Nagtanong Ka Pa

Ewan ko ba kung ba’t may mga taong nagtatanong pa kahit obvious na masyado ang sagot. Sabi nga nila, isa ‘to sa mga natatanging katangian ng mga Noypi. Okay, sabihin na nating gan’on na nga ‘yon. In other words, ang iba sa atin ay engots o ‘di kaya ay tinatamad lang mag-isip bago magtanong. Baka kasi mapagod pa utak nila at mag-nervous breakdown.

Lately, naging biktima ako ng ganitong klaseng mga tao. ‘Di naman ako galit sa mga pipol na ‘to pero ‘do ko lang maiwasang mapikon. Kayo ba naman ang tanungin ng walang-kwentang katanungan kung ‘di kayo madismaya.
Chapter 1: CASHIER IN TROUBLE

Pumunta ako sa mall kagabi pagkalabas sa office. Tumungin-tingin ng mga sapatos na can afford kong bilhin. Medyo may kalumaan na kasi ang sapatos ng lolo n’yo. Baka ilang araw na lang itagal kaya kailangang bumili o ‘di kaya eh magnakaw para sa replacement. Baka kasi habang naglalakad ako eh matuklap ang swelas at pagtawanan pa ‘ko ng ‘sangkaterbang socialites-in-the-making.

Pagkatapos ng mahabang fit to foot, nakapili rin ako ng makakaya ng butas kong bulsa. Kaya ayon, pila agad ako sa counter. Nakaharap ko agad ang cashier na namumula ang mukha. Ewan ko ba kung nagba-blush lang ‘yon o nasobrahan sa make up. Dahil sa one thou plus ang presyo ng shoes, I gave her one five. Biglang umasim ang mukha ng cashier. Sabay tanong, “Sir, wala kang P100?” Parang nagpapatawa ‘to ah. Eh di P1,100 lang sana ang inabot ko sa kanya kung meron. Hindi ko naman ugaling magpasikat dahil hindi naman talaga ako much money. Minsan nga lang magkalaman ang wallet ko. Ano kaya problema no’n? Wala na silang panukli o ayaw n’ya lang magbilang?

Chapter 2: DRIVES ME CRAZY

Kanina lang eh sumakay ako ng jeep. ‘Di na nakakashock ‘yon kasi araw-araw naman talaga akong bumibiyahe. Nagmamadali ako kasi baka ma-late na naman. Bawas P100 na naman sa sweldo ‘pag nagkataon. Medyo puno na ang jeep at siksikan na ang mga pasahero. Afraid to get another late this month, sumakay na lang ako.

Malapit na ‘kong bumaba kaya kailangan ko ng sabihin ang “Palihug” at iabot ang ten-peso coin. Tinanggal ko muna ang earphone na nakasakak sa mga tenga ko kasi baka magtanong ang driver kung saan ako bababa. Pagkatapos kong sumagot, binalik ko na earphone. Dahil enjoy na enjoy sa sound trip ang lolo n’yo, ‘di ko namalayan na nagtanong pala ulit ang driver. Namalayan ko lang nang kalabitin ako ng katabi ko.

Sa expression ng mukha ni manong driver eh parang galit na hindi ko siya nasagot agad. Kasalanan ko ba? Eh ‘di naman n’ya inubos agad ang tanong n’ya. And I expect matatandaan n’ya kung saan sumakay ang mga valued passangers n’ya. Gano’n na ba karami ang sumakay sa karag-karag n’yang jeep kaya na-mental block s’ya? Oh baka naman nakalimutan n’ya kasi busy s’ya sa pakikipagchikahan sa kung sino man ang nasa front seat.

  
 

Advertisements
Explore posts in the same categories: personal, work

9 Comments on “Nagtanong Ka Pa”

  1. zeemerblock Says:

    hello..sorry for the intrusion..i just find this blog really interesting.. tama ka talaga.. there’s nothing more annoying than people with mindless questions.. hehehe… ESL TD man ka noh?? hello, hello officemate… heheh 🙂

  2. lex22 Says:

    it’s okay. thanks for the comment. now, i know that someone is reading my B-O-R-I-NG posts.hehe. may nag-agree din sa ‘kin. Yeezz. how did u know? ESL specialist ka?

  3. yuie Says:

    okey.. since you wrote the blog by chapters, im gonna comment on it by chapters too..

    Chapter 1
    Cut them some slack!
    Although they asked if u had a 100 peso bill, di ibig sabihin nun eh di nila ginagamit ang utak nila.. Hello? Tendency kasi sa pinoy eh they give a larger amount even though may smaller bill sila. Bakit? Kasi para di na mahirapan mag change bill in case gagamitin later. Like sa pamasahe. If ur buying something and know na u dont have barya later 4 ur pamasahe, and u only have to pay, 4 say 50 pesos, of course u wud give them ur 500 peso bill and not ur 50 peso bill. Kasi baka ikaw naman ang supalpalin ng driver ne jeep [ im assuming u wont ride a taxi here] nyan pag nagbigay ka ng 500 pesos ang pinamasahe mo. I do this things most of the time. Heck, everybody does it. I know u do it, too. Wag kang epal..ehehe

    Chapter 2
    The driver is DRIVING!!! Duh!
    Of course, ang main attention niya is sa kalsada, hindi sa mga pasahero. It happens talaga that they ask u something but they’re not actually listening to ur reply, kasi nga busy cla sa pag da drive! Saka u said so urself puno ang jeep, so expected na hindi nya maalala ang kung saan sumakay ang lahat ng pasahero, unless of course kung nka miniskirt ka…ehehehe
    The common courtesy of course is pag pasa mu ng bayad mu, sasabihin mo kung saan ka galing at saan ka bababa. Ganun yun!
    If u really wanted the driver to take his sweet time asking ur whereabouts, baka hindi ka na umabot sa destinasyon mo. Pihado, sa sementeryo kayo tumuloy..hahahaha
    Peace yah! im bored.hehe

  4. lex22 Says:

    @yuie,
    Wow. Maraming salamat sa kilometric comment. LOL

    Yeah. Andon na ko. May tendency nga ang Pinoy na magmalaking mapera sila. But it really doesn’t make sense to ask for something that is not there. May point ka, kaya lang it applies to a different situation. Eh wala na silang paki d’on.hehe. Ok lang sigurong magbigay ng big amount kung wala ka talagng barya. Pag malaking pera binigay mo pero may mas maliit naman, ‘yon ang bad. Tama ka, minsan lang akong sumakay ng minsan. Pag pauwi lang siguro ako sa min at pagdating dito.LOL.

    Haha. hindi nasa kalsada ang attention n’ya. may kausap nga sya eh. Ok lng sa kin kung focused sya sa pagda-drive kaya lang di eh. Kasasakay ko pa nga lang eh nakalimutan nya agad.hehe. wahaha. naka miniskirt ba ko ngayon.hehe. baka nasa loob ng pants ko. LOL. tenks na rin sa advices. ok lang na mapunta kami sa sementeryo, marami naman kami eh.LOL

  5. zeemerblock Says:

    @lex,
    yup2x ESL specialist ko.. we’re locked inside our boring little room eh kya hindi kmi masyado mkapagmingle sa inyo.. 🙂
    regarding sa posts mo, hndi nmn boring ahh.. mas boring pa nga yata ung posts ko.. heheh.. 😀

  6. lex22 Says:

    @zeemerblock,
    Hehe. Yup. I can observe that.LOL. you guys are locked inside a dark room.hehe. Thanks! Can u give me your link? Para magbasa sad ko.hehe

  7. zeemerblock Says:

    surely.. yaw panaway ha..pangit rba akong mga posts.. trip2x lng gud.. post post kunuhay.. hehehe…
    zeemerblock.wordpress.com
    😀

  8. Lost Says:

    wala lang… agi lang ko..

  9. lex22 Says:

    @Lost
    LOL. tenks for dropping by then.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: