Umbrella..ella..eh..eh

I hate the world today! I’ve been through hell dahil sa ulan! And it really sucks!

Di naging maganda simula ng araw ko dahil sa pesteng ulan na bumati sa kin pagkagising ko. I hate rainy days. Di baleng masunog ako sa sikat ng araw basta’t di lang ako malunod sa ulan. Nakakatamad talagang pumasok sa opis pag umuulan. Pero wala naman akong ibang choice. Sayang din ang datung kung di ako magtrabaho.

Di agad ako nakaalis sa boarding house dahil sa lintyak na pag-ulan ng pusa’t aso. Arrgh! Narealize ko tuloy ang kahalagahan ng payong. Rihanna pwede ka ng bumirit! Pasok…

[Rihanna enters] (Magmadali ka nga!)

When the sun shines
We’ll shine together
Told you I’ll be here forever
Said I’ll always be your friend
Took an oath
I’mma stick it out ’till the end
Now that it’s raining more than ever
Know that we still have each other
You can stand under my Umbrella
You can stand under my Umbrella
(Ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(ella ella eh eh eh eh eh eh)

[Rihanna exits] (Makakaalis ka na! Extra ka lang dito)

Di ko maisip kung pano ko susuungin ang tumatagaktak na ulan. Bwiset…set…set…set. May echo pa yan para may emphasis. Ilang beses na kong nagpabalik-balik sa bodega este kwarto pala para maghanap ng payong. Napagkamalan ko nang bodega ang kwarto namin dahil sa dami ng nakasampay na pantalon, t-shirt at brief. Pwede na nga kong mag ukay-ukay business. Sheeet! Naunahan pala ko ng pinsan ko sa payong.

Helpless na talaga ko kaya hinalukay ko ang cabinet namin at naghanap ng sombrero. Eureka! May nakita akong nabubulok na sombrero. Hang Ten naman ang tatak kaya sinuot ko na rin. Sinuot ko rin ang denim jacket kong dalawang linggo ko na sigurong di nilalabhan. Iniiwan ko kasi sa opis ang isa kong jacket. Japorms na ko sa suot kong shirt, shorts, tsinelas, sombrero, at jacket. Ganyan porma ko pag umuulan. hehe. Dahil ready na, sinalubong ko ang rumaragasang ulan at nagtatakbo sa kalsada na parang hinahabol ng kidnappers.

May naghihintay na traysikel pagdating ko sa kanto kaya sumakay agad ako. To my surprise, umuulan din  sa loob ng traysikel. What the fuck! Parang shower ang tulo. Kung alam ko lang na mababasa din ako, naglakad na lang sana ako. hehe.

Lalong tumindi ang kamalasan. Bumaha sa may babaan. Pwede na nga sigurong mag-jetski. Dapat nagdala na rin ako ng surfboard (as if meron). Lumusong ako kahit alam kong marumi ang tubig. Di ako likas na ma-arte pero narumihan talaga ako. Sa palagay ko kasi eh pinaghalong ihi ng tao at hayop ang baha.

Iba na talaga ngayon. Dati kasi gusto kong bumaha para walang pasok. Ang saya ding maligo sa ulan na hubo’t hubad. Pero ngayon, naiirita na ko sa tubig-ulan. Ginagawa ko na lang na pambuhos sa bowl. hehe.

Tiningnan ko ang relo ko. 8:45 AM na pala. I only have 15 minutes. Kahit im posible, umasa pa rin akong di ako mali-late. Sa pagmamadali nga eh, nag-splash yong naapakn kong tubig-baha at nabasa ang taong naghihintay ng dyip sa tabi. Kumaripas agad ako ng takbo at baka gumanti sya at paliguan ako. hehe.

May kamalasan na naman sa dyip. Di naman tumutulo yong bubong. Umuusok nga lang sa loob. Parang nasa loob ang tambutso. Pesteng buhay to oh! Gusto yata ng drayber na to na mamatay ang mga pasahero nya due to suffocation. Binuksan ko na lang ang walkman phone ko at nag-play ng kanta. The song was so timely. Guess what. Tama ka! “Umbrella” nga. Nang-aasar yata tong kanta tong eh. hehe

Mali-late pa rin ako kahit na mag-taxi kaya nag-dyip na lang ako.  Ayoko ko nang mag-pretend na nasa Amazing Race ako. Kahapon lang kasi eh kumaripas kami ng takbo ng opismeyt ko from ground to third floor. Sinwerte naman at 9:00 AM kami naka-swipe. Ngayon, 9:10 sa estimate ko.

May dalang payong ang nakatabi ko sa dyip. Parang constant reminder to ah! Pootah. Bat kasi ang tamad kong bumili ng payong.

Parang nag-shoot up ang blood pressure ko sa 200/150. Soaking wet na kasi ako pagdating sa opis. Para kong basang sisiw. Haayyy, kelangan ko na talagang bumili ng payong. Yong family size. hehe

Advertisements
Explore posts in the same categories: bad trip, beero's life, pagod syndrome, personal, roadrunner, selling the drama, shitty moment, ulan, Umbrella lyrics

7 Comments on “Umbrella..ella..eh..eh”

  1. Geisha Says:

    sa lahat ng law of nature ang gusto kong kalabanin ay ang ulan… ayoko talaga ng ulan… i hate going out on the streets na mababasa paa ko lalo na pag may putik! ewww… di naman ako nag-iinarte dahil laki ako sa boondok pero hassle lang talaga sya!

    mag kapote ka na lang..hehehhehe 😀

    beero @geisha: hehe 😆 nakakabwisit talaga ang ulan. dyahe lang kasing lumabas at pumasok sa opis. pero ok lang sa kin kung umulan ng pera. ako siguro ang pinakaunanag lalabas ng bahay. lols! haha 😆 hindi ako gumagamit ng kapote pag umuulan. sa ibang bagay ko ginagamit yan. haha 😆

  2. leylander Says:

    bumili ka na ng umbrella…ella…ella…ella

    beero @leylander: di muna siguro umbrella uunahin ko. i need a new cellphone. it’s confirmed, i lost it. hehe 😆 hayyy…pag umatake talaga ang katangahan at kamalasan siguradong masama ang mangyayari 😦

  3. Geisha Says:

    landi mo talag! hahahahha 😆

    thus said, i wished uulan ng nota later sa lunch break ko!

    beero @geisha: haha 😆 wag kang ganyan. wholesome tong blog ko. ahehe 😆

  4. leylander Says:

    hahaha. kayasa. si juan to ang igat bai. hahaha

    beero @leylander: haha 😆 hanggang dito ba naman eh pinag-uusapan pa rin ang kalandian ni juan 😎

  5. camilleeee Says:

    kaya din tamad ako mag update ng blog. hehe. sarap matulog pag naulan eh 😉

    beero @camilleee: haha 😆 napansin ko nga. hehe 😎 but i can’t blame you. masarap kasing magbuhay-baboy pag umuulan.

  6. camilleeee Says:

    susme wag naman baboy, haha feel ko tuloy pagulong gulong lang ako nun sa may ebaks eh 😆

    beero @camilleee: haha 😆 kain-tulog ang ibig kong sabihin. di naman yong pagulong-gulong sa ebak. lols! maulan din ba dyan sa nyo?


  7. mag surfing ka nalng…asteeg pa landing mo sa opis nyo ..bonggang bongga! hahaha!

    beero @randomdemeanor: haha 😆 di pa naman ako nababaliw nang tuluyan. lols! pero astig nga yan. pero mas ok siguro kung kasama kita sa pagsu-surf sa baha. bwahaha 😎


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: