Have A “Break”. Have A Beer.

Everybody needs a “break”! Nakakabagot din kasing magtrabaho minsan. Nakakapagod nang makipagtitigan sa computer screen maghapon. Halos mamaga na rin ang mga daliri ko sa kapipindot sa keyboard. Or worse, mabaliw sa pag-iisip ng topic na isusulat. Kaya nitong weekend, nagkayayaan kaming gumimik. Nakawala ang mga dalubhasang manginginom. 😆

Pagkatapos ng shift eh diretso agad kami sa isang seafood restaurant. Malapit na kasi ang holy week kaya konting fasting at konting iwas sa karne. Mas okay pala kung sa labas kami kumakain. Sa company kitchen kasi paunahan kami. At least sa restaurant patagalan ang labanan. May time pang mag-bolahan, mag-gagohan, at magpayabangan.

Ang dami naming napagkwentuhan. Nandon yong pagkain ng palaka, kuliglig, kuhol, at iba pang exotic food. Parang kinulang pa kami at naghanap pa ng wala don sa resto. Pati yong maling naging topic din ng masaya naming kwentuhan.  Fetus raw kasi ang ginagawang maling. Yuck! Grabe naman yon. Pati yong fetus na pinagkaitan na ng pagkakataong mabuhay eh gagawin pang pulutan ng mga hayok na cannibal. Double dead ang tawag don. Kawawa naman ang mga fetus kung totoo man yan.

Mga 8:30 na napuno ang mga bituka namin. Mahirap nang magpakabusog masyado. Nasa plano din ang mag-videoke kaya dumiretso kami sa isang KTV bar. Pagkapasok pa lang, order agad ng Red Horse para pampatunaw sa kinain namin. 

Nagsimula na rin ang biritan. Kanya-kanyang trip at kanya-kanyang pili ng kakantahin. Umabot lang naman sa 50 plus ang kanta. Di nga maubos-ubos kaya panay extend at order ng beer. Sanay din sa tunggaan ang mga katrabraho ko. Yong tipong di nalalasing sa ilang sets lang ng Red Horse. Di ko nga alam kung ipagpapasalamat 😆 ko yon o ikalulungkot. 😦

Ala-una natapos ang napakahabang videoke showdown. Natapos din kasi minadali nila. Intro pa nga lang ang nakakanta eh may pipindot na sa stop. Pero di pa rin natapos ang good times. Medyo bitin pa raw kaya nag-change venue kami. Bar-hopping kumbaga. As usual, lasingan pa rin ang inatupag ng mga lasenggo’t lasengga. Nakuntento rin kami sa wakas at naghiwa-hiwalay na kami nang mag alas singko (Yes, inumaga kami). May mga amats na kaya pagewang-gewang na sa kalsada. Nakakagutom uminom kaya kahit na hilung-hilo na kami eh nagawa pa naming dumaan sa Jollibee. Don kami nagpalamig at nagpalipas ng kalasingan.

Tirik na ang araw nang makauwi ako sa boarding house. Shet! Nakatulog pa ko sa traysikel kaya minalas na mailampas. Halos magkandaduling na ako sa paglalakad. Pilit kong pinigilan na bumulwak ang kinain at ininom ko. Nakakahiyang sumuka sa kalsada. May konting hiya pa kong naramdaman kaya pinigilan ko na lang.

Antok na antok na ko nun. Kaya pagkabukas ko pa lang ng pinto eh hilata agad. Parang napakabigat ng ulo ko. Ganito ang gusto kong break. Have a break, have a beer! Yong halos ma-“break” ang ulo ko sa amats at sipa ng Red Horse. 😎

Advertisements
Explore posts in the same categories: gimik, lasenggero, work

2 Comments on “Have A “Break”. Have A Beer.”


  1. nyaaaaaaaaaaakkkksss!!! talagang bang fetus ang ginagawang maling..potek!!! kadiri ah!! di naman siguro..sana nga lng indi, masarap din kasi ang maling eh….

    sabi mo boring dito..indi naman ah…masaya naman yung mga posts mo..

    hmp, gaganyan din kami this saturday ha!!

    ay, nainggit??? lolz!

    ewan ko. parang di nga rin ako makapaniwala eh. di pa ko nakakain nun. 😆 so, nakakain ka na pala ng fetus. jowk 😎

    tenks sa pagtatiyaga! hehe…

    invite mo naman ako on saturday (feeling close)…

  2. y Says:

    ang pagkakaalam ko eh fried fetus yun, specialty in some restaurants in china and in taiwan. they believe that certain enzymes in the fetus are medicinal. nakakabata rin daw. but then, it will always boil down to the fact that it is gross. it should be considered as a crime. di ko talaga ma-imagine kung pano nila nasisikmura yun.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: