Bad Trip

Ang daming kamalasang dumating sa kin last December. Hindi naging madali ‘yong homecoming ko from Cebu to Tacloban. Sabihin na nating isa ‘yon sa mga pinaka-nakakainis na experience sa 22 taon ko sa mundo.
Wala na kaming trabaho no’ng 21 kaya 22 pa lang eh pwede na sana akong umuwi. Sa kasamaang-palad ng kumpare n’yo, ayon, dehins lang naman nakapag-book ng ticket. Alam n’yo naman, napakaraming gustong umuwi sa mga lab wans nila. December 20 pa nga lang eh wala na akong naabutang ticket sa Supercat. Full na daw booking nila until December 24. Whaaaattt? Hindi na lang ako bumili ng ticket. Ayoko ko kasing ma-delay for two days.
Nangyari pa rin ang ‘di inaasahan. Na-groggy ako sa Christmas Party namin no’ng December 21 kaya para akong nasa ospital kinabukasan. Hapon na ako nagising. Para ngang ayokong bumangon kasi nanginginig tuhod ko. Kayo ba naman hindi makakain maghapon. With matching ubo pa ‘yon ha!
Kaya ‘yon, 23 na ko nakakuha ng ticket. Pahirapan pa nga eh. You have to make pila and be bilad under the sun. Tenth customer na siguro ako from the counter nang i-announce ng hinayupak na unknown ticket guy na wala na raw ticket for that night. Oh, my gulay! Parang gusto kong pumulot ng bato at targetin ang ulo no’n. Buti na lang kinaya pa ng powers kong mag-calm down. They can’t blame me. Two hours na akong pumila tapos parang ang dali nilang sabihin na “Wala na’y ticket”. Bullfight! Wala naman akong nagawa. Tinamad na akong lumipat sa ibang ticketing outlets at makipag-unahang kumuha ng ticket. Whether I like it or not, para sa 24 na nakuha kong ticket.
Time really flies! Alas-sais pa lang eh ready na ‘kong pumunta sa pier pero 7:00 PM na ‘ko umalis sa maliit kong boarding house. Buti na lang parang disyerto terminal sa pier. Konti lang ‘yong mga tao. Isa na ta talaga ako sa late Cristmas travellers. Nakakuha agad ako ng terminal pass at pumila para makasakay sa bus. Ewan ko nga eh. Ba’t ganito na sistema ngayon? Dati di naman kailangang dumaan pa terminal. Ngayon kahit ilang dangkal ang layo ng naka-dock na barko eh magbabayad ka pa ng P10 para makasakay sa bus.
Siguro alas-otso pa lang eh nasa barko na ko. Alas-diyes raw kasi biyahe, mahirap nang ma-late. Baka ano pang maisip ko at maglangoy na lang papuntang Ormoc. Napaka-boring sa barko. Wala ka man lang maka-usap. Halos matuyo laway ko. Buti na lang may dala akong candy. Sumubo ako ng isa at humiga sa deck. A minute later, kumati lalamunan ko. Umatake na naman ubo ko. Muntik ko na tuloy malunok ‘yong candy eh. Actually, malapit na sa sikmura ko ‘yon. Ang weird nga kasi nailuwa ko pa!Haha!
Parang pinagmalupitan talaga ako ng tadhana no’n. Hindi umalis ‘yong barko on time. Ewan ko nga kung bakit. Wala man lang kasing nagsabi sa ‘min. Akala ko mga 30 minutes lang ‘yong delay, 11:00 PM na eh nakalutang pa rin ang barko malapit sa pier. ‘Di nagtagal eh may mga nagpaputok na. Shet! Pasko na pala! First time ko ‘yong mag-noche buena sa barko. Tinawagan ko na lang family ko to say “Merry Chistmas” kahit ‘di naman talaga ako masaya. Pagkatapos, dinaan ko na lang sa higa. ‘Di rin naman ako makakatulog dahil sa ubo. Maya’t-maya eh kakahol ako na parang aso. 12:30 AM na umalis ang barko. Buti nga naisipan pa nilang umalis.
Madaling-araw na nang makarating ako sa Ormoc. Nakipagsiksikan agad ako sa V-hire papuntang Tacloban. Matagal-tagal pa biyahe kaya nangawit pa puwet ko. 

After the long and bad trip, nakarating din ako sa ‘min. Halos nakapikit na mata ko sa antok. Dyahe nga kasi pinahirapan ako ng putchang ubo. I stayed awake all day. Nakipagkulitan na lang ako sa mga pamangkin ko at nakipag-story telling sa mga friendship. Hindi ko na nga ako nakaramdam ng pagod. It’s worth all the shit! Ayokong i-recall pa ‘yong kamalasang nangyari sa ‘kin. Mas okay isipin na I’m home sweet home… 

Advertisements
Explore posts in the same categories: personal, travel

14 Comments on “Bad Trip”

  1. Lost Says:

    wawa naman…
    hehehe…

  2. nickname™ Says:

    Kawawa ka naman. E, kung lumangoy ka nalang sana at ‘di na naghintay na umalis ang barko, e di nakapag-Xmas ka pa sa inyo.

    Buti ka pa, may travel2x experience sa vacation mo, ako WALA! 😦

    I really wanna go out of Cebu. Nakakasawa na kasi dito. I’ve been here for years at nalibot ko na ang buong isla, from North to South, East to West. Kaya, gusto ko na talaga makapunta sa ibang sulok ng Pilipinas. Hayzz.. Na-miss ko tuloy ‘yung pagpunta ko ng Maynila. Island-hopping naman tayo paminsan-minsan. Hehe 😀

  3. lex22 Says:

    nickname,
    haha. ‘Di ko kayang lumangoy kasi may dala akong bag at kung anek-anek pa! Baka malunod pa ‘ko.hehe. Buti naman may naawa sa ‘kin. Pero ok lang ‘yon! Binaon ko na sa limot ang karanasang ‘yon!char.

    Ok lang ‘yan. Dadating din ang panahon an makakapag-travel ka kahit saan mo gusto! If that time comes, isama mo ‘ko ha!hehe

  4. lex22 Says:

    Lost,
    Thanks sa awa ha!hehe.

  5. nickname™ Says:

    wahaha! uu nga. sama-sama tayong lahat! The more, the manier! 😀

    Kelan pa kaya mangyayari ‘yon. Sana maregular tayo at nang makapagleave tayo! weeee!

    I lab adbentyur kasi. Gusto kong umakyat sa bundok at magpalambitin sa mga puno. May lahi yata akong unggoy! wahehehe.. 😀

  6. lex22 Says:

    nickname,
    Ewan ko. Pero parang malapit nang mangyari sa kin ‘yon!haha. ‘Pag di ako ma-regular talagang on leave ako for two months.hehe. Uwi muna kasi me sa ‘min. Then, wait until May para magbakasyon sa Cavite.hehe

    Gusto ko rin ‘yon! Cool sigurong maging taong-bundok!hehe. Talaga, may lahi kang unggoy? Kunin mo nga lahat ng kuto ko!hahaha

  7. nickname™ Says:

    Ay, hindi ako ‘yung tipong kumakain ng kuto lang. Buong ulo mo siguro, pwede. Wahaha!

    Ikaw, hindi maregular? e, outstanding nga rating mo! pag sure uy!

    sama naman kami sa cavite! wahahah! ano bang meron dun? Malapit lang ba enchanted kingdom ‘dun? Gusto ko kasi bumalik ‘dun eh. I wanna beat my record of 5 rides sa space shuttle. Nakakahilo kasi. Wahaha! 😀

  8. yuie Says:

    isa’t kalahating baliw ka pala eh.. alam mo na nga peak season, di ka nag book ng ticket.. tapos ngayon ngangawa ka.. gago..
    buti nga sayo…bwehehehe.. tsaka iinum-inum, di naman pla kaya.. yun tuloy dafa!…ahahhahh

  9. lex22 Says:

    nickname,
    Hahaha. Ganon? Naku, medyo mahirap-hirap ‘yon ha! Naalala ko tuloy ‘yong video na blinutooth mo sa ‘kin kahapon.hehe.

    Haaayyy…I can’t be so sure. Mahirap nang mag-expect.hehe.

    Makiki-hitch nga lang sana ako sa pinsan ko eh.hehe. Marami namang attractions do’n. Ang layo kaya ng Cavite sa Laguna. Nasa Laguna ang Enchanted Kingdom, di ba? Biyaheng north ‘yon. Papuntang south ang Cavite.

    Good luck! 2 rides pa nga lang eh nakakahilo na. 5 pa kaya. Baka wala ka na sa katinuan pagbaba mo sa space shuttle.hehe

  10. nickname™ Says:

    Kahit kelan, malibog ka talaga! Yakee! wahaha!

    Ewan ko ano address ng Enchanted Kingdom. Basta, napadpad ako ‘dun kasama mga dabarkads ko. Hahaha!

    Okay kaya ang 5rides. Pagkatapos namin kumain, ride kaagad kami nun! Nice ‘yun! Nasuka nga yung astig sa ‘min eh. ahahaha. Astig-astigan kasi.

    Gusto ko namang gawing 10 rides, straight, ngayon! Ewan ko lang kung mabubuhay pa ako pagkatapos nyan. Wahahah! GudLuck to me. 😀

  11. lex22 Says:

    nickname,
    Haha. Sino ba naman ang hindi malibog. Nabuhay tayo nang dahil sa libog, di ba?

    I think sa Laguna ‘yon! Buti hindi ka nawala nang pumunta ka do’n. ‘Di mo kasi alam ang address eh.hehe

    Buti nga sa kanya!hehe. Mahina naman pala sikmura n’ya eh.

    Gud luck talaga. Baka sa ER ka dalhin pagkatapos.hehe

  12. nickname™ Says:

    Oh, sige na nga. Nabuhay na nga tayo sa libog. Cge, go forth and multiply! ahahah!

    Sa awani papa Jesus, hindi kami naligaw. ahaha! 😀

    Hindi lang cguro ER aabutin ko, baka sa sementeryo na! ahaha! 😀

  13. lex22 Says:

    Haha. Eh di nag-agree ka rin. ‘

    Wag naman. Maawa ka naman sa sarili mo.hehe.

  14. lex22 Says:

    yuie,
    Eh wala nga ngang tickets sa Supercat until 23 eh. Di na lang ako nag-book kasi di ko naman alam na madi-delay pa rin ako ng two days. Malay ko ba…hehe

    Para namang hindi ka rin nalasing. Hataw ka na nga sa kasasayaw eh. Hanep nga reggae moves mo eh. Parang “lashing” moves na rin.hehe.

    Umuwi ka lang nang maaga kaya di ka masyadong nalasing.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: