My Father Is…

A CHAIN SMOKER. He started smoking at a very young age. He can consume two packs of cigarettes a day. Minsan ko na syang kinainisan dahil sa bisyong to. But eventually I learned to understand him. Nasanay na kong langhapin ang nakakasulasok na usok na binubuga nya. Muntik na nga rin akong mahawa nun. Buti na lang nakontrol ko pa. Isang taon na kong di nagyo-yosi.  hehe. Sa kanya din nagmana dalawa kong kuya. Kung sabay-sabay silang manigarilyo baka maisip ng mga neybors ko na nasusunog na bahay namin.

A COFFEE ADDICT. He drinks a lot of coffee. Pero wag ka, lagi pa syang tinitimpalahan ni ermat. Lumalagok sya ng kape habang naninigarilyo. Adik erpat ko di ba? Gawin bang alak ang kape at pulutan ang sigarilyo. But he’s not a drunkard like me. Dalawang tagay pa lang ng beer eh namumula at nalalasing na yon. Ewan ko ba kung kanino ko namana ang pagiging lasenggo. 

A WOMANIZER. He had some illicit affairs when I was young. Medyo papalicious pa daw kasi sya nun kaya lapitin ng mga chicks. Thanks to my martyr understanding mother at di pa rin ako lumaki sa isang broken family. Pero minsan silang nag-away at binato ng baso ermat ko. Sapul sa ulo si ermat at may naiwan pang peklat. 

A FRUSTRATED SINGER. I’ve said this on my last post. Mahilig syang kumanta at classic ang paborito nya. haha. Minsan boses nya ang gumigising sa kin sa umaga. Ang aga-aga bumibirit na ala-Tom Jones. Minsan nagkakaproblema sya sa diction pero pasado naman siguro. I would never forget the time when we sang Always by Bon Jovi together. hehe.

A GOOD PROVIDER. He works hard to earn a living for our pamily. Ayan, nahawa na ko kay Janina. I mean, family. haha. Iginapang (di ba pwedeng nilakad na lang?) nya pag-aaral ko. Dumaan kami sa butas ng karayom nun. Nag-transform muna kami into thread para makapasok sa butas. Haayyy…corny! Seriously, kahit isangla  nya konti naming lupain namin gagawin nya may ipang-tustos lang sa pag-aaral ko. May sarili na kong trabaho ngayon pero di nila inaasa lahat sa kin. Sya nagpapatakbo ng palaisdaan namin. Di nya iniinda ang mabibigat na trabaho sa fishpond kahit lagi syang bilad sa araw. Kaya yun, para kaming mocha at tsokolate pag magkatabi. LOL.   

Tay, I apologize for the things that I’ve said and done before. Sorry kung nasagot kita ng pabalang nun. Sorry kung minsan di ako umuutang ng sigarilyo mo sa tindahan ng kapitbahay natin. Sorry kung di kita pinagtitimpla ng kape. At sorry kung minsan kitang napaiyak dahil sa katigasan ng ulo ko.

I just hope that God would give us more years to spend together! Happy Father’s Day, Daddudes!

 
 

Advertisements
Explore posts in the same categories: beero's life, personal, selling the drama

Tags: ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

15 Comments on “My Father Is…”


  1. You’re very lucky to still have your father around. You take care of him, and pray for his safety and good health.

    @The Gasoline Dude: thanks, dude. that’s what i’m praying for every night. i want to spend more time with my parents…

  2. mia Says:

    happy fathers day

    @Mia: sa kin? ala pa kong anak ah. hehe.

  3. FerBert Says:

    yay! daming emo ngayong father’s day ah..

    @FerBert: hehe. once a year lang naman to. minsan lang akong magpaka-thoughtful kay erpat.

  4. donG hO Says:

    my dad is also a chain smoker and a coffee addict. we have a lot in common but not on this side. i dont smoke because i want him to know that it’s not good but we never became successful in urging him to stop.

    and he is a coffee addict maybe 10times a day or even more but im not.

    but we are blessed to still have our father with us.

    happy father’s day!

  5. popoy Says:

    kapatid ba kita?

    lahat ng sinabi mo ay parang tatay ko din.

    can i repost this to my site? hihihi.

    even if ur father has? have? so many vices still his there and ready to do anything just to see his pamily in good hands(with metrobank??) hahaha. syempre kahit gaano kahirap kakayanin nya pra sa inyo.

    ganyan din ang papa ko. ndi ko talaga sya kasundo. minsan. minsan nagaaway pa kami sa ibang bagay but still i want him to be around habang buhay. 🙂

    hapi fathers day to ur dad belated though nagrit ko na sya thru txt di ba?


  6. belated happy fathers day sa ama mo. base sa pagkaka describe mo, parang nakita ko sa kanya ang isang tipikal na ama ng tahanan. ;D

    advanced happy fathers day na rin sayo.

    @kingdaddyrich: thanks! belated happy father’s day sa ama mo. at sayo na rin “kingdaddyrich”. sana nga lang di ako baog! hehe.

    add kita sa links ko ha!

  7. y Says:

    belated happy fathers day to your dad! i commend your dad for raising you well despite the personal odds. it’s obvious that your family is always his priority. and no matter how many “side dishes” he has or he might have, you will always be his main course. keep loving him ’til the very end.

    @y: thanks! same goes to your dad! naks! ganda naman ng mga sinabi mo. add ko lang, kami din siguro yung dessert. hehe.

  8. watusiboy Says:

    wow may mga lupain at palaisdaan. ang yaman! at diction talaga ang napansin mo sa pagkanta ng tatay mo. pwede ka ng judge sa pinoy idol. hehe. happy father’s day sa iyong daddy.

    @watusiboy: haha. yung palaisdaan namin isang dipa at yung lupain naman namin dalawang dipa. ang lawak di ba? LOL. mas gusto ko pa sa PDA eh. hehe

  9. beero Says:

    @ donG hO: i also wanted to show my dad that i would never be a smoker like him. pero na-tempt ako nung 3rd year college. trip lang ng classmates ko. since then i smoked without my family knowing it. pero tinigil ko rin after few months.

    we are indeed blessed to have our dads around…belated happy father’s day!

  10. beero Says:

    @Popoy: ikaw siguro yung nawawala kong kuya! hehe. sige repost mo at nang ulanin ka rin ng hate comments at death threats! LOL. ano ba talaga, HAS o HAVE? since singular ang subject which is “father”, dapat HAS ang verb na gamitin. hehe.

    di ko rin kasundo si erpat nun. ngaun medyo OK na kami. minsan nga nagpapaload yun para tawagan ako. hehe.

  11. Lionheart Says:

    Hello 🙂

    Belated Happy Birthday to your Dad! 🙂

  12. mang BADoy Says:

    haizzzzzzz…. naisip ko tuloy si tatay… actuali palayaw nya ang badoy samin… senti mode naman …

    read mo rin mga post ko pare koy!!! thanks

  13. ellieshe Says:

    lam ko late na pero belated hapi father’s day sa ama mu..hehe…chain smoker and coffee addict? oh yeah..ganyan din father ku…pero ang pinka da best..Good provider..hehe..ang ama mu at ang ama ku ay larawan ng isang mabuting haligi ng tahanan…

  14. Geisha Says:

    sheeett nakakaiyak!
    sana tatay ko rin sya! 😆

    i miss my papa tuloy!
    napaka understanding nya at supportive pa! minsan sabay kami manlalaki.. joke!

  15. wei vines Says:

    wow! siguro kung magsasama tatay naten, namatay na isda sa dagat…joke lang..
    happy fathers day!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: