A Picture Paints a Thousand Words

Naniniwala ba kayong a picture paints a thousand words? Kung hindi, maniniwala na kayo ngayon dahil sa post na to. Iku-convince ko kayo! LOL.

This is actually a tag from Nickname. Napapansin  kong nakahiligan na ng mokong na to na i-tag ako. Akala siguro nya eh ang daling gumawa ng tag. Pero tenks na rin!

This tag would show pictures that reflect my personality, or if not, give meaning to the things that I value. Sa pamamagitan ng mga piktyur na to eh mas makikilala nyo ko (parang celebrity kung magsalita!)

Here’s how it works:
a. Go to http://www.photobucket.com/
b. Type in your answer to the question in the “search” box.
c. Use only the first page. (ambot unsa ni.)
d. Insert the picture into your Blog.

1. What is your current relationship status?

single.jpg

Masakit mang sabihin pero ako ay single. Di naman ako mukhang halimaw para katakutan. Di pa lang siguro dumadating yung para sa kin.

2. What is your current mood?

happy2.jpg

Wala ako sa mood. LOL. Masaya naman ako kahit pano. Masaya akong nakakakain ako araw-araw. Be happy even if others are not. Be happy even if others cannot. Be happy even if others will not.

3. Who is your favorite band/artist?

the-calling.jpg ne-yo.jpg
I love RnB and Alternative. Kung ilalagay ko dito lahat ng pictures ng peyborit kong artists eh baka umagahin ako sa paga-upload. Kaya isa na lang sa bawat music genre.

4. What is your favorite movie?

 empireofthesun.jpg

Parang ala din akong peyborit movie. Di ko kasi maintindihan ang mga pinapanood ko. LOL. Pero naantig ang puso ko sa Empire of the Sun. Two thumbs up! Panoorin nyo at di kayo magsisisi. hehe.

5. What kind of pet do you have?
puppy.gif

Eh di yong pet ko! LOL. ok kayong mag-isip ng masama. Peyborit ko ang bird ko kasi pwede ko syang himas-himasin at paglaruan pag nabo-bored ako. Seriously, di na ko nag-alaga ng pet since mamatay ang tuta kong si Rambo nun sa Cavite.

6. Where do you live?

tagaytay.jpg sanjuanicobridge.jpg macarthurshrine.jpg

Sa mga naniniwalang sa bangketa ako nakitara o sa ilalim ng tulay, nagkakamali kayo. Dahil almost paradise ang tinitirhan ko. Sa Cavite kami nakatira nun kaya malapit kami sa Tagaytay. Pero ngayon sa Leyte na ako nakatira kaya malapit ako sa San Juanico Bridge at McArthur Shrine. Sino gustong mag-tour sa Leyte? Libre ko kayo ng mineral water.

7. Where do you work?

office.jpg

 

I work in an office. Not that big and spacious but enough to be called an office. hehe. Wag nyo nang itanong kung anong ginagawa ko. Confidential eh. hehe 

 

8. What do you look like?

star.gif

I look like a star! (mabubungal ang aangal). My mom used to tell me that. Of course, totoo yan. Di sinungaling ang ermat ko eh.

9. What do you drive?

bike.jpg

Drive ba kamo? Ano pa eh di sex drive! ahehe. Seriously, bike lang dina-drive ko.

10. What did you do last night?

tv.jpg

Malungkot ang mga gabi ko. Walang pumapawi sa aking kalungkutan. haha. Kaya binubuhos ko na lang ang oras sa panonood ng TV at pagtitext.

11. What is your favorite TV show?

survivor.jpg

I love reality shows. Gusto ko ang SURVIVOR kasi sa lahat ng reality shows, dito talaga naghihirap ang mga contestants. hehe. Like them, I’m also striving  to be a survivor. hehe

12. Describe yourself.

sports.jpg

I’ve got the balls! LOL.  Di ako bolero at lalong di ako mukhang bola. Mahilig lang akong maglaro (ng apoy?) lols. I’m into sports. Marami pa kong gustong laruin.

13. What are you doing today?

computer.jpg

Yan ang ginagawa ko during weekdays. Makikipagtitigan maghapon sa kompyuter at pindutin ng pindutin ang keyboard. Isn’t it boring?

14. What is your name?

lex.jpg

Yes. That’s my screen name! LOL.

15. What is your favorite candy?

snickers.jpg

Snickers lang naman. Chocolate “candy” naman siguro yan. Gusto nyo?

Ita-tag ko rin sina:

Wei Vines

Watusiboy

Gasti

 

Advertisements
Explore posts in the same categories: 1 tanong 1 sagot, beero's life, tag 101

15 Comments on “A Picture Paints a Thousand Words”

  1. nickname™ Says:

    hahaha! masunurin karin pala.. wahaha!

    teka, may nagtext ba sayo? LOL! hehehe.. 😆

    hindi ka kaya makapagtext kasi pinaglalaruan mo ang bird mo.. wahaha! 😆

    beero @nickname: haha 😆 ikaw lang naman ang di sumunod sa sarili mong rules. meron naman, yong mga tunay kong kaibigan! yong iba kasi dyan busy sa pagi-strip. lols! haha. sanay ako sa multi-tasking so yakang-yaka kong pagsabayin ang mga yan. haha

  2. wei vines Says:

    ohhh mannn!!! hahahha

    beero @wei vines: bat ganyan ang reaction mo? hehe 😆

  3. Geisha Says:

    kaloka.. kumakalat ang virus ni nicknamE.. miss you Lex.. pwede pa hug? hehehehhe

    beero @geisha: oo nga eh. lagi pa kong nadadapuan ng virus nyan. hehe 😆 miss you too! lols. sure. gusto mo rin ng kiss? haha 😆

  4. watusiboy Says:

    beero, magkamukha tayo. mukha rin akong star. sinong star ang kamukha mo? ako si patrick the starfish.

    beero @watusiboy: haha 😆 ganun ba? ahhmm…ako naman yong kanang star sa dibdib ni Darna. gusto mo ikaw naman sa kaliwa? hehe 😆

  5. camilleeee Says:

    wui, sarap namn nung snickers hehe. penge naman.
    pebs mo din pla ang ‘the calling’ 😀 😉

    beero @camilleee: sige bigyan kita pag magpadala ulit ang pinsan kong nasa Tate. hehe 😆 talaga? pareho pala tayo ng peyborit bands. rakenrol! eh gusto mo rin ba ang creed at linkin park? hehe

  6. camilleeee Says:

    *OT:

    di lang gusto. gustong gusto! 😉
    hehe inggit nga ako kay jeck kc napanood nya concert ng incubus waaaaa

    hala, napadaan lang ulit 😀

    beero @camilleee: mahilig ka rin pala sa mga banda. inggit nga rin ako kay pareng jecson kasi napanood nya yung concert ng incubus. jamming tayo minsan! hehe 😆

  7. popoy Says:

    @beero : ALAK PA!!!! hahaha

    same tayo sa trip sa music pero not a fan of ROCK, im more into RNB and SOUL. NEYO is the best… Lately ko lang nagustuhan music nya.

    as well as;

    FAVE SHOW, i really love SURVIVOR. Napapamura ako pag hindi ko sya napapanuod at maaabutan kong tapos na, well thanks sa YOUTUBE hahaha. Minsan iniimagine kong kasali ako dun at sasabihin ni JEFF “Survivors ready, GO!” or “GRAB UR TORCHES and HEAD BACK to the CAMP”

    YEY!! Cguro kaya ko lang ang 1 week. hahaha

  8. beero Says:

    beero @popoy: cheers! ahehe 😆 RnB Soul din ang pinakapaborito kong music genre. I grew up listening to Babyface, Boyz2Men, P. Diddy. hanggang ngayon eh RnB pa rin ang gusto ko. di naman ako masyadong mahilig sa rock. yong alternative lang.

    pareho pala tayo. ang maganda kasi sa Survivor eh exciting and at the same time challenging. ang ganda pa ng pagkakaproduce. hehe.

  9. popoy Says:

    @beero : yey!! hehehe. ang saya kasi ng RnB/Soul. Gusto ko din ang music ni Babyface, Maxwell, John Legend, Lauryn Hill, yung mga ganyan. basta yung “commercialized” RnB and Soul, i ba kasi ang dating hehehe. 🙂

    beero @popoy: i agree. da best talaga ang RnB/Soul. makapanindig-balahibo talaga. hehe. woohoo! finally nakakilala din ako ng fan ni Babyface 😆


  10. […] ito kay beero. may hinala ako na ang totoong pangalan ni beero ay naglalaro sa mga sumusunod: fortunato, […]

    beero @watusiboy: thanks for the effort in guessing my name. lols! di ba talaga makaluma ang pangalan ko? baka pampalubag-loob lang yan. hehe 😆

  11. popoy Says:

    @beero: konti lang talaga mahilig sa RnB dito sa Pinas Napansin mo ba hindi gaano karamihan ang RnB artist dito sa Pinas?? Mabibilang mo lang yung mga local acts like, Kyla, JayR, Thor, Pikaso, Arnee, Amber? di ba???

    Iba kasi ang RnB/Soul. Maxado itong madamdamin. Naiinis lang ako kasi nowdays puro “banging on the floor”, “sex u in the club”, “i wanna f*uck u” na yung mga lyrics. though RnB consider as sexy music nawawalan na rin yung nasimulan nung mga magagaling nung unang panahon pa ng RnB/Soul/HipHop music.

    J. Holiday, Johnta Austin, yan mga influences nila si Marvin Gaye, at Babyface. Lalo na si Johnta Austin coz he started talaga as song writer hindi talaga sya yung kumakanta. NeYo As well, di ba??

    Kilala mo ba si Lauryn Hill?? Si Angie Stone?? yan medyo hindi ko kilala maxado yang si Angie Stone pero may narinig akong song nya na medyo okey yung tema.

    Lupe Fiasco din pala hehehe 🙂

    Hay ang haba ng comment ko ha.. Senxa, sa sobrang kaadikan ko sa RnB eh ganyan talaga ako magkwento hahaha.

    *Now Playing: Don’t worry me now by NeYo* hahaha 🙂

  12. beero Says:

    beero @popoy:

    ok lang kung mahaba comment, makabuluhan naman. hehe. tenks sa pagsi-share ng nalalaman mo sa RnB/Soul. hehe

    konti nga lang RnB artists dito sa pinas. idagdag mo na rin si kris lawrence para dumami. hehe.

    yeah. kaya nga siguro tinawag na RnB/Soul kasi soulful at masyadong passionate ang theme. hehe. narinig ko na ibang songs ni lauryn hill.

    i really salute the RnB artists before coz they play good music and they write beautiful songs. RnB before is different from contemporary RnB that we listen to these days.

    *Now Playing: Sexy Love by Neyo. ahehe

  13. popoy Says:

    @beero : oo sinabi mo pa. pero okey na rin naman. kasi yung mga beat ngayon at rhythm yung umaalalay sa lyrics eh. medyo lately eh huli ako sa mga new rnb songs dahil sa sobrng pagkabusy sa work eh minsan wala na time makinig sa radio para malaman yung mga bago.

    if nandito ka lang sa manila pede kang makinig sa WAVE 89.1, RnB station sila. They only played RnB/Soul/HipHop songs kaya naman nakakawiling pakinggan.

    Or if nakaDSL ka naman or Broadband pede mo silang pakinggan thru streaming, iGOOGLE mo nalang. nakalimutan ko yung site nila eh hehehe 🙂

  14. beero Says:

    beero @popoy:

    so far marami din naman akong gustong RnB songs ngayon. ganun ba? wag kang magpapahuli, keep updated. hehe

    ganun ba? pero ok lang kasi may napapakinggan pa rin naman akong RnB songs dito kahit pano.

    sige try ko yan minsan…

  15. popoy Says:

    @beero : ano ba favorite mong RnB song ngayon?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: