Achy Freaky Voice

“But don’t tell my heart,
my achy breaky heart,
I just don’t think he’ll understand.
But if you tell my heart,
my achy breaky heart,
he might blow up and kill this man”

Nagulat ako nang marinig ko ang mga linyang yan habang tahimik akong nakaupo sa loob ng isang mabaho, maingay, ay mala-impyernong internet cafe. Nagpanting ang mga tenga ko dahil sa nakakairitang boses na narinig ko. Ako nga na mala-Neyo ang boses di ganon kalakas ang loob kumanta in public sya pa kaya? hehe.

Nilingon ko kung san nanggaling ang alingasaw alingawngaw na muntik nang bumasag sa king eardrums at muntik nang umubos sa king mahabang pasensya. Buti na lang isa ako sa mga hangal na naniniwalang “Patience is a virtue” haha.

Isang binatilyo parang na-possess ang nakita kong kumakanta. May hawak syang papel na marahil ay print out ng lyrics ng kanta. May plano yatang sumali sa Singing Bee. Bagay nga sa kanya yun dahil “Di bale nang sintu-sinto sintunado basta tama lang ang lyrics mo”. Para din syang PDA scholar na inaaral ang kanta para sa susunod na Gala Performance Night. Gusto ko nga sana syang turuan ng proper breathing at diction at i-masahe na rin ang panga  gaya ng ginagawa ng voice mentor sa PDA. haha.

Pinagtinginan sya ng mga tao sa cafe pero dedma lang ang hinayupak. Ala syang paki sa ibang tao at parang sinasadya nyang bulabugin ako sa pagba-bloghop. hehe.

Dahil di mataas ang tolerance level ko sa noise pollution, pinakiusapan ko na lang ang assistant sa cafe na kabitan ng headset ang computer na ginagamit ko. Aktwali, di lang naman yun ang dahilan kung bat ako nagpakabit ng headset. Gusto ko din kasing pakinggan ang podcast ni Kuya Bosing. Bumaba naman blood pressure ko nang pakiggan ko wholesome jokes ni Manong Badudels. hehe. Di nya man mababasa to, igi-greet ko na din sya. Belated Happy Bertdey, Kuya Bosing!

Balik sa kanta. Parang pamilyar sa kin yon eh. I could never forget that song. Tama! Achy Breaky Heart by Billy Ray Cyrus. Yun ang pini-play na kanta pag nagi-exercise kami sa school pagkatapos ng flag ceremony. Elementary pa ko nun sa Cavite. Ang lupet ng square dance na tinuro sa min para sa exercise na yun. ahehe. Medyo masaya naman kasi sabay-sabay sumasayaw ang mga estudyante (excluding the latecomers). Pati nga din mga titser na gusto pang mag-burn ng makakapal na taba at frustrated sumeksi eh nakikisabay din. Kung may Youtube na nun malamang sumikat din school namin sa pinakamaraming estudyante na nagsayaw nang sabay-sabay. Pero mas marami pa rin ang inmates sa Cebu. Naisip ko tuloy, noon pa man mas marami nang gustong makulong kesa sa mag-aral. haha.

This song is quite sappy but it reminds me of my school days. Naasar ako dahil sa pagkakanta ng binatilyong yun, at di dahil ayokong marinig ang kanta. I just wanted him to give justice to the song.hehe. Napaka-unpredictable ko talaga. Haayyy…may mga kanta talagang nagbabalik ng mga memories pag naririnig mo – malungkot man o masaya, nakakatawa man o nakakaiyak.

Wala akong karapatang pigilan ang sinuman kung gusto nilang bumirit dahil karapatan nila yun. Ang sa kin lang, may tamang lugar para sa kantahan. Maging sensitibo naman sana sila sa mga taong nasa paligid nila. Matuto silang makiramdam kung ang ginagawa ba nila eh nakakatuwa o nakakabulahaw na. hehe.  

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Advertisements
Explore posts in the same categories: Uncategorized

Tags: , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

21 Comments on “Achy Freaky Voice”

  1. rio Says:

    hahahaha!! ayos naman yung kantang yun ah!!…

    yup! tama ka..may mga kantang nagpapanumbalik ng isang alala ala..tulad nlang ng with u ni cris brown..huhu!!!..lols

    salamat pala sa laging pagdaan sa blog ko=)

    @rio: nakow! LSS ka din doc. talagang peyborit mo talaga ang WITH YOU. ang tanong, bat ka nakakarelate? hehe.

  2. ced Says:

    nyay! nakakaLSS naman yan. hahaha

    ang lakas naman nung loob nun?!

    kaya di ako nagababantay sa shop namin sa Cav. baka di ko makaya ang powers at talent ng ibang customers. hehehe.

    uy kumakanta pa rin sya sa isip nun? hahaha

    @ced: oo nga doc. dapat patingnan na yun sayo eh. hehe. naks! may net cafe pala kayo. pag pumunta ako jan, libre ha. hehe

  3. mhar Says:

    hehehe… buti na lang at nakapagpigil ka? kundi bugbog sarado yun.hehehe… napadaan lang sa site mo.

    @mhar: oo nga eh. kung di ako nakapagpigil ngipin lang nun ang alang pasa. ahehe. juk lang. tenks sa madalas na pagdaan ha!

  4. popoy Says:

    eh naku naman felix, ikaw na nga nakakarinig ikaw pa may ganang magreklamo? hahaha. piz!!!

    well it depends talaga sa nakakadinig kung matuturete sya o magugustuhan kasi nakakatawa syang kumanta. democratic country ang pilipinas kaya wala tayong karapatan para patigilin sya sa trip nya. hehehehe.

    kung ako nandyan eh matatawa lang ako hahaha 🙂

    @popoy: haha. buti kung pleasing ang napakinggan ko. pano disturbing kaya di kayang tiisin. naks! parang pulitiko ka ngaun poy. hehe

  5. Kendi Says:

    nyahaha…dami talagang ganyan sa net cafe…

    san ka nitry ko yan gamit guitara pero la din palpak ang lola..hehehe..

    @kendi: sinabi mo pa. meron pang mga gamers at bystanders na naghihiyawan. tsk, tsk, tsk. ok lang. try lang ulit baka ma-perfect mo na. kantahin natin sa company outing. wahehe

  6. lawstude Says:

    ang naalala ko naman sa song na yan eh yung square dance na pinerform namin sa office dati. para kaming mga robot. lols. have a nice day beero.

    @lawstude: sinayaw nyo din pala to kuya. sikat talaga kantang to dati. have a nice day din kuya oman!

  7. nickname™ Says:

    ahhh ok.. [haba ng comment ko. 😆 ]

    @nickname: fine…

  8. yuie Says:

    duh! para mu nmang di ginagawa yan dito sa office..ehehehe

    @yuie: ginagawa ko nga. ginagawa nating lahat. pero di yung pasigaw. hehehe

  9. donG hO Says:

    hahaha…. talaga yan ang pang exercise na tugtog? galing ah! naalala mo pa rin ba ang steps nito?

    @dong ho: yan nga kua dong. sadly, di ko na alam ang steps. isang dekada na kasi ang nakalipas. hehe

  10. FerBert Says:

    pinapasayaw samin yan nung elementary.. hahaha taena.. nagkaaward pa ko dahil dyan..

    best dancer.. ang potah!
    hahaha

    @ferbert: naks! dancer ka pala FB. hehe. woot!

  11. badoodles Says:

    salamat sa pagbati ng pibertdei. di man kita naimbita kasama ko naman kayo ‘in spirit’. nyahaha. napaghahalatang kuripot. sige sibat muna ako baka ma-lss din ako.

  12. wei vines Says:

    shit! ok na kahit yung ohooo wooohhhooo ni bamboo naririnig ko tuwing brownout wag lang yan! grabe!!! sana sinigawan mo ng ‘BADUY MO PARE!’ para mas exciting! hehehe

    @wei vines: medyo nakayanan ko pa naman. kaya pinabayaan ko na lang. hehe. saka marami syang kasama eh. hehe

  13. alphasensei Says:

    in fairness, kahit na ganun si billy ray cyrus, he aged gracefully (?) naman. at favorite ko ang daughter niya… si hannah montana! 🙂

    @alphasensei: magka-apelyido nga pala sila no?hehe

  14. Geisha Says:

    naku.. sana sinigawan mo at sinipa palabas!
    that’s more humane than torturing your eardrums! 😆

    @geisha: sabagay, justified violence naman yun. hehe

  15. chroneicon Says:

    naku, mala Neyo pala. sample naman!

    @chroneicon: naniniwala ka chie? teka magbo-vocalize pa ko. uhummm…

  16. watusiboy Says:

    wow, mala neyo pala a. mag-podcast ka rin beero. who knows, ikaw ang magiging next singing sensation. hehe.

    @watusiboy: tenks sa suggestion. hehe. pag magkatotoo yun, kaw gagawin kong manager. hehe

  17. kamotenista Says:

    “Patience is a virtue” – – -> aba akala ko sa akin lang sikat ‘to?wahaha

    kulang na nga lang idikit ko sa malapad kung noo at words na yan.

    oo nga noh? usually maririnig mo yung mga ganung song before or after flag ceremony. Ka miss din yung time na ganun…engot sa pag sunod sa mga steps….wahaha

    @kamotenista: haha. apir! ako kabisado ko talaga steps nun. araw-araw kasing sinasayaw. hehe

  18. rimewire Says:

    hakhak

    huwastegeng kanta ah

    hakhak

    elyens

    XXXxx

    @rimewire: oo nga. hakhak! tenks sa pagdaan. hakhak. ayan nahawa na ko sayo. hakhak!

  19. raf Says:

    song reminds me of my grade school years.hehehe.

    @raf: yeah. nasa grade skul pa lang tayo nun. hehe

  20. rio Says:

    may hang over ka pa ba sa song na ito kaya wala kang bagong post?? hahaha!!
    balik na!

    @rio: haha. sensya na doc. may update na ko.

  21. beero Says:

    @badoodles:

    kaw ba talaga to kuya bosing? di pa rin nagsi-sink in sa kin eh. LOL.

    maraming salamat sa pagbisita idol! hehe


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: