Homecoming

Nag-enjoy ako nung Holy Week. Di dahil sa patay sa Papa Jesus. Yun eh dahil nakauwi ako sa min kahit ilang oras lang. More than two days naman kung talagang bibilangin ko. Bitin yon kung tutuusin kasi parang namasyal lang ako dun. Parang ginawa ko lang kusina na pagkatapos kong kumain eh bumalik agad sa sala at nanood ng TV.

Pero dahil na rin sa pamilya, mga kaibigan, at kamag-anak ko eh naging worthwhile naman ang bakasyon ko. Yes. Gusto ko lang linawin na ang “homecoming” ay tumutukoy sa bakasyon ko sa amin at di sa katagang malaswa. lolz!

Excited talaga ako pag umuuwi. Kahit medyo tahimik sa lugar namin eh nasasabik pa rin akong balik-balikan. There’s no place like home ika nga.

Biyernes Santo na ko dumating. Naging penitensya sa kin ang pagbiyahe at di maayos na tulog sa barko at van. May nadaanaan akong prusisyon sa kalsada. Yong nagdadasal habang naglalakad at may hinihintuang istasyon. Di istasyon ng pulis o bus. Yong stations of the cross na ginagawa tuwing holy week. Ni minsan eh di pa ko nakasama sa ganung prusisyon.

Sa kalsada pa lang eh ang dami ko nang nadaanang mga kaibigan. Ganun din ang buhay ko nung tambay pa ko. Lagi akong laman ng kalsada at umuuwi lang ako pag kainan na. Binati nila ako agad. Nakakataba talaga ng puso ang simpleng ngiti at pagwelkam ng mga tao sayo. Yong para bang masaya silang makita ako at bumalik sa lugar namin. Feeling ko tuloy eh isa akong artista at may red carpet sa unahan ng kalsada. Akala ko rin eh may courtesy ako kinabukasan sa munisipyo. lols.

Tumakbo agad ako papasok sa bahay pagkababa ko sa motorsiklo. Gusto ko ngang mag-slow mo nun para ma-emphasize ang emosyon. Pero sa tootong buhay to at di pelikula kaya ilang hakbang lang eh nasa loob ko ng bahay. Sobrang na-miss ko ang apat na sulok ng bahay namin. Nandun ang mga kuya ko at isa kong pamangkin. Kwentuhan agad at walang puknat na kulitan. Nasa bahay na ko pagdating ng erpat at ermat ko.

Kahit kulang pa ko sa tulog eh sinuyod ko agad ang buong barangay. Wala namang pagbabago sa amin. Same old people and same old faces. May napansin lang ako sa mga kabataan dun. Akala ko kasi may dumapong epidemya dun at nagkasakit ang mga binatilyo at dalagita. Malalim kasi ang mga mata na parang naratay sa ospital ng ilang buwan. Yon pala eh nagiemo-emohan ang mga kumag at naglalagay ng uling sa gilid ng mga mata. Pati ba naman mga kuko eh kinulayan na rin ng itim.

Paboritong laro sa min ang volleyball pag summer. Kaya pinuntahan ko din ang court sa min at nakipagpustahan agad. Kaya nga yong iba eh ginagawa ng hanap-buhay ang paglalaro ng volleyball. Na-shock nga lang ako kasi ang dating kino-coach ko lang dati eh parang kasing-galing ko na ngayon. hehe. Nakaka-disappoint din kasi 4 out of 10 na lang ang pumapasok sa spikes ko. Dati kasi magkasing-galing kami ni Edjet Mabbadayad, ang spiker ng FEU. hehe. Halos mabali din ang mga daliri pag nago-overhand set ako. Ang mas masaklap pa eh dalawang dangkal na lang siguro ang talon ko. Isang taon na rin akong di nakakapaglaro kaya kinabukasan eh parang galing pa lang ako sa hazing.

Di rin kumpleto ang bakasyon ko pag di ako maligo sa dagat. Naligo kami ng mga pinsan ko nung Black Saturday. Ilang oras din kaming nagbabad at nagbilad sa araw. Di ko naman gustong magmukha akong kapre kaya umahon kami nung mag alas-dos.

Time passed by so fast.Β Gusto ko mang mag-extend ng bakasyon eh di pwede. Kaya bumiyahe ako pabalik sa Cebu nung Easter Sunday. Bumalik ako sa Cebu na di man lang ako nalasing sa min. Ang dami pang nakikipag-inuman sa kin na di ko napagbigyan. Pero mabuti nga yon kasi baka wala nang natira sa pera ko. lolz!

Haayy, ewan ko ba pero sa tuwing umuuwi ako eh nawawalan ako ng ganang bumalik. Pero ganun talaga, kelangan kong masanay nang ganito. Homesick talaga ang pinakamatindi kong kalaban. Hanggang sa susunod kong pag-uwi… I just don’t know when!
Β 

Advertisements
Explore posts in the same categories: barkada, barkada trip, beero's life, friendship, kwentong tambay, tambay moment, travel, tropa

5 Comments on “Homecoming”

  1. Geisha Says:

    buti ka pa! πŸ˜€
    tagal na rin akong di nakauwi sa boondook namin! miss na cgro ako nung mga kabayo at kalabaw!

    beero @geisha: umuwi na lang ako sa min kasi ala rin naman akong gagawin sa boarding house. di naman ako pwedeng manood ng porn kasi holy week nun. lolz! dapat umuwi ka. nami-miss ka na ng mga alaga mo sa inyo. hehe πŸ˜†

  2. wei vines Says:

    uhhhmmm may nag emote saken na classmate ko dati. Sabi niya:

    “bakit pag pupunta akong dorm, parang ang bilis ng oras…
    pero pag uuwi nako, ang bagal bagal…ganito ba talaga sa maynila wei?”

    hehe… ewan… siguro, kung ano man naffeel mo ngaun, yun din na ffeel ng mga OFW. πŸ˜€

    beero @wwei vines: classmate mo lang ba? di kaya ikaw ang pinuntahan nya sa dorm. hehe πŸ˜† siguro nga. ito siguro tinatawag nilang “home sick”. lols.

  3. lilmiz Says:

    gusto ko na din umuwi 😦 penge pamasahe naman.. ahaha πŸ˜› buti at nag-enjoy ka naman sa maikling bakasyon mo πŸ˜€

    beero @lilmiz: siguro umuwi ka (pero wag ka sa kin humingi ng pamasahe) hehe πŸ˜† nag-enjoy naman ako kahit pano. bitin nga lang.

  4. Geisha Says:

    charinggggggg! kunyari ka pa! eh lagi ka naman nanonood ng hentai! kahit pa holy week cgrado di mo pinapalagpas yun! πŸ˜›

    beero @geisha: pano mo nalaman? lols. bilib it or not not pero i don’t keep hentais. i’m not a perv. ahehe πŸ˜† di talaga ako nanood ng malaswa nung holy week. ginawa ko kasi. ahehe.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: