Tough Ten

Pansamantala ko munang ipagpapaliban ang pagpo-post ng walang-kwentang entry para gawin ang kauna-unahang tag galing kay Kuya Badoodles ng kwentongbarbero.com, ang bagong daddy blogger.  Pero bago ang lahat congratulations muna sayo Kuya Bosing dahil may Baby Badoodles ka nang uber cute. At dahil si unang tag ko to galing sayo, I won’t say “No” at  kakaririn ko to nang bonggang-bongga. lols.

Madali lang ang rules ng tag. Magsabi ng 10 interesanteng bagay tungkol sa sarili mo, siyam dun ang totoo at isa ang kwentong barBEERO. Napakalaking challenge nit0 para sa kin. Pero dahil gustong malaman ni idol Badoodles ang 10 interesanteng bagay tungkol sa kin, aba eh why not? Oh sya, simulan na!

fetus1. Unwanted child ako. Sinubukan ng ermat kong i-abort ako nun sa sinapupunan nya. Andun yung uminom sya ng mga gamot at tumakbo mula sa tuktok ng bundok. Apparently, di sya nagtagumpay at wa epek ang mga methods of fetus destruction nya sa kin. At dahil alam ni Papa Jesaz na magiging malaki ang kontribusyon at papel na gagampanan ko sa mundo, naipanganak pa rin ako nang normal, gwapo, mabait, at matalino. Di naman halatang pinuri ko ang sarili ko. Love yourself ika nga. lols.

2. Allergic ako sa ibang seafood, at asthmatic ako since birth. lols. Wala pa akong nabuong teorya kung bat biglang allergies1naging allergic ako sa pusit, hipon, at alimango kasi wala pa naman akong food allergy 2 years ago. Pero hikain na talaga ako mula infancy hanggang high school. Epekto siguro yun ng abortion attempts ni ermat. Beybi pa lang ako madalas na akong maconfine sa ospital dahil sa hika kaya lampayatot ako nun. At syempre pa nerbyos talaga parents ko pag sinusumpong ako ng hika nun kasi parang malalagutan ako ng hininga. Argh!  

 
felix-the-cat 3. Felix the Cat ang tawag sa kin ng klasmeyts ko nung elementary at chinito raw ako. Sikat na cartoon character nun si Felix the Cat. Di naman ako mukhang pusa nun eh. Kayo na bahalang mag-isip kung bat ganun binyag nila sa kin. Read between the lines na lang ika nga. I won’t state the obvious. hehe. At alam nyo bang may tumatawag sa king “Meow Meow”? Nabaduyan talaga ako pero wala akong nagawa kasi nag-insist talaga syang gawing endearment nya sa kin yun. Tsk! Pero di ako nagpalugi at tinawag ko syang “Oink Oink”. lols. Marami na nagtanong sa kin kung may Chinese blood ako. Ang sabi ko naman baka pinaglihi lang ako kay Jet Li. lols. Ako lang Chinito sa pamilya namin. Pero pramis di nagloko si ermat kay erpat. Si erpat lang.

4. Mahilig ako sa music, mahilig akong kumanta, frustrated singer ako, singerat gusto kong maging DJ nun. Di pa ako tuli, umiihi pa ko sa kama, at aliw na aliw pa ko kay Boknoy Da Fighting Ball, fan na ko ng Eheads at Rivermaya. Todo sound trip na ko nun gamit ang radyo naming may nakadikit na piktyur ni Geli de Belen. lols. Malaki ang naging impluwensya ng music sa kin kaya hanggang ngayon nangangarap akong matutong mag-gitara at bumuo ng banda. Natutupad naman ang pangarap kong tumugtog pag company outing at Christamas party namin. Maka-RnB din ako. Bago pa man sumikat sina Neyo, Usher, Chris Brown, R. Kelly at lahat ng niggas sa music industry, idol ko na si Babyface at ang Boyz2Men. Karamihan sa fave artists ko eh sunog ang balat. lols.

girlbasketball5. Mahilig ako sa sports kaya sporty gals ang type ko. Gusto ko yung kayang humawak, sumipa, humampas, at tumira ng balls.lols. Mahilig kasi ako sa sports. Kung titignan ako di ako ganun ka-energetic at sporty. Aakalain nyo pang matutumba ako pag umihip ang malakas na hangin. Pero isa ako sa mga ace players ng table tennis at volleyball team namin nung high school. Kapos ako sa height kaya backliner ako lagi – taga salo ng malalakas at humahagupit na spike at tagahabol ng bola. Naranasan ko na lahat sa laro, matamaan ng bola sa mukha at malapnos ang tuhod. lols.

6. Nagsimula akong uminom nung 4th year high school ako. Oo, late na beerdrinkerko natutong uminom. 16 years old na ako nun eh. Red Horse ang unang nakalasing sa kin. Di pa ganun kalakas ang drinking capacity ko nun kaya isang bote pa lang eh halos magkanda-duling na ko at gumapang pauwi ng bahay. lols. Mula nun napadalas na ang pakikipag-inuman ko at naging ganap akong Beero. Pero malaki din ang naitulong sa kin ng pag-inom. Dun ko hinuhugot ang lakas ng loob na manligaw.lols. Lahat ng naging gelpren ko eh napasagot ko dahil sa impluwensya ng alak. Parang reinforcement lang naman yun kasi bago ko pa sila niligawan alam ko nang may kras na sila sa kin. haha.

writer7. Kahit terror ang prof naming late bloomer sa Journalism 101, fave subject yun nung college. Marami din naman ang natutunan ko. Natutunan ko na pag kinagat ng aso ang tao, di pa balita yun. Pero pag ang aso kinagat ng tao, aba eh pwedeng pang-hedlines yun sa Banat o Abante. lols. First love ko kasi talaga ang pagsusulat kaya siguro ginawa ko din ang blog na to. Dahil nga Journalism ek-ek, kelangan kong magsulat ng feature stories – kung bat di pa rin mawala-wala ang mga prosti sa mga club, kung bat halos lahat ng nagbebenta ng mga piniratang DVDs sa min eh mga Muslim, kung bat nagtatakbuhan ang mga sidewalk vendors pag dumadating ang mga kampon ng city hall. Dahil kinarir ko ang pag-aaral gumawa ng lead hanggang throw-away line, nag- pay off ang hirap ko at di nalalayo sa grade ko sa Public Relations na 1.0 ang naging grade ko sa Journalism 101. Nadala ko sa PR si Professor Late Bloomer. lols. At ngayon nga, ready na talaga akong magsulat sa mga tabloids.

8. Bukod sa sangkaterbang gagamba, nag-alaga din ako ng tuta nun sa Cavite na pinangalanan ng kuya kong “Rambo”. ramboKasikatan kasi nun ng pelikula ni Sylvester Stallone. Kakaibang tuta si Rambo. Combo ng pagiging cute at makulet. Enjoy akong kalaro yun. Pero di nagtagal natsugi due to unknown reasons. Hinala ko nakakain yun ng patay na palaka. At dahil weirdo ako, ginawan ko pa sya ng puntod na may wooden cross at bulaklak. Kulang na lang may pa-siyam at death anniversary. Mula nun di na ko nag-alaga ulet ng pet.

drowning9. Ultimate pasaway ako nun pag alang sumpong ng hika. Minsan eh tinotopak din ako. Ewan ko kung bat naisipan kong ipasok ang isang stick ng posporo sa ilong ko na halos di na makuha. Di pa polluted ang ilog nun ng dumi ng mga baboy sa piggery malapit sa min nang sumama ako sa mga kuya kong maligo. Di pa ko marunong lumangoy nun. Na-inggit ako sa mga kalaro ko kaya tumalon din ako sa tubig na di alam ng mga kuya ko. [Splassshhh! Lumubog. Lumutang. Nakainom ng sangkaterbang tubig.] Inanod ako ng tubig at halos isang drum ng tubig-ilog ang nainom ko bago ako napadpad sa pangpang.

10. May weird side ako kaya gusto kong magkaron ng Extra Sensory third-eyePerception. Kahit third eye lang pwede na sa kin. Sana sa braso ko para astig, parang tattoo lang.lols. Kaya trip kong manood ng horror movies kasi naniniwala akong may supernatural creatures at gustong-gusto kong makakita ng multo. Palagay ko mabait naman sila kaya nga siguro friendly ghost ang tawag kay Casper. Awwwoooo!

Marami pa sana akong gustong idagdag na trivia tungkol sa sarili ko pero kapos na tayo sa numero. Umabot na sa sampu eh. Hindi pa totoo yung isa. Sa palagay mo, alin sa mga sinabi ko ang kwentong barbero? Sumagot naman kayo para malaman ko kung effective liar ako. What’s  the catch? Ang makahula ng tamang kwentong barbero dito eh mananalo ng Pasaload worth P15 na isi-send ko through email. lols. Wag na magreact. Yun ang bago ngayon.

Abangan nyo sa next entry ko kung alin ang di totoo. hehe

Advertisements
Explore posts in the same categories: Uncategorized

Tags:

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

24 Comments on “Tough Ten”

  1. lawstude Says:

    Hula lang ha. Siguro yung No. 1 ang di totoo kasi kawawa naman pag unwanted child, para bang nagpasarap lang tapos di naman kayang panindigan ang naganap (sorry po daddy at mommy). kaya sa tingin ko yun ang beero lang.

  2. Cindyrella Says:

    hmm ano ba ang di totoo dito?? di ko ma figure out! at talaga bang gusto mo mag ka 3rd eye!! haha! mahirap yun no! at aba gusto mo din ng sporty type na gurl ha? may kakilala ako!! wahahah!!

  3. brotherutoy Says:

    pareho pala tayong mga alipin ng nebulizer noong bata pa. hikain din ako noon, tas pinakain ako ng pagong, inihaw na butiki, etc. eeeww.

    ESP pala ha. Bakit kaya laging third eye? di ba pwedeng third ear (i can hear dead people), o third nostril (i can smell dead people)? o kaya third tongue (pero saan napunta ang second tongue?). yun ang pinaka astig, i can taste dead people!

    nakikikulit lang. God bless you, beero!

  4. coolwaterworks Says:

    Aba, dun kay Rev, may prize ang makakatama sa kung alin ang di totoo atang totoo… 🙂

    Di na ako manghuhula, aabangan ko na lang ang sunod na entry… 🙂

    @coolwaterworks: may prize din dito kuya mark. P15 worth of Pasaload na isi-send ko through email. hehe.

  5. rio Says:

    haha..natawa naman ako sa terms of endearment nyo.. meow meow at oink oink…ang sweet ha..=D

    nahihirapan akong mamili kung ano ang hindi totoo dito sa sinabi mo..
    >naipanganak pa rin ako nang normal
    >gwapo
    >mabait, at
    >matalino.

    hmmmm…..ay teka…may hindi ba ito ang pagpipiliian?? lols
    joke lang parekoy..naniniwala naman ako na ipinanganak kang normal?, gwapo?, mabait? at matalino? hehe..lols

    ok..serious mode..
    hindi ako naniniwala sa number one.

  6. Basti Says:

    haha ayus 3rd eye sa braso! 🙂 oo nga naman para pwede mo lang takpan sakali, mahirap kz yung sa noo eh, maxadong freaky

  7. teresa Says:

    Una sa lahat, pinasakit ng entry na to ang ulo ko.Hindi ako nakatulog kninang hapon kaka-isip ng sagot dito.Tsk!

    Infairness to you, effective liar ka nga,haha!
    Hindi ko ma-identify kung alin ang kwentong barbeero mo dito.

    1. alam ko totoo ito, kasi nabanggit mo na to dati sa entry mo.

    2. fact din ito kasi may entry ka pa abt your allergy attack.

    3. malamang fact din ito, obyus naman kung bakit,hehe!

    4. eto, hindi talaga japeyk. Its a major fcuk este fact pala,haha! obyus naman to sa mga hinihingi mong mp3’s sakin.

    5. you play badminton and volleyball, so di rin ito yung kwentong barbeero mo.

    6. eto mejo kompyus ako, kasi di ko alam kung ilang taon ka nag start maging “beero” pero alam ko na nakapag pasagot ka ng naging gelpren mo dahil nakainom ka, so pwedeng fact din ito.

    7. 50-50 ako dito,hehe! ang alam ko kasi ang pinaka gusto mo eh maging disc jockey, pero dahil mass com ang course mo, pwde ring fact ito. saka binanggit mo din yung grades mo sa Public Relations eh ilang beses mo ng nasabi na uno ka jan. Pero pede ring misleading lang din to,kasi sabi mo sa isang entry mo, you took up AB Comm but you don’t intend to be a writer.Mas gusto mo pang maging camera man,isa pa sa work mo ngaun, super TOXIC ka na.

    8. Karaniwan naman ang pagkakaroon ng alagang tuta, fact na siguro to.

    9. Mejo exagge ang kwento kaya mukhang ito yung kwentong barbeero, isang drum na tubig ilog? kamown,mamon! hahaha!

    10. Ang alam ko, mahilig sa mga fantasy books at movies like Harry Potter,pero horror ala ka pa naman nababanggit,hmmn..kaya pwede ring ito yung kwnetong barbeero mo, pero pwede ring hindi.

    Takteng yan! Pwde ng entry sa haba ang comment ko,tsk! Di naman halatang kinarir ko to noh? Marami pa talaga akong di alam sayo,hahaha!

    eto na final answer ko..number 7.
    sana naman tama.lols!
    eport to ha. 😛

  8. damdamn Says:

    ang hirap naman hulaan alin ang hindi istir jan..

  9. watusiboy Says:

    palagay ko yung pagiging late bloomer mo sa pag-inom. feeling ko grade 3 ka talaga natutuong uminom. haha. jowk onli.

  10. Jorge Says:

    Hula ko ung number one, hehehe…

    Natawa nmn ako sa buong entry mo, you make my day parekoi, bwahahaha!!

    Yokong magkaroon ng third eye, takot ako sa multo eh, katakot, hehehe…

    Teka, kung allergic ka na ngaun sa seafood, pano tayo magfood trip nyan eh puro seafood ang trippin namin? Sayang naman, pero cge inuman nalang!!

  11. dong ho Says:

    >”At dahil alam ni Papa Jesaz na magiging malaki ang kontribusyon at papel na gagampanan ko sa mundo, naipanganak pa rin ako nang normal, gwapo, mabait, at matalino.”>>>> astig!

    >”Allergic ako sa ibang seafood, at asthmatic ako since birth.” >>>kaya ka pala payat. kapatid ko dati ganyan din pero nung nag tennis na sya tumaba rin.

    >”gusto kong maging DJ”>>> pwedeng pwede pa naman.

    >”Kahit terror ang prof naming late bloomer sa Journalism 101, fave subject yun nung college. “>>> hehehe…

    >”Kahit third eye lang pwede na sa kin.”>>> yan ang ayokong magkaroon. dami ko kasing kaibigan meron nyan at talagang magulo ang gabi nila.

  12. azul Says:

    at dahil nga po nakibasa lang ako di ko alam alin ang totoo..hehe

    wala lang kaakiw lang po basahin yung mga entries mo…uhmmm pde po xlinks?tnx

  13. teresa Says:

    oi..meow,meow!
    asan na yung comment ko?
    mag ra-rally ako mag-isa pag di mo in-approve!
    hahaha!

    pasaload tru e-mail? toinks!
    pauso ka.

  14. teresa Says:

    ay ngaun ko lang napansin, endearment pala sayo yung meow,meow? sino tumatawag sayo nun? hahaha!

    @teresa: kaya nga. nakiki-meow meow ka naman eh. uhm, sikret! lols.

  15. Jeck Says:

    parang ang hirap hulaan kung ano yung false dyan. inter related kasi yung mga facts e. pero hula ko yung tungkol sa felix the cat ang di totoo. haha

    @jeck: hehe. sinadya ko talaga yun parekoy para mas lalong mahirap hulaan. hehe. mali ka pareng jeck. yun talaga tawag sa kin ng klasmeyts ko nun sa cavite. nakalimutan ko na nga eh. ayun nung magkita-kita kami nung reunion pinaalala sa kin. hehe

  16. Jhaynee Says:

    apri tayo sa number 2 mo… nebulizer baby din ako…

    sa palagay ko, hindi ka sporty.. feeling ko yun yung mali..

    wala sa itsura mo eh… hehehe..

    @jhaynee: apir tayong mga hikain! lols. haha. sporty ako. actually marami pa akong sports na gustong matry. gusto ko nga sana extreme sports eh. hehe. di naman lahat ng sporty people eh malalaki ang katawan. in fact mas ok sa athletes yung slim kasi mas mabilis makakilos.

  17. kuri Says:

    hmmmm, hirap hulaan kung alin ang gawagawang kwento. feeling ko ung felix bakat.naka cycling short ka lang b kung pumasok dati sa school? Lol.

    @kuri: haha. felix the cat ang sabi ko kuya kuri at indi felix bakat. lols. di ako nakacycling nun pag pumapasok. blue shorts lagi suot ko at polo. complete uniform lagi. hehe.

  18. revsiopao Says:

    huli man daw at magaling huli pa din…

    isa lang ba talaga ang kuwentong barbero dito beero?
    medyo duda ako sa 1 at 9.
    medyo OA kasi ang pagka-kuwento e.
    tama kaya ako? abangan!

    @revsiopao: hehe. oks lang yun rev. haha. isa lang talaga ang kwentong barBEERO dito, rev. cge abangan mo na lang kung tama ka. hehe.

  19. beero™ Says:

    @lawstude: unfortunately, totoo yung #1 kuya oman. they had 3 kids bago ako dumating kaya medyo gusto nila na tama na yun. pero late na yung kasi nga preggy na si ermat. ewan ko kung bat ginusto pa nila akong i-abort nun. thanks God di umubra sa kin. hehe.

    @cindyrella: haha 😆 sana nanghula ka na lang. yeah, gusto kong maging psychic. ala lang, para kasing astig eh. hehe. talaga? ipakilala mo nga sa kin. hehe

    @broutoy: hikain ka rin pala kuya utoy. cheers! nakakain na rin ako ng mga yan. gamot raw kasi sa hika. di ko na maalala kung ano lasa ng pagong. lagot tayo sa PETA nito. hehe. natawa naman ako sa “i can taste dead people”. reminds me of necrophilia. tsk!

  20. beero™ Says:

    @rio: haha. endearment ng mga adik yan marekoy. aba! di ka pala naniniwala na gwapo ako. hmmp! lols. i.m sorry but you’re wrong. totoo yung number 1. hehe

    @basti: hehe. ayos nga yun dude. parang tattoo lang. freaky nga kasi pag sa noo. ahehe. btw, thanks for dropping by 😆

    @damdamn: yes! medyo marami ang nahirapan. magaling na akong magsinungaling. hehe

    @watusiboy: grade 3? mali ka parekoy. grade 1 pa lang umiinom na ko. lols. totoo yung 6.

  21. beero™ Says:

    @jorge: mali ka din parekoy. hehe. mahirap paniwalaan pero totoo yun. naks! buti naman i napasaya kita sa entry na to. sana din sumakit ulo sa kakahula. ahehe. ako naman gusto kong makakita ng multo. medyo ako no? hehe. naku po. pwede naman ako sa mga shellfish. hehe. cge inuman na! lols

    @dong ho: hehe. thanks kuya dong! ewan ko ba pero gusto kong maranasang makakita ng multo. insteresado ako sa paranormal phenomena.

    @azul: thanks sa pakikibasa. salamat sa pagdaan 😆

    @teresa: aba, isa lang tumatawag sa kin ng “meow meow”. umisip ka ng iba like “twit twit” di kaya eh “chirp chirp”. lols. unapproved pa comment mo. ang dami mo kasing sinabi. spoiler masyado yung comment mo eh. hehe. cge magrally ka na lang muna. ahehe

  22. teresa Says:

    unapproved pa comment ko?
    isa lang ibig sabihin nyan,tama yung sagot ko.
    hahaha!

    @teresa: approved na comment mo. oo na, tama ka na. lols

  23. teresa Says:

    regarding that meow mewo thingy, di ko napansin na endearment pala, sensya na…at saka di ko na kelangan umisip ng iba kasi meron na dati pa,lols!

    i-post mo na yung sagot,sos! pabitin masyado.

    @teresa: haha. endearment sa kin yun. aba, may endermeant pala tayo. di ko alam yun ah. haha.

  24. Jorge Says:

    Ano na sagot parekoi?

    @jorge: napost ko na yung sagot parekoy.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: