Happy Beerday!

Lumipas din sa wakas ang bertdey ko! Di ko na talaga napigilan kaya 23 na talaga ako ngayon.

Growing old is inevitable kaya tinaggap ko na lang ang katotohanang  di na ko tinedyer. hehe. Ang di ko lang matanggap eh di man lang nadagadagan ng kahit isang pulgada ang… height ko. Nakaka-frustrate na talaga to! hehe.

Nag-enjoy ko naman ang bertdey ko kahit papano. Naging advance pa nga ang selebrasyon dahil nag-night out kami ng opismeyts ko nung Friday night. Sa Outpost kami naki-party kasi tutugtog dun ang banda ng opismeyt kong si Marche. Akala ko sa barangay outpost kami magi-inuman kaya lumampas ako sa venue. hehe. Naki-head bang kami sa mga banda hanggang madaling-araw. At syempre, di nawala sa selebrasyon ang peyborit kong beer. Colt 45 naman ang binanatan namin para maiba naman.

Ang saya talaga pag kasama mo ang mga kaibigan mo sa bertdey mo. May sumasabay sa mamais at makeso mong jokes. May nagpapatawa sayo na parang baliw. At may sasabay sayo pag may amats ka na.

Maraming salamat nga pala kina Lost, Yuie, Marche, Raf, at Biatch. Sila ang mga nakasama ko nung gabing yon. You made my birthday complete. hehe. Thanks for the fun on the eve of my 23rd birthday!

 dsc00125.jpg

Pagbangon ko nung Sabado ng hapon eh sinapian ako ng good spirit at naisipan kong pumunta sa simbahan. Nagtirik ako ng limang kandila sa Sto. Niño Church para tuparin ni God ang wishlist ko. Ngayon ko lang na-realize na dapat sampu ang tinirik ko dahil sampu rin ang nasa wishlist. Ibig sabihin lima lang ang matutupad. hehe.

Di na ko naghanda kasi tinamad ako. Gastos din yon kung tutuusin. hehe. Kaya pagkatapos kong magsimba eh dumiretso na lang ako sa SM para magpalamig at tsumibog.

Nilibre ko na lang ang sarili ko sa KFC. Parang bertdey ko na rin kasi ang daming tao at ang daming pagkain. Kulang na lang ng cake, balloons at party hats at bertdey party na talaga ang dating. hehe. Gusto ko sanang maglibot at lumapit sa bawat lamesa at sabihing “Thank you so much for coming. Just eat everything you want. Have fun!”

Bago pa ko mawala nang tuluyan sa sarili ko, inumpisahan ko nang lapain ang in-order kong one-piece chicken, mushroom soup, at fries.

dsc00132.jpg

Nabusog naman ako sa kinain ko. Halos sumabog nga bituka ko! hehe. Ang lungkot nga lang kasi wala man lang akong ka-kwentuhan habang kumakain. Pero ganun talaga, may mga gusto kang makasama pero di mo mailibre dahil kapos ka sa pera. hehe.

Ganunpaman, gusto kong pasalamatan ang mga kaibigan kong bumati sa kin kahit di ko nailibre…

Mga opismeyts ko: Lost, Nickname, Jorge, Yuie, Marche, Leylan, Nash, Yam, Zhyne, at Cel.

Mga friends ko sa WordPress: Random, Jeckass, Geisha, at Camilleeee

Mga friends ko sa Friendster: Ichieko at Peter na nagpost ng comment

Mga klasmeyts ko nun na may amnesia: Melanie at Sarena na ni-remind ko pa na bertdey ko

Mga kaibigan ko pag unli: Claricel at Don

Thanks din sa bespren kong si Harry na di ko nakita sa loob ng 10 years. hehe. Kahit pano eh humabol at binati ako through a phone call. Ano kaya ang nakain nun? hehe. Once in a blue moon lang kasi magtext kasi busy sa nursing school.

Mula sa kaibuturan ng aking puso, pinasasalamatan ko kayong lahat!… 😆

 

Advertisements
Explore posts in the same categories: beero's bertdey, birthday, booze, dine out story, friendship, gimik

7 Comments on “Happy Beerday!”

  1. Geisha Says:

    ayyyy….
    sana anjan ako para damayan ka sa beerday mo! 🙂
    at talaga naman! colt 45 pa talaga! 😆

    its my pleasure knowing someone so true like you! you deserve the best!

    kisses from geisha diaries 🙂

    mabuhay ka!

    beero: @geisha hehe 😆 oo nga eh. para ikaw yong nagpainom sa min. hehe. palusot lang yong sinabi kong para maiba naman. ang totoo eh mas mura ang colt 45. kahit pano eh nagtitipid din ang mga lasenggo. lols!

    thanks! nakaka-touch naman yon! hehe

  2. Jeckass Says:

    huwaw. napasama pa me. hehehehe
    ang sarap nung kfc, sana tinawag mo ako para makikain at makipagkwentuhan. hehe
    mabuhay ang mga piscean! talented talaga tayo. niyahahahaha!

    syempre. nag-post ka ng greetings kaya kasama ka sa nominees. lols! haha 😆 ang layo nyo kasi. buti kung andyan pa ko sa cavite. hehe. 😆 mabuhay ang mga topaking piscean! sige agree na rin akong talented tayo. woohooo!

  3. camilleeee Says:

    wui! alang anuman. nice to know u really enjoyed ur beer day.

    hehe, ilang colt ba ang naitumba mo? 😉

    waaaa ang prens prays.. kumakaway kaway o!

    thanks! enjoy naman kahit pano…hehe 😆 2 sets lang siguro. nabitin nga kami eh. may exam pa kasi kinabukasan yong isa naming kasama. gusto mo ng prens prays? hehe 😆

  4. camilleeee Says:

    nga pla, kaka birtdey mo na din lang, add kita sa link ko ha. sana ok lang. 😉

    tnx.

    haha 😆 ang ganda ng segue ah. lols! sure, my pleasure. in-add na nga rin kita sa blogroll ko eh.

  5. camilleeee Says:

    lol: ay nahalata mo din?! haha salamat ulet.

    beero: @camilleee di naman masyado. hehe 😆 you’re most welcome.

  6. Lost Says:

    You’re welcome! Tagay na naman next time dude. Lapit na sweldo, hehehe

    hehe 😆 sure…pag-iipunan ko yan! wala nang bitinan ha! nagkaka-LBM kasi ako pag nabibitin. ngeekkks! 😆

  7. leylander Says:

    LBM! LOL

    beero: @leylander waahhhh…kaya pala na-spam tong comment mo. masyadong mahaba! haha 😆


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: