Sick and Tired of Sickness

Medyo mahina na rin pala immune system ko. Madalas na kasi akong magkasakit ngayon. Apektado rin ako ng pabago-bagong klima na dulot ng global warming.ahehe πŸ˜† Inatake pa lang ako ng trangkaso no’ng December pero heto at humirit na naman ang sipon at OA na ubo. Sumusobra na ang mga sakit na to ah! Pinagbigyan ko na nga minsan eh namihasa naman. Di na tama to! I’m sick and tired of being sick! Pootcha! Makainom na nga ng lason at nang matepok na ang mga pahirap na virus na to. Watch out mga kadiring viruses, matitikman nyo na ang aking paghihiganti. 😎 Ewan ko lang kung di nyo pagsisihan ang pagdapo nyo sa kin! Makainom na nga ng Vitamin Beer. πŸ˜†

Alam kong di ko naman ikaka-dedo to pero nakakainis din minsan. Ayoko kasing panay ang punas ko sa tumutulong sipon. Halos ako na nga siguro ang nakakaubos ng tissue sa office. Napadalas na rin ang hingi ko ng Neozep sa admin. sheet! Pati ba naman sa pagtulog eh di pa rin ako tinatantanan ng sipon. Dahil nga barado sinuses ko, nandon yong mapaluha ako habang nakahiga. Yong tipong sa mga teleserye at drama anthology lang napapanood. Kaya ko rin palang gawin yon pag may sipon. 😎 Nakakapagod ding matulog nang nakanganga na para bang si Pedro Penduko na naghihintay na mahulog ang mutya sa bunganga nya. Ayan, from drama to adbentyur na to! Nakakatakot din kasi baka matakpan ng unan ang bunganga ko habang tulog ako. Baka matapos agad ang career ko non. Naks, parang si Heath Ledger. πŸ˜† From local showbiz to Hollywood kaek-ekan na rin siguro.

Pahirapan na rin ngayong bumili ng Neozep. Nong Sabado, tatlong tindahan napagtanungan ko. Wala na daw silang Neozep. Tumaas na rin pala ang demand kaya kinapos ang supply. O, pati pala Economics. Nakailang gamot na rin ako kaya medyo nakaka-inhale at exhale na ang malalaking butas ng ilong ko.Β Β 

Napansin raw ng officemates ko na naging tahimik ako this week. Naninibago raw sila sa kin. Para kasi akong pipi na di nagsasalita. Di naman ako madaldal pero madalas akong makipagkulitan sa kanila. Sumasama naman ako sa kanila pag break pero nakikinig lang ako sa kulitan nila. Parang ang lalim ng iniisip ko pero ang totoo eh wala naman. Tamang senti lang naman ng taong walang pera.

Pasensya na kayo mga giliw kong kaibigan at kaharutan. Ganito lang talaga ako pag may sipon. Nagko-concentrate akong huminga. Ayoko ring mahawaan ang isa man sa inyo. Ganon ko kayo kamahal. charotz! πŸ˜† Mas nanaisin ko pang solohin ang sakit kesa sa makita kayong naghihirap. Baka sabihin nyo na naman na ako ay isang “incubus of viral plague”.

Advertisements
Explore posts in the same categories: pagod syndrome, sakit-sakitan

8 Comments on “Sick and Tired of Sickness”

  1. zeemerblock Says:

    waahhh..marami na pla tau dito na natamaan ng sipon!! i really hate it.. prang may gumagalaw galaw sa luob ng ilong ko.. hehehe… eeewwww,,,,,

    hehe…cge, bigyan nyo na lang ako ng gamot.wahaha. πŸ˜† buti na nga lang maluwag-luwag na nostrils ko. pero alam mo na, medyo barado pa rin kasi ang sipon pag natutuyo nagiging kulangot! jowk 😎


  2. hahahah! buti nalang malakas ang immune system ko… wahahha! di ka kasi umiinom ng Celin eh! yan tuloy! wahahha! di na uubra ang Neozep dyan! ibang level na ang sipon at ubo mo.. feeling ko tuloy umiiyak ka o di kaya sumisinghot ng rugby.. haayyzz.. addict na naman katabi ko.. wahahha! πŸ˜†

    @nickname,
    Haha. pasalamat ka at mabait ako kaya di kita hinawaan. mas mabisa daw ang kalamansi kaya yon na lang ang iniinom ko. sabi rin nila nasa balat daw ang sustansya kaya di ko na rin binabalatan. bwahaha! 😎

    cguro nga lumilevel up na to! yooohhhooo! hehehe πŸ˜†

  3. zeemerblock Says:

    much better na yan.. kc if kulungot na, mas madali mo ng matanggal..hehehehe…joke!

    @zeemerblock,
    may point ka don ah. kasi solid na sya. any time pwede nang kalikutin sabay pahid sa dingding. toinkz! πŸ˜†

    pag sipon kasi di matatanggal unless patuluin sa baso at ilagay sa ref para mag-yelo.ahehe 😎

  4. zeemerblock Says:

    eeeewww… yuckie na au!! haHAHAHA… yan ang ginagawa mo parati noh?? hehehe

    haha πŸ˜† hindi naman parati. paminsan-minsan lang naman. ahehe πŸ‘Ώ


  5. yakee Lex.. you’re so eww! πŸ˜›
    haLer, my vit C shield kaya ako.. aahahaha! kaya hindi ako nahawaan.. kawawa naman si echel.. siya na naman susunod.. incubus of viral plague Level 113 kana talaga! to the maximum level.. πŸ˜†
    pwede mo nang puksain ang buong daigdig, pati underworld.. πŸ‘Ώ
    ahh wait, asan na ako?? basta! nakakahawa ka! yun Lang! bow! πŸ˜€

    bwahaha πŸ‘Ώ biktima lang ako ng virus. kaya nga pinatay ko na ang mga virus na yan. di naman ako magpapa-alipin sa mga peste na yan habambuhay. hehe 😎 ayon utot lang pala ang katapat! hehe πŸ˜†

  6. Lost Says:

    eeeww!!! nasty!

    hehe. πŸ‘Ώ nakakain ka na ba ng tira-tira? sabi nila kulangot daw ang main ingredient non. jowk onli! pero malay natin baka totoo. πŸ˜†

  7. yuie Says:

    *calm and collected on the outside*
    *what’s going on inside the head* —- ( must kill lex! how? how? how?)

    P.S.
    U shud not be allowed in public!//ehehehe

    bwahaha. πŸ˜† yan ang gusto ko sa’yo eh. napakalambing mo sa kin. madalas na ngang magkasakit eh gusto mo pang patayin.hehehe 😎

  8. yuie Says:

    die maggot! die! (insert evil laugh)

    bwahaha. thanks! πŸ‘Ώ sunod ka agad ha!hehe πŸ˜†


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: