Hula Hoop

palm1Naniniwala ka ba sa hula? Maraming hula na ang nagkatotoo gaya ng mga prophecies ni Nostradamus. May mga hula naman na mahirap talagang paniwalaan gaya ng propechy ng Mayans, ancient civilization na nagpredict na end of days na sa December 21, 2012.      

Lately hinulaan ako ng babaeng naka-inuman ng mga kakilala ko sa tapat ng boarding house namin. Nasa 40 na siguro ang edad at parang late bloomer. Sa unang tingin nga eh, mapagkakamalan mong si Madam Auring. At biruin mong may konek talaga ang impression ko sa kanya kay Madam Auring. May alam daw kasi sya sa palm reading.

Self-proclaimed manghuhula sya. Boardmates ko dati yung mga kainuman nya kaya tinawag nila ako. Pagkapasok ko pa lang, sinabi nila na magpahula raw ako. Out of curiosity, I obliged. Hinawakan nya kamay ko, tinignan yung palad ko, at tumahimik. First time kong magpahula nun. Kinabahan ako [insert tibok ng puso SFX here]. Baka kasi kung anu-ano ang sabihin nya. Then, I expected her to say that I have to fulfill the prophecy and kill He-Who-Must-Not-Be-Named. Okay, di ako si Harry Potter kaya bumalik tayo sa kwento ko.

Inabangan ko ang sasabihin nya. Para bang inaasaam kong sabihin ng nililigawan ko na “I love you too”. lols. Talagang may kinalaman sa love ang una nyang fearless forecast. Sabi nya todo-todo daw ako magmahal at lagi akong naloloko ng jowa. Aba! Akalain mo’t tumama si Aleng Manghuhula. Nasense din ng vibes nya na may nagkakagusto raw sa kin na pinsan ko. Aba naman! Incest? Ayoko nang ganun. Pero may nagkagusto talaga sa kin na “medyo” pinsan ko pa raw. Sayang nga kasi girlfriend material talaga. I contolled myself and fought the temptation. lols. Di ko alam if she feels the same way until now.      

Pero ang bad vibe, matsutsugi daw ang susunod kong magiging gelpren. Wapak! Buti na lang pala at “single blessedness” ako ngayon. Ayokong madamay ang ibang tao sa kamalasan ko. Di ko naman binabalaan kung sinuman ang magkakagusto sa kin. Hula lang yun. Kung idadaanan natin sa probability, fat chance yun. Pero dapat handa ka sa posibleng mangyari. Malamang ‘Til Death Do Us Part at Against All Odds and maging pamagat ng love story natin. Wag naman sana.

On the lighter side, tinanong ko sya kung may chance na yumaman ako. Meron daw. Makakapag-abroad daw ako. Totoo pala na “Japan, Japan, sagot sa kahirapan”. Don’t get me wrong. Di ko pinangarap na maging Japayuki. And I’d rather go to Canada or UK. Finally, iikot din pala ang wheel of fortune. lols.

Mahirap paniwalaan ang ganitong mga bagay. Mas lalong mahirap maniwala na malalaman ng isang tao ang magiging kapalaran mo dahil sa guhit ng palad mo. Pero di naman talaga natin kelangang paniwalaan yun kasi aka-depende pa rin ang buhay natin sa sarili natin. Parang guide lang naman yun. Magkatotoo man o hindi, I’ll just live my life to the fullest!

Sa lahat nga pala ng sinabi nya sa kin, isang adjective and tumatak sa isipan ko. Dahil dun mas gusto kong paniwalaang mambobola sya kesa sa manghuhula. Kursunada pa ata ako nung ale. lols. Guwapo (referring to me) ang katabi mo. Pero parang di naman hula yun eh. Nagkatotoo na yun nung oras na pinanganak ako nung March 1, 1985. ahehe.

Advertisements
Explore posts in the same categories: Uncategorized

Tags: , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

25 Comments on “Hula Hoop”

  1. teresa Says:

    ikaw na rin ang nagsabi –> mahirap maniwala na malalaman ng isang tao ang magiging kapalaran mo dahil sa guhit ng palad mo.

    Hula nga diba?Pwedeng tama pwedeng mali,tsambahan lang yan.Though wala namang masama kung gagawin nating guide,but then again, not to the point na ibabase natin ang gagawin nating mga desisyon batay sa kung ano yung sinasabi ng hula.

    As for ur lablayp,buong puso kong kinokontra ang sabi ng manghuhula.hahaha!

    Ayokong madamay ng ibang tao sa kamalasan ko. Hanggang kelan mo naman kaya sasabihin yan?Ano naman ang magagawa mo kung may gustong sumabit sa kamalasan mo db? 😛 Btw, fave ko ang song na Against All Odds, esp. Phil Collins’ version,la lang, nasabi ko lang 😉

    Guwapo daw ako eh. Pero parang di naman hula yun eh. Nagkatotoo na yun nung oras na pinanganak ako nung March 1, 1985. –> oo na lang,blog mo naman to eh. 😛

  2. rio Says:

    madibdibang comment yan, tere ah…ahehe

    parekoy, hindi kaya lasing lang si ate nung mga panahong binabasa nya palad mo?? hehe

    “tinanong ko sya kung may chance na yumaman ako. Meron daw.”
    wag mo kaming kalilimutan parekoy kapag super yaman ka na ha…balik balikan mo sana ang ating pagkakaibigan…lols

    balato balato kapag yumaman ka..sama mo ako sa UK o canada…

  3. lawstude Says:

    di ako naniniwala sa hula. sabi sakin mag-aasawa daw ako 26 pero di naman natuloy. tapos mag-aabroad daw ako sa america kaso di naman natuloy.

    pero masaya din ang hula kasi lagi positive sinasabi nila para meron ka tip lol.

  4. camilleeee Says:

    “….Pero ang bad vibe, matsutsugi daw ang susunod kong magiging gelpren. …”

    – hala….wag na wag mo to ipapabasa sa nililigawan mo lex. 😉 hehe.

    @camileeee: hehe. kaya nga eh. lalo na pag naniniwala din sya sa hula. siguradong basted ako. lols.

  5. hisnameisdencios Says:

    alam mo ba nagpahula nanay ko noon halos lahat ay naging totoo. meron siguro manloloko pero sa tingin ko ay merong totoo din. pero sa tingin ko ay nasa kamay pa din natin ang ating ikauunlad, tama guapong beerO? naks!

    @dencios: medyo naniniwala naman ako na may mga hula talaga na nagkakatotoo. tama ka dun guapong dencios!lols.

  6. ced Says:

    taray nung unang comment. parang kadugtong lang nung post ah! hahaha. juk lang tere! hehehe

    hula, di ko pa yan natatry.
    exciting ba? ung parang naiihi ka na pero pinipigilan mo?

    pero kakakaba naman ung sa lablayp mo lex. sabagay, patay naman lablayp mo now. baka un na un? hahaha

    seryoso naman, nasa sau naman kung maniniwala ka o hindi. pero gabay lang naman yan. ahehe


    @ced: try mong magpahula cedric. mai-excite ka talaga. lols. yun na nga siguro yun. kaya siguro takot akong ma-inlab ulit. lols.

  7. dong ho Says:

    hehehe… hindi rin ako naniniwala sa hula. lalo na pag ito ay sa mga kanto kanto lang. kasi ako pag wala na talagang pagkakaitaan, kaya ko na rin manghula. hehehe… kahit paa pa ang gagamitin ko sa panghula. hehehe…

    @dong ho: haha. magandang ideya nga yun kuya dong. parang gusto ko na ring magsideline sa panghuhula. lols.

  8. leylander Says:

    Hehehe. nice post.

    Kinsa gani na-link nimo sa office? Kay atong warningan. LOL.

    @leylander: nice post ka jan! hehe. kinsa lagi to ley? kalimot na man ko. lols.

  9. Jorge Says:

    Naku, mahirap maniwala sa hula. Pero sabi sa statistics, mas maraming babae ang naniniwala sa hula. Kaya ngaung pinost mo tong entry na to, sa palgay mo may magiging girlfriend ka pa? toinks! hehehe…

    Basta, live life to the fullest (sabi mo nga), ikaw ang gagawa ng sarili mong buhay. Ask God for guidance.

    Kampai!

  10. Says:

    lol.
    siguradong lasing lang manghuhula. por syur! jowk.
    na try ko na din to noon. nagpahula ako sa tindera ng ice buko. libre kasi pag bumili ka ng ice buko. hahaha.
    wala namang kwenta.

    kaya, kung ako sayo, wag kang magpapaniwala jan. niloloko ka lang nun. nag pa chansing ra to nimu. para mahawakan nya hands mo.

    bwahahaha! 👿

  11. Pepe McKunat Says:

    sayang naman oh?
    M lang ang nabuo sa palad ko.
    pero di ako naniniwala sa hula ah.
    sa horoscope lang.
    hahaha.
    ginagawa ko itong daan.
    pero hindi ako nagpapaMANIPULATE dito.
    🙂

  12. mangbadoy Says:

    mabuhay ang mga gwapong gaya natin! hahaha!

    wala naman masama kung maniniwala tayo kasi at the end of the day we still need to decide where to go to… kung masaya na tayo sa kung ano mang meron tayo ngayon much better pero kung may dream pa tayo in our life just fight for it and work hard to get it… lahat naman magagawa basta we want it. mind over matter.

    @mangbadoy: haha. sige na nga, long live mang badoy! lols. i agree. mas ok talaga pag ayusin lang natin ang mga desisyon natin. after all, tayo din naman ang nagpapatakbo ng buhay natin di ba?

  13. brotherutoy Says:

    ako may personal manghuhula: ate ko! di naman sya professional or psychic or anything. alam lang niya ang kulo ng sikmura ko.ü

    uy, pasalubong ha kapag natuloy ka sa japan.ü

    @broutoy: ayus ah! personal manghuhula mo pala ate mo. hehe. sige ipagdasal mo lang na matuloy ako sa japan bro utoy. alam ko mas malakas ka kay “Bosing” kesa sa kin eh. hehe

  14. FerBert Says:

    tumambay ako sa isang kapihan tas may biglang may lumapit sakin.. sinabi nya marunong daw syang mahula.. ayun sinabi na may nunal daw ako sa balls ko.. haha.. tama naman sya

    at asawa ko daw magpapayaman sakin.. pag 24 daw ako eh may misis na ako na sobrang yaman.. hahaha.. wish ko lang totoo nga yung sinabi nya..


    @ferbert: haha. kaya naman pala ma-L ka lil bro. pis! ayus! baka naman matrona mapapangasawa mo, yung sugar mommy type. lols. sana nga yumaman ka. hehe

  15. ate honey Says:

    padaan lang po… natuwa naman ako sa entry nato… ligawan mo na lang yung kalaban mo hehehe joke… nakakatuwa nga lang yang hula-hula pero di naman talaga totoo.. napasama ako dati sa barkada ko na linggo-linggo nagpapahula sa baraha… nagkatotoo sa kanya kasi siguro isinapuso ang hula hehehe

    @ate honey: salamat sa pagdaan. hehe. ayus na suggestion yun ah. hehe. sabi ng nanghula sa kin di raw sya naniniwala sa sinasabi ng baraha. mas gusto daw nya yung palm reading.

  16. beero Says:

    @teresa: kaya nga eh. di naman talaga ako masyadong convinced sa kung anuman ang nakita o nabasa nya sa palad ko. in the end, ako pa rin ang magdi-decide sa magiging takbo ng buhay ko. at talagang kinontra mo si aleng manghuhula ah. hehe. at parang gusto mo atang sumabit sa kamalasan ko ah. lols. wag na kasing kumontra kasi blog ko nga to. kahit ano pwedeng kong sabihin. lols.

    @rio: uhm, medyo may amats nga ata yung ale nun. kaya nga pinapabalik na lang nya ako kinabukasan kasi di nya na siguro makita nang mabuti yung mga guhit sa palad ko. lols.

    @lawstude: medyo marami din naman kasi ang pumapalpak sa hula. buti na nga lang free of charge yung hula session na yun. hehe

  17. beero Says:

    @jorge: haha. sa palagay ko meron pa naman. yung talagang mamahalin ako at handang magtake ng risk. yun siguro ang tinatawag na true love. nuff said. tsk!

    @rex: ayus! ice buko lang pala pinambayad mo sa nanghula sayo. lols. i’m sure professional manghuhula talaga yun. lols. siguro nga. hmmmm…

    @pepe mckunat: ayus din ang horoscope! minsan may totoo naman sa mg nababasa kong horoscopes sa tabloids. lols.

  18. cindyrella Says:

    hellow! cocomment lang din.. kung ako kasi tatanungin oo nakaka- excite yung hula pero ayoko kasing malaman kung anong mangyayari sa buhay ko.. well sabi mo nga kung isa akong powerful witch, then ok lang! ^_^

  19. teresa Says:

    eh,ala pa bang bago dito? 😉

  20. Geisha Says:

    oi san mo nakuha yan.. meron kami nyan dati sa paranormal psych! peroo duhhh… hindi yata ako naniniwala sa ganyan.. what if pinanganak kang walang kamay? ang sad di ba? wala kang future..hahahah

    on the lighter side ika nga, may effect pa rin ang hula sa tao.

    if you believe u can, u can!
    if you believe u can’t, ur ryt!

  21. ate honey Says:

    bro, add kita sa links ko ha hehehe

  22. geekie-rn Says:

    hindi ko alam pero nakakaaliw nga yang mga ganyang hulaan portion..at hindi ko rin alam bakit sumasakto sila (sa past at present naman) ang di ko lang alam eh yung sa hinaharap!bahala sila! kaya nga hula eh.. hahaha!

    nakakalerkey!

  23. haha girl Says:

    wow…i like the hula story..hope someday merong kakatok sa pintuan kong manghuhula…then sasabihin nyang magiging kami ni jason…haha more hula god bless…….

  24. angel Says:

    like it!bakit kaya sila sumaakto?sana naman malaman natin kung saan nila nakukuha ang kakayahan nilang mang hula..

    more hula

  25. John Says:

    Hindi totoo yan. Kaya nga hula eh, hindi sugurado kung magkakatotoo. Diyos lang ang nakakaalam kung anung mangyayari sa mundo! Good luck to Nostradamus! He was only possessed by the evil spirit, that’s the reason why he keeps thinking of those things.He’s not God! ONLY GOD KNOWS OF EVERY THING IN THIS WORLD!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: