Archive for May 2008

Couch Potato

May 26, 2008

TV ang madalas kong kaharap pag weekend. Wala kasi akong ibang magawa sa boarding house. Kasama ko naman ang pinsan ko pero di ko sya maramdaman. We live in the same house but we seldom talk. I dunno what’s wrong. Di ko alam kung di nya ako gusto o ayaw nya lang talagang pag-aksayahan ako ng laway.hehe.

Wala syang ginawa kundi matulog maghapon. Ano kaya problema nun? Di naman ganun yun dati. Pero ngayon kahit halos impyerno sa init ang kwarto eh nakukuha pa ring matulog. Hmmm…May nabuo tuloy akong agam-agam. Di kaya preggy ang pinsan ko?  Hayaan na lang natin sya. Malalaman ko din yun sa takdang panahon. Sa ngayon, itutuloy ko na gusto kong isulat.

Home buddy ako pag andito ako sa Cebu. Kaya nakagawian ko na ang pagbababad sa harap ng TV. Telebabad ika nga nila. TV lagi ang pampalipas-oras ko. At least, nakaka-entertain, educate, at inpsire pa. LOL. Ayan inubos ko na yata ang functions ng TV.

Naikwento ko na sa dati kong posts ang pagiging adik ko sa SURVIVOR. Eto yung dati kong kinahuhumalingan sa Studio 23. Pero natapos na din ang rerun ng Survivor: Cook Islands three weeks ago. Halos maiyak pa nga ako nun eh. hehe.  Nang matapos yun, naghanap-hanap na rin ako ng ibang shows na pagaaksayahan ko ng oras.

Napakadaming shows na pagpipilian. Pero may mga palabas talaga na makakuha ng atensyon mo. Kanya-kanyang trip lang yan. At eto ang mga shows na pinanood kolast weekend.

SIGNOS

I watched this documentary feature on Q TV. This was actually a replay because this was previously aired on GMA. I don’t prefer the news programs and documentaries on GMA but this one caught my attention. Inabangan ko talaga to since makita ko yung teaser. Sana ganito na lang ang gin awa naming dokyu sa TV and Radio Production class namin nun at hindi yung tungkol sa misyonaryo ng Mormons na tinawag naming “Misyon”. hehe.

Napaka-timely kasi at napakahalga ng topic. Two thumbs ako sa dokyu na to kasi it’s well-researched at well-done. Everything was based on facts. Eye opener to para sa lahat ng indibidwal sa mundong to.  They presented facts that I never thought were associated with global warming. Nakakapangilabot malaman na ganun na kalala ang epekto ng global warming. Sana naman eh maagapan pa natin ang lumalalang environmental problems gaya nito. I hope that some people spent an hour watching this documentary.

PINOY IDOL

Tumawa kayo kung gusto nyo akong pagtawanan pero pinanood ko talaga to. I used to watch reality-based talent searches. Gusto ko kasing makakita ng mga contestants na halos tumalsik ang epiglottis at malunok ang microphone sa pagbirit. LOL. Sa halos isang oras na pag-ere ng show, di ko man lang namalayan na tapos na pala. Para lang akong dumaan sa videokehan at nakinig sa mg tambay na kumakanta. Ewan ko pero di ako na-amaze sa performances ng contestants.  Opinyon ko lang naman to. You’re welcome to express your own thoughts. The show itself was not impressive. Try to watch it and observe what the show is like.

HIGH SCHOOL MUSICAL

Kahit High School Musical 1 & 2 eh pinatulan ko rin. Feeling ko tuloy eh bumalik ako sa pagiging tinedyer. LOL. Well, that was 5 years ago. I was young ONCE. So far I enjoyed the High School Musical week on Studio 23. I didn’t expect that I would be entertained by these movies. I had a great time watching kahit panay ang channel-hopping ko.

Ang saya talagang manood ng TV. Minsan hahagalpak ka sa kakatawa at minsan naman eh maiiyak ka sa drama. Meron ding shows na nakaka-asar at nakaka-irita. But above all, there are programs that can widen our horizons. Kaya kaibigan, tara telebabad tayo!

 

 

 

Eksaytment

May 16, 2008

I’m so excited and I just can’t hide it! LOL. Gusto nyong malaman kung bakit?

I’m just glad because today’s Friday. That means I don’t have to wake up early in the morning the next day. Napapansin ko kasing kulang lagi tulog ko. Pinangatawanan ko na talaga ang pagiging insomniac. Ewan ko ba. Wa epek talaga ang alarm ng cellphone ko ngayon.

But that’s not the main reason why I’m so excited. I’m finally going home tonight! Woohoo! The much-awaited two-day vacation is here!

Gusto kong magtatalon sa tuwa. Ang tagal ko ding hinintay ang pagkakataong to. Kahit na-miss ko ang fiesta sa min last Thursday, babawi na lang ako ngayon. Sana nga lang eh nasa party mode pa din ang mga tao dun para uber hapi. hehe.

Na-inggit talaga ako sa mga kaibigan ko. Ngayon ko lang kasi na-miss ang fiesta sa min mula nang umuwi kami galing Cavite. May mga nagtanong sa kin kung uuwi daw ako nung fiesta. Haayyy…If only I could. Wala akong nagawa kundi magmukmok sa boarding house at mag-imagine kung ano na mga kaganapan sa min. hehe. 

Di ko talaga maiwasang isipin na masaya sila dun habang nagsasayawan. At lalong nakaka-inggit ang magdamagang inuman. Parang drink and dance like there’s no tomorrow! LOL.

But it’s not too late to celebrate. I’m going home tonight guys! Handa na ba ang red carpet at “welcome” streamer dyan? LOL.
 

A Song for My Ermat

May 16, 2008

Nasan nga ba kaluluwa ko nung Mother’s Day? Ahhmm…nakihiga ako sa apartment ng opismeyt ko dahil sa sobrang kalasingan the night before. Di ko alam na Mother’s Day na pala.LOL.

Kaya pala di man lang ako nakapagpost ng tribute para sa mahal kong ermat. This may be a little late but it’s the thought that counts naman daw. hehe.

Hapon na ng makauwi ako sa boarding house ko. Mahimbing kasi masyado tulog ko dahil sa vodka+gin+beer na ininom namin ng mga opismeyt ko nung Sabado. Pagdating ko naman sa boarding haouse eh humilata ako agad dahil di pa rin nawala ang hang over sa pag-inom ko ng isang pitsel na iced tea. LOL.

Pero di ko pinalampas ang Mother’s Day na di ko man binati ang ermat ko. Pagkabangon ko nung gabi eh tinawagan ko sya. Kahit di ko sya kasama eh pinaramdam ko sa kanya na masaya ko na sya ang naging ermat ko. (mag-drama ba)

Seriously, I’m really grateful that she’s my mom. Kahit na tinangka nyang ilaglag ako nun sa sinapupunan nya, di ko na inisip yun. Ilang gamot lang naman ang ininom nya para ilaglag ako. Yun nga siguro ang dahilan kung bat ako naging hikain paglaki ko. Kaya yon, two months old pa lang siguro ako eh, bedridden na ko. Ilang beses din silang nagpabalik-balik sa ospital para ipagamot ako. Bumawi naman si ermat. Di nya ko pinabayaan. Di nya man naibigay ang mga luho ko, naiparamdam naman nya sa kin ang pagmamahal ng isang ina.

Di ko alam kung pano mabuhay nang wala sya. Lahat kasi sya ang gumagawa para sa kin nun – paghahanda ng baon, pagpaplantsa ng uniform, at paghahanda ng mainit na tubig na ihahalo ko sa pamapaligo ko. ahehe. At sya din ang “alarm” ko tuwing umaga hanggang makatapos ako ng college.

And this would be the first time that I’m gonna say this, “I lab yu, nay”. Di ko pa kasi nasabi sa kanya yan ng harapan. Dyahe kasi eh. Nasabi ko lang yan dito kasi di naman nya mababasa. ahehe.

This song is for you…

SONG FOR MAMA – Boyz2Men

You taught me everything
And everything you’ve given me
I always keep it inside
You’re the driving force in my life, yeah
There isn’t anything
Or anyone that I can be
And it just wouldn’t feel right
If I didn’t have you by my side
You were there for me to love and care for me
When skies were grey
Whenever I was down
You were always there to comfort me
And no one else can be what you have been to me
You will always be you always will be the girl
In my life for all times

Chorus:
Mama, mama you know I love you
Oh you know I love you
Mama, mama you’re the queen of my heart
Your love is like
Tears from the stars
Mama, I just want you to know
Lovin’ you is like food to my soul
Yes it is (5x)

You’re always down for me
Have always been around for me even when I was bad
You showed me right from my wrong
Yes you did
And you took up for me
When everyone was downin’ me
You always did understand
You gave me strength to go on
There was so many times
Looking back when I was so afraid
And then you come to me
And say to me I can face anything
And no one else can do
What you have done for me
You’ll always be
You will always be the girl in my life

Chorus

Never gonna go a day without you
Fills me up just thinking of you
I’ll never go a day without my mama

Chorus

Yes you are

 

 

 

 

Pagbabalik

May 8, 2008

I’ve been gone…for so long. I missed blogging a lot. Na-miss nyo rin ba ako? hehe

Ilang araw ding nilangaw ang site na to. hehe. Di lang siguro nilangaw, na-abandona na rin. After so many days na nawala ako, eto ako at nagbabalis sa sang-blogosperyohan. haha. Sa mga nag-akalang nadisgrasya ako at naratay sa ospital ng ilang araw, di naman totoo yon. I’m alive and kicking! I can still kick butts! ahehe.

Marahil nagtataka kayo kung bat bigla akong nawala na parang bula. Well, I had to do things aside from blogging. Wag nyong isiping pinaghandaan ko ang pagsali sa Survivor Philippines at nagtago sa isang isla sa nakaraang mga araw. Dumating lang yung time na kelangan kong magpahinga sandali. Wala kasi akong pangbayad sa internet cafe nun. haha.

Madalas din naman akong mag-internet pero di tinamad talaga akong mag-update. Pag nakatapat na ko sa computer eh ala akong ibang maisip kundi magdownload ng songs sa MP3 player ko at magdownload ng videos. Isipin nyo na ang gusto nyong isipin! Pero tama kayo sa iniisip nyo! LOL. Nagdownload nga ako ng porn videos. LOL.

Ewan ko ba kung bigla akong napa-hiatus. LOL. Di naman siguro to dahil sa plagiarist na nangopya ng posts ko. Duh? Bat ba ko magpapa-apekto sa hinayupak na yun. hehe. Siguro dahil to sa mindset ko ngayon. Fiesta din kasi sa min kaya gusto kong umuwi sa min next week. I want to see my niece and nephew that I haven’t seen for quite a long time. May mga relatives ako from Cavite na nagbakasyon sa min. Pero dahil nga di pa ko pwedeng mag-leave kahit isang araw, I can’t afford to go home or else I’ll lose my 2k attendance bonus. Sayang naman ang pera. hehe. That leaves me no choice than to go home after the fiesta (17-18).  Kumusta naman yun? Sabado ako dadating sa min tapos babalik ulit ako sa Cebu on Sunday afternoon. Haayyyy…

Ang dami talagang bumabagabag sa kin ngayon. But I’m still doing fine. Ang gulo! Basta yun na yun! Marami mang nangyayari sa kin outside the blogosphere, andito pa rin ako. I’ll always be around. Di ko kayo iiwan mga repapips! Mawala man ako, asahan nyong babalik at babalik ako…