Mi Deseo de Compleaños

 birthday-cake.jpg

6 hours, 41 minutes, and 23 seconds to go then I’ll be one year older and wiser.

Parang gusto ko tuloy kumanta ng…

♫♪♫It’s my birthday tonight
Just give me one more beer to make it right
I may be so drunk through the night
I won’t drink without you♫♪♫

Pamilyar ba? Wag na lang kayong kumontra at maki-kanta na lang kayo dahil bertdey ko naman bukas. Aahitin ko ang kilay ng magsasabing wala akong originality. Matalim pa naman ang Schick ko ngayon.

Masakit tanggaping tumatanda na talaga ako. Gusto ko kasing maging “forever young”. haha. Di nga pala ako sigurado kung magiging wiser nga ako. Hanggang ngayon kasi eh may pagka-immature pa rin ako. Di pa kasi ako lubos na matino kahit tumatanda na ko. Paurong siguro ako kung tumanda kaya ganon. Pero ngayong 23rd bertdey ko eh susubukan kong magpakatino kahit mahirap. Nakakahiya naman kung hanggang ngayon eh pang-kinder pa rin ang utak ko. Pero masaya na rin ako dahil nakaabot ako sa 23. Somehow totoo pala ang lumang linya sa mga pelikula: “Ang masamang damo ay matagal mamatay!”

Syempre ayoko pang matigok. Marami pa akong gustong ma-achieve habang tumatanda. May mga pangarap din akong nais abutin kahit sa panaginip lang pwedeng magkatotoo. Ilalagay ko dito para pati kayo eh ma-frustrate.

Di na bago sa kin ang bertdey na walang cake, ice cream, at spaghetti. Sheet! Di na ko bata para maghanda ng ganyan! Okay na sa kin yong beer at pulutan. Masaya na kong kasama ang barkada na mga hayok din sa beer. Ganyan talaga ang tunay na kaibigan, lalapit lang sayo kung may ipapa-inom kang beer.

Kahit di nagkakatotoo, may wish ako tuwing bertdey ko. Di ako selfish kaya di lang pansarili ang mga wish ko. Eto lang naman…

PARA SA BUONG MUNDO: world peace (patayin ang mga terorista)
PARA SA PILIPINAS: national development (patayin ang mga kurakot)

Marami din akong wish para sa pamilya ko. Bigyan lang sila ng long life at good health eh okay na sa kin. Wish ko na rin na sana ma-renovate na ang bahay namin na hanggang ngayon eh di pa natatapos. Gusto ko ring dumami ang mga pamangkin ko para marami na akong kakulitan. Gusto ko ring madagdagan ang pito kong inaanak para di talaga ako makalabas ng bahay sa pasko.

Sanay na rin akong walang bertdey gift. Mga grassroots, sa ibang salita, pulubi din kasi ang mga kaibigan ko. Kaya okay na sa kin ang simpleng bati ng “hapi bertdey” sabay talikod. Pero di ko maiwasang mag-expect ng regalo. Easy to please naman ako kaya isang bote lang ng beer eh masaya na ko. Di naman ako maluho at di ako naghahangad ng mamahaling regalo. Para di kayo mahirapan sa pagpili, bibigyan ko kayo ng ideya kung ano ang gusto kong matanggap;

1) Sports car yong red para di na ko malate sa work
2) house and lot sa tuktok ng Mt. Everest para walang mangapit-bahay
3) Mac Air so I can “Press the Word” ako every time and every day
4) iPhone dahil sobrang lab ko ang music
5) Oakley shades para dumilim ang paningin ko
6) Armani suit para magmukha akong tao
7) trip for two to Bahamas para makasama ko ang gustong sumama
8) Kodak C 153 o Canon PS 460 para gumanda ang apperance ko sa pics
9) Sony PSP para lagi akong may kalaro
10) Memory stick para sa king walkphone phone na 47 songs pa lang ang laman
 

Oh, di ako masyadong demanding di ba? Mabigyan lang ako kahit isa sa mga yan eh gugulong na ko sa bubog dahil sa tuwa. Gusto nyo kong i-challenge? Sige, bigyan nyo ko ng kahit isa sa mga yan! haha

Seriously, di naman ako mahilig sa materyal na mga bagay. Mas gusto ko pang magbilang ng bertdey greetings kesa magbukas ng mga regalo (eh wala naman talaga eh). Kaya bibilangin ko talaga bertdey greetings ko through Friendster, WordPress, Yahoo Mail, text, bertdey card, at face-to-face encounter.

Send your birthday greetings now para may special mention kayo sa king privilege/birthday speech…

Advertisements
Explore posts in the same categories: beero's bertdey, bertdey wishes, birthday

8 Comments on “Mi Deseo de Compleaños”


  1. tukneneng!!! talgang ako ang unang nagcomment ah (sana lng pagclick ko ng SAY IT, ako talga ang una..haha)..

    OA ka naman masyado weh…kung wlang magreregalo sau, eh di regaluhan mo ang sarili mo.
    kung walang magigreet, di greet mo sarili mo…ganun kasimple….

    pero syempre gi-greet kita parekoi!!! HAFFIII VERTDI!!!…magpakatino ka na KUYA!!! nyahaha…mas matanda ka sa kuya ko ng one year..kaya kuya din kita…o ha? san ka pa?..ahahaha

    maging masaya ka oi…

    wla sa regalo,greetings, at kung anik anik pa…NASA SA IYO YAN…
    kunwari, bukas, (meaning ngayon)…23 ka na, dapat may gusto kang marating…lugar man, posisyon sa kumpanya kahit anu…basta makapagbibigay ng SENSE of pulpelment sayo…ganu man yun kasimple…

    o ayan ah…may advice na ko sayo (with matching okray)….
    mahaba na comment ko..
    oh…san ka pa?…hahah

    HAPI BERTDAY ULIT….sana naman ay nasiyahan ka sa birthday greetings ko

    apir?APIR!!

  2. Geisha Says:

    oi kuyahhhh 🙂 ( may H pa talaga yan ha for further emotion) heheheh

    Happy birthday! i wish yuo good health, more welath and happiness…

    akala ko mas matanda ako sayo.. hindi pala… ako pala ang bunso! si randmo 28 na yan 😆 pero tama sya nasa sa ‘yo yun. di importante ang material na bagay sa mundo dahil pag matinik ay malalim. ang importante, anuman ang marating mo sa buhay marunogn kang lumingon sa pinanggalingan mo kasi hindi nakakapuwing yun. tsaka aanhin pa ang damo kung patay ka na di ba? hehehehe joke! smile naman jan bertday mo eh!

    actually realistic naman yung wishlist mo… parang gusto kitang regaluhan ng armani suit. hehehhe 🙂 kaya lang di ko alam ang shipping address mo… try ko lang.. pero walang promisorry note yan ha! hahahahah.. malay mo mag reply si Giorgo Armani sa mga email ko sa kanya 🙂

    happy bertday ulit kuya 🙂

  3. beer-O Says:

    Camillee – February 29, 2008

    at sino naman ang isasama mo sa ‘bahamas’?

    uuyyyy… hehe

    happy BEER day!

    beero: sori, i had to delete your original comment kasi nagkaproblema yong site. may error report utwing i0-open ko comments. i dunno what happened.

    sino ba isa-suggest mo?! yong mare mo?hehe

    tenks nga pala sa pagdaan para batiin ako…tenk yu beri mats!hehe

  4. beer-O Says:

    @randomdemeanor,

    u made it! ahehe 😆

    salamat sa suggestion. talagang ginawa ko mga yon. haha!

    haha 😆 tenks sa greetings. napasaya mo ko. haha. matino naman ako minsan pero kadalasan eh abno. pero susubukan kong magpakatino para sayo. lols! kuya ka jan! gusto mo ligawan kita! bwahaha 😎

    masaya naman ako dahil andyan ka. ikaw ang dahilan kung bat gusto kong harapin ang bukas. bwahaha 😆

    tenk yu 😆

  5. beer-O Says:

    @Geisha,

    iba naiisip ko pag may “hhh”. parang ungol! hehe 😆

    tenks sa makabagbag-damdaming bertedey greetings…

    hoy, wag kayong magpabata! alam nyo bang may gumagalang killer ng mga nagpapabata ng edad? lols! alam ko naman na ang di lumingon sa pinanggalingan ay di makakarating sa paroroonan dahil sa hinaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy…haha

    wag mo kong paasahin…sige, send ko sayo shipping address. hehe 😆

  6. Lost Says:

    Woi! HAppy Beer-O Day again! Hope u had fun celebrating you beer-day @ Outpost with us(ichel, biatch, raf and i). Lumampas ka pa sa venue, hehehe.. ayan tuloy nakapunta ka na saming Brgy “OUTPOST.” hehehehe…

    tenks Lost! i had fun with you guys! tenk yu kasi sinamahan nyo ko sa pagka-countdown! hehe 😆 same thing goes to Raf, Yuie, Marche, and Biatch. sayang nga lang at nabitin tayo.hehe. oo nga eh. malapit na ko nun sa Mt. View. haha. malay ko ba kung san ang Oupost. akala ko kasi Brgy. Outpost. nyahaha 😆

  7. Geisha Says:

    hindi ko ugali ang paasa…. susubukan lang ang sabi ko… ugali ng lalaki yung paasa (di ba clio lahat ng lalaki paasa?)!

    gusto mo ano na lang.. yung kuan na lang gift ko sa yo.. yung ano.. basta yun na yun.. hiya ako eh …*winks!

    haha 😆 at gusto mo pang kampihan ka ni clio. ngehehe 😆

    sige ituloy mo…wag mo kong bitinin. parang gusto ko yan. bwahaha 😆

  8. Jeckass Says:

    pre, belated happy birthday! siguro, hanggang ngayon naman may hangover ka pa rin..hehehe

    tenks, pre! wala na kong hangover. kaya lang ang sama pa rin ng tiyan ko ngayon. 😆 nakaka-LBM din pala ang beer. lols! di lang siguro ako sanay sa San Mig Light. mas gusto ng sikmura ko ang Red Horse. haha 😆


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: