Archive for March 2008

A Picture Paints a Thousand Words

March 31, 2008

Naniniwala ba kayong a picture paints a thousand words? Kung hindi, maniniwala na kayo ngayon dahil sa post na to. Iku-convince ko kayo! LOL.

This is actually a tag from Nickname. Napapansin  kong nakahiligan na ng mokong na to na i-tag ako. Akala siguro nya eh ang daling gumawa ng tag. Pero tenks na rin!

This tag would show pictures that reflect my personality, or if not, give meaning to the things that I value. Sa pamamagitan ng mga piktyur na to eh mas makikilala nyo ko (parang celebrity kung magsalita!)

Here’s how it works:
a. Go to http://www.photobucket.com/
b. Type in your answer to the question in the “search” box.
c. Use only the first page. (ambot unsa ni.)
d. Insert the picture into your Blog.

1. What is your current relationship status?

single.jpg

Masakit mang sabihin pero ako ay single. Di naman ako mukhang halimaw para katakutan. Di pa lang siguro dumadating yung para sa kin.

2. What is your current mood?

happy2.jpg

Wala ako sa mood. LOL. Masaya naman ako kahit pano. Masaya akong nakakakain ako araw-araw. Be happy even if others are not. Be happy even if others cannot. Be happy even if others will not.

3. Who is your favorite band/artist?

the-calling.jpg ne-yo.jpg
I love RnB and Alternative. Kung ilalagay ko dito lahat ng pictures ng peyborit kong artists eh baka umagahin ako sa paga-upload. Kaya isa na lang sa bawat music genre.

4. What is your favorite movie?

 empireofthesun.jpg

Parang ala din akong peyborit movie. Di ko kasi maintindihan ang mga pinapanood ko. LOL. Pero naantig ang puso ko sa Empire of the Sun. Two thumbs up! Panoorin nyo at di kayo magsisisi. hehe.

5. What kind of pet do you have?
puppy.gif

Eh di yong pet ko! LOL. ok kayong mag-isip ng masama. Peyborit ko ang bird ko kasi pwede ko syang himas-himasin at paglaruan pag nabo-bored ako. Seriously, di na ko nag-alaga ng pet since mamatay ang tuta kong si Rambo nun sa Cavite.

6. Where do you live?

tagaytay.jpg sanjuanicobridge.jpg macarthurshrine.jpg

Sa mga naniniwalang sa bangketa ako nakitara o sa ilalim ng tulay, nagkakamali kayo. Dahil almost paradise ang tinitirhan ko. Sa Cavite kami nakatira nun kaya malapit kami sa Tagaytay. Pero ngayon sa Leyte na ako nakatira kaya malapit ako sa San Juanico Bridge at McArthur Shrine. Sino gustong mag-tour sa Leyte? Libre ko kayo ng mineral water.

7. Where do you work?

office.jpg

 

I work in an office. Not that big and spacious but enough to be called an office. hehe. Wag nyo nang itanong kung anong ginagawa ko. Confidential eh. hehe 

 

8. What do you look like?

star.gif

I look like a star! (mabubungal ang aangal). My mom used to tell me that. Of course, totoo yan. Di sinungaling ang ermat ko eh.

9. What do you drive?

bike.jpg

Drive ba kamo? Ano pa eh di sex drive! ahehe. Seriously, bike lang dina-drive ko.

10. What did you do last night?

tv.jpg

Malungkot ang mga gabi ko. Walang pumapawi sa aking kalungkutan. haha. Kaya binubuhos ko na lang ang oras sa panonood ng TV at pagtitext.

11. What is your favorite TV show?

survivor.jpg

I love reality shows. Gusto ko ang SURVIVOR kasi sa lahat ng reality shows, dito talaga naghihirap ang mga contestants. hehe. Like them, I’m also striving  to be a survivor. hehe

12. Describe yourself.

sports.jpg

I’ve got the balls! LOL.  Di ako bolero at lalong di ako mukhang bola. Mahilig lang akong maglaro (ng apoy?) lols. I’m into sports. Marami pa kong gustong laruin.

13. What are you doing today?

computer.jpg

Yan ang ginagawa ko during weekdays. Makikipagtitigan maghapon sa kompyuter at pindutin ng pindutin ang keyboard. Isn’t it boring?

14. What is your name?

lex.jpg

Yes. That’s my screen name! LOL.

15. What is your favorite candy?

snickers.jpg

Snickers lang naman. Chocolate “candy” naman siguro yan. Gusto nyo?

Ita-tag ko rin sina:

Wei Vines

Watusiboy

Gasti

 

Homecoming

March 26, 2008

Nag-enjoy ako nung Holy Week. Di dahil sa patay sa Papa Jesus. Yun eh dahil nakauwi ako sa min kahit ilang oras lang. More than two days naman kung talagang bibilangin ko. Bitin yon kung tutuusin kasi parang namasyal lang ako dun. Parang ginawa ko lang kusina na pagkatapos kong kumain eh bumalik agad sa sala at nanood ng TV.

Pero dahil na rin sa pamilya, mga kaibigan, at kamag-anak ko eh naging worthwhile naman ang bakasyon ko. Yes. Gusto ko lang linawin na ang “homecoming” ay tumutukoy sa bakasyon ko sa amin at di sa katagang malaswa. lolz!

Excited talaga ako pag umuuwi. Kahit medyo tahimik sa lugar namin eh nasasabik pa rin akong balik-balikan. There’s no place like home ika nga.

Biyernes Santo na ko dumating. Naging penitensya sa kin ang pagbiyahe at di maayos na tulog sa barko at van. May nadaanaan akong prusisyon sa kalsada. Yong nagdadasal habang naglalakad at may hinihintuang istasyon. Di istasyon ng pulis o bus. Yong stations of the cross na ginagawa tuwing holy week. Ni minsan eh di pa ko nakasama sa ganung prusisyon.

Sa kalsada pa lang eh ang dami ko nang nadaanang mga kaibigan. Ganun din ang buhay ko nung tambay pa ko. Lagi akong laman ng kalsada at umuuwi lang ako pag kainan na. Binati nila ako agad. Nakakataba talaga ng puso ang simpleng ngiti at pagwelkam ng mga tao sayo. Yong para bang masaya silang makita ako at bumalik sa lugar namin. Feeling ko tuloy eh isa akong artista at may red carpet sa unahan ng kalsada. Akala ko rin eh may courtesy ako kinabukasan sa munisipyo. lols.

Tumakbo agad ako papasok sa bahay pagkababa ko sa motorsiklo. Gusto ko ngang mag-slow mo nun para ma-emphasize ang emosyon. Pero sa tootong buhay to at di pelikula kaya ilang hakbang lang eh nasa loob ko ng bahay. Sobrang na-miss ko ang apat na sulok ng bahay namin. Nandun ang mga kuya ko at isa kong pamangkin. Kwentuhan agad at walang puknat na kulitan. Nasa bahay na ko pagdating ng erpat at ermat ko.

Kahit kulang pa ko sa tulog eh sinuyod ko agad ang buong barangay. Wala namang pagbabago sa amin. Same old people and same old faces. May napansin lang ako sa mga kabataan dun. Akala ko kasi may dumapong epidemya dun at nagkasakit ang mga binatilyo at dalagita. Malalim kasi ang mga mata na parang naratay sa ospital ng ilang buwan. Yon pala eh nagiemo-emohan ang mga kumag at naglalagay ng uling sa gilid ng mga mata. Pati ba naman mga kuko eh kinulayan na rin ng itim.

Paboritong laro sa min ang volleyball pag summer. Kaya pinuntahan ko din ang court sa min at nakipagpustahan agad. Kaya nga yong iba eh ginagawa ng hanap-buhay ang paglalaro ng volleyball. Na-shock nga lang ako kasi ang dating kino-coach ko lang dati eh parang kasing-galing ko na ngayon. hehe. Nakaka-disappoint din kasi 4 out of 10 na lang ang pumapasok sa spikes ko. Dati kasi magkasing-galing kami ni Edjet Mabbadayad, ang spiker ng FEU. hehe. Halos mabali din ang mga daliri pag nago-overhand set ako. Ang mas masaklap pa eh dalawang dangkal na lang siguro ang talon ko. Isang taon na rin akong di nakakapaglaro kaya kinabukasan eh parang galing pa lang ako sa hazing.

Di rin kumpleto ang bakasyon ko pag di ako maligo sa dagat. Naligo kami ng mga pinsan ko nung Black Saturday. Ilang oras din kaming nagbabad at nagbilad sa araw. Di ko naman gustong magmukha akong kapre kaya umahon kami nung mag alas-dos.

Time passed by so fast. Gusto ko mang mag-extend ng bakasyon eh di pwede. Kaya bumiyahe ako pabalik sa Cebu nung Easter Sunday. Bumalik ako sa Cebu na di man lang ako nalasing sa min. Ang dami pang nakikipag-inuman sa kin na di ko napagbigyan. Pero mabuti nga yon kasi baka wala nang natira sa pera ko. lolz!

Haayy, ewan ko ba pero sa tuwing umuuwi ako eh nawawalan ako ng ganang bumalik. Pero ganun talaga, kelangan kong masanay nang ganito. Homesick talaga ang pinakamatindi kong kalaban. Hanggang sa susunod kong pag-uwi… I just don’t know when!
 

Please Don’t Ask Me

March 25, 2008

I’m back! I’ve been out of the blogosphere for quite a long time. Here’s my come-back post…a tag! lols!

Pagkatapos ng mahaba kong bakasyon nung Holy Week eh itong tag ni Nickname ang sumalubong sa kin. Bwisit! Kulang pa nga ako sa tulog eh ang dami ko pang dapat sagutan.

Rulez: Use the first letter of your name to answer each of the following.Your answers have to be real places, names, and things. Nothing made up! Use different answers if the person who answered the survey before you had the same initial letter. You can’t use your name for the boy/girl name question.

Your name
My real name starts with letter “F”. But I’ll have troubles using it so I’ll use “L” the first letter of one of my nicknames (aside from the ever-common Jun-Jun), LEX. Parang obvious na masyado kung ano tunay kong pangalan. ahehe.

Four words
Let’s Live Long Lives! LOL

State/country                                                                                                                                                                  LONDON. I can’t get enough of London. Gusto kong makita kung pano magfall-down ang London Bridge.

Boy name                                                                                                                                                                                   LIAM. Wala lang. Naalala ko lang yong isa sa mga paborito kong pelikula – Schindler’s List. (Eh, ano konek?) Si Liam Neeson kasi bida dun eh. Naalala ko rin yong pangalan ng anak ng bespren ko sa Cavite.

Girl name                                                                                                                                                                          LOOKAH. Ang gandang pakinggan! Parang matinong-matino ang babaeng may ganyang pangalan!

Occupation                                                                                                                                                                              LAWYER. Bilib ako sa mga abogado. Magaling kasi silang magsinungaling at gumawa ng mga kwento. lols!

Word that describes you the best                                                                                                                           LIKABLE. Di ako nagsisinungaling! Try me! Magi-enjoy ka! You’ll keep coming back for more! lols!

Something you can wear
LARGE BRIEF. Wala akong ibang maisip. Sorry! 

Something found in a kitchen
LAVATORY. Yan yong taga-salo ng suka pag nalalasing ako. hehe.

Name one object that is so valuable to you                                                                                                                                                                                    LIBRO. Magpaka-bookworm ba! Seriously, importante sa kin ang libro. Kasi libro raw ang unan ko nung sanggol pa ko. Wag na kayong magtaka kung bat ganito ako katalino. 😆 Kaya pala mahilig din akong magbasa. In fact, nagbabasa ako ng The Da Vinci Code ngayon. See? Napakahilig ko talagang magbasa! haha 😆

Something you shout                                                                                                                                                                          LEAVE ME ALONE! – Para sa ex kong hanggang ngayon eh nagkakandarapang makipagbalikan sa kin matapos nya kong pagtaksilan. ahehe. (Ang maniwala uto-uto)

Something you do at school                                                                                                                                                                        LEARN. Did I say it? hehe. Nahirapan kasi akong isakatuparan yan eh. Lalo na sa Algebra at Statistics.

Name of a friend/schoolmate                                                                                                                                                 LARRY, LINA, – mga klasmeyt ko nung college. 
 

Name of an animal
LION. Yong animal na bida sa FINDING NEMO! lols!

Name of a drink
LEMONADE. Yong tinitimpla ng ermat ko nun pag may ubo ako.

Name of a holiday
LABOR DAY. Holiday para sa mga magli-labor. Dapat lang merong ganitong holiday. Mahirap raw kasing umere at magsilang ng saggol.

Name of a subject in school
LITERATURE. Halos di na ko matulog nun sa kaka-memorize ng Mi Ultimo Adios! Pahirap na Rizal to! lols!

Name of a cousin
LYKA. Di yong karakter sa isang teleserye. Wala akong pinsang LOBO. lols!

Name of a fast food chain
LONG JOHN SILVER’s, a fast-food restaurant in US that specializes in seafood and fish and chips. It is named after the fictional pirate Long John Silver from the Robert Louis Stevenson book Treasure Island. May trivia pa yan! Tenks Wikipedia!

Name of a person you’re crushing or had a crush on
LOVELY. Klasmeyt ko nung elementary sa Cavite. Bat ako nagka-crush? Kasi lovely nga sya!

Name of a food you like
LASAGNA. Para kasing di pa ko nakakain nyan eh. hehe

Name of a food you do not like
LOBSTER. I think allergic na rin ako sa lobster. Allergic na kasi ako sa hipon, sugpo, at alimango. At isa pa, allergic din ang bulsa ko dyan.

Name of a kid’s toy
LEGO, a line of building toys manufactured by the Lego Group, a privately held company based in Denmark. Ang galing talaga ng Wikipedia!
Name of a flowering plant
LAVENDER. Di pa siguro ako nakakita nyan. Gumamela lang nasa garden namin eh.

Name of a shopping mall
LAKEWOOD CENTER sa Lakewood, California. Dun ako madalas mag-shopping! Echus..

Name of a person you like
LOZADA. Matapang kasi sya at di takot mamatay! Hanga ako sa mga taong may paninindigan at kakampi ng sambayanan! lols!

Name of a person you dislike
LORIA. That’s GLORIA without a “G”. haha! Pandak, may nunal sa mukha, nakausli ang ngipin, at maliit kasi ang binti nya. Pero di yan ang dahilan kung bat ayoko sa kanya. Sabi raw kasi dati ni Diosdado Macapagal kay PGMA “Ang taong sinungaling eh tutubuan ng malaking nunal sa mukha, uusli ang ngipin, liliit ang binti, at magiging pandak.” Ibig sabihin sinungaling si Gloria! Kaya ayoko sa kanya!

Name of place in your school
LIBRARY. Napadpad naman ako dun nung mag-thesis kami. Dun din ako madalas pumunta pag gusto kong magpalamig. 

Name of an object in front of you
LAMESA. Computer table, I mean. Araw-araw kong kaharap yan.

Tapos na pala. Nakakabitin naman to! hehe. I thought marami pa. Akala ko kasi wala nang katapusan to. Napagod din ako sa kasi-search sa Wikipedia. Pero okay lang kasi matagal-tagal din naman akong di nakapag-post. Eto ang come-back post ko kumbaga. Kumusta naman yon?

Wala na kong maita-tag. Kaya dito na nagtatapos ang pahirap na to…

The Search for Beero’s Next Phone Model

March 13, 2008

I posted the lost of Clamshell, the phone that I was using for three months, days ago. I guess it’s time for me to let go of “her” and grab another phone although I know that no other phone can ever equal “her”.

Malapit na kasi ang Holy Week. That means malapit na rin akong umuwi sa min. And I can never show up without a phone. Or else I’ll be deaf after my mom’s hour-long homily.

My mom even called me last night. Nagtataka na sila kung bat ilang araw na kong di nagtitext at tumatawag para man lang kumustahin sila. Akala siguro nila eh napikot na ko o di kaya eh humabol sa American Idol Season 7. ahehe.

Kahit kapos ako sa pera ngayon (as usual) eh mapipilitan akong bumili ng bagong phone. The problem is that I can’t afford to buy a round-trip ticket then. Bahala na! Mataas naman ang credit rating ko dahil kaya kong bayaran ang P1000 kong utang sa loob ng isang taon. Oh ayan, may ideya na kayo kung gaano ako kabilis makabayad ng utang.

Naglibot-libot na ko sa shops kagabi. Naghanap ako ng phones na swak sa budget at di halatang 5k plus lang ang presyo. Pagkatapos ng matagal kong paglilibot, eto ang cellphones na pasok sa listahan ko. Here are the finalists for The Search for Beero’s Next Phone Model!

w200i.jpg   e250.jpg   nokia-3110.jpg

      Sony Ericsson W200              Samsung E250                        Nokia 3110

More or less kapareho ni Clamshell ang SE W2oo kasi walkman phone din. Pero VGA lang ang camera nya at walang Bluetooth.  OK naman ang camera kaya lang mahal ang memory stick. Sanay na kong gumamit ng Sony Ericsson phones. Dalawang Sony Ericsson na ang nabili ko kaya marami ang nag-suggest sa kin na mag-switch naman ako sa ibang brand. Kaya yan, tatlo pinagpipilian ko ngayon.

Na-test ko na rin ang Samsung E250. VGA din ang camera pero OK ang picture at video quality. Tun-off nga lang kasi malaki text ng phone. Parang exclusive for senior citizens and people with eye defects. Another thing, walang USB cable na kasama sa phone kit.

Pasok din sa budget ko ang Nokia 3110. Kaya lang may opismeyt akong ganyan din ang phone. Baka magkapalit pa kami. lols!

Have you tried using these phones? If yes, konting tulong naman. I just wanna make sure na de-kalidad din ang ipapalit ko kay Clamshell. Di naman sa mamahalin, yon bang komportable ka pag ginagamit mo at pang-matagalan. ahehe.

Sino sa tingin nyo ang deserving na pumalit kay Clamshell at maging “The Next Beero’s Phone Model”. Please send your votes now. To text, just key in SEARCH <space> PHONE MODEL then send to 2666 or you may log on to this site.

Spread Out The Virus

March 13, 2008

A tag from RandomDemeanor        

Thanks! Eto ang una kong tag. Ang swerte mo! LOL 😆                   

The Instruction Cut and paste the following starting here.    

                                     tagged_1.jpg                            

(Di ko rin alam kung pano ilagay ang piktyur alongside with the text kaya sa center na lang. lols)  

I have randomly selected 5 of you below to be tagged and I hope that you will similarly publish this post in your blog. You will have to tag 5 other bloggers and just keep adding on to the list. (Do not replace, just keep on adding! Yes we hope it will be a long list!)

It’s real easy! Tag others and see your Technorati Authority increase exponentially! The benefits of Viral Linking:
– One of the fastest ways to see your technorati authority explode!
– Increase your Google PageRank fast
– Attract large volume of new traffic to your site
– Build your community
– Make new friends!

The Strategist Notebook Link Addiction Ardour of the Heart When Life Becomes a BookThe Malaysian Life Yogatta.com What goes under the sun Roshidan Cyber Station Sasha says Arts of Physics And the legend lives My View, My Life A Simple Life Juliana RW The Callalily Space Petra Summer in Blue The Pipeline Fixation Jaylance Journal My Restless Feet Soloflight Ed Fil-Oz Rants and Ramblings More on Health Around d’ World What A World Ako si Fau! Jgsmart’s Geisha (gay’sya) Diaries RandomDemeanor! Propesyonal Tambay Beero

Spread the Virus…

Nickname, Lost, Leylander, Jorge, Zeemerblock

Goodbye…

March 10, 2008

I don’t wanna lose you but you strayed. I am helpless. I can’t find a way to get you back. I admit my fault. You can put the blame on me. But believe me when I say that I didn’t mean to lose you.

You caught my attention when I first saw you. You look awesome and attractive in black. I’ve been wanting to touch and hold you since that day. I wanted to look at you every now and then.

I did everything for you to be mine. I really wanted to bring you home. You just don’t know how glad I was when I finally held you in my arms. That moment is very unforgettable that I can even recall it vividly.

Nothing and nobody would ever equal the days and nights that we shared together. You’ve been a very good companion ’cause I never heard any complaint from you. I apologize for the times when I pressed you so hard and when I took you home so late. And sorry for the times when I overused you…

Your voice was soothing as you sing softly on my ear. That was the sweetest lullaby I ever heard before I fall asleep. I can’t forget the nights when you lie next to me. I would never forget the sensation that I get when your smooth skin touches mine. I can’t imagine my nights without you. I can hardly sleep without you by my side. I’m haunted.

It would be so hard for me to wake up every morning. You were the one who greets me with your gentle voice. I used to hold you as soon as I open my eyes. You were then waiting for me to touch you so you would stop.

You made me feel that I’m the most handsome guy on Earth ’cause you can’t get enough of me. You’ve been taking my pictures anytime, everywhere.  I was then your favorite subject despite of my not-so-handsome face.

You told me everything that I wanna know and helped me communicate with the people I love the most. And yet you didn’t get envious and jealous even if they stole my time for you. I appreciate that. Really.

Now, tell me. How can I ever forget you? You left me all alone. Nobody and nothing would ever complete this emptiness in me.

I was praying that you would come back. Unfortunately, you didn’t. It has been two days since you left. I don’t know where to find you. I don’t have an idea if you’d still be in my arms. I don’t know if I could ever get hold of you once again. What’s worse is that it would be so tough for me to replace you…

I know that God takes something away if He has something better to give. But I don’t want to replace you as much as possible. You satisfied me. I can never ask for anything better than you!

w300i.jpg

Goodbye…Clamshell!

Umbrella..ella..eh..eh

March 7, 2008

I hate the world today! I’ve been through hell dahil sa ulan! And it really sucks!

Di naging maganda simula ng araw ko dahil sa pesteng ulan na bumati sa kin pagkagising ko. I hate rainy days. Di baleng masunog ako sa sikat ng araw basta’t di lang ako malunod sa ulan. Nakakatamad talagang pumasok sa opis pag umuulan. Pero wala naman akong ibang choice. Sayang din ang datung kung di ako magtrabaho.

Di agad ako nakaalis sa boarding house dahil sa lintyak na pag-ulan ng pusa’t aso. Arrgh! Narealize ko tuloy ang kahalagahan ng payong. Rihanna pwede ka ng bumirit! Pasok…

[Rihanna enters] (Magmadali ka nga!)

When the sun shines
We’ll shine together
Told you I’ll be here forever
Said I’ll always be your friend
Took an oath
I’mma stick it out ’till the end
Now that it’s raining more than ever
Know that we still have each other
You can stand under my Umbrella
You can stand under my Umbrella
(Ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(ella ella eh eh eh eh eh eh)

[Rihanna exits] (Makakaalis ka na! Extra ka lang dito)

Di ko maisip kung pano ko susuungin ang tumatagaktak na ulan. Bwiset…set…set…set. May echo pa yan para may emphasis. Ilang beses na kong nagpabalik-balik sa bodega este kwarto pala para maghanap ng payong. Napagkamalan ko nang bodega ang kwarto namin dahil sa dami ng nakasampay na pantalon, t-shirt at brief. Pwede na nga kong mag ukay-ukay business. Sheeet! Naunahan pala ko ng pinsan ko sa payong.

Helpless na talaga ko kaya hinalukay ko ang cabinet namin at naghanap ng sombrero. Eureka! May nakita akong nabubulok na sombrero. Hang Ten naman ang tatak kaya sinuot ko na rin. Sinuot ko rin ang denim jacket kong dalawang linggo ko na sigurong di nilalabhan. Iniiwan ko kasi sa opis ang isa kong jacket. Japorms na ko sa suot kong shirt, shorts, tsinelas, sombrero, at jacket. Ganyan porma ko pag umuulan. hehe. Dahil ready na, sinalubong ko ang rumaragasang ulan at nagtatakbo sa kalsada na parang hinahabol ng kidnappers.

May naghihintay na traysikel pagdating ko sa kanto kaya sumakay agad ako. To my surprise, umuulan din  sa loob ng traysikel. What the fuck! Parang shower ang tulo. Kung alam ko lang na mababasa din ako, naglakad na lang sana ako. hehe.

Lalong tumindi ang kamalasan. Bumaha sa may babaan. Pwede na nga sigurong mag-jetski. Dapat nagdala na rin ako ng surfboard (as if meron). Lumusong ako kahit alam kong marumi ang tubig. Di ako likas na ma-arte pero narumihan talaga ako. Sa palagay ko kasi eh pinaghalong ihi ng tao at hayop ang baha.

Iba na talaga ngayon. Dati kasi gusto kong bumaha para walang pasok. Ang saya ding maligo sa ulan na hubo’t hubad. Pero ngayon, naiirita na ko sa tubig-ulan. Ginagawa ko na lang na pambuhos sa bowl. hehe.

Tiningnan ko ang relo ko. 8:45 AM na pala. I only have 15 minutes. Kahit im posible, umasa pa rin akong di ako mali-late. Sa pagmamadali nga eh, nag-splash yong naapakn kong tubig-baha at nabasa ang taong naghihintay ng dyip sa tabi. Kumaripas agad ako ng takbo at baka gumanti sya at paliguan ako. hehe.

May kamalasan na naman sa dyip. Di naman tumutulo yong bubong. Umuusok nga lang sa loob. Parang nasa loob ang tambutso. Pesteng buhay to oh! Gusto yata ng drayber na to na mamatay ang mga pasahero nya due to suffocation. Binuksan ko na lang ang walkman phone ko at nag-play ng kanta. The song was so timely. Guess what. Tama ka! “Umbrella” nga. Nang-aasar yata tong kanta tong eh. hehe

Mali-late pa rin ako kahit na mag-taxi kaya nag-dyip na lang ako.  Ayoko ko nang mag-pretend na nasa Amazing Race ako. Kahapon lang kasi eh kumaripas kami ng takbo ng opismeyt ko from ground to third floor. Sinwerte naman at 9:00 AM kami naka-swipe. Ngayon, 9:10 sa estimate ko.

May dalang payong ang nakatabi ko sa dyip. Parang constant reminder to ah! Pootah. Bat kasi ang tamad kong bumili ng payong.

Parang nag-shoot up ang blood pressure ko sa 200/150. Soaking wet na kasi ako pagdating sa opis. Para kong basang sisiw. Haayyy, kelangan ko na talagang bumili ng payong. Yong family size. hehe