Introducing: Da WASALAKs

 CAMRONGRACEcle.jpg

Nakaka-miss na ang mga WASALAKs. Medyo matagal na rin kasi kaming ‘di nagkikita-kita. Last year pa nang umuwi sila sa probinsya. Tuwing fiesta lang kasi sa ‘min nag-uuwian ang mga tao galing sa Manila zooCAMRONCAMRONo. Sila ‘yong mga kababata ko na nasa Caloocan. ‘Yong iba naman eh nasa Crame. Ginawa na siguro nilang kuta at tambayan ang Crame at pinaalis ang mga pulis. 

Dahil nga minsan lang sa isang taon kami mag-reunion, sinusulit namin ang bawat araw. Halos isang araw lang siguro ang rest day at lasingan na naman. Kariresign ko pa lang  bilang callboy, este call center boy pala, no’ng May kaya nakauwi ako sa Leyte. Actually, nag-AWOL ako.hehe. Nakauwi rin ako at nag-reunion ang mga WASALAKs. In case you don’t know what WASALAK stands for, Walang Sawa sa Alak ang ibig sabihin n’yan. Naku, talagang babaha ng alak ‘pag mag-volt in ang mga ‘to. Exag na yata ‘to masyado. Advice ko lang, ‘don’t forget to take LiverAide. ‘Ayan nag-promote pa ‘ko. Libreng advertising na ‘to.LOL

‘Di ko na patatagalin pa. Ipinagmamalaki ko pong ipakilala sa inyo ang aking mga katropa, kainuman, at katambay, Da WASALAKs…Palakpakan naman d’yan. Heto na ang mga sikat pagdating sa inuman.

NAME: Camron (far left)

Made in Australia but born in Pinas. Panalo ‘to sa sayawan. Kami na nga lang ang nagpapakalayo-layo at baka mapa-trouble pa sa dance showdown.  Pero drag racing na raw ang trip n’ya ngayon. Muntik na ngang manghiram ng mukha sa aso nang mag-crash.LOL

STRENGTHS: Eto ang taong ‘di nakakatulog ‘pag di nakakainom ng lason sa atay. ‘Di madaling mapatumba ‘to. Halos mag-umaga na eh dilat pa rin ang mga mata ng kuwagong ‘to. Kung uminom ‘to parang nililimugmog lang ang Empy.  

WEAKNESSES: Mababaliw yata ‘to ‘pag di makatungga ng beer o kahit anong nakakalasing. Pero ‘wag ka, nagwawala ang gago ‘pag may amats na. Maghanda na lang ng mga barangay tanod.HEHE

NAME: Grace (middle)

Pareho kaming pinagkaitan ng height. Naghihilik siguro kami ng mamigay ng height si God. Maganda naman daw siya sabi ng ermat n’ya.  ‘Yon na nga siguro ang saving “Grace” n’ya.

STRENGTHS: Eto na siguro ang pinakamalupit na payat na babae sa balat ng lupa. Sa liit ng katawan ng babaeng na ‘to eh nakukuha pang uminom ny Empy. BEWARE. Maamong tingnan na parang ‘di makabasag pinggan pero ‘pag tinopak ‘yan, nagiging playgirl sa hatinggabi. LOL

WEAKNESSES: ‘Di na siguro tataba ‘to. Kahit na siguro ubusin n’ya ang laman ng CENTRUM o CLUSIVOL. ‘Di rin pala epektib na pampurga ang alak . Tingnan n’yo na lang ang ebidens.LOL

NAME: Clefford (far right)

Obviously, kalahating tao’t kalahating kapre po ‘to. Este, kalahating African pala. Made in Tate but born in da Pilipins. Kaklase ko ‘to no’ng Grade 5 na madalas mangopya.LOL 

STRENGTHS: Ang kapreng ‘to ang umuubos ng beer, Tanduay, Empy atbp sa tindahan nila Nanay Azon. Galante naman ang isang ‘to. ‘Di kuripot at madalas na sponsor ng inuman. Siguro gising ‘to nang mamigay ng height si God. Kinuha n’ya siguro ‘yong para sa ‘min ni Grace.

WEAKNESSES: Magkakasakit siguro ‘to ‘pag nabitin sa inuman. O ‘di kaya eh magwawala sa bahay nila at babasagin ang appliances. Kaya naman sermon lagi ang abot sa ermat n’yang nasa Land of Kangaroos. ‘Di lang ‘yan. Konting trivia lang, naglaslas na po ‘to pero nagpapansin lang. Mukhang matino pero hindi. Suicidal pala ang emote ng lintyak. Buti na lang ‘di natuluyan.LOL

Actually, marami pa sila. ‘Di ko lang mahagilap ang picture ng iba. Pasalamat kayo at ‘di kayo masisindak. Hehe. Kelan kaya ulit kami makakapag-bonding ng mga kumag na ‘to. Siguro lasingan moment na naman  ‘yon. Drink ’til you drop. Sana magustuhan n’yo ‘tong tribute na ‘to. Para sa inyo ‘to!LOL

PAALALA: Kung sakaling makita n’yo ang mga taong ‘to, tumawag lamang po sa pinakamalapit na police station at sabihing…”Wala lang.”

Advertisements
Explore posts in the same categories: barkada, booze, tambay moment, tropa

One Comment on “Introducing: Da WASALAKs”

  1. clefford Says:

    hahaha… tnx my fren salamat sa mga message u sakin na hindi totoo.. yeah! isa lang naman ang hindi totoo… im not african ok? im black american.. hnd me lahi nun nuh! iba ata tuh.. malayo-malayo sa africano.. by d way salamat parin and i miss you narin my fren sana wish ko hnd kana “KURIPOT” pag nag kita-kita ulit tau sa bundok.. esti.. tacloban hehehe… ang ganda ng kuha ko sa picture nuh? lasing na nga me nyan -e… tnx ulit and takecare…

    haha 😆 wag ka na kasing magreklamo! ganon na rin yon kasi ang black american eh half african. haha 😆 let’s see…pag may pera di ako magku-kuripot. bwahaha 😎 ayan, nagbubuhat ka na naman ng sariling table. ahehe 😆 cge, welcome… 👿


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: