Kabarkada, Sinulog Na!

sinulog3.jpg

THE SHOW IS ON. Eksena bago umulan.

sinulog1.jpg

INTRUDER. Nakitambay ako! Yahhhoooo….

sinulog2.jpg 

 HATAW NA. Da show must go on! Rain or shine to…

Malapit-lapit na pala ang Sinulog. First time ko ‘tong maki-Sinulog kasi ‘di na ko nakaabot last year. February na kasi nang mapadpad ako dito sa Cebu. Ilang araw na lang pala eh makiki-Pit Senyor na ang lolo n’yo. Last week nga lang eh sumugod pala ako sa Abellana Sports Complex para manood ng Sinulog ng Kabataan sa Lalawigan ’08. Iniwan ko lang munang nakababad ang labahan at naki-join sa Sinulog ng mga bagets.

‘Di ko alam kung saan ‘yong Abellana. Malapit daw sa CNU (Cebu Normal University) kaya sa tapat ako ng CNU bumaba. Nasa likod pa pala ng main gate ang sports complex kaya sumabay na lang ako sa mga taong naglalakad kahit ‘di ko alam kung saan sila papunta. Buti na lang manonood din pala ang mga pipol na ‘yon. Nagsimula na ang event pagdating ko. Puno na ang mga bleachers. ‘Ika nga eh, di mahulugang karayom. ‘Di rin nagpahuli ang mga Kano at iba pang mga foreigner. Ocean of faces ‘ika nga at different races. Heto nga at naglipana na ang mga terorista (este turista pala).’Di na ako umupo kasi mas okay ang view sa malapitan. Makikita ko pa kung sino ang papalpak kung sakali.LOL.

Pagkatapos ng mahabang ka-echusan eh nagsimula na rin ang much-awaited event. Makikita mo agad ang colorful costumes ng mga kasali. Para ngang nagkaroon ng rainbow sa lupa.LOL. Nag-enjoy ako sa panonood sa mga bata. Nakakabilib talaga ang mga moves at performance level ang mga tiyanak. Ilang dangkal pa lang eh hanep na kung sumayaw. Napa-wow ako kasi ‘di madaling turuan ang mga bata. Baka atakihin ka na sa puso eh ‘di pa rin makaka-pick up. Ilang buwan kaya nila prinaktis ‘yon.

‘Di nagtagal eh umulan. ‘Di naman kalakasan pero enough to make you step back and run for cover. Dahil nga basa na ang stage, sa track na lang ng oval tinuloy ang performance ng high school category. Marami na rin kasing nadulas at lumagapak sa stage. Syempre dapat poised pa rin kaya smile to do the max despite of the embarrassment. Okay lang ‘yon kasi mas masaya talaga pag may bloopers. Nag-enjoy rin ako sa facial expressions ng mga nagsasayaw. Merong naiiyak habang nagsasayaw. ‘Yong iba naman eh abot-tenga ang tawa. Meron ding hingal na hingal na parang ilang kilometro ang tinakbo. Dahil nga umulan, puno ng putik ang costumes ng mga nagsasayaw. Pati nga make up eh nalusaw at halos wala nang matira. Sabi nga nila, the show must go on kaya todo project pa rin sila.

Halos limang oras ang itinagal ng event. Kaya nga nangawit mga paa sa katatayo. Napakaraming tao. Mas marami pa siguro kesa sa pumunta sa Manila Pen nang magrebelde si Trillanes.LOL. Kahit saan ka tumingin eh may makikita kang tao (regardless sa hitsura ng iba). jowk onli!

Nag-enjoy naman ang lolo n’yo. I was entertained, kumbaga. Medyo sulit naman ang binayad kong P30 para makapasok. Nang matapos eh nag-unahang lumabas sa venue ang mga pipol. Para bang nga langgam na nabulabog nang maapakan ang lungga nila. Pero masaya naman  kasi naki-join ako sa mga pipol na ‘yon sa pag-honor kay Sto. Niño.

Kaya mga katambay, gumala na sa kalye at manood ng Sinulog sa January 20. Kita-kits tayo ha! Sigurado magi-enjoy kayo. Pramis…

Advertisements
Explore posts in the same categories: barkada trip, Sinulog

16 Comments on “Kabarkada, Sinulog Na!”

  1. zeemerblock Says:

    ohh looks like you had a great time.. you also made new friends…ng blend in jud ka.. hehehe..joke…

  2. beer-O Says:

    @zeemerblock,
    yeah, i had a great time. haha. mao jud. nagblend in jud ko. i look like one of the kids.LOL.

  3. zeemerblock Says:

    @beer-O,
    hahah..cge lng atleast one of the kids..asa mn ka mas mu prefer mu blend in ka sa tigulang?? hehehe.. waahhh.. wla na nmn akong mgawa sa buhay ko.. heheheh

  4. beer-O Says:

    kaya nga. mas OK pa magblend in sa mga bagets kesa sa senior citizens.LOL.mao ba? hayhaya diay mo dha.hehe. mao ba akong bisaya.LOL

  5. zeemerblock Says:

    yah okay ra imo bisaya.. unsa jud diay dialect nimu??

    okay lang pala. waray man jud ko.hehe

  6. beer-O Says:

    okay lang pala. waray man jud ko. then former caviteño.LOL

  7. zeemerblock Says:

    ahh okay.. amazing.. hehehe… nglabad njud ako brain dri.. wla nkuy topic para sa emphasis.. waahhh!!

  8. beer-O Says:

    Hehe. well, gud luck! kaya mo yan…hehe

  9. zeemerblock Says:

    kbalo bka, naa juy milk thief sa atoang office!! hahaha.. c pam ky twice njud gikuha iyahang fresh milk na gibutang sa ref.. hahaha..

  10. beer-O Says:

    mao ba. so, dis is the breaking news. hmmm. i wonder who the milk thief is. i know may anak na ‘yon. baka walang gatas ang anak. LOL.

  11. zeemerblock Says:

    hahahah.. cguro nga.. now it is easier to look for the thief kay na categorize nmn.. hehehhehe

  12. beer-O Says:

    haha. mao jud. it would be easier to identify the thief kasi konti na lang ang suspects.LOL

  13. zeemerblock Says:

    yah.. sosyal pa ang milk thief kai namili pa ug brand.. wla jud nya kwaa ang magnolia ky nestle rai iyaha.. hehehe

  14. beer-O Says:

    Wooow. Syempre, magnanakaw na man lang eh yong mahal na.LOL. sino kaya ang salarin?hehe.

  15. zeemerblock Says:

    we know na kung cno.. its all a misunderstanding diay.. pero funny parin.. 😀

  16. beer-O Says:

    Hehe. kinsa diay?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: