Archive for December 2008

Krismas Breyk

December 23, 2008

It’s Christmas two days from now. Bat ganun? Di ko pa nararamdaman yung so-called Christmas Spirit. Oh baka naman ayaw lang talaga nyang magparamdam sa kin. lols. 

Kung mapapansin nyo nga ala akong entry tungkol sa Pasko o kung anek-anek pang wishlist. Nakuntento na ko sa header ko at sa snow sa blog ko. Di ako anti-Christmas. In fact, nakaka-miss magdecorate ng Krismas Tri. Kaso lang parang iba ngayong taon. Kung di nga lang ako nabusy kahapon sa pamimili ng regalo para sa walo kong inaanak (oo, sa bata kong to walo na inaanak ko) at mga pamangkin ko, di ko mararamdaman yung Christmas rush. First time ko ngang pumunta sa SM na di pa ko bukas. At kung di lang din ako pumila para makabili ng ticket pauwi di ko mararamdaman kung gano ka-importante ang makasama ang pamilya sa Noche Buena.  Ayoko nang maulit yung nangyari last year.  Argh!

Dati makarinig lang ako ng Christmas songs sa radyo, feel na feel ko na yung Pasko. Ikaw ba naman ang di ma-touch sa makabagbag-damdaming:

Pasko na sinta ko, hanap-hanap kita
Bakit nagtatampo’t nilisan ako
Kung mawawala ka sa piling ko sinta
Pano ang paskong inulila mo…

Oh ha! Sabihin mo nang cheesy, sappy, corny (call it whatever you want) pero gustong-gusto ko ang kantang yan. lols. Pina-download ko pa nga kay Teresa yan.

Mamaya na biyahe ko pauwi sa min. At ang saya ko! Bakit kamo? Kasi di ako aabutin ng Pasko sa barko. Last year maraming nangyaring kapalpakan. Pagkatapos na pagkatapos kasi ng Christmas Party namin nagkasakit ako at sa barko pa ko inabot ng Pasko. Argh! Really sad.

Oh sya, di pa ko tapos magbalot ng mga pangregalo ko. Saka di pa ko nakapag-impake. Gotta go, dudes!

By the way, mawawala ako ng 2 weeks sa blogosphere. Luwas ako ng Manila on December 26-31 para um-attend ng reunion namin sa Cavite at makikipag-EB na rin sa blogger friends ko sa Manila.

May blogger friend akong nagrequest na magpost ako ng itinerary kaya eto na:

Dec 26:
3:15 PM – arrival ko sa airport and travel to Cavite
Dec 27
Attend our school reunion and meet old friends
Dec 28
Spend more time with friends and relatives
Dec 29
Travel to Manila after lunch and meet some blogger friends in the afternoon
Dec 30
Meet friends and cousins around San Juan and Taguig
Dec 31
Stay at my friends’ place in Caloocan, catch my flight at 4:20 PM.

So, that would keep me busy in the following days…be back after! hehe 😆

Merry Christmas and a Happy New Year! 

Intruder of the Month

December 13, 2008
I get a kick of reading Intruder of the Month entries on FHM. It’s where readers can send their pics ruined by a so-called intruder. Basically, it’s not the real subjects who would become the “bida” in the pic but the one who stole the limelight from them. Sounds cool, right?
Of course, it would piss you off at first. But then, you’d later realize that there are really some people who are
camwhores. And mind you, they’ll do everything to ruin your moment. Well, my officemates and I became victims of an intuder in one unfortunate event. Here’s the entry that I sent to FHM through email. Take a look at this pic. This is definitely not for the faint of the heart. lols.
WARNING: The following picture may not be suitable for very young readers. Parental Guidance is recommended. lols
Ako ba pinagtatawanan nyo ha?
INTRUDER: Ako ba pinagtatawanan nyo ha?

The original text that I sent:

I was enjoying my first Masskara Festival experience in the City of Smiles, Bacolod, with my officemates when this photo was taken. Our smiles turned into frowns when this “unwanted subject” passed by suddenly and made us his background. How’s that for destroying our moment? We had to do take 2 and make sure that no one would steal our smiles again.

Of all the Intruder of the Month entries that I read on FHM, I didn’t see something as hilarious as our pic. Some entries had intruders on the side or at the back of dudes having their pics taken but I didn’t see someone (as kapalmuks as the intruder in our pic) appear in front.
I wanted to share this picture to all the readers and show how worse intruders can get. I’m sorry if I sound so mean here. But that’s the way it should be. lols. That dude really pissed us off. What’s worse is that he didn’t bother to apologize for what he did. Grrr…I even saw that “Yehey, I ruined your pic” look on his face. He must be really glad right now because his face got featured on FHM’s December issue as the Intruder of the Month. lols.

Reunion: Part 2

December 4, 2008

Klasmeyts

Home is a place you grow up wanting to leave, and grow old wanting to get back to.  ~ John Ed Pearce

Still remember REUNION Part 1: 3-Way Journey? I guess you forgot what was that about. Anyways, you don’t need to remember it. I’m just asking. lols.

It has been ten years (if my memory is doing its job well) since we left Cavite, the place where I grew up and enjoyed my childhood days the most. And unfortunately, I wasn’t able to set foot again to the place that I consider my hometown. I’ve always been excited to go back and reminisce my childhood days, those that I’d never want to lose and the memories that I’ve been holding on to for the last few years. [Nuff said. Ingles-Inglesan ends here].

Habang tumatagal lalo akong nai-excite bumalik dun. Ewan ko ba. Malaki lang siguro ang naging impluwensya nung lugar sa childhood ko. Dun lang naman ako nagasgasan ng tuhod habang nag-aaral magbike. Dun ako muntik malunod habang nag-aaral lumangoy. Dun ako muntik mabungi dahil sa paglalaro sa may puno ng kawayan. Napaka-memorable talaga ng lugar, di ba?

Ang sarap balikan nung time na wala akong iniintindi kundi magpalipad ng saranggola, magtampisaw sa ilog, maghanap ng gagamba, umakyat ng puno ng mangga, santol, bayabas, duhat, sinegwelas, chico, papaya, sampalok. Ayun! Parang may fruit salad na. lols.

At dahil dun din ako unang nag-aral, dun nabuo yung tinatawag na educational foundation ko. lols. Masaya na ko nun pag bumibilli ng tira-tira sa canteen. Madalas din akong maglaro ng teks at pog at umabot pa sa isang karton ng gatas ang collection ko nun. lols. Naging masaya din ang school life ko kahit pano. Ang dami kong naging kaibigan na halos kasa-kasama ko araw-araw – sa laro, sa kainan, at sa marami pang trip.

Kaya ganun na lang ang lungkot ko nung umalis kami. Masyado na akong na-attach emotionally sa lugar (sigh). Di man lang ako nakapagpa-alam sa mga kaibigan ko nun. Para akong nawala nang parang bula. I vanished in thin air ika nga. lols. Wala man lang silang ideya kung buhay pa ko nun.

Konti na lang sa mga klasmeyts ko ang natatandaan ko. Blame it on my poor memory. Basta alam ko Harold at Mary Ann ang pangalan ng mga bespren ko nun. Di na nga ako umasang matatandaan pa nila ako. Last year, August 2007 siguro, nagbaka-sakali akong isearch sa Friendster ang profile ni Harold. Akalain mo’t sinwerte ako. May pakinabang din pala talaga ang Friendster. Dun kami nagkakumustahan at nagkapalitan ng number. At mula dun, nahanap ko rin ang iba kong long-lost klasmeyts. hehe         

LEX: oi, pare musta na? c lex 2.
MACOY: ok lang naman. kw ba?
LEX: ok lang din. and2 ko cebu ngaun.
MACOY: cnu2 p b naalala mo sa mga clsm8 natn?
LEX: konti na lang eh – sila harold, mean, kc (crush ko nun), margie, jerry, mary ann, at genevieve
MACOY: ah ok. may grand alumni kc d2 sa dec eh.
LEX: nasabi nga rin sa kin ni lovely eh (isa pang clasm8). ngkta-kta p b kau jan?
MACOY: d ko na nkkta iba nating clsm8 eh. di ko na kc maalala kung cnu2
LEX: eh si harold? (bespren ko nun)
MACOY: ninong ako ng anak nun. lage nga akng niyykg mg-inom eh. hehe
LEX: buti na lang naala2 mo pa ko.
MACOY: iniicp ko nga nun kung cno ka e.
LEX: ako yung payat at medyo singkit. hehe.
MACOY: oo biyak pa yung buhok mo nun. naala2 kta dhl sa class pic (*err, ang panget ng hairstyle ko nun*)
LEX: hehe. ako nga yun. hehe. pwdng humingi ng copy nung class pic?
MACOY: cge hanapin ko tas scan ko na lng
LEX: ok, thanx pare
MACOY: cla armando at lester tanda mo pa?
LEX: uhm, familiar c lester.
MACOY: cguro nman si matthew klala mo
LEX: oo nman. d ko mkklimutan kc may “trademark” yun eh. hehe (clue: *may luga si matthew nun*)
MACOY: sikat yun sa skul eh. hehe.
LEX: oo nga eh dhl dun sa “trademark” nya. pero mabait naman yun.
MACOY: mbait nga un. blita ko nsa ibang bnsa n un eh.
LEX: tlga? alam ko klala nya ngturo sa min ng sayaw nun.
MACOY: ah oo. mga katropa nya yun eh.
LEX: sabi ko na nga b eh. naka2-miz tlga skul natn.
MACOY: mdme na din ngbgo sa skul eh. ung ibang mga teachers wla na. ung ibng bldngs e bago n.
LEX: eh si ma’am ng22ro p b?
MACOY: retired na si ma’am pro nkkta ko pa xa. mnsn pmpnta sa bhay, bnebentahn ako ng chinelas! (*ayun may sideline pa si ma’am. hehe*)

HAROLD: hello? musta tol? inuman kami ngayon.
LEX: talaga? ayos ah! nktxt ko pa lng si macoy.
HAROLD: ganun ba. ninong ni Liam yun eh.
LEX: sbi nga nya. sayang di rin ako nakapag-ninong.
HAROLD: ok lang yun. next time na lang.
LEX: hehe. tagal mong di nagparamdam ah.
HAROLD: medyo busy eh. nanganak pa lng si misis eh.
LEX: kaya pala. musta baby nyo?
HAROLD: ok nman. pa2bnygan namin sa dec. ninong ka ha.
LEX: cge ba. kelan ba binyag?
HAROLD: sa dec (*nakalimutan ko ang date*)
LEX: naku, baka di ako umabot. sa reunion pa dating ko eh.
HAROLD: sayang. bsta pag pumunta ka d2 kht sa bahay ka tumuloy.
LEX: salamat pare. kita-kits na lang jan.

LEX: musta? naalala mo pa ba ko?
LOVELY: syempre naman. san ka nga pala ngaun?
LEX: sa cebu ko work. tgal kong di nakabalik jan
LOVELY: bkt namn? dec na lng pra reunion mak2ta mo pa ibng clsm8s natin. klala mo ba si roy [insert family name here]? sya kc naga-ackaso. sabi nya dec 24 dw.
LEX: di ko na sya matandaan eh. bsta confirm nyo na lng. si aileen ba a-attend?
LOVELY:  pag pinayagan ng asawa nya. cge upd8 na lng kta.
LEX: may asawa na pala c aileen? (*ouch!*)
LOVELY: yup, nung may lang.
LEX: may pic pa kya sya nung parade dati (*escort ako ni aileen nun*)
LOVELY: d ko alam kasi lumipat n cla ng haus. bka sembreak pa uwi ko dun. bgay ko na lng # nya sau. 0920*******
LEX: ok, thanx. txt ko sya l8r.

LEX: musta po? lex here. clsm8 mo nung elem.
AILEEN: oi, musta na? san ka ngaun?
LEX: ok lng nman. sa cebu ako ngaun. may copy k p ba ng pics natin nung parade? ang kyut ko pa dun no? (*wag sana akong tamaan ng kidlat*)
AILEEN: nsa kin pa din ung pix. bkt mlki na ba pngbago mo? bt ang layo mo? jan ka ba lumipt dati? (*dahan-dahan lang mahina ang kalaban*)
LEX: uhm, medyo panget na ko ngaun eh. hehe. work lang ako d2.
AILEEN: may ipa-panget ka pla (*sus naman, ang epal. hehe*). ang lau mo naman. ngkta ba kau ni lovely?
LEX: indi sa FS lang. nktxt ko knina tas binigay # mo.
AILEEN: ano bng email add mo? bgy mo sa kin mtingnan kung ano na itsura mo ngaun (*hmm, wag na lang kaya*).
LEX: [insert my emaill add here]. add mo na lang ako.
AILEEN: cge. naalala mo pa ko? tagal na nun eh.
LEX: syempre nman (*kaw pa, eh…eh…wag na nakakahiyang sabihin eh*)

Parang ang daming flashback na nabuo sa isip ko. Andun yung cute pa ko at naging escort ni Aileen nung United Nations’ Month parade. Yung nagsecond honor na lang ako dahil sa halos isang buwan kong absent nung umuwi kami sa probinsya nung mamatay ang lolo ko. Yung napunit ang salwal ko nung final rehearsal namin ng sayaw na “Tootsie Roll”. lols. Yung hiya ko nung pinasayaw kami ng folk dance na di ko na naalala kung ano (pero salamat kay Macoy na walang memory gap at naalalang “Cariñosa” yun). Yung nabasag nila Macoy yung salamin namin sa room nun. Yung argumento namin ni Harold kung pano ipo-pronounce and word na “accent”.lols.      

That was nostalgia at its finest. At the end of those conversations, I smiled knowing that their memories are as good as mine. And what made me smile more is the fact that I was never forgotten despite of my absence for almost a decade. lols. Yeah, some things have changed. Some of my classmates  have their own families, careers, and new set of friends now. But one thing remained intact – the friendship that we once had. And now that our school reunion is set, I won’t miss my chance to see them once again! Woot!

Every parting is a form of death, as every reunion is a type of heaven.  ~ Tryon Edwards