Archive for February 2008

Mi Deseo de Compleaños

February 29, 2008

 birthday-cake.jpg

6 hours, 41 minutes, and 23 seconds to go then I’ll be one year older and wiser.

Parang gusto ko tuloy kumanta ng…

♫♪♫It’s my birthday tonight
Just give me one more beer to make it right
I may be so drunk through the night
I won’t drink without you♫♪♫

Pamilyar ba? Wag na lang kayong kumontra at maki-kanta na lang kayo dahil bertdey ko naman bukas. Aahitin ko ang kilay ng magsasabing wala akong originality. Matalim pa naman ang Schick ko ngayon.

Masakit tanggaping tumatanda na talaga ako. Gusto ko kasing maging “forever young”. haha. Di nga pala ako sigurado kung magiging wiser nga ako. Hanggang ngayon kasi eh may pagka-immature pa rin ako. Di pa kasi ako lubos na matino kahit tumatanda na ko. Paurong siguro ako kung tumanda kaya ganon. Pero ngayong 23rd bertdey ko eh susubukan kong magpakatino kahit mahirap. Nakakahiya naman kung hanggang ngayon eh pang-kinder pa rin ang utak ko. Pero masaya na rin ako dahil nakaabot ako sa 23. Somehow totoo pala ang lumang linya sa mga pelikula: “Ang masamang damo ay matagal mamatay!”

Syempre ayoko pang matigok. Marami pa akong gustong ma-achieve habang tumatanda. May mga pangarap din akong nais abutin kahit sa panaginip lang pwedeng magkatotoo. Ilalagay ko dito para pati kayo eh ma-frustrate.

Di na bago sa kin ang bertdey na walang cake, ice cream, at spaghetti. Sheet! Di na ko bata para maghanda ng ganyan! Okay na sa kin yong beer at pulutan. Masaya na kong kasama ang barkada na mga hayok din sa beer. Ganyan talaga ang tunay na kaibigan, lalapit lang sayo kung may ipapa-inom kang beer.

Kahit di nagkakatotoo, may wish ako tuwing bertdey ko. Di ako selfish kaya di lang pansarili ang mga wish ko. Eto lang naman…

PARA SA BUONG MUNDO: world peace (patayin ang mga terorista)
PARA SA PILIPINAS: national development (patayin ang mga kurakot)

Marami din akong wish para sa pamilya ko. Bigyan lang sila ng long life at good health eh okay na sa kin. Wish ko na rin na sana ma-renovate na ang bahay namin na hanggang ngayon eh di pa natatapos. Gusto ko ring dumami ang mga pamangkin ko para marami na akong kakulitan. Gusto ko ring madagdagan ang pito kong inaanak para di talaga ako makalabas ng bahay sa pasko.

Sanay na rin akong walang bertdey gift. Mga grassroots, sa ibang salita, pulubi din kasi ang mga kaibigan ko. Kaya okay na sa kin ang simpleng bati ng “hapi bertdey” sabay talikod. Pero di ko maiwasang mag-expect ng regalo. Easy to please naman ako kaya isang bote lang ng beer eh masaya na ko. Di naman ako maluho at di ako naghahangad ng mamahaling regalo. Para di kayo mahirapan sa pagpili, bibigyan ko kayo ng ideya kung ano ang gusto kong matanggap;

1) Sports car yong red para di na ko malate sa work
2) house and lot sa tuktok ng Mt. Everest para walang mangapit-bahay
3) Mac Air so I can “Press the Word” ako every time and every day
4) iPhone dahil sobrang lab ko ang music
5) Oakley shades para dumilim ang paningin ko
6) Armani suit para magmukha akong tao
7) trip for two to Bahamas para makasama ko ang gustong sumama
8) Kodak C 153 o Canon PS 460 para gumanda ang apperance ko sa pics
9) Sony PSP para lagi akong may kalaro
10) Memory stick para sa king walkphone phone na 47 songs pa lang ang laman
 

Oh, di ako masyadong demanding di ba? Mabigyan lang ako kahit isa sa mga yan eh gugulong na ko sa bubog dahil sa tuwa. Gusto nyo kong i-challenge? Sige, bigyan nyo ko ng kahit isa sa mga yan! haha

Seriously, di naman ako mahilig sa materyal na mga bagay. Mas gusto ko pang magbilang ng bertdey greetings kesa magbukas ng mga regalo (eh wala naman talaga eh). Kaya bibilangin ko talaga bertdey greetings ko through Friendster, WordPress, Yahoo Mail, text, bertdey card, at face-to-face encounter.

Send your birthday greetings now para may special mention kayo sa king privilege/birthday speech…

Trip Ko: A Travelogue

February 28, 2008

trip-sched-jpeg.jpg

This was the schedule that changed my entire not-so-interesting and not-so-exciting (in other words “b-o-r-i-n-g”) weekend life…

My officemates and I had a road trip this weekend. Woohoo! I was free from my dull sleep all day and wash-my-clothes habits. It was really unexpected. I never planned to join the road trip since I’m running out of money and I’m close to being broke. It even took me days to decide. However, my love for travelling convinced me to give it a go. After all, it’s my anniversary here in Cebu and I want to explore more places and attractions here. My birthday is just around the corner as well. I want to give myself a break. You know, city life is fun but it gets boring in the long run. I need to breathe fresh air and enjoy tranquility sometimes. And now, here are the highlights of our two-day road trip down south…

DAY 1

We left for Barili, Cebu around 8 AM. We made a quick stopover in Carcar City to take some pictures.

carcar-church.jpg

GOING-AWAY PIC. Smile guys! We’re going to our destination!hehe

Finally, we reached Mantayupan Falls in Barili, Cebu around 11 AM. This place boasts a reputation for a magnificent waterfalls. The sound of the rushing waters was soothing. That was the best waterfalls I’ve seen so far. I would say that it’s close enough to Laguna’s Pagsanjan Falls. This is where we had our lunch. My only regret is that I wasn’t able to join Ivan and Sho with their balsa adventure because I left my bag in the van.

mantayupan.jpg

TOURISTS ON THE GO. Here are the tourists striking a pose with the falls on the background (CLOCKWISE: Leylan, Jen,  Erin, Cel, Line, Line’s Dad, Ivan, I, Sean, and Sho)

After spending few hours in Mantayupan Falls, we left for Moalboal, a town known for its white sand beaches and dive spots. Heck, that was my first time to walk on white sand. I didn’t miss the chance to get intimate with it.haha 😆 I rolled over the shore and dived into the water. I enjoyed the moment while the restless waves touch my bare skin.

moalboal.jpg

SOAKING UP. Woohoo! This time we’re soaking up the sun through beach bathing.

Sho (my officemate) and I went boating along the coast. Later, I sat on the shore to watch the beautiful sunset. The scene was perfect! The night in Moalboal was also peaceful. No jeepneys. No busy streets. No pollution. That was paradise! hehe. After setting up our tents, we gathered for a bonfire while drinking my favorite beer.hehe 😆

bonfire.jpg

FIRE UP. The gang gathered around the bonfire. Where was I? I washed my hands after lighting it up!

DAY 2

We had to leave Moalboal at 9 AM. Then, we made our way to Kawasan Falls in Badian, Cebu. We did a bit of trekking to get to Kawasan Falls. All of us had to make a number of steps and follow a narrow trail through the trees. I was barely breathing when we finally reached the waterfalls! 😆

dsc00111.jpg

FALL IN LOVE WITH THE FALLS. These people are obviously enjoying a great scenic view that this place offers.

The water was pretty cold but I managed to bathe for hours with Ivan, Leylan, Vet, and the two kids Sean and Erin. “Falls-hopping” is really fun!

After taking a dip in the waters of Kawasan Falls, we stopped in Oslob, Cebu. This is where we travelled back in time as we posed near the ruins of old buildings and landmarks. These were the places that I’ve only seen in history books before. Look, here we are striking a pose near the ruins of a watchtower.

oslob-ruins.jpg

SHARING THE LEGACY. This one is steeped in Cebu history. Why not pose for a picture and share the legacy?

oslob-church.jpg

The gang posed again! (FROM LEFT:) Sho, Lex (that’s me), Jen, Vet, Cel, Ivan, and two cute kids Sean and Erin at the back.

oslob-bay.jpg

Another picture at Oslob Bay. Here are the celebrity-wanna-be’s once again…

If I have to describe our road trip with just one word, it would be FUN. Really fun!

I don’t have something for my birthday now. But, it’s fine! The food and drinks would be gone in minutes but the fun I had during our road trip would remain for a lifetime…

Try the southern tip of Cebu now and you’ll enjoy everything!

Special thanks to:

Leylan and Yam for some of the pictures…

K.K.K.

February 21, 2008

zte-nbn.jpg  

Nagsasawa na ko sa mga pangyayari ngayon sa pulitika. Di ko na alam kung kanino ako maniniwala at kung ano ang paniniwalaan ko…

Napanood ko ang paghaharap nina Ben Abalos at Jun Lozada nung Sabado. Di ko pinalampas ang pagkakataong marinig ang panig nila sa isyu ng ZTE scandal. Sa lahat siguro ng scandal eh ito ang pinagkaguluhan at pinagka-interesan ng mga tao. Sino ba naman ang di maiintriga kung ang sangkot sa masalimuot na scandal ay ang first couple at ang iba pang high-ranking government officials?

Mula nang lumantad si Jun Lozada a.k.a. Probinsyanong Intsik, lalong uminit ang isyu at unti-unting nagkagulo. Matagal nang binunyag ni Joey de Venecia ang anomalyang to. At ngayon, naungkat na naman ang isyu at lalo pang dumami ang sangkot sa anomalya.

Mas mainit pa sa kumukulong tubig ang naging diskusyon nina Lozada at Abalos. Parehong ayaw magpapigil at nanggigigil sa pagsagot. Di ko sinasabing nagsisinungaling si Abalos pero naniniwala ako kay Lozada (playing safe). Para sa kin, di biro ang ginagawa ni Lozada dahil nakasasalay dito ang buhay at integridad nya. Marami na ring naging biktima ng extrajudicial at political killings.

Nakatulugan ko ang panonood. Nalito ako sa umaatibakong bangayan ng dalawa kaya siguro inantok ako at nag-zonk out. Sawang-sawa na talaga ako sa mga burning issues ngayon. Nagiging boring issues na nga eh. Maraming tanong sa isipan ko na hanggang ngayon eh di pa rin masagot ng media contents na napapanood ko sa TV. Mahirap nga talagang hanapan ng sagot ang tanong kung ang sasagot ay isang dakilang sinungaling.

Lalo talagang lumalala ang kultura ng katiwalian. Patuloy tayong niloloko at ginagawang tanga ng mga taong tinitingala pa naman natin. Papayag lang ba tayong lustayin nila ang kaban ng bayan? Kahit kelan ay di iisipin ng mga ganid sa yaman at uhaw sa kapangyarihan ang kapakanan nating mga mahihirap. Di kasi nila alam kung gano tayo kasaya tuwing nakakapulot tayo ng piso sa kalye. Pero ayan sila at naghahangad ng limpak-limpak sa magiging kickback.

Minsan nga naiisip kong maki-rally sa mga aktibista gaya ng KMU at Bayan Muna. Gusto kong magsisigaw sa EDSA habang hawak ang isang megaphone. Astig din sigurong makipagbugbugan sa mga pulis na inutusang i-disperse ang mga tao sa rally. Gusto ko ring maranasang mabasa ng tubig at makipag-batuhan. Ayoko namang mag-rally mag-isa yan at baka mapagkamalan pa kong adik at sira-ulo (di nga ba?). Gusto ko ring magsulat ng article na babatikos sa katiwaliang to. Pero sa kasamaang-palad eh di naging sapat ang journalism subjects ko nung college kaya wala akong lakas ng loob maging journalist. Salamat na rin dahil di ako mahahanay sa mga biktima ng pamamaslang sa media practitioners. “Stop Killing Journalists!” (palusot na naman)

Di ko alam kung matatapos pa ang lahat ng to. Panahon na siguro para buksan natin ang ating mata at isipan at pagnilay-nilayan ang mga nangyayari ngayon. Buksan natin ang ating kamalayan at magising sa katotohanang tayo ay binabalot ng malaking kasinungalingan.

Kailanman man ay di matatakpan ng pagtaas ng halaga ng piso ang mas malaking problemang ating hihaharap sa ngayon. Di rin mawawala ang ating peroblema sa simpleng pagbaba bg presyo ng gasolina at LPG. Dahil ayon sa mala-protest song ng Bamboo,

“Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok, di matatapos itong gulo.”

Pagod na ko sa ganitong sistema. Ito ba ang bansang minsang pinaglaban ng magigiting nating mga bayani laban sa mga dayuhan? Ito ba ang bansang kalalakihan ng ating magiging mga anak? Isang bansang puno ng katiwalian at panggagantso. 

Ilang Poncio Pilatong kurakot pa ba ang ating iboboto? Sawa na ko sa bulok na pamamalakad ng mga kurakot. Kung sawa na rin kayo, maging makabagong K.K.K., Kalaban ng Kurakot Kultyur…
 

The Amazing Beer-O-Matic™

February 19, 2008

red-horse.jpg  

You’re a nice, wholesome person. You strive to make yourself better, and mostly, you succeed; you’re doing pretty well, when it comes down to it, although sometimes you don’t give yourself the credit you deserve. But there’s one thing, deep down, that bugs you. It drives you crazy, and you won’t be able to rest until you discover it. It’s like a quest; a God-given mission to acquire knowledge and power.

Gets nyo ba? Parang fearless forecast slash horoscope to para sa mga mahilig uminom ng beer ngayong Year of the Rat. Parang tumpak to sa mga katulad kong “beero” at lasenggero. At talagang ipinagmalaki ko pang lasenggo ako.

Di naman ako nagpahula kay Madam Auring o kay Madam Rosa. Di naman siguro sila ganyan ka-fluent mag-Ingles. Nabasa ko lang to ngayon habang nagsasayang ako ng oras sa internet. Pero di naman nasayang kasi interesting naman to para sa kin.

Para di kayo mabitin, eto pa ang makabuluhang karugtong…

You need to know your weight in beer, you big alcoholic. Specifically, you want to know how many glasses of the brown stuff you would need to down for you to actually have drunk yourself.

Wonder no longer; help is at hand. Just fill in the following details and our incredibly sophisticated Beer-O-Matic™ technology will fill you in. So to speak.

Interesting di ba? Sa pamamagitan ng test na to eh malalaman nyo ang inyong weight in beer. Astig! If you want to know how it goes, check the screenshot below…

First of all, how much do you weigh?
stone Kg pounds

 How do you like your beer?
In pints In bottles

Wala akong magawang matino kaya pinatulan ko ang test na to. For me, it’s pretty cool…Lahat ng may kinalaman sa beer eh makabuluhan para sa kin. Ganyan ako ka-adik sa beer.

Eto nga pala ang naging resulta ng beer test ko…

Through the wonder of modern technology and years of extensive testing, we can exclusively reveal that your body is more or less equivalent to…

130 bottles of beer!
We hope you’re proud of this stunning achievement, you great big hunk of alcohol.

Proud talaga ako sa achievement na yan (?) kahit walang kwenta. Kung gusto nyo ring magpakababaw at patulan to okay lang. Ayoko nga palang makasuhan ng plagiarism kaya ilalagay ko site dito. If you wanna try this, just click here.

Flashback

February 18, 2008

DEAR DIARY,  

One year na pala ako dito today. Ang dali talagang lumipas ng mga araw. Parang kelan lang eh pagala-gala lang ako sa mga kalye. Di naman bilang taong-grasa. Naghahanap ako nun ng kumpanyang tatanggap sa akin at sa aking kakayahang mai-angat ang estado nila. (kapal!)

Di rin naging madali ang mga pinagdaan ko. Nandon yong maubos ang pera ko sa kabibiyahe sa lahat ng sulok ng lugar na to. Minsan dumodoble pa kung minamalas at sa maling babaan ako napapadpad. Nagaalay-lakad na nga lang ako kung medyo malapit lang.

May natira pa namang konting swerte sa kin. May pinsan kasi ako na kumupkop sa kin habang wala pa akong trabaho. Sila ang nagpakain, nagpaligo, at nagbihis sa kin (ngeeh). Yon nga lang kinailangan kong tiisin ang mga anak nilang singkulit ng mga daga. May katulong naman silang na-recruit pero pati ako ay damay sa kamalasan. Napakabata pa kasi ng katulong. Nasa puberty stage pa lang. Yong tinutubuan pa lang ng balahibong-pusa at unti-unting tumutulis ang dibdib.

Kinakabahan ako kasi baka pag-uwi ng pinsan ko eh bali na ang isang kamay ng anak nya. Di naman kaya eh naumpog ang ulo sa pader. Nag-alala din ako sa panganay na parang streetchild sa katatambay sa kalsada. Baka di namin namalayan at na-kidnap na ng gangsters sa kanto. O di kaya eh nasagasaan ng truck. Shet! May pananagutan din ako pag nagkataon. Kaya minadali ko ang job-hunting.

Dahil nga maga-anibersari na ko dito, di ko maiwasang maalala yong mga nangyari last year kahit di naging puro sarap. Para bang sa pelikula, di kumpleto kung walang flashback. Haaayyy! It’s time for reminiscing…Gusto kong balikan ang mga araw na minarkahan ko ang kalendaryo naming may picture ng naka-bikini dahil sa historical events na nangyari sa kin.

MARCH 1. Birthday ko. Imbes na mag-celebrate eh nag-apply ako sa isang call center. Naipasa ko naman ang written exam. Naka 91 0ut of 100 items pa nga ako (naks!) Pero sa kasamaang-palad eh kelangan ko raw mag-take two sa kanilang voice test. Mahina raw kasi boses ko. Eh alangan namang magsisigaw ako nun eh ang dami naming nagtake. Binigyan nila ako ng second chance on March 16. ‘Langya! Mamumuti mga mata ko sa kahihintay nun.

MARCH 4. Sumabak ulit ako sa paghahanap ng trabaho. Call center na naman. Naipasa ko ulit ang exam at pinabalik kinabukasan para sa final interbyu. Yes! This is it!

MARCH 5. Final interbyu ko. Halos mahulog ang puso ko sa kaba. First time kong makipag-bolahan nun sa job interbyu. Shet! Ilang minuto din akong umupo sa hot seat. Ayon, naawa sa kin at pinabalik ako kinagabihan para sa job offer.  Sa gabi ring yon, tinawagan ako ng una kong in-applayan. They waived the result of my voice test. Bigla tuloy lumapad ang atay ko kasi may naghabol sa kin. But, it’s too late…

MARCH 12. Excited ako sa training namin. Masaya pa naman nun. Di nagtagal eh nawala ang excitement ko. I hated irate callers na laging nagpapagulo sa tahimik kong buhay. Halos mawalan pa ko ng dugo sa kai-Ingles gabi-gabi. Di na nga ako nagpapigil sa sweet words ng Ops Manager namin.

Kaya pagkatapos kong mag-AWOL eh balik-tambay ako sa min ng isang buwan. Dating gawi. Lasingan dito, lasingan don. Tambay maghapon at usapang walang kwenta. Pero bumalik din ako sa pagtatrabaho…

AUGUST 24.  Na-hire ako sa pangalawa kong trabaho. At nandito pa rin ako ngayon. So far, nagi-enjoy ako kahit pano at wala pa kong planong mag-AWOL. Di kalakihan ang sahod pero mapagtatiyagaan.

(End of pagbabalik-tanaw)

Marami rin palang nangyaring maganda sa kin. Di ko pala pasan ang mundo. Mas maswerte pa rin  ako sa ibang tao dyan kung tutuusin. Kaya gusto kong magpasalamat kay God for all the blessings.

Mahirap talagang makipagsapalaran. You don’t know what to expect. Minsan tambay ka, minsan naman seryoso sa trabaho. Ang flashback ay laging magri-remind sa tin kung san tayo galing…dahil kung anong meron tayo ngayon eh dahil sa ginawa natin noon….

                                                                                          – beer-O –

Away-Bati

February 16, 2008

Kung minsan eh may dumarating na mga pagsubok sa magkakaibigan.

May time na di mo maiiwasang magtampo at magalit sa kaibigan mo. Minsan nga kahit walang kwentang bagay eh pinag-aawayan nyo. Yong iba halos magsuntukan o magsabunutan. May iba namang halos mambugbog at magwala sa galit. At ang pinakamalupet ang ipakulam ang kaibigang nang-ahas sayo. Pero meron din namang kalmado lang at mahinahong hinaharap ang di  pagkakaunawaan.

Tulad na lang ng dalawang babaeng na-ispatan ko nang mapadaan ako sa Jollibee. Nakaupo sila sa table na malapit sa kin. Nagtaka ako kasi parang strangers sa isa’t-isa ang dalawa. Nakaupo sa isang table pero di nagkikibuan. Pareho silang walang imik at pang-Biyernes Santo ang mukha.

May pumasok na kalokohan sa isip ko. Ano kaya kung picturan ko ang dalawang to? Kaya nilabas ko ang phone ko at patagong kinunan sila ng picture. Para maniwala kayo sa sinasabi ko, ganito ang sitwasyon…

dsc00036.jpg

Oh di da? Para silang two different people from two different places. Parang napilitan lang silang kumain sa isang table. Ang space sa pagitan nila eh magsasabing wala sila sa mood mag-usap. Halatang-halata na may namumuong cold war sa pagitan nila. Parang ilang segundo lang eh mag-aahitan ng kilay at magbubunutan ng buhok sa ilong.

Nagtaka ako kung bat ganon na lang kasama ang loob ng mag-kaibigang yan. Sa tingin nyo, ano ang pinag-awayan nila? Is it…

A) Gusto pang kumain ni Girl A pero ayaw syang ilibre ni Girl B

B) Nagtakaw si Girl B at konti lang ang nakain ni Girl A

C) Nabili ni Girl B ng pagkain ang pamasahe nila pauwi

D) Gusto nang umuwi ni Girl B pero takam na takam pa sa pagkain si Girl A

Malapit ko nang maubos ang in-order kong spaghetti ng may mapansin ako sa dalawa. Biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Tingnan nyo na lang to…

dsc00037.jpg

Ang dating magka-away eh nagkabati na all of a sudden. Ibang klase din naman ang trip ng dalawang to. Kani-kanilang eh di maipinta ang mga mukha. Ngayon heto at abot-tenga ang ngiti.

Nawala na nga ang tantrums ng dalawa. Nakuha pa nga nilang magpa-picture sa katabi nila. Ayon, kinunan ko rin sila ulit ng picture para maipost ko naman dito.

Haayyy…Napaka-unpredictable talaga ng mga tao ngayon. Parang mga bata na away-bati. Pero ang importante, marunong tayong magpatawad. Sa huli ay peace pa rin ang mananaig. Love and peace always prevail. Spread love guys! Make love not war. 😆

Black Balentayns

February 14, 2008

Balentayns na pala ngayon. Parang di ko man lang namalayan. Di na kasi big deal sa kin ang balentayns. Para sa kin, ordinaryong araw lang to na dapat salubungin sa ordinaryong paraan.

Tulad ng nakagawian, shirt at pants lang ang suot ko ngayon. Polo? No way. Wala naman akong kadate para magpaka-pormal. Lumaki rin ako sa paniniwalang pula ang sumisimbolo sa balentayns. Pero ano namang pakialam ko don. Napaka-conventional na nyan para sa kin.

Kaya ngayon eh itim na shirt ang sinuot ko. Di naman sa pinagluluksa ko ang pagpanaw ng aking mga ex. Gusto ko lang maiba. Parang sumunod tuloy ako sa isang patalastas sa TV na may temang Black Valentines. Pero okay lang. Yon din naman ang gamit kong shampoo. Kaya din siguro confident akong magblack ngayon dahil alam akong di magkakalat ang balakubak ko. 😆 Parang sinasadya nga’t di rin ako nakapag-gel.

Pagdating ko sa opis, marami rin ang nakaitim. Di pala ako nag-iisa. Marami ring di naniniwala na pula ang kulay ng pag-ibig. Sa katunayan, maraming nagsasabi na “Love is blind”. Meaning, lahat tayo’y nabubulag sa pag-ibig kaya di natin makikita ang kulay nito. 😆

Para naman sa mga hopeless romantic dyan, just go on with your lives! Mag-celebrate kayo hangga’t gusto nyo. Manood kayo ng sine, kumain sa mamahaling resto, mamasyal sa Luneta, at magcheck in sa motel. The night is all yours! 😆

Pero isa lang ang mensahe ko ngayong Balentayns…

Valentines is not only for lovers. It should also be the time to reflect on our past lovers and hope that they are still alive…alone…and miserable! 😆