May Tama Ka!

The last entry was no joke for me. I had a hard time doing the tag . I got really challenged on how would I make the “kwentong barbero” more “true-sounding”. That’s why I included some misleading facts. hehe

Maraming salamat nga pala sa mga nag-abalang manghula kung ano yung kwentong barbero. You guys did an amazing  job! Iba-iba man yung naging hula nyo na-appreciate ko pa din kasi andun yung effort. Ginamitan nyo talaga ng logical reasoning. lols.

As promised, this is it! This is the BIG revelation. Marami na ang nangungulit kaya eto na. Malalaman nyo na kung ano yung kwentong barbero sa previous entry ko.

Nasabi ko sa previous entry na gusto kong maging DJ nun. At mababaw man, yun lang talaga nag alam kong dahilan kung bat Mass Comm ang kinuha kong kurso. Sige, pwede nyo akong batukan. Pero mas gusto ko yun kesa Education na gusto ng parents ko para sa kin. Sa tingin ko, di ako magiging mabuting titser kaya mas mabuti pang hindi nga ako mag-titser. May konting problema ako sa temper at baka pagbabatuhin ko lang ng chalk at eraser ang mga estudyante. Ayokong may mga bukol na sila paglabas sa room. lols.

Kaya pa naman ng powers ko yung subjects nung 1st and 2nd year. Konti pa lang kasi ang major subjects namin. Pero pagdating ng 3rd year, nagsimula ang kalbaryo. Napansin ko na lang pakonti na kami nang pakonti. Ang dating 33 naging 28, 25, 21, at sa huli nga 17 na lang kaming nag-DREAM. BELIEVE. SURVIVE. lols. Ika nga eh, when the going gets tough, the going gets tougher. lols. Sangkaterba ang production subjects nung 3rd year. Kelangang gumawa ng music video, documentary feature, magazine, radio ad, TV plug, radio plug, at kung anek-anek pa. Pero ang mas nagpahirap sa kin? COM 104. Fundamentals of Educational and Developmental Journalism. Kumusta naman ang course description?

Fundamentals lang yun. Kung tutuusin, parang basic lang. Pero wag ka, nakakatuyo ng utak. Di ganun kadali ang magsulat ng newsstory at feature story. Pramis mas madali pang gumawa ng blog entry. lols. Complicated ang journalism. Dapat alam mo yung 5Ws at 1H, yung inverted pyramid in Egypt, at dapat swabeng-swabe ang transition mula lead hanggang throw-away line. At yan ang di ko natutunan. lols.

Writing exercises pa lang kinakabog na ko eh. Ang set up: may projector kami sa room at kelangan naming ipa-transparency ang article bago ang klase. Pag ako na ang kelangang magpresent, parang gusto ko na lang lumabas ng room. Ang bagsik kasi ng prof namin. Yung nanlilisik ang mata at parang hinuhubaran binabalatan ka. lols. Napakastrict pa. Ultimo title ng article kelangan mo pang i-defend. Pero isa lang din naman ang kalalabasan – “Rehash, Mr. [insert my family name here]!” 2 semesters din ang binuno ko sa Journalism. Fundamentals pa lang ang kinuwento ko dito. Pano pa kaya yung Advanced Educational and Developmental Journalism. Nosebleed at its finest na yun. lols.

Number 7 nga ang kwentong barbero sa previous entry ko. Ano mang pilit ko nun eh, 2.4 lang ang naibigay sa king grade ni Professor Late Bloomer. Nagpasalamat na rin ako kasi kahit pano pasado ako. Gusto ko ngang punitin yung class card ko nun dahil sa tuwa. Pangalawa kaya yun sa lowest grade ko nung college, next to College Algebra. haha.

May nakahula ng tama sa kwentong barbero. Congratulations kay Teresa, ng http://emoterangpromdi.idlip.net Kinarir nya nang bongga-bonggang ang panghuhula. Nagpay-off ang pagbaba-backread at panghalungkat mo sa archives ko. At dahil dyan nanalo ka ng P15 worth of Pasaload na isi-send ko through email. May bonus kiss ka pa. Flying kiss nga lang. lols.

Advertisements
Explore posts in the same categories: Uncategorized

14 Comments on “May Tama Ka!”

  1. revsiopao Says:

    Waahnnnhh!! Mali ang hula ko.
    Congrats Teresa.

    Buti na lang line ang Smart ko at ‘di ko rin ma-appreciate ang P15 pasaload kung nanalo ako. {sour graping at its finest}. ha ha ha!

    Ciao Beero!

  2. iceyelo Says:

    Pa send nga din ako ng flying kiss pre. nyahaha. Galing. Napadaan lang po sa blog mo.

  3. Basti Says:

    Wow ayus si Theresa may pasaload, sayang di ako ang nakahula. P15 din yun!
    May mga ganung klaseng teacher talaga, nkaka-asar, ako nga eh pinag initan ng English teacher ko dati dahil lang half kana ang nanay ko. May galit yta sa mga kano ang teacher ko, feeling ko may past sya. ahahaha

    baliktad pala tayo, ako mas ok ako sa math at science subjects… kesa sa mga sulat sulat at kung ano pang kaek-ekan, kaya di ako makaka dream, believe, survive kung sakaling journalism or something that has to do with writing ang kinuha ko. Nosebleed talaga yun, buti naman nasurvive mo. 🙂

  4. ced Says:

    sabihn ko sana yung number 10 yung di totoo sa kadahilanang meron ka na tlaga nun! hehe

  5. dong ho Says:

    hehehe… mali hula ko. buti na lang at may naka hula. saya ang mga pacontest.

  6. bebe gandanghari Says:

    ang oa mo! tseeeeeeee!

  7. rio Says:

    huwaw…may pasaload pala ang makakakuha ng tamang sagot….
    paano naman kami? wala bang consolation prize?? kahit man lang pasaload na 5piso?? hehe

    hmmm….napakaswerte naman talaga ni teresita..may pasaload na. may kiss pa…naks talaga..makulay talaga ang V day parang pasko lang…lols

    Belated Happy V day,parekoy =D

  8. teresa Says:

    wow! congrats naman kay teresa.
    sino ba yun? 😛
    ang galing naman o…eport kung eport yung comment.

    pa-email na lang nung prize ha?

    P.S- sana lang yung bagong link ko yung nilagay mo eh noh?

    P.S ulet- sino si Bebe Gandanghari?
    (chismosa lang 😛 )

    @ ate rio- ano kinalaman ng V-day? 😛

  9. Makibaka Says:

    haha pati ba naman dito naliligaw si bebe gandanghari?

  10. dencio Says:

    nabasa ko yung tough tem mo beero pero mali ako sa kwentong barbero haha. ayus pala ang college life mo tough nga. e gayunpaman e ok na yun at least kinaya naman e. belated happy vday tsong at kongrats sa nmakakuha ng P15 haha 🙂 astig!

  11. azul Says:

    ang galante naman..tanong ka ulit kuya sasagot ako promise.ahaha!

  12. kuri Says:

    o well, di talaga ko magaling manghula. 🙂

    congrats sa nanalo! enjoy the kiss!

  13. teresa Says:

    ngayon ko lang napansin, nagpalit pala ikaw ng theme.
    ganda..bago ba theme na to sa wordpress?
    pangit siya pag sa IE,hehe.
    best viewed in Firefox…at siyempre pa ang dami ko talagang sinabi at pinansin.

    at may description na sa name ko sa blogroll, kaso di naman updated ang link ko..sos!

  14. brotherutoy Says:

    walang patumanggang backreading ako ngayon.

    alam mo, humanga ako sayo. yan ang dream course ko. ewan ko ba’t napapayag ako ni nanay mag-chemistry. pero walang biro, gusto ko talagang maging peryodista noong araw. para kasing may excitement.

    God bless!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: