Black Balentayns

Balentayns na pala ngayon. Parang di ko man lang namalayan. Di na kasi big deal sa kin ang balentayns. Para sa kin, ordinaryong araw lang to na dapat salubungin sa ordinaryong paraan.

Tulad ng nakagawian, shirt at pants lang ang suot ko ngayon. Polo? No way. Wala naman akong kadate para magpaka-pormal. Lumaki rin ako sa paniniwalang pula ang sumisimbolo sa balentayns. Pero ano namang pakialam ko don. Napaka-conventional na nyan para sa kin.

Kaya ngayon eh itim na shirt ang sinuot ko. Di naman sa pinagluluksa ko ang pagpanaw ng aking mga ex. Gusto ko lang maiba. Parang sumunod tuloy ako sa isang patalastas sa TV na may temang Black Valentines. Pero okay lang. Yon din naman ang gamit kong shampoo. Kaya din siguro confident akong magblack ngayon dahil alam akong di magkakalat ang balakubak ko. πŸ˜† Parang sinasadya nga’t di rin ako nakapag-gel.

Pagdating ko sa opis, marami rin ang nakaitim. Di pala ako nag-iisa. Marami ring di naniniwala na pula ang kulay ng pag-ibig. Sa katunayan, maraming nagsasabi na “Love is blind”. Meaning, lahat tayo’y nabubulag sa pag-ibig kaya di natin makikita ang kulay nito. πŸ˜†

Para naman sa mga hopeless romantic dyan, just go on with your lives! Mag-celebrate kayo hangga’t gusto nyo. Manood kayo ng sine, kumain sa mamahaling resto, mamasyal sa Luneta, at magcheck in sa motel. The night is all yours! πŸ˜†

Pero isa lang ang mensahe ko ngayong Balentayns…

Valentines is not only for lovers. It should also be the time to reflect on our past lovers and hope that they are still alive…alone…and miserable! πŸ˜†

Advertisements
Explore posts in the same categories: Balentayms, lab layf, lonely moments

6 Comments on “Black Balentayns”

  1. lilmiz Says:

    hahaha bitter! joke πŸ˜› .. ayan, tapos na ang balentayms!! yey! magsaya na tayo haha.. pwede ka ng magpula πŸ˜›

    buti nga at natapos na ang walang kwentang araw na yon. ahehe (parang naghinanakit) oo nga, pwede na. pero mas okay siguro ang green πŸ˜†

  2. Geisha Says:

    hahahahha natawa naman ako sa Luneta.

    tagal ko na rito sa maynila pero never pa akong nakapunta sa luneta…

    dati nung RD ko weekends, sinubukan kong mag penetensya sa Luneta pero umuwi akong luhaan…daming tao… advise nung taxi driver skin “sir wag po kayong pumunta dito pag linggo, muchacha day po dito “heheheehehe πŸ™‚

    hey, tenks sa pagdaan. hehe. ang OA kasi ng pumupunta don. HHWW na pasway-sway pa πŸ˜†

    buti na lang pala at di ka natuloy. kundi napagkamalan kang dakilang maid. hehe 😎


  3. ayan..napabilang ka naman sa KBP (Kapisanan ng mga Bitter sa Pilipinas)…hhhah..
    “Di naman sa pinagluluksa ko ang pagpanaw ng aking MGA ex”…sinong player ulit?????? lolz!!

    beer-O: haha πŸ˜† at least member na ko ng KBP kahit di pa ko ngtake ng KBP exam. hehe.

    talagang tinandaan mo na ang linyang yan ha! wag na natin silang pag-usapan pa. ang mahalaga ngayon eh ikaw at ako. bwahaha πŸ˜†


  4. di naman …sinestress ko lng ..para mahalata ng mga tao dito kung sinong tunay na player…hahahah

    ikaw at ako..ikaw at ako…ikaw at ako..ikaw at ako…anong meron…nyahahhaha!! adik!

    at natututo ka na rin palang gumanti πŸ˜†

    haha. wala namang meron. pero mapag-uusapan naman yan eh. hay, ano ba tong pinagsasabi ko.

  5. Geisha Says:

    hahahah… πŸ™‚
    haay naku… pag dumadaan nga ako dun lahat ng tao dun kundi maritess ang name inday! jowk! (no pun intended) as in dami talaga!

    maiba tayo, mukang nagkakamabutihan na kayo ni random ah….
    ninang ako sa kasal ha!

    hahahah (matchmaker?) πŸ˜€

    haha. ganun ba? dun pala tambayan ni inday.lolz!

    hehe. ayaw ngang magpabola eh. nakukulitan na siguro masyado sa kin. oo ba! magdala ka lang ng fire extinguisher at baka bigla kang magliyab. jowk onli! πŸ˜†

    i linked you up, by the way… πŸ˜†

  6. y Says:

    pwede mo rin naman i-date ang sarili mo. hehe!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: