Flashback

DEAR DIARY,  

One year na pala ako dito today. Ang dali talagang lumipas ng mga araw. Parang kelan lang eh pagala-gala lang ako sa mga kalye. Di naman bilang taong-grasa. Naghahanap ako nun ng kumpanyang tatanggap sa akin at sa aking kakayahang mai-angat ang estado nila. (kapal!)

Di rin naging madali ang mga pinagdaan ko. Nandon yong maubos ang pera ko sa kabibiyahe sa lahat ng sulok ng lugar na to. Minsan dumodoble pa kung minamalas at sa maling babaan ako napapadpad. Nagaalay-lakad na nga lang ako kung medyo malapit lang.

May natira pa namang konting swerte sa kin. May pinsan kasi ako na kumupkop sa kin habang wala pa akong trabaho. Sila ang nagpakain, nagpaligo, at nagbihis sa kin (ngeeh). Yon nga lang kinailangan kong tiisin ang mga anak nilang singkulit ng mga daga. May katulong naman silang na-recruit pero pati ako ay damay sa kamalasan. Napakabata pa kasi ng katulong. Nasa puberty stage pa lang. Yong tinutubuan pa lang ng balahibong-pusa at unti-unting tumutulis ang dibdib.

Kinakabahan ako kasi baka pag-uwi ng pinsan ko eh bali na ang isang kamay ng anak nya. Di naman kaya eh naumpog ang ulo sa pader. Nag-alala din ako sa panganay na parang streetchild sa katatambay sa kalsada. Baka di namin namalayan at na-kidnap na ng gangsters sa kanto. O di kaya eh nasagasaan ng truck. Shet! May pananagutan din ako pag nagkataon. Kaya minadali ko ang job-hunting.

Dahil nga maga-anibersari na ko dito, di ko maiwasang maalala yong mga nangyari last year kahit di naging puro sarap. Para bang sa pelikula, di kumpleto kung walang flashback. Haaayyy! It’s time for reminiscing…Gusto kong balikan ang mga araw na minarkahan ko ang kalendaryo naming may picture ng naka-bikini dahil sa historical events na nangyari sa kin.

MARCH 1. Birthday ko. Imbes na mag-celebrate eh nag-apply ako sa isang call center. Naipasa ko naman ang written exam. Naka 91 0ut of 100 items pa nga ako (naks!) Pero sa kasamaang-palad eh kelangan ko raw mag-take two sa kanilang voice test. Mahina raw kasi boses ko. Eh alangan namang magsisigaw ako nun eh ang dami naming nagtake. Binigyan nila ako ng second chance on March 16. ‘Langya! Mamumuti mga mata ko sa kahihintay nun.

MARCH 4. Sumabak ulit ako sa paghahanap ng trabaho. Call center na naman. Naipasa ko ulit ang exam at pinabalik kinabukasan para sa final interbyu. Yes! This is it!

MARCH 5. Final interbyu ko. Halos mahulog ang puso ko sa kaba. First time kong makipag-bolahan nun sa job interbyu. Shet! Ilang minuto din akong umupo sa hot seat. Ayon, naawa sa kin at pinabalik ako kinagabihan para sa job offer.  Sa gabi ring yon, tinawagan ako ng una kong in-applayan. They waived the result of my voice test. Bigla tuloy lumapad ang atay ko kasi may naghabol sa kin. But, it’s too late…

MARCH 12. Excited ako sa training namin. Masaya pa naman nun. Di nagtagal eh nawala ang excitement ko. I hated irate callers na laging nagpapagulo sa tahimik kong buhay. Halos mawalan pa ko ng dugo sa kai-Ingles gabi-gabi. Di na nga ako nagpapigil sa sweet words ng Ops Manager namin.

Kaya pagkatapos kong mag-AWOL eh balik-tambay ako sa min ng isang buwan. Dating gawi. Lasingan dito, lasingan don. Tambay maghapon at usapang walang kwenta. Pero bumalik din ako sa pagtatrabaho…

AUGUST 24.  Na-hire ako sa pangalawa kong trabaho. At nandito pa rin ako ngayon. So far, nagi-enjoy ako kahit pano at wala pa kong planong mag-AWOL. Di kalakihan ang sahod pero mapagtatiyagaan.

(End of pagbabalik-tanaw)

Marami rin palang nangyaring maganda sa kin. Di ko pala pasan ang mundo. Mas maswerte pa rin  ako sa ibang tao dyan kung tutuusin. Kaya gusto kong magpasalamat kay God for all the blessings.

Mahirap talagang makipagsapalaran. You don’t know what to expect. Minsan tambay ka, minsan naman seryoso sa trabaho. Ang flashback ay laging magri-remind sa tin kung san tayo galing…dahil kung anong meron tayo ngayon eh dahil sa ginawa natin noon….

                                                                                          – beer-O –

Advertisements
Explore posts in the same categories: kwentong tambay, life, work

5 Comments on “Flashback”


  1. […] Croatia Travel Information wrote an interesting post today onHere’s a quick excerptKaya pagkatapos kong mag-AWOL eh balik-tambay ako sa min ng isang buwan. Dating gawi. Lasingan dito, lasingan don…. […]

    ngeekks! anong kinalaman ng post ko sa dating whatsoever? cge, bahala nga kayo sa gusto nyong gawin 😆

  2. Geisha Says:

    ayyyyy…
    nakakaiyak naman ito!
    nakakarelate kasi ako… 🙂
    am thankful dahil do ko naranasang maging tambay.. pero it doesnt mean i dont have a first hand experience with them.. lahat nga mga friends ko dati tambay.. sarap ng buhay nila..

    parang gusto ko ring gumawa ng ganito ah.. di bale sa second death anniversary ko..hehehhe

    haha 😆 di naman pang-MMK to ah. masarap talaga ang magbuhay-tambay. ala kang iisipin kundi ang tumambay sa kanto at makipag-inuman.

    haha 😆 nakow, wag kang magsalita ng ganyan kasi baka magkatotoo. ahehe 😆

  3. Jeckass Says:

    ganda ng flashback ng buhay mo. naalala ko tuloy yung mga pinagdaanan ko nung nag-aaplay pa lang din ako. ngayon, balik pag-aaplay na naman ako. sana lang, maging maganda rin ang kahihinatnan ng buhay ko.

    hehe 😆 parang ganun na lang ka-importante ang araw na yon. nakaka-relate ka pala sa story. nag-AWOL ka rin ba?hehe. pero don’t worry may dadating na mas magandang trabaho. don’t lose hope, dude! everything is gonna be fine…

    tenks nga pala sa pagdaan. add sana kita kaya lang di ko makita link mo…

  4. leylander Says:

    nagkamild-depression (very mild lang naman. hahaha) nga din ako noong job-hunting season right after graduation. yung ibang classmates ko wala pang graduation may trabaho nang naghihintay. i was like, what the fuck? is there something wrong with me?

    ayun, tambay ako for three months. apply ako ng apply at bili ng bili ng sunstar ads pag sunday.

    hay buhay. ang sarap/sakit isipin ng nakaraan. hehe.

  5. beer-O Says:

    @leylander
    hehe 😆 i think mild lang talaga yan. ok din naman kasi ang tambay. no probz and no worries. but we can’t live that way all the time.

    buti nga 3 months lang. ako almost one year na tambay. di kasi nag-apply dun sa min. i had to make a choice, manila or cebu. then, dito nga ako napadpad.

    hehe 😆 oo nga eh. pero di natin maiiwasan ang nakaraan. whether we like it or not, it became a part of our history…i tenk you…baw 😎


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: