Palusot ng Nanunulot

Marami na ring nawasak na tahanan. Ang dami na ring matang lumuha. Ilang kinabukasan na rin ang nasira. At ilang pamilya na rin ang nagkawatak-watak…

Di yan dahil sa malalakas na bagyong dumaan sa Pinas. Kung bagyo yan, baka isama ko na rin ang billboards sa Edsa na nawasak, mga punong natumba, mga palayang binaha, mga taong nawala at kung anek-anek pa.

Dahil yan sa tukso ng mga “kabet” na kung pasososyalin eh “third party”. Ewan ko ba kung bat may mga taong nai-in lab sa mga taong may pananagutan na. Di man lang nila inisip na may pamilyang maiiwan ang kanilang kinakalabit. Okay lang ba talaga sa kanila ang maging “parausan”? Di ko rin naman masisisi kung bat may mga kabet. Nandyan kasi yong mga unfaithful na di kuntento sa kung anong meron  sila. Konting ingat lang mga tsong at gumamit lagi ng magic kapote para safe. 😆 Habang may nangangaliwa eh patuloy na magi-exist ang mga kerida o “kerido”. Di ako sure kung may word na “kerido”.hehe 😆 Pero alam nyo na ang ibig kong sabihin.

Kung napapansin nyo, nagiging tema na rin to sa ilang mga pelikula. Pati sa mga kanta eh patok na rin to. Ebidensya lang to na marami na ang nakikisawsaw sa ganitong kalakaran. Okay lang kung mga Muslim kasi pwede silang mag-asawa ng sampu o higit pa. Pero sa ibang relihiyon, kelangan nyong harapin na ang konseptong ito ay tinatawag na “pangangaliwa”.

Nagtataka lang ako kung ano ang tumatakbo sa utak ng mga taong ito. Bat kaya may mga taong mahilig manulot? May kapitbahay kasi akong ganito ang love story. Medyo matagal-tagal na ring nagsasama sina Mang Domeng at Aleng Auring. Pulis si Mang Domeng at si Aleng Auring naman eh isang government employee. Maayos naman ang kanilang buhay kasama ang isang dosenang anak. Di nagtagal eh nalosyang si Aleng Auring. Sino ba naman kasi ang di malolosyang sa panganganak ng isang dosena? Naging malamig ang pagsasama ng dalawa hanggang sa dumating sa eksena si Aleng Osang, biyuda sa edad na 35 pero ma-alindog pa rin at may asim pa. 😆 Nagsimulang lumabo ang pagsasama ng mag-asawa at ilang pinggan na rin at baso ang nabasag sa pagwawala ni Aleng Auring. Ilang beses na ring naospital si Mang Domeng dahil sa mga sugat sa ulo. Wala namang makakapigil sa away ng dalawa dahil ang lahat ng anak nila eh nag-abroad na.
Isang araw tumambay ako sa may kanto habang tumutungga ng paborito kong Red Horse. Sakto namang bumili si Aleng Auring ng suka at toyo. Kumati ang dila ng tinderang si Aleng Ponyang at tinanong si Aleng Auring. “Kumusta naman kayo ni Domeng?”…
(Sabi ni Aleng Auring…)
“Binigay ko na sa kanya ang lahat-lahat! Pati kaluluwa ko! 😆 Di pa ba sapat yon? San ba ko nagkulang? Ako pa rin ang legal wife!” – Naisip ko tuloy: “Wag naman kasing magpaka-losyang agad. Pumayag-payag ka pa kasing magpabuntis ng 12 beses.”

Kinabukasan tumambay ulit ako. Kalalabas lang din nila Mang Domeng at Aleng Osang sa bahay. Namalengke kasi si Aleng Auring at nagkaroon ng oras ang dalawa. Pawisan at mukhang pagod ang dalawa kaya bumili ng dalawang bote ng Sprite. May kakulitan si Aleng Ponyang at nagtanong na naman, para bang tumaas lalo ang curiosity level ng matanda. Parang official reporter ng barangay. Naku, sigurado mamaya ang broadcast nyan. “Masaya ba talaga kayo sa ginagawa nyo?”

(Sabi ni Mang Domeng…)
“Pinilit kong mahalin si Auring pero di ko magawa. Nakita kokay Osang ang di maibigay sa akin ni Auring. Gusto ko namang makitikim ng ibang putahe. 😎 Sana dalawa ang puso ko.” – Oh, di ba parang torn between two lovers si Mr. Kaliwete. Mang Domeng, ayon sa mga napapanood kong Tagalog movies ang paga-asawa ay di parang kaning isusubo na pag napaso ka eh iluluwa. Isa pa, wag kang pipitas ng bulaklak kung sisirain mo lang. Dapat diligan mo lagi at nang mamukadkad. 😆

(At ito naman ang palusot ng suluterang si Aleng Osang…)

“Being a third party does not mean that you are destroying a relationship. It only means that you make two souls realize that they are not meant to be.” – Nagmalinis pa. Iningles pa pero ganon din naman ang ibig sabihin. 😆 Bali-baliktarin man ang mundo, ikaw pa rin ang nanulot. 😆

Advertisements
Explore posts in the same categories: kabet, lab stori, Mr. Kaliwete

11 Comments on “Palusot ng Nanunulot”

  1. yuie Says:

    walang nanunulot kung walang nagpapasulot!
    saka halata yata sa blog mo na may double standards ka ah..
    HINDI MO BINIBLAME ANG LALAKE NA NANGANGABIT!
    BAKIT? Ha?
    Ang lalake ang may kasalanan.. Biktima lang ang dalawang baabe dito..
    Tsk tsk..

    waahhh… 😦 napagalitaan pa tuloy ako. anong hindi, ganon kaya ibig sabihin ng comment ko kay mang domeng (di nga pala totoo si mang domeng). hehehe 😆 nagkataon lang na sa kwentong to babae ang nanulot kaya ganon. 😆 depende naman sa sitwasyon yon eh.di natin masasabi na yong babae o lalake ang dapat sisihin. kung sino ang nanulot at nagpasulot, yon ang dapat sisihin. 😆 tenks sa pagremind. may kulang nga pala dito…

  2. yuie Says:

    ang lalake naman talaga an may kasalanan dito eh..
    may asawa na cya.. siya ang nangabit.. hindi ang kabit ang may kasalanan..
    saka ginawa niyang dahilan ang pagkalosyang ng asawa nya para mangabit cya..
    kababawan yun.. cya rin naman ang dahilan kaya lumusyang ang asawa nya.. kasi mahilig cya.. tsk tsk
    although may kasalanan din ang babae, hindi kasin bigat yun ng kasalanan ng lalake.. kais wala namang pananagutan ang babae..kasalanan ba niya na maganda sya? tsk tsk..

  3. nickname™ Says:

    uu ngaw.. tama ka yuie.. kaya patayin na si mang domeng at nang matapos na ang lahat.. at, magsama nalang si aleng auring at aleng osang.. wahaha! 👿

    ang lupet mo tsong! 😆 eh pareho namang nawalan sila aleng auring at osang. mas maganda siguro kung gumawa na lang sila ng schedule. alternate dapat para walang reklamo. ewan ko na lang pag di magsawa yang si mang domeng…:lol:

  4. beer-O Says:

    @yuie
    hehe 😆 kung uungkatin talaga ang ugat ng lahat ng to lalake ang dapat sisihin. tama ka. dahil mahilig, ayon nalosyang agad ang misis.

    di nga sapat na dahilan ang pagkalosyang ng asawa sa pangangaliwa. kasi for better or worse til death do they part ang pramis nila sa isa’t-isa.

    hehe. oo nga naman. di naman siguro kasalanan ni aleng osang kung patihayain siya ni mang domeng 😆

  5. nickname™ Says:

    eh, ayaw na nga ni mang domeng kay auring eh.. wala ng schedule si auring, which is the legal wife. Kaya, dapat lang na puksain ang mga salot na nanunulot sa bayan! wahahah! 👿
    putulan na kasi ng patotoy ang mga yan! masyadong nang manyak! wahaha! 😆
    corporal punishment : mutilation… gamit ang kinakalawang na bolo.. whahaha!

    haha 😆 malay mo, baka bumalik ang dati nilang pagtitinginan. charotz! 😆 okay lang ba na punishment yon? eh sino naman ang puputol, si aleng auring?

  6. nickname™ Says:

    hindi… yung tindera.. sino ba yun?? para kasing may pagnanasa rin xa kay mang domeng.. pag ka putol, gawin nyang souvenir.. wahehehe! 😆

    haha 😆 matanda na at uugod-ugod na si aleng ponyang. menopause na nga yata eh gusto pang maging “fourth party”. amoy-lupa na yon. ahehe 😆

  7. nickname™ Says:

    ahhhh ganun ba?? e di magsama na nga sila ni mang domeng sa ilalim ng lupa.. wahehe.. 😆

    ang galing mo talagang mag-suggest. you have brilliant ideas! 😆 pero kawawa naman ang matanda, nadamay pa sa kamalasan ni mang domeng. kasi naman may pagka-tsismosa eh. pano yan, wala na kong mauutangan ng Red Horse. 😆

  8. leylander Says:

    the pot calls the kettle black. hahahaha. joks.

    haha. parang di ko naintindihan. gamitan ba naman ako ng idiom. teka lang i-google ko muna. ahehe 😆


  9. alam nyo ba ang dapat sisihin dito ay wala sa tatlo characters!!! dapat ang sisihin ay ang tinatawag na LIBOG!!!! hahah…kidding aside, ewan ko lang ha, ang pananaw ko dito…kung sa tingin mo legal kang natali at may pananagutan ka na (lalo pa at nagkaanak kayo ng sang dosena)…aba naaammmaaann….isipin mo yun!!!! pwera nalang, kung wala kang isip….kahit isip nalng talaga, magawa mo!!

    apektado ako dito kasi, yang mga potek ng third party at mga taong di makuntento sa isa ang dahilan kumbakit may half cousins at half tito’s at tita’s ako..di ko naman sila hate..hate ko lng ang makasalanang ideyang yun!!!

    SUNUGIN ang mga katulad ni Mang Domeeennngg!!

    haha. sabi nga ng iba eh putulan daw at nang mawalan ng kaligayahan. 😆 may point ka rin. minsan di kasi mapigilan ng tao ang libog at yan ang kinalalabasan. haayyzzz!

  10. y Says:

    kahit baliktarin mo man ang mundo, ang legal na pag-aari ng iba ay hindi kelanman magiging sa’yo ng buo.

    dami pa namang single sa mundo. pick one. hehe!

  11. Espiya Says:

    Gusto ko ang paraan mo ng pagsusulat. Mahusay! =) [Iyon lang muna ang komento ko sa ngayon.]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: