Biyahilo

boatBumalik na ko sa Cebu kahapon pagkatapos ng mahaba kong bakasyon sa Cavite at Leyte. Masaya yung naging bakasyon ko kasi nagkita-kita kami ng mga kaibigan at ka-eskwela ko nun sa Cavite. Umuwi naman ako sa Leyte nung 31 para makasama ang pamilya sa Bagong Taon.

Akala ko yun na ang last time na makakasama ko sila. lols. Bakit kamo? Eto ang kwento…

Supposedly nung January 4 pa ko babalik sa Cebu kasi may pasok na kami kahapon. Sa kasamaang-palad cancelled yung trips from Ormoc to Cebu. Maraming pasahero raw ang na-stranded kasi nga di bumiyahe yung mga barko at ferries dahil sa tropical depression thingy. Good. Natuto na siguro ang shipping companies dahil sa nangyari sa M/V Princess of the Stars.

January 5, 8:25 AM na lang yung napa-book kong ticket. Goodluck sa kin kasi 9:00 AM pasok ko sa opis. Anyways, pina-alam ko na sa sup ko na baka hapon na nga ako makapasok. Nahiya nga ako kasi last year late na rin akong nakapasok sa opis dahil nagkasakit ako. Baka sabihin nyang umaabuso ako at gumagawa lang ng dahilan. Pero alam naman nyang totoo yun kasi nabalita naman yun sa radyo, TV, at dyaryo.

Kinailangan kong umalis sa min ng madaling araw para makarating sa Ormoc nang maaga. Masama pa rin ang tiyempo nun. Pero kelangan ko na talagang bumiyahe. Pasakay pa lang ako ng boat may narinig akong ale na nagsabing “Ngayon pa lang magdasal na kayo”. Sus naman yung ale! Manakot ba! Nakakawala naman ng excitement eh. Spoiler! You’re such a loser ale. haha. Nalaman ko tuloy yung dapat kong i-expect.lols.

May video sa loob at comedy yung palabas. Nakuha pa ng mga pasaherong tumawa. Smooth-sailing pa naman nung mga first one hour. Pero bigla kaming nadismaya nung nasa halfway na kami. Hinagupit kami ng malalakas na alon. Parang yung sa Perfect Storm. Uhm, exaggerated na siguro yun. Di naman gano kalaki but enough to make your heart beat faster. Nakikita kong humahampas yung alon sa may bintana. Hinawi ko na nga lang yung kurtina para di ko makita. First time kong kinabahan nun sa biyahe. Pagewang-gewang na kasi yung boat. Tumatagilid na pag may malakas na alon. Para ngang roller coaster yung sinasakyan ko. Exciting! Daredevil ako eh. Gusto kong masubukang magsuot ng lifevest saka tumalon galing sa palubog na barko. hehe.

Tumayo na yung ibang pasahero. Nagpanic na sila at gustong umabot ng lifevest sa overhead compartment. Ako naman nakaupo lang sa upuan ko at nakiramdam. Pero anytime pwede akong makipag-unahang kumuha ng lifevest at tumalon sa tubig.lols. Marunong naman akong lumangoy. Pero di siguro kakayanin ng powers ko ang lumangaoy hanggang port ng Cebu. Baka pagpiyestahan ako ng pating on my way. Naalala ko tuloy yung pelikulang Deep Blue Sea. Kung nagkataon handa akong makipagkagatan sa pating. Ngipin sa ngipin. lols.

That was my worst traveling experience. For the first time I knew how it feels when you’re in a disastrous situation. I felt relieved when I saw Mactan Island. Good thing we arrived safe and sound. And good thing I was able to catch the trip yesteraday morning ’cause the trips were again cancelled last night.

Advertisements
Explore posts in the same categories: Beero's Travels & Adventures

Tags: ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

13 Comments on “Biyahilo”

  1. teresa Says:

    Exciting! Daredevil ako eh.

    exciting daw,wag ka na! haha! if i know, gstong gsto mo na kumuha ng lifevest,lols!

    seryusli,its a good thing na nakarating ka ng safe sa cebu kahit pa nga ganyan yung ngyari sa byahe mo..kasi kwawa naman yung mga pating,just in case nakipagkagatan ka sa kanila.lols! πŸ˜›

    @tere: haha. obyus ba? lols. pero kinabahan ako kasi maliit na boat yun. if ever malunod eh mahirap nang lumabas kasi nandun kami sa baba. tenks! akala ko nga di ako makakarating sa Cebu nang tuyo eh. lols. kawawa nga yung pating sa kin kung nagkataon. hehe

  2. Cindyrella Says:

    hay nakakatakot naman yan, wag kang magalala this year is year of the ox, sabi ng mga psychic, mas magkakaroon ng accident more on land at di sa tubig. wala lang.. share ko lang!! well at least ur safe ^^

    @Cindyrella: nakakatako nga. first time kong kinabahan nun sa biyahe eh. hehe. ayos kasi year namin to. sana nga swerte taon na to sa kin. thanks!

  3. brotherutoy Says:

    nyahaha! naranasan ko na yan pero mga malalapit lang (ilo-ilo to bacolod). hahampas yung bullet pababa ng dagat tapos kita namin sa loob ang corals. hantindeh! hehe…
    kita ko yung comment mo kay siopao. binasa mo bang maigi yung captions? hehe…
    God bless!

    @brotherutoy: nakakarelate ka rin pala sa kwento ko bro utoy. nakaka-kaba talaga eh. di ko kasi binasa yung caption. mabilisan eh. hehe. God bless din po πŸ˜†

  4. β™‚ Says:

    hahaha! sayang di lumubog ang barko. lols. jowk lang.
    di nga, parang umaabuso ka na talaga. unfair masyado. hahaha. need i say more? you know what i mean. hakhak!

    neiwez, buti naman at nakaabot ka pa dito ng buhay. i have had the same experience when i was aboard MV princess of the stars last 2006. hehehe. di nga lang nalunod nung time na yun. πŸ˜†

  5. ifoundme Says:

    yikes! nasulat mo rin sa wakas! alam mo, sabi nga ng friend kong nakasurvive ng don juan na nalunod decades back, ang hirap daw kung marunong kang lumangoy at mangyari yan kasi hindi mo raw maiwasan na hindi tumulong….

    buti naman at hindi nangyari yung naisip natin kasi ikaw nth sakuna na yan dito sa pilipinas.

    ingat parati ha?

  6. ced Says:

    tara byahe na ulit pabalik dito! haha

  7. revsiopao Says:

    hala ka… ayan na si utoy! ha ha ha!

    @utoy, huwag kang mag-alala, pinag-report ko na si beero kay atty. shawarma. ayun nag-press release na sa tindahan ko. LOLz.

    beero, that must have a heck of an experience.
    hindi ka talaga kumuha ng life vest? {ows?… or suot mo na pagsakay mo pa lang?}

    hay, sorry na lang sa mga pating at ka nila natikman.

    ingat na lang palagi kapatid. god bless you!

  8. dong ho Says:

    ganyan na ganyan din kami nung pumunta sa capones. worst kasi bangka sakay namin at signal number one doon. kaya yon, abot poste ang laki ng alon. buti na lang magaling yung bangkero namin pero natakot na rin sila kasi hindi na daw normal yon. hehehe…

    saya din kahit papaano ang ma experience ang ganyan.

  9. Jorge Says:

    Wow! Buti nalang nakauwi ka ng buo at walang kagat ng pating, hehehe…

    Nde pa ako nakakasakay ng barko, pero sa kwento mo ciguro magplane nalang ako.. toinks! hehehe…

    Ingat lagi parekoi!

  10. coolwaterworks Says:

    I experienced similar nasty waves last Jan5 din from San Carlos to Toledo. Hapon na ako nakasakay kasi delayed yung kaisa-isang vessel na bumiyahe noong araw na yun. The other 3 were cancelled by the Coast Guard.

    Daming pasaherong nag-iyakan. That was the worst boat ride I ever had… Eh ano naman ang ginawa ng isang Singles for Christ member na kagaya ko? I sang praise songs and glorified the Lord to myself… Buti na yung mamatay akong pumupuri sa kanya…. πŸ™‚

  11. FerBert Says:

    sus ka nakabalik ka na dyan na di ka man lang nakikipagkita sakin.. hahaha

  12. teresa Says:

    @ FB- drawing kasi yang si Lex,di nasipot sa EB..booo! πŸ˜›

  13. yhen Says:

    wow… heavy ng biyahe… san ka sa leyte? mga officemates ko taga leyte…

    napadaan lang po… πŸ˜‰


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: