Prinsipe Ng Banyera at Videoke King

 

maliit naming pond

maliit naming pond

Nag-leave ako last last week (delayed post to kaya 2 weeks siguro) para sorpresahin si erpat sa bertdey nya nung Sept. 18. Actually, di naman sya nasurprise dahil alam nyang uuwi ang pinaka-gwapo nyang anak. haha. Isa pang dahilan ng pag-uwi ko yung pagharvest sa kung anumang laman ng palaisdaan namin. Alam ko kasi bangus lang at alimango laman nun. Pero mas okay kung meron na ring butanding para mas malaki kitain ni erpat. LOLS. Medyo matagal ding nilumot yung palaisdaan namin nung tumira kami sa Cavite. Halos kasing-edad ko lang din yung palaisdaan kaya sabihin na nating may sentimental value na rin kahit pano. Buti nga napapakinabangan ulit ngayon ni erpat kesa naman tubuan lang ng mangroves.

Alas otso na siguro nung dumating ako sa min. Medyo mababaw na yung tubig kasi sinasabay talagasa low tide yung pagharvest. Nagtatalunan na yung mga bangus na para bang nasi-sense nila na sa banyera na tuloy nila pagkatapos. Dati pa man gusto ko na talagang makipaghabulan sa mga isda tuwing nagha-harvest sa palaisdaan. Wag lang nyo kong asahang humuli ng alimango dahil di pa kaya ng powers ko yun. Pinauubaya ko na lang yun kay erpat. Ayoko pa namang maputulan ng daliri no. haha.

Puyat pa ko galing sa biyahe kaya di na ko lumusong. Gusto ko pa naman sanang magtampisaw sa

eto naman ang bangus.hehe

eto naman ang bangus.hehe

putik. Pero kulang ako sa energy kaya nakuntento na lang ako sa panonood. Masarap isipin na lumaki na rin sa wakas ang mga inalagan ni erpat. Mas madalas nya pa ngang makasama mga bangus na yun kesa sa kin. Siguro kung pagpipilian sya kung sino gusto nyang ibenta, ako siguro pipiliin nya. haha. Masaya rin ako kasi nakita ko yung produkto ng ipinadala ko, mula sa pambili ng fingerlings pati na sa supply ng pakain.

tara manghuli tayo ng bangus.lols

tara manghuli tayo ng bangus.lols

Di sinabay yung pagharvest nung alimango kasi mura bentahan ngayon sa min. Ayoko namang malugi dahil si erpat dahil di ganun kadali mag-alaga ng alimango ngayon. Pero dahil nga bertdey ni erpat, humuli pa rin sya ng ilang piraso para pulutanin ng mga bisita nya (at bisita ko na rin). Marami-raming banyera din ang napuno. Di nagtagal eh naubos agad. Halos wala na ngang natira sa min kasi konti lang naitabi ni ermat. May plano pa naman sana akong magpaluto ng all-bangus dish – yung may inihaw, prito, paksiw, escabeche, at kung anek-anek pa.

Hapon na ng makauwi kami galing sa palaisdaan. Naging busy agad sa bahay dahil nga may mga niluto sila para sa bertdey ni erpat. Halos tunaw na nga yung ice cream na dala ko pag-uwi. Hapon pa lang may mga bisita na pero nagkulong lang ako sa kwarto at pinilit ang sarili kong makatulog na dilat ang mga mata. LOLS. Di nagtagal hinatid na yung videoke machine na inarkila namin. Kantatero din kasi si erpat kaya pinagbigyan na lang namin ang hilig.

Kahit ala pa ko sa mood bumangon, nag-gayak na din ako. Gusto ko talagang i-celebrate ang bertdey ni erpat kasi minsan lang sya magcelebrate ng bertdey nya. Nalaman ko nga lang na 58 na sya dahil sa bertdey greetings na ginawa ng kuya ko. Dahil si erpat yung celebrant, sa kanya yung unsang kanta sa videoke. Maraming sunod na kumanta pero yung kanta ko yung highlights. haha. Dedicated kasi kay erpat yung mga kinanta ko – Hanggang (Wency Cornejo) at You Raise Me Up (Josh Groban). Naglakas-loob akong kantahin ang mga yun. Mukhang naawa naman sa kin yun videoke machine at binigyan ako ng perpek iskor sa parehong kanta. haha. Nagpauto namanako kaya hanggang ngayon nanniwala akong maganda boses ko.lols

Madaling-araw na nang matapos ang kantahan. Pero kinabukasan tuloy pa rin ang videoke showdown kasi 2 days naming nirentahan yung videoke. Dalawang araw di naming binulabog ang buong barangay. Buti na lang walang nagsiga-sigaan at bumato sa bubungan namin. Buti naman at marunong silang pumili ng makakalaban. LOLS.

It was fun! We never spent erpat’s birthday that way before. And I wish that his next bithdays will be happier! More birthdays to come, tay! And bountiful harverst, too.

P.S.

To those who have been waiting for the Part 2 of Reunion, please bear with me. It’d be my next post, I guess. hehe.

Advertisements
Explore posts in the same categories: beero's life

Tags: , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

23 Comments on “Prinsipe Ng Banyera at Videoke King”


  1. Nyahaha! Ayun sana ‘yung icocomment ko. Hindi tungkol sa Bangus ang ineexpect kong next post mo. *LOLz*

    @Gasdude: hahaha. nagmukha tuloy malangsa tong blog ko. lols

  2. Geisha Says:

    huwaw!
    sarap cgro mangisda jan!

    sana may nahuling sirena para shalan! hehehehhe

    @Geisha: ala namang nahuling sirena. syokoy siguro meron. lols.

  3. donG hO Says:

    sarap din ng ganung buhay. nung papunta namin ng kalibo ganyan na ganyan yung mga dinadaan namin. sarap ng buhay probinsya.

    aabangan namin ang part II ng reunion.

    nga pala bumisita ako dyan nung last may kaya hindi ko pa alam kung kelan ulit ako makabisita dyan.

    @dong ho: nakaka-miss din talaga ang buhay probinsya kuya dong. thanks sa pag-aabang sa part 2 ng reunion. hehe. sana makabisita ka ulit sa cebu.

  4. vhonne Says:

    ayus yan… ang bait mo nmn.. ehehe

    unang kita ko pa lang sa mga photos… naisip ko na agad… “mukhang sa cavite ito ah…”

    tapos nung nabasa ko na… san nga ba yan? kasi nalito ako sa pangungusap na ito…

    “Medyo matagal ding nilumot yung palaisdaan namin nung tumira kami sa Cavite”

    ehehe…

  5. beero Says:

    @vhonne:
    thanks sa pagdaan. hehe. mukhang magkakasundo tayo kasi “tanggero” ka rin. lols

  6. lawstude Says:

    happy birthday sa tatay mo bro.

    ang laki pala pond nyo, fave ko yung alimango lalo na pag niluto sa garlic at butter. hmmm. pati bangus gusto ko yan inihaw na may kamatis at sibuyas sa loob. ginugutom tuloy ako hehehe.

    @lawstude: thanks kuya oman. malaki lang tignan pero maliit lang yan. hehe.

  7. anonymous Says:

    aun eh, after 48 yrs,na post din ‘to.

    ay bakit parang may kulang sa kwento?
    sana sinama mo na rin na dahil sa katigasan ng ulo eh inatake ka tuloy ng allergy sa seafoods.

    at may kulang na kanta rin, HERE WITHOUT YOU, db kinanta mo rin un?
    hehe.

  8. vhonne Says:

    @beero: pansin ko nga din un… kasi sa name mo pa lang… may beer oh… ehehe

  9. vhonne Says:

    nga pala.. exchange link po?… 😉

    @vhonne: ok. thanks a lot.

  10. wei vines Says:

    wow!~! may pond pala kayo! nice nice! sana may ganyan din kami ^^

    happy birthday sa tatay mo bro ^^

    @weivines: thanks bro. hehe

  11. Says:

    ayan na! ayan na! ang POND, bow! hehehe. 😆

    @♂: ayan na! ayan na ang ADIK! lols

  12. leylander Says:

    wow. may ‘maliit na pond’ sila. ganyan din ba ‘kaliit’ ang bahay nyo? LOL. siguro ‘maliit’ din ang mga lupain nyo, ano? LOL

    paadtoa unya mi sa inyo lex oi. lingaw lagi nang dakop2x ug bangus. hehe

    @leylander: haha. oo ganyan din kaliit bahay at lupain namin. take note, indi naka enclose yung kaliit kasi talagang maliit. lols.

    cge, ad2 mo sa 2015 ley. huwat lang sa ha. lols

  13. FerBert Says:

    mayaman siguro kayo.. may palaisdaan eh..

    bwahahaha…

    ang sarap ng bangus.. paborito ko yan.. yum yum

    pagluwas mo ng maynila kantahan tayo magdamag.. hahaha

    luwas ka kase.. wag mo na anatayin magdecember

  14. rio Says:

    super belated happy birthday sa papa mo….

    sana makadalaw din kami dyan sa inyo ni tere para makikikain din kami ng alimango at bangus na libre..

    at sympre, hindi pwedeng hindi ka kakanta kapag andyan kami…=)

    @rio: tenks marekoy! sana makadalaw kayo soon. papagsawain ko kayo sa alimago at bangus. hehe. oo ba. kayo na mismo magsasawa sa boses ko. lols

  15. beero Says:

    @anonymous: haha. oi, kahit di ka magpakilala alam ko kung sino ka. kaw yung stalker ko no. lols. at talagang alam mo kulang sa post ko eh no. haha

  16. anonymous Says:

    stalker pala ha!
    actually may kulang pa ata sa sinabi ko eh.
    teka isipin ko pa..

    ayan,di ko na maalala.

    ah aun..

    muntik ka ng di makabalik sa cebu on time,
    kasi di bumiyahe yung barko na sasakyan mo sana.

    tama ba?
    hehe.

  17. beero Says:

    @ferbert: indi kami mayaman fb. tamang hinala ka lang. hehe. cge ba basta ikaw magbayad sa KTV. hehe. intay ka lang jan bro.

  18. beero Says:

    @anonymous: haha. sino ka ba? bat ang dami mong alam tungkol sa mga nangyari? hehe. pis!

  19. teresa Says:

    wow, kasama daw ako sa pagsasawain sa alimango at bangus o..hehe!

    basta ba ipaghihimay mo ako ng alimango eh.
    hahaha!

    @teresa: haha. sure thing! sus ka! baka mangati kamay ko pag ipaghimay kita. lols

  20. anonymous Says:

    haha! sino ako?bakit ko naman sasabihin sayo?stalker nga eh,hahaha! madami nga ata akong alam sa ngyari sa katunayan updated ako mula sa pag alis mo sa cebu, hanggang makarating ka ng tacloban..and vice versa.hahaha!

    isama mo pang may pinuntahan pa kayong falls kung san ka inatake ng allergy at kung san mo kinanta ang HERE WITHOUT YOU, diba?

    ayan,tama na cguro yan,napaghahalata ng kasama mo ako nung umuwi ka,hahahaha!

    alam ko na rin isasagot mo : hahaha,may ganun?
    at inunahan ko na talaga irereply mo eh noh? feelingera na atribida pa.hahaha!

  21. teresa Says:

    ako naman ang kakain eh,hindi ikw kaya di ka naman siguro aatakehin ng allergy mo,haha!

    @teresa: haha. ikaw naman ang kakain eh di ikaw na rin ang maghimay. lols. sori naman! lols

  22. s3cr3t Says:

    x-links?

    @s3cr3t: ayoko nga. haha

  23. hisnameisdencios Says:

    u da man beero!
    minsan masarap din talaga magbonding sa mga ganyang aktibidad lalo pag kasama ang pamilya.
    (ang sarap/malinamnam ang bangus na bagong huli ha)
    nakakamiss talaga ang pinas!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: