Castaway

Medyo inaantok na ako ngayon kasi di ako nakatulog ng maayos last night. Sa pagkakatanda ko eh, alas dose na ko tuluyang nakatulog. Kahit na inaantok na ko pagkalabas sa opis, naisipan kong dumaan muna sa internet cafe para i-check ang Friendster, WP, at imeem accounts ko.Nakagawian ko na tong pampalipas-oras. 

Mas OK na siguro to kesa dumiretso ako sa boarding house. Wala din naman akong dadatnan dun kundi ang mga ipis at dagang nakikitira sa kin. Ayoko na ring maabutan pa ang news programs dahil nagsasawa na ko sa mga balita ngayon. Alam kong pati kayo eh nagsasawa na rin sa sensationalisized news sa TV – panic buying dahil sa rice shortage (daw), pagtaas ng mga bilihin, mga rally sa Maynila, at kung anek-anek pa. 

Inisip ko, ano kaya magandang panoorin sa Youtube? Di na ko nag-isip nang matagal. SURVIVOR: Cook Islands aga ang pumasok sa isip ko. Adik na adik ako show na to. Para sa kin, ito ang pinaka-astig na season ng Survivor. Kasi ito lang din ang season na napanood at sinubaybayan ko hanggang ngayon. haha.

Dalawang oras akong nakaupo sa harap ng TV pag Sabado para lang mapanood ang encore run sa Studio 23. Sa lahat ng reality shows eh ito ang pinakagusto ko. Ang sayang panoorin ng mga contestants na halos magbugbugan para manalo sa challenges. hehe.

Pero higit pa dyan, gusto ko ang Survivor kasi dito nasusubok ang katatagan at kakayahan ng isang taong harapin ang malulupit na hamon ng buhay. ahehe. Dito mo rin mararanasan ang mabuhay ng simple at ipakita ang yong totoong karakter.

Episode 9 na ang pinalabas nung Sabado. Limang episodes na lang eh may Sole Survivor na. Sa dalawang natitirang tribes, Aitu at Raro, gusto ko ang Aitu. Sila Ozzy, Yul, Sundra, at Becky kasi ang underdogs. Nakaka-relate ako sa kanila kasi underdog din ako. hehe. Kahit na iniwan sila ng dalawa nilang ka-tribe, pinatunayan nila na kaya pa rin nilang manalo. Kahit outnumbered sila, nanalo sila sa apat na sunod-sunod na challenges. Kaya di na ko nagtaka nang mabasa ko ngayon na sila ang naging Final 4 at si Yul ang naging Sole Survivor.

Adik nga siguro ako sa show na to kasi gusto ko na ring  maging castaway. Gusto kong maranasang makapaglaro para sa immunity at reward challenge. LOL. At mas gusto kong subukan kung hanggang san ang itatagal ko. Dahil na rin siguro to sa pinagdadaanan ko ngayon. Para na rin akong castaway dahil malayo ako sa pamilya ko at pinipilit kong mamuhay na malayo sa kanila. (Tama na ang drama Beero! Inom ka na lang ng beer para di ka na malungkot)hehe.

8:40 PM na pero di pa ko nakakain at P30 na kelangan kong bayaran dito. Pano ba yan? The tribe has spoken. I have to go! LOL.

 

 

Advertisements
Explore posts in the same categories: pagod syndrome, selling the drama, Survivor Final 4, Survivor: Cook Islands

8 Comments on “Castaway”

  1. geisha Says:

    haaayy naku! i’m so behind with this show! i can only see trailers.

    beero @geisha: haha 😆 pareho lang naman tayong behind sa show na to. ngayon lang ako na-adik sa show na to. nakow! ang ganda talagang pagkakagawa ng OBB nila. lalo na yung sa Survivor: Cook Islands. wheew! gusto kong sumali sa Survivor Philippines.hehe. pero di naman siguro sila tatanggap ng malnourished na castaway.LOL.

  2. popoy Says:

    yihaaaa.. lex love ko din ang survivor at nakalimutan ko na yung pinakafavorite ko na season pero so far ang latest ang napapanuod ko yung SURVIVOR Micronesia: Fans VS. Favorites
    Ayun na naalala ko na yung fave ko SURVIVOR : Marquesas Yehey!!!! hehehe

    beero @popoy: di ko napanood mga yun.hehe. Survivor Cook Islands lang talaga nasubaybayan ko. pero madalas naman akong manood ng previous seasons sa youtube.

  3. watusiboy Says:

    beero, merong survivor philippines franchise ang gma 7.

    beero @watusiboy: oo nga eh. gusto ko ngang sumali. nagsimula na nga akong mag-aral lumangoy, gumawa ng apoy, at kumain ng buko araw-araw. LOL.

  4. wei vines Says:

    oo nga. sali ka. Hanggang 40 yrs old ata yun eh (malay ko kung 40 ka? haha) 😆

    open pa yung audition. 😀

    beero @wei vines: haha 😆 waahhh. ano akala mo sa kin uugod-ugod na? 23 lang ako.pero kung mukha ang pagbabasehan eh parang 18 pa lang. LOL. yup. may audition dito sa may 5-6.

  5. yuie Says:

    leche kayo.. yun lang!..ehehe

    beero @yuie: leche ka rin.hehe. hmmm. you’re so fond of using the anagram of your nickname. hehe.

  6. FerBert Says:

    ay di ako makarelate.. na OP na ko.. di ako nanonood nyan eh.. hehehehe 😀

    beero @ferbert: ganun ba? sensya na sa mga di nakaka-relate.hehe. tenks nga pala sa pagdaan.

  7. Geisha Says:

    me too! hindi ko alam yan 😆

    wala na kasi akong boobtube!

    beero @geisha: hehe 😆 ows? necessity ang TV ngayon. bili ka kahit surplus lang. hehe.

  8. kuri Says:

    pareho pala taung hooked sa survivor. simula season 1 (borneo) hangang 16 (micronesia) wala akong pinalampas na season. ang lupit kasi ng production nila. nakakalula! hehe.

    may survivor philippines n ah!sali tau.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: