kung san ako pupunta. Basta alam ko aalis muna ako ng Cebu. Tama na muna siguro ang dalawang taong pamamalagi ko dito. Naramdaman ko na ang lungkot. Wala na nga akong makausap pagkalabas ko sa opis. Parang kulungan ko na rin ang boarding house. Di ko dapat ikulong ang sarili ko sa isang maliit na kwarto dahil napakalaki ng mundo sa labas. Maraming opportunidad ang naga-abang at sana makahanap agad ako ng bagong trabaho.

Sana di ako nagkamali sa mga desisyon na ginawa ko at gagawin ko pa lang. Panibagong mga hamon na naman ang haharapin ko at wala akong ideya kung ano ang naghihintay sa kin pagkatapos nito. Maraming mga bagay ang susubok sa katatagan at pang-unawa ko. Kung san man ako dalhin ng mga paa ko, sana makaya ko ang mga bagay na dapat kong harapin. Alam kong hindi magiging madali para sa kin yun pero nakahanda ako. Bring it on!

Advertisements
Explore posts in the same categories: Uncategorized

25 Comments on “How Can I Be So Jobless?”

  1. the scud Says:

    good luck parekoy sa bagong landas na iyong tatahakin. makakahanap ka rin ng trabaho. think positive. always.

  2. watusiboy Says:

    hay, bad trip talaga ang global crisis na yan.

    well, kung hindi ka na masaya sa trabaho diba, wala ng point para magstay pa.

    good luck sa job hunting 🙂

  3. cindyrella Says:

    sa totoo lang mahirap talaga mag hanap ng tarbaho ngayon pero kung may problem naman na tulad ng ganyan na nakapag resign ka talaga, iba na ang issue doon! ayos nga yan eh! magkakaroon ka ng time para i make over ang buhay mo!! kaya mo yan tol!!

  4. deejay Says:

    being a bum has its advantages, you know. 🙂 more time to count your blessings, smell the roses and have lots of sex. cheers!

  5. gravity Says:

    kung hindi ka na talaga masaya, tama lang siguro na umalis ka na dun. i hope makahanap ka ng job na mas mafulfill ka Ü

  6. coolwaterworks Says:

    Lex,
    Kakagulat naman ang balitang ito… Honestly, I tend to think that now is the time to hold on to our jobs for that little security of tenure that we have to weather the crisis. Analysts say the worst is yet to come…

    However, sometimes part of finding our own self, our fulfilment and our happiness is to take a risk, step out into the sun and follow our passions… 🙂

    I wish you the best of luck in your fututre endeavors… 🙂

    Kuya Mark


  7. hello lex, i knw d tau mxadong close. we’ve been officemates for 3 months b4. hehehe.. c cleng nga pla 2, IT dept sa keess. sna rmember m pa ako. well just dont lose hope. anjan lng yang work sa tabi2x. i’m so sad to learned that u resigned. well, lately i just want to re-connect with old friends, ex officemates, etc 😀 npadaan lng po 😀

  8. jane Says:

    Isa ka sa mga taong itinuturing ko na kaibigan dito sa office. So, noong nagkasabay tayo pababa sa office doon ko lang nalaman na last day mo na pala. Na shock
    talaga ang beauty ko. Char..Alam ko na pinag-iisipan mo talaga bago mo ginawa ang iyong desisyon. Basta Lex kung saan ka masaya suportahan teka.

    ““Only as a warrior can one withstand the path of knowledge. A warrior cannot complain or regret anything. His life is an endless challenge, and challenges cannot possibly be good or bad. Challenges are simply challenges.””Carlos Castaneda

    P.S
    please don’t post my comment

  9. dong ho Says:

    mahirap talaga lalo na ngayon sa panahon ng krisis pero ang maganda sa yo ay pinanatilihin mong matatag. kailangan maging matatag at madiskarte dito sa manila. kaya good luck! kayang kaya mo yan.

  10. jeck Says:

    astig. kaya yan, bro. ikaw pa!
    uwi ka ba dito sa manila? salubungin kita ah. haha

  11. Basti Says:

    hello bai ngayon lang ulit ako napadpad dito. ang dami ng nagyari ah! ayan na next kabanata na naman in the life of Lex. Good luck bro…

  12. madbong Says:

    nakakagulat yang bigla mong pagresign parekoy pero kung burned out ka na tama lang yan. good luck sa job hunting bro

  13. lawstude Says:

    That’s the Spirit. Ang buhay talaga natin ay napupuno ng mga desisyon. We just have to stick by our decisions, hold on it pag may prinsipyong pinaglalaban at learn to let go kung sa tingin natin ay wala na tayong matututunan.

  14. nash Says:

    ello, Lexie… I just hope you’ll be able to find a job soon. To tell you honestly, masyado nang nega ang atmosphere sa office. But I’m still trying to hold on. God Bless 😉

  15. teresa Says:

    wag kang mag-alala, mukha namang malapit ka na ulet magka-work.

    good luck sa 28. 🙂

  16. Jorge Says:

    Musta na kapatid? I hope you’re doin fine. Godbless!

  17. Geisha Says:

    pssstttt… ok lang yan! ako rin parang walang patutunguhan work ko ngayong dissolve na ang sosyal kong account! pero keri lang! cheer up pa rin! 😀

    kelan ka punta dito? marami kang friends dito.. matutulungan ka namin! 😀

  18. Geisha Says:

    at dahil jan, may ipa-plug ako! lol

    Cast your nomination for the Rainbow Blog of the Week. By visiting this link: http://www.rainbowbloggers.com/2009/02/rainbow-blog-of-week.html You can nominate your friend’s blog and even your own.

    salamat beer0.. 😀

  19. joycee Says:

    I’m sure napaghandaan mo na din ang consequences ng decision mo. Just pray and God will surely show you the way. Don’t lose hope.

    Add po kita sa links ko ha. =)

  20. Basti Says:

    Kumusta ka na Kapatid na Lex??
    Paramdam ka naman!

  21. ced Says:

    magmeet kau ni tere sa 28? huwaw! hihi

  22. kheed Says:

    g00d luck, galingan mo ang paghahanap ng trabaho, masaya ang buhay sa labas ng boarding house, sana dalas dalasan mo ang paglabas mo, para mahanap mo na din ang sarii mo..

  23. kheed Says:

    .g00d luck, galingan mo ang paghahanap ng trabaho, masaya ang buhay sa labas ng boarding house, sana dalas dalasan mo ang paglabas mo, para mahanap mo na din ang sarii mo..

  24. dencios Says:

    napaka hirap nga mawalan ng work sa mga panahong ito. gayunpaman desisyon mo iyan at harapin mo at gumawa agad ng paraan para makaraket ka ulit. walang mahirap sa taong nagpupursige para makaahon.

  25. bonistation Says:

    parekoi wala namang maling desisyon nasa diskarte at paninindigan lang naman yan!

    well goodluck sa bago mong paglalakbay! late na ko nakapag basa dito maaaring sa panhong ito may bago ka ng work,, hangad ko ang tagumpay mo! tagay na!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: