K.K.K.

zte-nbn.jpg  

Nagsasawa na ko sa mga pangyayari ngayon sa pulitika. Di ko na alam kung kanino ako maniniwala at kung ano ang paniniwalaan ko…

Napanood ko ang paghaharap nina Ben Abalos at Jun Lozada nung Sabado. Di ko pinalampas ang pagkakataong marinig ang panig nila sa isyu ng ZTE scandal. Sa lahat siguro ng scandal eh ito ang pinagkaguluhan at pinagka-interesan ng mga tao. Sino ba naman ang di maiintriga kung ang sangkot sa masalimuot na scandal ay ang first couple at ang iba pang high-ranking government officials?

Mula nang lumantad si Jun Lozada a.k.a. Probinsyanong Intsik, lalong uminit ang isyu at unti-unting nagkagulo. Matagal nang binunyag ni Joey de Venecia ang anomalyang to. At ngayon, naungkat na naman ang isyu at lalo pang dumami ang sangkot sa anomalya.

Mas mainit pa sa kumukulong tubig ang naging diskusyon nina Lozada at Abalos. Parehong ayaw magpapigil at nanggigigil sa pagsagot. Di ko sinasabing nagsisinungaling si Abalos pero naniniwala ako kay Lozada (playing safe). Para sa kin, di biro ang ginagawa ni Lozada dahil nakasasalay dito ang buhay at integridad nya. Marami na ring naging biktima ng extrajudicial at political killings.

Nakatulugan ko ang panonood. Nalito ako sa umaatibakong bangayan ng dalawa kaya siguro inantok ako at nag-zonk out. Sawang-sawa na talaga ako sa mga burning issues ngayon. Nagiging boring issues na nga eh. Maraming tanong sa isipan ko na hanggang ngayon eh di pa rin masagot ng media contents na napapanood ko sa TV. Mahirap nga talagang hanapan ng sagot ang tanong kung ang sasagot ay isang dakilang sinungaling.

Lalo talagang lumalala ang kultura ng katiwalian. Patuloy tayong niloloko at ginagawang tanga ng mga taong tinitingala pa naman natin. Papayag lang ba tayong lustayin nila ang kaban ng bayan? Kahit kelan ay di iisipin ng mga ganid sa yaman at uhaw sa kapangyarihan ang kapakanan nating mga mahihirap. Di kasi nila alam kung gano tayo kasaya tuwing nakakapulot tayo ng piso sa kalye. Pero ayan sila at naghahangad ng limpak-limpak sa magiging kickback.

Minsan nga naiisip kong maki-rally sa mga aktibista gaya ng KMU at Bayan Muna. Gusto kong magsisigaw sa EDSA habang hawak ang isang megaphone. Astig din sigurong makipagbugbugan sa mga pulis na inutusang i-disperse ang mga tao sa rally. Gusto ko ring maranasang mabasa ng tubig at makipag-batuhan. Ayoko namang mag-rally mag-isa yan at baka mapagkamalan pa kong adik at sira-ulo (di nga ba?). Gusto ko ring magsulat ng article na babatikos sa katiwaliang to. Pero sa kasamaang-palad eh di naging sapat ang journalism subjects ko nung college kaya wala akong lakas ng loob maging journalist. Salamat na rin dahil di ako mahahanay sa mga biktima ng pamamaslang sa media practitioners. “Stop Killing Journalists!” (palusot na naman)

Di ko alam kung matatapos pa ang lahat ng to. Panahon na siguro para buksan natin ang ating mata at isipan at pagnilay-nilayan ang mga nangyayari ngayon. Buksan natin ang ating kamalayan at magising sa katotohanang tayo ay binabalot ng malaking kasinungalingan.

Kailanman man ay di matatakpan ng pagtaas ng halaga ng piso ang mas malaking problemang ating hihaharap sa ngayon. Di rin mawawala ang ating peroblema sa simpleng pagbaba bg presyo ng gasolina at LPG. Dahil ayon sa mala-protest song ng Bamboo,

“Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok, di matatapos itong gulo.”

Pagod na ko sa ganitong sistema. Ito ba ang bansang minsang pinaglaban ng magigiting nating mga bayani laban sa mga dayuhan? Ito ba ang bansang kalalakihan ng ating magiging mga anak? Isang bansang puno ng katiwalian at panggagantso. 

Ilang Poncio Pilatong kurakot pa ba ang ating iboboto? Sawa na ko sa bulok na pamamalakad ng mga kurakot. Kung sawa na rin kayo, maging makabagong K.K.K., Kalaban ng Kurakot Kultyur…
 

Advertisements
Explore posts in the same categories: hard news, news in Pinas, strictly politics, ZTE Scandal

16 Comments on “K.K.K.”

  1. lilmiz Says:

    nakakalungkot talaga 😦 sana umayos na sila lahat.. ASA pa tayo.. pero ano ba pwede gawin ng mga mamamayang tulad natin na wala namang kapangyarihan? kahit ilang rallies pa gawin, mukha wala din mangyayari

    😦 palagay ko di na nga mawawala ang katiwalian. siguro naman may magagawa tayo kahit pano. di ba’t tayo rin ang nagluklok sa kanila sa pwesto. mas mabuti siguro kung simulan natin ang pagbabago sa individual level! lolz! matuto tayong kumilatis ng mga pulitiko na magsisilbi ng tapat sa bayan. ang tanong, meron pa bang ganun? 😆

  2. Geisha Says:

    hahahaha.. i will reflect on this later!!!! breakfast lang ako pre 🙂

    haha. nakakagutom ba tong post ko? lolz! cge, eat well para makapag-reflect ka nang maayos. hehe 😆

  3. Geisha Says:

    ang tagal ng breakfast ko..hehehe ngayon lang ako nakabalik!
    you are right! ang dami dami na nating kurakot na public servant… sabi ko nga dati, if i’ll help or serve the people, i’ll rather do it in my own little way. pwede namang magtayo ng charity bakit kelangan pang maluklok sa pwesto bilang mayor o kongresman?

    super sama ang politika sa pilipinas! i should know! i have been there before!

    http://jgsmart.wordpress.com/2007/10/28/the-unbecoming-of-the-nations-future/

    hindi ko masikmura ang kalakaran sa politika ng bansa!

    i have a barbaric resolution though upang mawala ang mga kurakot at mapalitan ang sistema ng bansa!

    dahil sabi nila corruption runs to the blood of every filipino, mahirap man tanggapin, kelangan patayin lahat ng tao aged 2 and above para hindi na mahawaan ang musmos na kaisipan ng mga bata sa ginagawa ng matatanda!

    i thank you. bow!

  4. Geisha Says:

    i can give you tips on journalism from basic to complex 😆
    naging journ din kasi ako dati.. malapit na sana akong maging biktima.. lumayas lang ako para magpalamig! 😆

    haha 😆 sige nga…baka mas marami ka pang alam sa journalism kesa sa kin. ahehe :lo: ang alam ko lang kasi: lead is composed of 5Ws and 1H and a news story should be written in inverted pyramid style. hehe. bat ka naman nagretire sa journalism? wag kang matakot…hehe

  5. beer-O Says:

    @Geisha,
    Nice input. Sabi nila “politics is dirty”. Pero di ako naniniwala dyan. Dahil ang nagpaparumi sa pulitika ay ang mga pulitiko mismo. Hangga’t may mga tiwaling opisyal sa gobyerno ay magpapatuloy ang ganitong sistema.

    Medyo marahas naman siguro ang naiisip mong solusyon. hehe 😆 di ba sabi ni Rizal ang kabataan ang pag-asa ng bayan. mas lalo tayong mawawalan ng pag-asa kung papatayin natin sila. kelangan natin ng bagong henerasyon na papalit sa mga TRAPO sa pamahalaan. pero ang problema eh baka sila rin ang maging “new breed of corrupt politicians”. 😦

  6. zeemerblock Says:

    ka serious sa blog wui.. ako wla jud koy world about anang politics and zte stuff.. hehehe.. para sa akin the world has too many sh*ts already.. i don’t want to be informed para hindi rin mging shi**y ang life ko.. hehehe.. muzta na wui?

    hayaan mo na…minsan lang naman akong mag-seryoso.ahehe 😆 yeah. the world has too many shits because of shitty people. haha 😆 minsan nga parang ayoko nang makialam. pero eto nakisawsaw na naman ako.

    ok ra man. kaw diay? you’ve been gone for so long. welcome back! musta na man imong foot?

  7. zeemerblock Says:

    hehehe cge ngud tagaan ug chance.. cge pgpaka serious najud todotodo…heheheh.. yeko ra ko.. natang tang na ang bata na nitubo sa akong foot.. hehehe.. eewww… bitaw, it was really painful but i’m glad it’s over now.. hehehe…

    haha 😆 na-frustrate lang siguro ako when i checked my blog stats. ito lang naman ang mga nakalagay sa SEARCH ENGINE TERMS: pantasya.com.ph! hehe

    di siguro bagay sa kin ang maging seryoso. tatanda agad ako nyan.lols! buti naman at okay ka na.

  8. zeemerblock Says:

    yah ana jud.. pangit maging seryoso noh.. you’ll miss out the best things in life.. hehehe.. cge laro na tau ng patentero.. hehehe

    yeah. i don’t wanna miss the best things in life kaya sumama ako sa road trip. hehe. that’s my latest post. saka na tayo maglaro ng patintero pag magaling na paa mo.hehe

  9. zeemerblock Says:

    ai oo nga pala noh.. hehehe.. hindi pa pala ako mka takbo.. hhehee… yah i read ur new post.. inggit nga ako eh.. atleast ikaw nka pag weekend get away ka.. ako nasa bahay lng for ilang days nka higa sa kama..

    hehe 😆 ala ng sa plano ko yon eh. birthday treat ko na lang para sa sarili ko. okay lang yan, bawi ka na lang some day…ako naman ang inggitin mo.hehe 😆

  10. zeemerblock Says:

    kaya nga.. hehehe.. kailan ba ang birthday mo?? lapit na nga rin birthday ko.. wla na matanda na tau!! hehehe

    sa sabado pa naman. oo nga eh. we really can’t prevent ageing. 😆 ibang klase pa naman akong tumanda, yong paurong. hanggang ngayon kasi di pa ako matino. hehe 😆 kelan naman birthday mo?

  11. zeemerblock Says:

    hahaha.. ganun bah,, well ako nga eh 10 years old parin ang utak ko.. hehehe.. so advance haapy bday sau.. saan ang celebration?? hehehe.. mdyo matagal pa ang bday ko.. sa good friday.. march 21

    hehe 😆 tenks! alang party eh. sa boarding house lang ako, matutulog! haha. pero pag tinopak, maglalasing mag-isa! toinkz!

  12. zeemerblock Says:

    at bkit ka nmn maglalasing na mag isa?? labas ka sa boarding house mo at makipag inuman ka nlng sa mga tambay sa labas.. heheeheh

    haha 😆 one year na ko dito sa cebu pero ala pa rin akong mga kabarkada. kung sa min, marami akong makaka-inuman. lolz! okay na ring ala akong kabarkada dito dahil wala din naman akong handa. hahaha 😆

  13. zeemerblock Says:

    grabe ka nmn.. hndi nmn kailangan mghanda ka noh if mai barkada ka.. kahit inuman lng kahit walang food pwede nah… hehehe..

    haha 😆 nakow, gastos lang yan! ahehe 😆 ako na lang mag-isa ang iinom. haha

  14. zeemerblock Says:

    hahaha… cge inom ka nlng ng water.. hehehe

    ayoko ng water 😆 di nakakalasing. lolz! at di naman halatang ginawa nating chat room to. haha 😆

  15. zeemerblock Says:

    belated happy birthday.. adto unta ko sa imo post mg greet pero mag error man.. dili man ko ka comment didto.. dri nlng.. hhehehe… chat room njud ni.. hehehe

    thanks zhyne! ngano man na mag-error? yeah. i remember naay prob days ago. murag okay na man ron.

  16. zeemerblock Says:

    ambot lgi.. try btaw ko balik gniha ug comment sa katong beerday kaso mu close man ako inet explorer

    same here. cge lang ko ug open. so far OK na man ron.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: