25 Minutes Too Late

I got late…

AGAIN!

late

Nalate na naman ako kanina. Eh ano ba bago dun? Pangalawang late ko na yun ngayong buwan at ang mas masama, late din ako kahapon. Hala! Parang nadadalas ang pagkalate ko. What on earth is happening to me? At talagang tinanong ko pa ang sarili ko the schizophrenic way.

As much as possible ayoko namang malate eh. Gusto ko namang magpaka-propesyonal kahit wala talaga sa itsura ko yun. ahehe. But I could’t help it. Minsan talaga late na ko nagigising. Anyways, dapat ko pa ngang ipagpasalamat yun kasi nagigising pa ko. Kaso di ko dapat ipagpasalamat ang P100 na kaltas sa sahod ko sa tuwing malilate ako ng pasok sa opis. 

Na-spank nga ako ng sup namin kaninang umaga dahil dun. May konting awarding ceremony na nangyari at malugod ko naman yung tinaggap sa aking acceptance speech. ahehe. Nagtataka kasi sya na kung kelan malapit na boarding house ko sa opis eh yun naman ang dalas kong ma-late. Tama naman sya eh. Dati kasi di pa bukas ang opis dumadating na ko.lols.    

Teka. Bakit nga ba ako na-late? Okay, eto ang maikling flashback.

6:20 PM
Dumating ako sa boarding house at nagbihis. Nag-internet para magblog hop at magreply sa comments dun sa last post ko at nagdownload ng music videos.   
 
7:45 PM
Nakipagkwentuhan sa boardmates. Kumain ng hapunan habang pinagtyagaang panoorin and Gagambino. Pinalipat ang TV sa channel 2 para panoorin ang pilot episode ng Pinoy Fear Factor. Nagloko ang TV kaya in-off na lang.

8:50 PM
Tumambay sa rooftop para magpahangin. Tumawag sa bahay para kumustahin ang mga kapamilya at kapuso ko. lols. Tumingala sa langit at naghanap ng shooting star. lols  

9:55 PM
Bumaba galing sa rooftop at nanood ng Survivor Philippines. Nabalitaang si Kiko ang na-vote out at wala akong pakialam dun. Pumasok sa kwarto pagkatapos at nagligpit ng mga gamit. 

10:25 PM
Humiga at nagbasa ng MYX Mag kung saan featured artist ang Eraserheads. Collector’s item yun kaya bumili ka na ng kopya kung tagahanga ka rin ng Eheads. Bili na, NOW na! (Pero mag-iwan ka muna ng comment kung gusto. Kung ayaw mo naman i-shut down mo na lang ang PC. lols)

11:00 PM
Nagset ng alarm sa cellphone para magising ng 7:45 AM at as usual Miss Independent by Neyo pa rin ang alarm tone. Pinatay ang ilaw at humiga ulit sa deck. Tumagilid, tumihaya, at dumapa pero di agad nakatulog. Epekto kaya yun ng pagiging adik ko sa kape at Coke? Sabihin mong “oo” at hindi na ko iinom ng mga yan. Jowk!       

I woke up at 7:15 AM this morning but I thought it was too early to get up. So I went back to sleep and waited for the alarm. Heck, I didn’t hear my cellphone ring. Perhaps, I was deeply asleep that I couldn’t hear and feel a thing. The next time I opened my eyes and grabbed my watch, it was already 8:48 AM. WTF! I just wanted to wash my face and rush to the office but then I realized that I still won’t make it on time with only 12 minutes left before my shift. It was already 9:25 AM when I arrived in the office. 25 minutes late. Wapak!

Advertisements
Explore posts in the same categories: pagod syndrome, work

Tags: ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

20 Comments on “25 Minutes Too Late”


  1. Advice lang: Kapag nagising ka na, ‘wag ka na ulit babalik sa pagtulog. Kasi based on experience, mas mahimbing ang tulog the second time around. (parang love… *LOLz*)

    Sana sundin ko din ang sarili kong advice. Nyahaha! = D

    @gasdude: ayos ang advice ah. ganun pala yun, “mas mahimbing ang tulog the second time around”. pero parang totoo naman eh. lols.

  2. Geisha Says:

    ayan!

    lashing ka cgro noh? hmmmm nagtataka lang ako kung bakit di mo nilagay sa flashback mo..hehehehhe

    lesson learned:

    cguraduhing nka maximum volume ang fon pag nag aalarm 😆

    @geisha: sus ka! di sana sinabi ko kung lashing ako. naka-full volume yun. mantika lang talaga ako minsan kung matulog. lols

  3. dong ho Says:

    “Tumambay sa rooftop para magpahangin.”>>> astig to ah! ginagawa ko tong nung bata pa ako.

    buti na lang kahit papaano mabait ang sup mo.

    @kuya dong: madalas akong tumambay sa rooftop pag mainit sa kwarto. sarap magpahangin sa taas eh. minsan nga dun kami nag-iinuman. hehe.

    mabait naman sup ko kahit pano 😎

  4. FerBert Says:

    mag asawa ka na kase.. epektib na pampagising ang bungangerang misis..

    @ferbert: haha. ayos ka ring mag-suggest eh no. for now, mas ok pa siguro ang makaltasan ng P100 sa bawat instance ng late kesa mag-asawa. ang mahal ng bigas ngayon pati na yung ibang commodities. lols

  5. teresa Says:

    teka..parang may kulang, between 8:50pm-9:55pm, wala ka bang ibang kausap nun? 😉

    yan nga kasi ang sinasabing “saying its too early,makes it too late” tsk! Yung alarm clock mo kasi may mem gap,nalilimutan kang gisingin, sensya na,hahaha!

    25 mins talaga eh noh,may hang over ka pa ata ng MLTR tribute sa ASAP last sunday. 😛

    wish ko lng di ka late ngaun,baka sunod nyan Oscars na ang award mo 😛

    @teresa: haha. ano kaya ginawa that time? limot ko na eh. lols. haha. mas gusto ko pang magkaroon ng Grammy award. lols

  6. ced Says:

    hahaha! natawa ko kay fb! hahaha

    o kaya magpagising ka sa taong tingin mo ay magigising ka. dba tere?

    @ced: haha. may tagaa-gising nga ako minsan eh. kaso may memory gap. hehe

  7. rio Says:

    kala ko ba may human alarm clock ka?? e bakit ka na-late?? hehe..

    next time kasi..wag ng humiga ulit..pag nakagising na..bangon at ligo na agad..pis..

    @rio: meron nga kaya lang pumapalpak din minsan yung human alarm clock eh. lols. eh antok pa talaga ako nun eh tas medyo maaga pa para bumangon. hehe

  8. hisnameisdencios Says:

    haha.
    ok lang yan
    mukhang magaling na employee ka naman e
    so bawi bawi lang
    naks!

    @hisnameisdencios: naks! tenks parekoy. pero di ako sigurado kung “magaling” nga akong employee. hehe

  9. damdamn Says:

    may effective akong alarm sa cellphone.. tignan natin kung di ka magising sa ringtone ng SHAIDER yung intro.. leche nung una kong narinig as an alarm tangina natawa talaga ako.. ako naman wlang late-late ang haba ng grace period namin. 9 – 10:30 ang grace period.. hanef davah. tapos kung uber late ka pa text ka lang di ka na spank spank ni boss.. lol.

    @damdamn: shaider? haha. penge nga nyan.hehe. buti ka pa. dito sa min malate ka lang ng 1 second kaltas na ng p100 tas ganun dun sa succeeding hour.

  10. Says:

    wahahah!
    tama si ferbert!
    mag-asawa ka na!
    tanda-tanda mo na!
    wahahahah!

    😆

    @♂: haha. nagsecond the motion ka pa dyan. mauna ka nang mag-asawa, susunod na lang ako. lols.


  11. sana naligo ka na rin diba? total late ka na rin naman. 😀

    @kingdaddyrich: naligo na nga lang ako. di ko na rin naman kasi ako makakahabol. hehe


  12. yan ang pang “Employee of the Month”

    hehehe…

    @siangelnawalangpakpak: tenks sa pagdaan. hehe. baka naman “pasaway of the month”. hehe

  13. teresa Says:

    ay napalitan ng pechur…hehe!
    knina kaya na late ka na naman? sana naman hindi.

    @teresa: haha. napansin mo talaga agad. lols. di na ko nalate ulet. sana magtuloy-tuloy na to. hehe

  14. lyzius Says:

    ayan.. asa kasi sa snooze ng alarm…

    @lyzius: haha. oo nga eh. kasalanan ko kasi para akong mantika kung matulog. lols

  15. rio Says:

    kala ko parekoy e nalate ka ulit..nagpalit ka lang pala ng pic..hehe..
    parang nag rhy-rhyme..hehe

    @rio: haha. fortunately, di na ko nalate ulet. tama na siguro yung 2 lates this month. hehe

  16. taps Says:

    lagi akong late. kaya di nga talaga ako pwede magkaroon ng boss. unang araw ko pa lang siguro sisante na agad ako…

    @taps: tenks sa pagdaan parekoy. haha. ok nga talaga ang self-employed kasi you manage your own time.

  17. joshmarie Says:

    reyna din ako ng pagkalate. hehe.

    @joshmarie: haha. apir! 😆

  18. hisnameisdencios Says:

    waa! kanina beero late ako hehe. blog hopping kasi kaninang umaga hehe. magandang hapon sa inyo!

  19. rio Says:

    parekoy,post na ng bago…..hehe
    ingat parati

  20. alvin Says:

    oi. buti ka pa. hanggang 2 beses lang sa isang buwan ako tatlong beses in 1 week. hehehe.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: