One

This blog turned ONE year old on January 10. Yeah. A week ago. lols. One week late na tong anibersari entry ko.

Yaahooo! D ko akalain na aabot ng 1 year ang tambayannilex. Maraming beses na rin kasi akong nawalan ng drive na magsulat at maraming beses na rin akong nag-hiatus. Pinakamatagal siguro eh dalawang linggo. Andun yung tinamad ako at busy sa career (kung meron man), love life (magpretend ba) at yung pinaka-common na dahilan, drain ang utak at walang maisulat. Pero di ko alam kung anong meron sa blogosphere. Nakaka-adik . Babalik-balikan mo talaga.

Malaking karangalan na sa isang pipitsuging blogger na gaya ko ang makaabot ng isang taon. Masaya na akong may mangilan-ngilan pa akong regular readers na nagbabasa ng walang-kwenta kong posts. Ipinagmamalaki kong sabihin na sa loob ng isang taon, di pa nabokya ang hits ko. Ang yabang eh no.

Nakakatawang alalahanin nung baguhan pa lang ako. Di na bago sa kin ang blogging nang ginawa ko ang tambayannilex. Bago ko pa kasi ginawa to may blog na ko na pinagawa sa opis namin para writing exercises namin. Pero ibang dimensyon ng blogosphere ang sumalubong sa kin nang gawin ko ang blog na to. Mas malaki. Mas nakakahilo. Mas mas nakakakaba. Mas masalimuot. May ganun?

Isang tao ang dapat kong sisihin pasalamatan kung bat nagawa ang blog na to. Si Kuya Bosing. Sya yung naging idol ko nung nagsimula ako. Kaya mapapansin nyo marami rin akong humor gone bad posts. Yun eh paghahangad na maging nakakatawa ang posts ko gaya ng kay Kuya Badoods at makagawa ng malupet na punchlines. Pero sadya talagang di ako likas na joker at parang ipinaglihi ako sa sama ng loob kaya di ko magawang magcrack ng jokes at magbitaw ng punchlines. Kaya eto, laos pa rin pero kahit pano buhay pa rin si Beero. Maraming tenk yu Kuya Badoods!

Para akong timang nang nabuo ang blog na to. Di ko alam kung san ako magpo-focus. Di ako magaling magpatawa. This can’t be a humor blog. Di rin ako magaling maglitrato. This can’t be a photo blog. Di rin ako makabiyahe. This can’t be a travel blog. Di ko alam kung san ako lulugar. At the end, ito nga ang kinalabasan – halo-halo espesyal. Kung anek-anek ang pinagsusulat ko. Produkto ng magulo kong pagi-isip. Nagpost ako ng mga karanasan ko (masaya, malungkot, nakakatawa, nakakaiyak), mga nararamdaman ko (galit, saya, hinanakit, himutok).

Nagpost din ako ng mga movie reviews, travel adventures, inuman sessions, mga paborito, at mga natutunan at karanasan. Ang dami. I also stepped out from my comfort zone at nagpost ng medyo erotic – ang – Malena: Totoy’s Confession. Isang patunay na marami ang mahihilig sa erotic posts dahil yun ang naging most-viewed entry ko with over almost 1000 hits and still counting.

Pinakita ko na rin mukha ko. Kumalat na rin ang complete name ko. Wala na akong tinago. lols. Di na ko nagpaka-anonymous. Desperate move yun para lalong dumami magbasa ng blog ko. Pero ang kinalabasan? Negatib. Lalong nawala ang mga readers. lols.

Di naging madali sa kin ang maging newbie. Nahirapan akong hubugin ang pangalang “BEERO”. Maraming beses akong naglurk sa blogs ng sikat na bloggers. Nag-iwan ng comment sa ibang blogs. Pero ni minsan di ako nagcomment ng “nice blog. ex-links”. Pfft! Para sa kin isang krimen yun. lols. That is so lame.

Pagkalipas ng ilang araw may bloggers na naligaw sa blog ko. Isa. Dalawa. Tatlo. Yehey to the max! Sa wakas di na laging flat ang stats ko. lols. At nung tumagal lalong dumami ang links sa blogroll ko. Pero yung iba nakipag-ex links lang talaga at nung kalaunan eh nawala din. Ok payn! Pero may mga nagparamdam ulet at nakipagpalit kaya rakrakan pa rin!

Isang balita ang bumulaga sa kin nung April 17. May nag-plagiarize raw ng 2 entries ko. Akalain mo yun, may nanggaya ng entries ko. What an achievement! lols. Hanggang ngayon di ko pa alam kung ano naging motibo nya sa pagkopya ng mga yun. Baka wala lang talaga syang material at pinagtyagaang kopyahin ang mga yun. Baka naman gusto nya ang writing style ko (asa pa). O baka naman crush na lang talaga ako at nagpapansin lang sya. Ano sa tingin mo? lols. Ano man ang naging intesyon nya, tenk yu na rin kasi naabot ko ang pinakamataas na hits ng blog na to. Oo, naging masaya na ko sa 220 hits nung araw na yun. lols.

Napakararami na ng sinabi ko ah. Gusto ko lang namang magtenk yu sa aking sponsors. lols. Salamat sa naging kaibigan kong bloggers. Di ko akalain nakakilala ako ng virtual friends. Medyo marami naman kayo. May mga kachat na ko. May mag katext. Hanggang dun lang. Wag munang lumebel-up, wokei? I would like to thank the bloggers who have been with me through ups and downs, thick and thin, left and right, over and under, high and low, etc:

Teresa . Ang soulmate ko sa blogosperyo. Oh ha! Kumbaga sa showbiz ako si Luis Manzano at sya si Anne Curtis. Wapak! Bininyagan ko syang Ma. Leonora Teresa. Oo. Nag-eport akong pahabain ang name nya. Kapangalan na nya yung manika nina Guy at Pip. Tenks sa regalo mong bagong header. I lurve it! lols. | Rio. (a.k.a. Pink Ranger searching for Blue Ranger) Pinamakulet na dentistang nakilala ko. Ang “marekoy” ko sa blogosphere. Tenks. | Ced. Tenks sa libreng consultation pag nagkaka-food allergy ako. hehe. Sana may libreng gamot din. lols. | Ferbert. Lil bro ko sa blogosphere. Sabi nga nila, ang mahalay pero di bastos. Gifted with talent sa pagpapatawa. | Geisha. Malupet na blogger. As in malupet. Mapapa-OMG ka sa mga posts nyang nakakasindak. lols. Ang blogger na nagsabing angelic daw boses ko. Wapak! | Jeck. Isa sa mga una kong nakilala at naging kasa-kasama sa blogospehere. Tenks dude! | Weivines. Isa sa pinamatagal ko nang kakilala. | Watusiboy. Matagal na ring kakilala sa blogosphere. | Y. Blogger from US na naging kasundo. Miss ya Y!

Tenks sa mga Kuya at Ate ko sa blogosphere. | Kuya Dong. One of the most brilliant bloggers I’ve met. Tenks for sharing your travel adventures. | Kuya Oman. The traveling lawyer. Isa din sa mga tinitingala kong bloggers. Idol ko sa photography. |  Kuya Kuri. Ilan sa mga bloggers na nag-add sa kin sa FS. Napaka-friendly na tao nito at pati family nya kilala ko na rin. | Kuya Madbong. Tenks sa mga kwento mo galing sa ibang bansa. | Ate Cams. My wan and onli ate in blogosphere. Tenks at di mo ko iniwan. lols.

Tenks sa mga Greenies. | Popoy. Unang blogger na na-add ko sa FS at nakapalitan ng number. Nakasundo ko dahil sa hilig namin sa RNB. | Lethalverses. Malupet na modern poet. Bilib ako sa writing style nito. | Chie. Ang blogger na nagsabing “idol” nya ko. Di ko lang alam kung sa anong  aspeto. For sure di sa blogging yun. | Gasdude.  Ang gasoline dude turned modern-day hero. | Damdam. Una kong nakakulitan sa Plurk. Tenks sa kulitan natin. hehe

Tenks sa mga malulupet na bloggers na nakilala ko – Kingdaddyrich, Xienah, Gasti, Coolwaterworks, Vera, Leyn, Pinaybrodkaster, Lyzius, Rimewire, Ayz.

Tenks sa mga bago kong friends. Broutoy, Revsiopao, Ifoundme, Jorge, Dencios, Cindyrella, Jhaynee. Welkam to my world!

Tenks sa mga napadaan dito. Randomdemeanor, Lilmiz, Ellieshe, Macki, MangBadoy, Batanggero, at Ice.

Sa mga nakalimutan ko, salamat na rin. Pagod na akong mag-insert ng links. Sori naman!

Di ko alam ang mangyayari sa susunod na isang taon. I really don’t know. Baka mawala ako. Baka andito pa rin. Baka sumikat. Pero kelan man di ko hinangad na sumikat lalo na sa showbiz. lols. Masaya na ko sa ganito. Yung naii-share ko sa inyo yung laman ng puso at isipan ko with no hesisation, pressure, or whatsoever.lols. Sabi nga ng prof ko nun, “write to express and not to impress”. Siguro yan ang dahilan kung bat andito pa rin ako. lols.

Advertisements
Explore posts in the same categories: Uncategorized

Tags:

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

34 Comments on “One”

  1. brotherutoy Says:

    wow, salamat sa publicity.ü hehe… talaga naman, nakasama pa ako.

    Happy one year of blogging, beero! ako rin, by end of March, magwa-one year na.

    pansin ko lang, bakit tila bihira ka nang magpost ng pictures? yun pa naman ang first reason kung bakit ako natuwa sa blog mo. natatandaan mo ba yung post mo tungkol sa ruins ng isang hacienda na gusto sana ni IFM pagdausan ng kasal nya.

    you may be writing to express but nonetheless, your posts impress. God bless and may you have more blogging years to come!


  2. Naks! Ispeysyal mention ako. Tagay muna d’yan at i-selebreyt ang unang taon ni BeerO. Hehehe. = D

  3. revsiopao Says:

    Wow! Extra pala kami dito {hiya}.
    Tenchu naman Beero.

    Congrats po sa anniversary ng iyong blog.
    Wow 1 year. Pa-berjer ka naman. Sawa na ako sa siopao e.

    Ayos lang ang halo-halo espesyal. Nakaka-relate ako diyan. He he!

    Cheers! Aabangan namin ang 2nd year anniversary ha.

    Go go go sago!


  4. wow,soulmate daw o 😉
    akalain mo yun, ako pala ang nag iisang Dyosa,wapaks!

    seryusli, congrats kasi one year na ang tambayannilex. 🙂
    just continue sharing your thoughts(only wholesome thoughts.lols) and misadventures to us, your readers.

    may sense of humor ka naman kahit pano eh,(in-emphasize talaga yung “kahit pano”,haha! Pis!)kaya nga aliw basahin ang mga entries mo,and i’m sure your readers will agree with me, kasi di naman nila babalik balikan ang blog mo kung walang kwenta ang mga entries dito di nila gustong basahin ang mga sinusulat mo.

    so ayun,more years to come para sayong a lil something of this and that na blog,lols!


  5. Take two, may typo eh 😉

    …kasi di naman nila babalik balikan ang blog mo kung walang kwenta ang mga entries dito at di nila gustong basahin ang mga sinusulat mo.

  6. rio Says:

    ahaha..naks naman parekoy…touch naman ako at napasama ako dito..salamats ng madami..

    halos magkasabay lang pala tau sa pag umpisa sa pag bloblog..nauna ka lang ng dalawang linggo..hapi anniversary sau parekoy…
    wala bang free beer dyan?? ako na sasagot ng pulutan ng mga manginginom mong readers..lols..

    hmmm…pink ranger searching for blue ranger ha..wahaha..
    aktwali, nahanap ko na..woot-woot…lols

    pakomento lang dito ha…
    “teresa.ang soulmate ko sa blogospheryo”….
    ehem..woot-woot..

  7. leylander Says:

    just blog-hopping!

    [ay crime pala yan!]

    happy blog b-day na rin. hehe

    @leylander: uhm, i was just exaggarating. lols. thanks, dude!

  8. mangbadoy Says:

    congrats!!!

    san ba inuman?

    @mangbadoy: tenks! alang inuman eh. sa 2nd year anniversary na siguro. lols

  9. yhen Says:

    happy anniv sa iyo at sa blog mo… 😉

    @yhen: salamat! tenks sa greetings 😆

  10. ced Says:

    happy anniv lexie! hehehe

    special mention ulit? next time may gift bag na dapat! hahaha

    @ced: maraming salamat cedric! lols. syempre. naku naman! pwede gift bag na walang lamang gift? lols.

  11. coolwaterworks Says:

    Based sa napag-aralan ko sa Journalism noong araw, when someone writes it is important to try to cultivate a specific reader group, cult following kumbaga… And you do that by sticking to a theme – classic example is Sidney Sheldon – 99% of his novels have female protagonists.

    So how does a writer of all sorts maintain a cult following: by writing well and by leaving bits and pieces of yourself to your readers to endear them to your main theme – yourself…

    Having said so, don’t wonder why this blog is still kicking a** after one year… 🙂

    Happy anniversary!!!

  12. Jhaynee Says:

    pibertdey sa blog mo!

    keep posting! =)

    para marami ka pang mapasaya

    @jhaynee: tenk yu! 😆 sana nga lang napapasaya ko yung readers ng blog na to.

  13. dong ho Says:

    happy birthday pala sa blog mo! astig pa rin kasi pwede mo naman icelebrate ang blog anniversary mo the whole month. hehehe…

    salamat din beero. hopefully magkikita na tayo dito sa manila sa march.

    @dong ho: thanks kuya dong! sana nga ma-meet na kita finally at nang makapagpa-autograph. hehe. pag matuloy ang trip ko sa march, kaw ang isa sa unang makaka-alam. see ya soon!

  14. xG Says:

    nabanggit pala ako dito?
    wow chuwenkyu
    🙂

    sige lang
    blog lang blog

    pibertdey tambayannialex!

    ps
    madmami talaga naimpluwensiyahan
    yang si badoodles
    hahahaha

    kasalanan niya ang lahat!
    pero labs ko yan
    🙂

  15. ate camssss Says:

    yey! happy anniversary sa blog mo lex.

    bilis ng panahon. parang kelan lang may sinugod si ate. nyahahah. (teka nanalo ba ang blog nyang yun?)

    malamang may inuman session na naman mamya. 😉

    @ate cams: yey! thanks ate cams! oo nga bilis ng panahon. haha. sinugod talaga eh. uhm, ewan ko dun. nawala na siguro. lols. alang inuman session eh.

  16. gasti Says:

    congrats! pre! beerooin mo naka 1 year ka na pala? ganyan talaga malulupet! tumatagal…hehe!

    nga pala..ngyon lang ulit ako nagawi dito. pero saludo ako sa pinaggagawa mo sa buhay. hindi lang sa pakikipaglasingan. may ibubuga ka rin sa pakikipagkaibigan.

    isang tagay para sa tagumpay!

  17. beero Says:

    @brotherutoy: op kors kasama ka dito kuya utoy. hehe. thanks advance happy anniversary na rin sa blog mo. haha. gusto mo pala talaga ng pics kuya utoy. request granted. dahil malakas ka sa kin, picture-filled ang next entry ko. “you may be writing to express but nonetheless, your posts impress” –> naks! natouch naman ako dito. hehe

    @gasdude: hehe, syempre naman. cheers parekoy!

    @revsiopao: di kayo extra dito rev. kayo ang bida dito at para sa kin kayo ang number one. ano daw? haha. tenks rev. sana umabot pa ng 2 years ang blog na to.

  18. beero Says:

    @teresa: DYOSA ka jan! lols. di ko sinabi yun ha. wapak! tenks! kelangan ba talagang broad yung “kahit pano”. nagbibigay na lang ng compliment di pa lubus-lubusin. lols. and i know you’re one of the readers who always visit this blog frequently. maraming tenk yu!

    @rio: syempre kasama ka dito. kaw pa eh malakas ka rin sa kin. lols. halos magkasabay nga lang siguro. uhm, ala pang inuman eh. saka na siguro pag umabot na ng silver anniversary blog na to. haha. nahanap mo na pala si blue ranger. sino naman yun aber? hehe. nagcomment pa talaga sa soulmate eh. wag mag-isip ng masama, ok? haha

  19. Jorge Says:

    Wow parekoi! Happy Anniversary! Huli man ang greetings ko pero naihahabol din.. Sobrang busy sa work kaya pasilip silip nalang sa blogosphere..

    More blogging years to come! Sino nagsabing walang mga wenta mga posts mo eh nakakaimpress nga! naks!

    Painom ka parekoi! Matagal na kong nde nakakainom!

    Kampai!

  20. Jorge Says:

    Salamat nga pala at naextra kami dito.. hehehe..

    Inuman na! toinks!

  21. Geisha Says:

    late na naman ako! kainis! happy anniversary lex!

    wag ka na pumapalag! totoo namang angelic voice mo eh!

    teka tawag ulit ako sayu.. hehehehhe

  22. hisnameisdencios Says:

    na late ata ako ng bati beero hehe
    e kung anu man e magaling at naka abot ng isang taong tomahan ang iyung bahay! da bes! more lasingan pa tsong! haha. keep rockin bro!

  23. beero Says:

    @coolwaterworks: nag-aral ka rin pala ng Journalism? buti ka pa naalala mo pa yun. hehe. di ko natandaan yun eh. o baka naman di nadiscuss nung prof namin or absent lang ako. hehe. thanks for sharing the info. wow! it’s nice to receive a compliment from a good writer like you. hehe. thanks kuya mark (first name basis na)!hehe

    @xG: wow and DYOSA ng blogosperyo dumaan dito para batiin ako sa anniversary ng tambayannilex. hehe. gusto ko nga sanang i-nominate si kuya badoods as the Most Infuential Blogger of the Year. hehe. thanks xG!

    @gasti: tenks parekoy! naks! kaya pala nagtagal ka rin eh. malupet ka rin eh. hehe. salamat at nagawi ka ulet dito. natouch naman ako sa sinabi mo. cheers pareng gasti! 😎

  24. beero Says:

    @jorge: thanks parekoy! buti nakasilipa dito saglit. hehe. ay, nakaka-impress pala posts ko? akala ko kasi nakaka-depress eh. lols. cge, inuman na!

    @geisha: oks lang. it’s the thought that counts naman daw eh. hehe. huwaw! cge maniniwala na nga ako. hehe. ang daming load oh.

  25. coolwaterworks Says:

    Lex,

    Buti ka pa alam mo na ang common kong pangalan… What I know is that “Lex” is just your shortened name. Kumbaga sa balarilang Filipino – pagbabagong morpoponemiko… 🙂

    Naku, hindi Journalism ang course ko. Engineer ako… But way back in high school, I’ve had units in Journalism as an elective course for two years. At dahil dun, naging editor-in-chief ako ng Filipino school paper namin nung high school. Sa Filipino ko pinili magsulat noon kasi napakarami na naming nagko-compete sa English… Nung college naman, hindi ko kinaya ang pasosyal epek ng mga writers sa school paper namin, so di ako sumali.

    O ayan, off topic na tuloy….

    Happy anniversary uli… (sabay bawi!) 🙂

  26. beero Says:

    @coolwaterworks:
    hehe. nakita ko lang name mo dun sa comment sa isang entry. uhm, mahirap sabihin dito full name ko eh. baka pagtawanan ng ibang bloggers. hehe. i thought Journalism course mo eh. may 2 Journalism subjects kasi ako nung college. pero ala ata akong natutunan. hehe. thanks kuya mark! [at naki-kuya talaga ako]. lols

  27. Jeck Says:

    salamat din parekoy! haha

    nasan na yung bading na sinumbong ko sa iyo sa pag-pa-plagiarize? hahaha! pag bumalik ka dito, hamunin natin yun ng suntukan!

    happy 1 year sa blogosphere! w00t!

    @jeck: ewan ko kung asan na yun. siguradong di papalag yun parekoy. di nga pumalag nung inulan ng hate comments eh. hehe. tenks pareng jeck! 😆

  28. lethalverses Says:

    WAW!!! ispesyal mention ako!!! naluluha tuloy akong bigla… and salamat, nakakakilabot.

    isang taon ang lumipas,
    ngunit panahon ma’y mabibigo
    sa pagtangkang sukatin
    ang mga naipundar
    at naitanim
    sa larangan at daigdig na ito
    na kung tawagi’y
    blogosperyo.

    binabati kita,
    ngunit nais ding ipaalala
    na huwag kalimutang buhayin
    ang wala namang kamatayang
    linangan
    ng paglalapat
    ng mga daliri
    sa tuldukan
    ng mga aninong
    inukit ng mga titik.

  29. damdamn Says:

    ahaha! unang kakulitan sa plurk ako! weee! maraming salamat din na nakilala kita dito online at sa pagdaan mo sa aking munting bahay sa blogsphere. minsan na lang din ako mag post at mag masid-masid ng mga bahay bahay ng ibat ibang bloggers. malaki na pagkukulang ko sa iyo my dear beero.. mahaba haba ang i re-read back ko! ehehehe..

    ingats lagi!!
    XOXO

  30. beero™ Says:

    @lethalverses: out of words nga ako eh. di ko madescribe kung gano ka-galing na poet. basta alam ko ikaw ang pinakamagaling na poet na nakilala sa blogspere bosing. hehe. proof na nga yung comment mo sa entry na to. tenks parekoy! cheers!

    @damdam: thankful din ako na nakilala kita. kahit iniwan ko na ang plurk at minsan na lang din tayo magka-usap alam ko andyan ka lang at andito lang din ako. hehe. wala kang pagkukulang sa kin. sapat na yung bumisita ka dito ngayong anniversary ng blog ko. hehe 😆

  31. badoodles Says:

    naks special mention talaga. me not worthy. haha.

    ganyan talaga pag nagkakaamuyan ng libag.
    tayo tayo lang din nagkakakulitan dito hindi ka pa ba nagsasawa? haha. thanks for keeping company din.

    hapi burfday sa blog mo bro, utol, dude. inuman na!%#$

  32. beero™ Says:

    @badoodles: aba! si idol napadaan sa blog ko. sana nagpasabi ka para napagdaan ko pagdaan mo dito. bigla naman akong naiyak. nakaka-touch. ahehe 😆 asus! kahit kelan di siguro ako magsasawa. inseparabale na sina badoodles at beero. woot!

    tenks kuya bosing! ur da best!

  33. ellieshe Says:

    oi oi..nabuhay ako! happy birthday sa blog mu!

  34. watusiboy Says:

    aba’y napasama pala ako dito. almost a year na din pala tayong magkakilala no? ang bilis talaga ng panahon. keep blogging 🙂


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: