Kailan

The title is one of Ereaserheads’ hits in the 90’s. I’m actually listening to it right now. And I think I don’t really need to say why I’m writing this post. Yeah, yeah, yeah. I’m a proud fan of Eheads.

Maraming beses ko na ring pinangalandakan sa blogosperyo yan. Bata pa lang ako eh sinasabayan ko na mga kanta nila. Hanggang ngayon laman pa rin sila ng playlist ko. Kung may mga kanta siguro na di ko pagsasawaan, sa kanila yun.

Masaya ako nung mabalitaan ko na may reunion concert sila. Pero alam ko na nun na di ako makakapunta. Walking distance lang kasi ang Manila at Cebu. Nevertheless, naging masaya na rin ako para sa ibang fans ng Eheads. Gaya ko, alam kong sabik na rin silang makitang tumugtog ulit nang kumpleto ang pinakasikat na banda nun.

Nangyari nga ang reunion concert nung Sabado. Frustrated mode ako nun kaya gumala na lang ako. Hindi ko na inisip yung concert kasi mai-inggit lang ako kina Chie at Ate Lenggai na alam kong di magpapahuli sa concert. Matagal ko na ngang sinabi kay Chie na i-share sa kin pics nya sa concert. Para sa pictyur man lang eh, maranasan ko yung certain “high”, yung feeling na nasa “Alapaap” ka habang pinapanood mo mga idol mo sa bihirang pagkakataon.

Once in a lifetime lang mangyayari ang reunion concert ng Eheads kaya nakakalungkot isipin na yun pa ang nangyari sa concert. I mean, di natapos dahil sa naging kondisyon ng bokalistang si Ely. “Hypokalemia” daw yun, medical condition kung saan mababa yung concetration ng potassium sa dugo. Kung matatandaan nyo may heart problem din sya dati. In fact, he underwent angioplasty procedure last year.

Alam ko nabitin yung libu-libong fans (at di masyadong fans). Ganun talaga eh, may mga pangyayaring di maiiwasan. Nakakapang-hinayang nga lang kasi kinailangang itigil yung concert. Pero maging masaya na lang tayo na kahit sa maikling panahon eh nakita ulit natin sila sa concert. Kahit ilang minuto lang itinagal ng concert, naging masaya naman tayo. Ipagdasal na lang natin ang paggaling ni Ely. Sana magkaroon ulit ng reunion concert kasi techinally di naman natapos. Itutuloy pa ba nila yung concert? Kailan?

Napakabata ko pa nang makilala ang Eheads. Di ko pa nga kayang bumili ng tapes nun. Di pa rin ako nakapanood ng concert nila hanggang ma-disband na nga sila. Di ko nga alam kung mararanasan ko pa yun. Makakapanood pa ba ko? Kailan?

Advertisements
Explore posts in the same categories: Uncategorized

Tags: , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

13 Comments on “Kailan”

  1. randymarasigan Says:

    Sa T.V na lng tol. hehe, pero try mo pag may part 2, sabi mo nga wlaking sitance lang naman eh.

  2. teresa Says:

    gaya mo walking distance lang din samin ang venue ng concert na yun.
    hehehe..gusto ko din ang e-heads ng super ka duper!

    pag naglo-long drive nga kami,laging mga kanta nila ang sounds namin.
    hindi nakakasawa.

    sana may part 2 ang reunion nila.
    btw,na add na kita sa links ko.

  3. lawstude Says:

    simula sa kanta nilang ligaya nakuha na ng e-heads ang attention ko at lahat ng album nila (tapes pa noon) ay meron ako. iba talaga ang e-heads.

    kailan? kailan nga ba?

  4. 'te cams Says:

    pareho tayo lex.

    ako din nde pa nakapanood ng isa man lang sa mga concerts nila. adik din ako sa bandang yan, from cassette tapes to CD’s & posters dati, hehe kinokolekta ko talaga.

    sana gumaling na si ely. tsaka sana makapanood na tayo ng concert nila para masagot na yang title ng post mo. nyahahaha. 😀

    (napadaan ulit ang ate) 😉

  5. rio Says:

    gustong gusto ko din ang mga kanta ng e-heads..lalo n yung alapaap at pare ko
    sobrang bata dn ako nung panahong ng kasikatan nila at gustuhin ko mang nakabili ng tapes nila..can’t afford din ako..hehe

    hope na maging ok na si ely para may part 2 ang kanilang concert…

  6. ced Says:

    malas hindi rin nakapanuod.
    swerte at may bayad pala ang tickets.
    malas kasi bitin ang concert.
    sana maging oks na si ely.

  7. lethalverses Says:

    ayun!

    pareho tayong super fanatic ng EHeads, literal na mula Ultra hanggang Sticker Happy ay kabisado ko ang lahat ng songs nila. Nde ko na lang masyado naappreciate kasi ang mga sumunod na albums nila.

    Kagaya mo din, nanghinayang ako dahil hindi ako nakapanood. Inakala ko kasing hindi matutuloy ang concert kaya’t nakapagcommit ako sa isa pang lakad. Sumunod na lang ako kila chie et al pagkatapos, pero wala na kong inabutan.

    AT SA PART 2, SYET!!! SUHULAN MAN AKO NG ANGEL LOCSIN, KATRINA HALILI o IWA MOTO ay sige na nga, sa TV na lang kami manonood.

  8. lethalverses Says:

    bakit wala ako sa blagroll? :((
    hehe

  9. popoy Says:

    felix, ipagdasal natin ang paggaling ni ely buendia. at sana eh malagpasan nya at mapalakas nya ang puso nya for sure masusundan ang concert na to, kaya dasal lang tayo 🙂

  10. kamotenista Says:

    ako malapit lang pero hindi nakapanood kasi wala akong datung….wahaha

  11. donG hO Says:

    hindi ako nakapunta. pero ang talagang inaabangan kong makita na magkasama ulit ay ang wolfgang.

  12. Aling Baby Says:

    Cebu to Manila, walking distance? haha…eh panu pa kaya kung Dubai to Manila? 😆 kaanib nyo ko lex! siguro kung isa man ako sa mga nakanood, ok na sa kin yung saglit na naramdaman ko ulit ang presence nila, yung feeling na nakaka-high, yung nostalgia…*iniisip ko palang tumatayo na ang balahibo ko hehe. sana may susunod pa para sa mga tulad nating walking distance lang papuntang manila. 🙂

  13. Geisha Says:

    sumilip lang ako nun lex.. di ko afford ang ticket.. nabalitaan ko na lang pagdating ko sa bahay na tinigil ang concert.. very bad.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: