Couch Potato

TV ang madalas kong kaharap pag weekend. Wala kasi akong ibang magawa sa boarding house. Kasama ko naman ang pinsan ko pero di ko sya maramdaman. We live in the same house but we seldom talk. I dunno what’s wrong. Di ko alam kung di nya ako gusto o ayaw nya lang talagang pag-aksayahan ako ng laway.hehe.

Wala syang ginawa kundi matulog maghapon. Ano kaya problema nun? Di naman ganun yun dati. Pero ngayon kahit halos impyerno sa init ang kwarto eh nakukuha pa ring matulog. Hmmm…May nabuo tuloy akong agam-agam. Di kaya preggy ang pinsan ko?  Hayaan na lang natin sya. Malalaman ko din yun sa takdang panahon. Sa ngayon, itutuloy ko na gusto kong isulat.

Home buddy ako pag andito ako sa Cebu. Kaya nakagawian ko na ang pagbababad sa harap ng TV. Telebabad ika nga nila. TV lagi ang pampalipas-oras ko. At least, nakaka-entertain, educate, at inpsire pa. LOL. Ayan inubos ko na yata ang functions ng TV.

Naikwento ko na sa dati kong posts ang pagiging adik ko sa SURVIVOR. Eto yung dati kong kinahuhumalingan sa Studio 23. Pero natapos na din ang rerun ng Survivor: Cook Islands three weeks ago. Halos maiyak pa nga ako nun eh. hehe.  Nang matapos yun, naghanap-hanap na rin ako ng ibang shows na pagaaksayahan ko ng oras.

Napakadaming shows na pagpipilian. Pero may mga palabas talaga na makakuha ng atensyon mo. Kanya-kanyang trip lang yan. At eto ang mga shows na pinanood kolast weekend.

SIGNOS

I watched this documentary feature on Q TV. This was actually a replay because this was previously aired on GMA. I don’t prefer the news programs and documentaries on GMA but this one caught my attention. Inabangan ko talaga to since makita ko yung teaser. Sana ganito na lang ang gin awa naming dokyu sa TV and Radio Production class namin nun at hindi yung tungkol sa misyonaryo ng Mormons na tinawag naming “Misyon”. hehe.

Napaka-timely kasi at napakahalga ng topic. Two thumbs ako sa dokyu na to kasi it’s well-researched at well-done. Everything was based on facts. Eye opener to para sa lahat ng indibidwal sa mundong to.  They presented facts that I never thought were associated with global warming. Nakakapangilabot malaman na ganun na kalala ang epekto ng global warming. Sana naman eh maagapan pa natin ang lumalalang environmental problems gaya nito. I hope that some people spent an hour watching this documentary.

PINOY IDOL

Tumawa kayo kung gusto nyo akong pagtawanan pero pinanood ko talaga to. I used to watch reality-based talent searches. Gusto ko kasing makakita ng mga contestants na halos tumalsik ang epiglottis at malunok ang microphone sa pagbirit. LOL. Sa halos isang oras na pag-ere ng show, di ko man lang namalayan na tapos na pala. Para lang akong dumaan sa videokehan at nakinig sa mg tambay na kumakanta. Ewan ko pero di ako na-amaze sa performances ng contestants.  Opinyon ko lang naman to. You’re welcome to express your own thoughts. The show itself was not impressive. Try to watch it and observe what the show is like.

HIGH SCHOOL MUSICAL

Kahit High School Musical 1 & 2 eh pinatulan ko rin. Feeling ko tuloy eh bumalik ako sa pagiging tinedyer. LOL. Well, that was 5 years ago. I was young ONCE. So far I enjoyed the High School Musical week on Studio 23. I didn’t expect that I would be entertained by these movies. I had a great time watching kahit panay ang channel-hopping ko.

Ang saya talagang manood ng TV. Minsan hahagalpak ka sa kakatawa at minsan naman eh maiiyak ka sa drama. Meron ding shows na nakaka-asar at nakaka-irita. But above all, there are programs that can widen our horizons. Kaya kaibigan, tara telebabad tayo!

 

 

 

Advertisements
Explore posts in the same categories: Uncategorized

Tags: , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

19 Comments on “Couch Potato”

  1. Lyzius Says:

    wow cebu gusto ko punta jan…pangarap ko nun jan ako tumira sa cebu…wala kaming kamag anak or something pero yun ang gusto ko…

    regarding your pinsan, hmmmm, before mo sinabing baka preggy yun na rin ang nasa utak ko

    beero @lyzius: sige punta ka dito. para makapag-EB naman tayo. hehe. yun kasi napapansin ko sa kanya. pero di ko pa sya narinig maduwal pag umaga kasi late na ko nagigising. LOL

  2. Geisha Says:

    this one is a very good output!
    para ka lang nagsulat ng formal theme mo! 😆
    no offense meant pero saludo ako sa writing skills mo. kung katulad mo lang ang mga staff ko dati di sana ako nagkaroon ng wrinkles sa noo!

    now back to the topic.
    pareho pala tayo ng hilig (e.i. watching TV)
    pero mapili ako sa mga shows!
    that Signos ang inaabangan ko. sadly, wala akong time to watch dahil you know na colboy ako. kelangan kong maghanap ng customer para kumita! tsaka hanggang docu lang ako pag kaharap ko ang TV!

    i’ve watched pinoy idol pala by accident (may ganun?)
    my mind is resisting not to. alam mo kung bakit?

    its a waste of time!
    ang pangit ng boses nila!

    yun lang!

    heheheh

    Nagpost na naman ako ng entry dito!
    tagal mo kasing nag hiatus! 😉

  3. beero Says:

    beero @geisha:

    haha. sawa na ko sa mga formal theme na yan. no offense meant daw oh. unang hirit mo pa nga lang offensive na eh. hehe.

    napuyat nga ako sa panonood ng Signos eh. but it’s worth it. maganda naman impernes.

    kaya nga eh. parang mas maganda pa boses ko. toinks! tenks nga pala sa napakahabang comment. parang post within a post na to. LOL.

  4. Jex Says:

    TV addict ka rin pala no? ako, iniiwasan ko na ang tv. mahirap kasi pag-nahook ako. hahanap-hanapin ko yung show kaya kahit may pasok e tatamarin na ako. hehe. bumabawi na lang ako sa dvd. mwehehe

    beero @jex: hehe. tama ka, dude. pag na-adik ka sa isang show eh talagang mami-miss mo. hehe.

  5. watusiboy Says:

    kapuso ka pala beero. haha. di ko masyadong gusto ang pinoy idol dahil naiinis ako sa pagkatrying hard magpakasimon ni wingard. at tsaka walang chemistry ang mga judges. hay namimiss ko na ang panonood ng tv.

    beero @watusiboy: kapamilya ako. hehe. mapapalitan naman kasi ang “puso” pero ang “pamilya” hindi. haha, ang corny! sinabi mo pa. di siguro sila marunong mag-judge! palitan na natin sila. LOL.

  6. popoy Says:

    weh couch patatas ka pala nung weekend ha? hehehe.

    jologs nga ng pinoy idol. asar ako kasi pati set ng AMERICAN IDOL eh ginaya nila. though nakakatuwa pa din kasi may mga magagaling talagang kumanta. BET KO SI PENELOPE. hehehe.

    Matanda na ko kaya hindi ko na pinanuod ang HM 1 and 3 kahit nung may cable pa kami. Hindi ko kasi trip hehehe.

  7. mnel Says:

    napanood mo ba yung “An Inconvenient Truth” na docu ni Al Gore? di ko napanood yung signos, pero feeling ko katulad din yun nung kay Al Gore. eye opener nga. nakakatakot isipin na habang nagpapakasaya tayo mamuhay as we like it eh, bilang na bilang na pala ang taong ilalast pa ng mundo the way we know it. tsk.

  8. chroneicon Says:

    isang kampay para sa kapwa tv addict. sang-ayon ako sa opinyon mo sa pinoy idol.

    beero @chrone: hehe. ang daming adik sa TV. wooohoo! may kakampi ako. LOL.

  9. kuri Says:

    tv addicts unite!

    di ko rin ata kaya kung walang tv.

    re:survivor: all-time-fave!

    re: pinoy idol:basura!

    re:HS musical:mmmmm,no comment.tanda nako!

    beero @kuri: natawa naman ako sa comment mo sa Pinoy Idol. ahhmm..pang-pamilya naman ang HS MUsical. try mo lang baka ma-enjoy mo din. hehe

  10. rio Says:

    ai! pwede bang magkomento dito ang hindi tv addict? hehe

    beero @rio: pwede naman, doc rio. pero teka lang. parang ala namang comment eh. hehe 😆

  11. beero Says:

    beero @popoy: ang panget talaga. hehe. ala akong masyadong nagustuhan sa contestants. perhaps it’s too early for me to judge. ewan ko. gud luck na lang sa kanila!

  12. rio Says:

    paalam lang muna ako na hindi muna ako madalas makakadalaw d2 ha..=) pero bisita ka paminsan minsan sa bahay..baka sakaling may bago akong post…hangang june 23 lang ang paghiatus ko.babalik din ako=)

    @rio: sus naman to. balik ka agad ha

  13. y Says:

    i’m currently reading michael crichton’s state of fear. di ko pa tapos but it’s about global warming and catastrophies. naalala ko lang dahil dun sa signos. sabi kasi sa book, which has actually footnotes that are real facts na global warming is not actually caused by the emission of carbon dioxide. which in fact is the common belief dahil nga sa industrialization and the utilization of fossil fuels. complex masyado yung totoong scientific explanation ng
    global warming kasi maraming factors na di natin aakalain na kasali pala. nabasa ko na rin yung mga yun sa ibang mga magazines dati.ang mahirap kasi sa media sometimes, they tend to focus on single subject at nawawalan ng interes sa iba that somewhat really matters.

    anyways, goodluck sa panonood ng tv. nakaka-enhance talaga ng knowledge lalo pag may sense yung pinapanood. hehe!

  14. madbong Says:

    high school musical pala ha! magkakasundo kayo ng bunso kong anak na 11 years old hehe

    @madbong: ows, 11 years old na anak mo? ang bata mo pa sigurong nag-asawa. hehe

  15. wei vines Says:

    at least..well informed ka 😀

    @wei vines: nasanay kasi ako nung college. kelangang may alam akong “burning issue” bago ako pumasok sa skul.

  16. leylander Says:

    i love pinoy idol. 🙂

  17. walongbote Says:

    di nga halata… ang hilig mo manood ng TV.. sabagay ako din.. nitong dumaan na buwan.. kompyuter at TV ang kaharap ko bestfriend ko na nga sila eh..

  18. lilmiz Says:

    isang episode lang napanood ko sa pinoy idol, yung pagkanta lang ng mga girls for this week.. at mukhang di na ako manonood ulit ahaha.. hindi naman sa wala silang talent, meron naman pero parang may kulang eh, ewan ko lang, tapos ayoko sa mga judges lalo na si jolens hehe! 😛

    @lilmiz: ako three episodes siguro napanood ko. di na rin ako nanoon ulit since then. hehe. yun din ang feeling ko. parang may kulang at mali eh. ayoko rin kay jolens. lagi lang nyang tinataas hinlalaki nya pag nagko-comment. LOL.

  19. cedeux Says:

    mahilig ako magTV dati… nung teenager ako.
    pero ngayon salamat sa mga webisodes! hehhehe.
    di na ko masyado sa survivor. american idol siguro pero ayun nung naalis si malubay, bye bye idol na rin.

    sana mapanuod ko yang signos. may replay p b nyan?
    salamat sa pagdaan at nalink na po kita=]

    @cedeux: adik ako sa survivor. pinanood ko din yung AI. ala sigurong replay yun SIGNOS kasi replay na lang din yung napanood ko. search mo lang sa youtube baka meron.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: